You are on page 1of 49

KONTEKSWALISADONG

KOMUNIKSYON SA FILIPINO
(KOMFIL)

Joner Lalu
TSAPTER I
METALINGGWISTIK NA PAGTALAKAY SA WIKANG FILIPINO

INAASAHANG BUNGA
 Matukoy ang kahulugan ng wika, dayalek, idyolek at iba pang konseptong pangwika.
 Mabigyan pansin ang mga konsiderasyon para sa varayti at varyasyon ng wika.
 Mabatid ang kahalagahan at kahulugan ng domeyn at rejister ng wika.

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


Ang Wikang Filipino
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng
Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang varayti ng wika para sa
iba- ibang sitwasyon, sa mga magsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa
mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Ang Wikang Filipino ang pagkakakilanlan ng ating pagkatao kaya, marapat na ito ay
bigyang halaga ng bawat mamamayan. Ito rin ang bumubuo sa ating kultura na
nagpapatibay sa atin bilang Pilipino, kahit na tayo ay maraming wikang alam hindi ito
magiging sagabal upang talikuran ang sarili nating wika bagkus paigtingin mas higit ang
paggamit nito hanggnag kasalukuyan.

EBOLUSYON AT PROBISYONG PANGWIKA SA KASAYSAYAN NG WIKANG


PAMBANSA
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,107 mga pulo at ito ay nahahati sa tatlong malalaking
pangkat, ang Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang tatlong malalaking pangkat na ito ay
kinabibilangan ng labing anim (16) ng rehiyon.
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang napakaraming wika. Ayon sa listahan ni Grimes
(2000) mayroong nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng
NSO noong 2000 mayroon itong 144 na buhay na wika.
Batay kay sibayan (1974) humigit kumulang 90% ng populasyon sa bansa ay
nagsasalita ng isa sa siyam na pangunahing wika.
Matatagpuan sa Pilipinas ang humigit kumulang na walumpung wikain (80). Siyam
rito ang sa ngayon ay kinikilalang pangunahing wika.
1.Tagalog 6.Maranao
2.Kapampangan 7.Bicolano
3.Cebuano 8.Bisayang Waray
4.Ilocano 9.Bisayang Hiligaynon
5.Pangasinense

Batay sa kasaysayan, may mga dayuhang may ibat-ibang dalang kulturang pangwika
tulad ng Indones,Malay,Tsina,India at Arabia na nakaimpluwensiya sa mga Pilipino na
nagpalubha ng husto sa mga suliranin, sa di pagkakaunawaan ng mga mamamayan.

ANTAS NG WIKA AT PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA

Paglilinaw sa Ilang Mahahalagang Konsepto

Ano nga ba ang wika at kung paano ito naiiba sa iba pang katawagang pangwika
gaya ng dayalek, idyolek at iba pa? Kailangan ang isang malawakang pag-aaral at pag-
aanalisa kaugnay ng mga ito:

Varayti at Varyasyon ng Wika

Wika, Dayalek, Idyolek at Iba


pa. Wika
Ayon kay Hutch(1991), ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang
sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.

Bouman (1990) naman ang nagsabing ang wika ay isang paraan ng komunikasyon
sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na
ginagamitan ng mga berbal at Biswal na signal para makapagpahayag.

Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan
ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha
sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita.
Ngunit sa lahat ng ito, natatangi ang pagpapakahulugan ni Gleaso (1961) sa
wika. Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinsalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.

Mga Katangian ng Wika

ANG WIKA AY TUNOG. Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang natutuhan


ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pagsulat na paglalahad. Ang mga
ito ay niririprisinta ng mga titik.

ANG WIKA AY ARBITRARYO. Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito’y


maaaring
gamitin para sa isang tiyak na layunin

ANG WIKA AY MASISTEMA. Kung pagsama-samahin ang mga tunog ay makakabuo


ng makahulugang yunit ng salita , gayundin naman, kung pagsasama-samahin ang mga
salita ay mabubuo ang pangungusap o parirala.

ANG WIKA AY SINASALITA. Nabubuo ang wika sa tulong ng iba’t ibang


sangkap ng
pananalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, ngalangala, at lalamunan.

ANG WIKA AY NAGBABAGO. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng wika ay patuloy rin


itong nagbabago.
ANG WIKA AY KABUHOL NG KULTURA – Ang kultura at wika ay dalawang bagay na
di mapaghihiwalay. Ang wika ay aspekto ng kultura.

ANG WIKA AY MALIKHAIN – Malikhain ang wika dahil walang limitasyon ang bilang
ng mga salitang maaring mabuo. Sa tuwing tayo ay magsasalita, ipinapahayag natin ang
ating mga sarili sa ibat-ibang paraan.

ANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN – Sinuman ang epektibong gumamit ng wika ay


nakapagtatamo ng malaking impluwensiya o kapangyarihan.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG LUMIKHA – Ang wika ay


nagsisilbing kagamitan sa paglikha ng ating mundo sa pamamagitan ng pagtawag o
pagleleybel sa ating mga karanasan.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA KAISIPAN AT


PAGKILOS – Ang
pagkakaugnay ng pamilya o sistema ng pagkilala ng kulay ay nag-iiba mula sa isang
kultura. Ito ay ilan lamang sa mga hal. Kung paano hinuhubog ng kultura ang ating pag-iisip.

ANG WIKA AY MAY KAPANGYARIHANG MAKAAPEKTO SA POLISIYA AT


PAMAMARAAN
– Gamit ang wika ay nagagawa ng tao na magpahayag ng kanyang
nararamdaman at naiisip.Nagagawa rin niyang maisakatuparan ang kanyang mga balakin
at ang kanyang mga panaginip ay nagiging realidad.

Antas ng Wika
1.Pormal – Ito ay mga salitang istandard dahil kinikilala,tinatanggap at ginagamit ng
higit na nakararami lalo na sa mga nakapag-aral ng wika.
a)Pambansa – Ito ay mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika sa lahat ng paaralan at kadalasang gamit panturo sa mga paaralan at
pamahalaan.
b)Pampanitikan – Mga salitang malalalim,matatalinhaga at masining at
kadalasang nakikita sa mga akdang pampanitikan tulad ng
tula,maikling
kwento,nobela at iba pa.

2.Impormal – Mga salitang palasak o karaniwang ginagamit sa pang- araw-araw ng


pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan.
a)Lalawiganin – Mga salitang pangrehiyunal at kadalasang nakikilala
sa pamamagitan ng puntong ginamit ng nagsasalita.
b)Kolokyal – Mga salitang may kagaspangan ayon sa mga taong gumagamit
nito.Maari pakinisin ng taong nagsasalita.Hindi pinapansin ang wastong gamit ng gramatika
na tinatangap sa kasalukuyang panahon.
c)Balbal/Barbarismo o Jargon – Ito at katumbas ng slang sa Ingles.Hindi
sumusunod sa wastong gramatika at kadalasang sinasalita ng mga taong di nakapag-
aral,pinakamababang antas ng wika
Dayalek

Maraming Linggwista ang nagpapalagay na homojinyus ang wika, ang ibig sabihin ay
pare-parehong magsalita o bumigkas ng mga salita ang lahat ng taong gumagamit ng wika.
Kapansin-pansin ding may mga taga-lalawigan na iba-iba ang punto. May tinatawag
na puntong bulacan, puntung bisaya, pungtong bicolo puntong maranao. May mga ilan
namang gumagamit ng ibang salita para sa isang kahulugan lamang.

Idyolek

Idyolek ang tawag sa kabuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang
salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay gulang, kasarian,
hilig o interes, at istatus sa lipunan.

Varayrti at Varyasyon

Bawat wika ay binubuo ng higit sa isang varayti. Ang varayti ay itinuturing na higit
na mas masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na istilo ng prosa o istilo ng wika. Ang
ilang halimbawa ng varayti ay ang mga sumusunod.

Dayalek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad. Sa


puntong ito, nagkakaintindihan ang nagsasalita ng mga dayalek ng isang wika ngunit
nababatid nilang may pagkakaiba ang mga salitang kanilang naririnig. Maari ring iba
ang kahulugan ng kanilang salita sa salitang ginamit ng iba. Maari rin namang ang
pagkakaiba ay nasa pangungusap na kanilang ginagamit. Halimbawa, sa ialang bayan ng
Nueva Ecija ay may salitang hinuhunlapian ng ye. Idinudugtong ang salitang ito sa isang
salita gaya ng:
1. Kumain na akoye.

2. Ikaw baye ay hindi sasama?

Kahit hindi mo itanong, malalaman mong taga-Batangas ang kausap mo kung


gumagamit siya ng salitang ga tulad ng:

3. Paano baga pumunta sa Subic?

4. Ano baga itong nangyayari sakin?

Sosyolek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro niyang
sinasabi na may varayti ng wika ang grupo ng iba’t ibang uri o klasifikasyon ng
mga mamamayan. May varayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa matataas
ma antas ng lipunan.

Register
Ang register ay tinatawag ding istilo sa pananalita. Ang isa tao ay maaring
gumagamit ng iba’t ibang istilo sa kanyang pagsasalita o maging sa pagsulat upang
maipahayag ang kanyang nadarama.

PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA:

1. Maari mo bang ibigay ang kahalagahan ng Wika sa pagbuo ng


komunikasyon?
2. Alin sa Varayrti at Varyasyon ng Wika ang madalas mong gamitin?
3. Ano sa mga antas ng Wika ang palagian nating naririrnig sa mga kabataan?
4. Ano ang sistema ng ating Wika sa kasalukuyan?
5. Mahirap bang gamitin ang ating mother tounge sa pag-aaral?
TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA

INAASAHANG BUNGA
 Mapahalagahan ang wika bilang kasangkapan ng komunikasyon.
 Makapagpahayag ng mga saloobin, opinyon at pananaw sa pamamgitan ng tradisyunal
at
makabagong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
 Makabuo ng mga mapanghikayat at masining na presentasyon ng mga impormasyon at
pagsusuri na akma sa iba’t ibang konteksto

Bawat indinidwal ay may sapat na kakayahang magamit ang isang wika. May pitong
tungkulin o gamit ang wika na kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin ang sarili
sa bawat isang tungkulin.

Inilahad ni Halliday (1973) sa kanyang Explorations in the foundations of language,


na ang mga tungkuling gampanan ng wika sa ating buhay ay kinakategorya. May
mga halimbawang madalas na ginagamit sa makrong pagsasalita at pagsusulat.

Frame 1: Pang-

interaksyunal Katangian:
Nakapagpapanatili /
Nakapagpapatatag ng
relasyong sosyal

Halibawa:
Pasalita- Pormulasyong Panlipunan, Pangugumusta, Pagpapalitan
ng Biro. Pasulat- Liham Pangkaibigan

Frame 2: Pang-

instrumental Katangian:
Tumutugon sa mga
pangangailangan
Halimbawa:
Pasalita- Pakikitungo, Pangangalakal, Pag-uutos.
Pasulat- Liham Pangalakal

Frame 3:

Panregulatori

Katangian:
Kumokontrol /
Gumagabay sa kilos at
asal ng iba.

Halimbawa:
Pasalita- Pagbibigay ng panuto/direksyon,
paalala Pasulat- Resipe

Frame 4:

Pampersonal

Katangian:
Nakapagpapahayag ng
sariling damdamin o
opinyon.

Halimbawa:

Pasalita- Pormal o di-pormal na


talakayan Pasulat - Editoryal, Liham sa
Patnugot

Frame 5: Pang-
Pasalita- Pagsasalaysay, Paglalarawan
Pasulat- Akdang Pampanitikan.

Frame 6: Pangheuristiko
Katangian:
Naghahanap ng mga
impormasyon o datos.

Halimbawa:
Pasalita - Pagtatanong, Pananaliksik, at Pakikipanayam
Pasulat – Sarbey

Frame 7: Pang-impormatib

Katangian:
Nagbibigay ng
impormasyon o mga
datos.

Halimbawa:
Pasalita- Pag-uulat,
Pagtuturo Pasulat-
Pamanahong Papel
MODELO NG KOMUNIKASYON

Ayon kay Roman Jacobson


1.Kognitibo/Reperensyal/Pangkaisipan – Pagpaparating ng mensahe at
impormasyon.
2.Conative – Paghimok at pag-impluwensiya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-
uutos at pakiusap.

3.Emotive – Pandamdamin, pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at


emosyon. 4.Phatic – Pakikipagkapwa-tao.
5.Metalinggwal – Paglilinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin(intensyon) ng
mga salita at kahulugan.
6.Poetic – Patula,paggamit ng wika para sa sariling
kapakanan. Ayon kay W.P. Robinson
7.Estetiko – Paggamit ng Wika sa paglikha ng Panitikan
8.Ludic – Pagtutugma,paggawa ng mga salitang walang
katuturan o kawawaan
3.Pag-aalay sa Pakikipagsalamuha at Pakikipagkapwa tao – Paggamit ng Wika upang
simulan,alalayan at tapusin ang pagkikita,pagbati,pasasalamat,pagpapahayag ng
kalungkutan o pkakikiramay.
4.Pag-aalay sa Iba – paggamit ng Wika upang alalayan o impluwensiyahan ang kilos
o damdamin ng iba,paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin,obligasyon ng
pag- uutos,pkiusap,pagpuna,pagpapalakas ng loob,panghihikayat,panghihiram,pagtawad
5.Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa sarili”
nang tahimik o mag-isa,pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay
ng opinion,pangangatwiran,pagpapaliwanag
6.Pagpapahayag ng sarili – Pagpapahayg ng sarili,katauhan at damdamin tuwiran sa
pamamagitan ng pandamdam paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin,tunog ng tinig
o (voice quality)
7.Pagtatakda sa Tungkulin o Papel sa Lipunan – Paggamit ng Wika upang itakda
o ipahayag ang kaugnayang pangsosyal ng mga tao, mga ginagamit kapag nakikipag-usap
sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba.
8.Pagtukoy sa Daigdig na Di-panglinggwistika – a)pagkilala at pagpapahayag ng
kaibahan at pagkakatulad ng mga bagay; b)pagbuo pag uuri-uri at pagbibigay katarungan
sa mga kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay.
9.Pagtuturo – Paggamit ng Wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon at
kasanayan.
10.Pagtatanong at Panghuhuli – Pagtataka,paghahanap,paghingi ng impormasyon at
panuto,pagbuo ng haraya(imagining)pagpapasubali
(supposing).
11.Metalangguage – Paggamit ng wika sa pagtalakay.

PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA:

1.Paano nagaganap ang isang komunikasyon?


2. Aling tungkulin at gamit ng Wika ang mainam gamitin?
3.Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang mabisang komunikasyon?
4.Bakit kadalasan ay hindi nagkakaroon ng maayos na komunikasyon?
Ang Wikang Filipino at ang isyu ng globalisasyon

INAASAHANG BUNGA

 Makabuo ng mga mapanghikayat at masining na presentasyon ng


mga
impormasyon at pagsusuri na akma sa iba’t ibang konteksto

Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo nyang may pamagat na “Folklore at
Wika”
– hindi na bago ang globalisasyon sapagkat matagal na tayong nasa ilalim ng globalisasyon
sa anyo ng kolonisasyon,migrasyon at ekonomikong globalismo.

Ayon sa samahan ng mga Kolehiyo at unibersidad sa Filipino (SANGFIL) sa artikulong


nalathala sa Pahayagang kabayan noong Pebrero 12,2003 na ang prinsipyo sa
edukasyon partikular ang katotohanang mas mabilis matuto ang mga bata sa
ikalawang wika kapag literado na sila sa sariling wika.Naniniwala ang SANGFIL na hindi
makatutulong na hindi dapat sisihin sa Wikang Filipino ang paghina ng kakayahan ng mga
mag-aaral sa English.

Sa pahayagan ding Kabayan noong Pebrero 14,2003 ay nagpalabas ng manipesto


ang Sentro sa kahusayan sa Filipino,Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon ng
DLSU na nagsasaad na ang Englisg ay hindi solusyon sa problema ng edukasyon sa
Pilipinas.Nakasaad sa manipesto na matagal nang panahong ginagamit ang English bilang
pangunahing wikang panturo ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang
problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon.

Wikang Filipino mula Alibata hanggang text messaging


ORTOGRAPIYA- ay ang representasyon ng mga tunog ng isang wika na nakasulat o
nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto. Ito ay tinatawag na alibata o baybayin na
may 14 katinig o konsonat at 3 patinig o vowel.

PAGBIGKAS NG ALIBATA
Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may
kasamang tunog na /e/ o /i/.
kapag naman ang isang katinig ay may tuldok sa ilalim ang kasamang patinig ng
katinig ay /o/ o /u/.

Batay sa teorya ni Aram Noam Chomsky (1982), lahat ng tao ay may


Language Acquisition Device (LAD). Ang sinaunang balarila na nakabatay sa
Baybayin ay may pamantayan ding sinusunod.Ang pagkatuto ng wikang filipino gamit
ang alibata ay isang ambisyong sa tingin ng iba ay hindi praktikal subalit posible.,
sapagkat hindi magiging lubos ang pagkakaroon natin ng sariling pagkakakilanlan sa Wika
kung muli nating bubuhayin ang alibata.
Hinggil naman sa text messaging, may malaking pagkakatulad ang proseso ng
paggamit ng salita sa cellphone at ang pagbabaybay gamit ang alibata.Sa cellphone
ang pagpapantig at pagpapaikli ng salita ay tulad rin ng prinsipyo ng pagpapantig
gamit ang baybayin.

PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA:

1. Anong mga pangyayari sa ating Wika ang naimpluwensiyahan ng teknolohiya?


2. Alam ba o batid pa nila ang ating unanag alpabetong filipino?
3. Sa paanong paraan natin maibabalik ang kawastuhan ng pagbuo ng mga salita ng
mga kabataan?
TSAPTER 2
FILIPINO SA KONTEKSWALISADONG KOMUNIKASYON

INAASAHANG BUNGA

 Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino sa iba’t


ibang
antas at larang.
 Mapahalagahan ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika
sa kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong
bansa.
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Wikang Pambansa
Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng
isang bansa.
Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito
ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan
ng isang bansa.
Opisyal na Wika
Ginagamit sa opisyal na komunikasyon ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang
bansa sa daigdig. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa
upang malaman kung ano ang pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak
ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong kapuluan at at nagbigyan daan ito
sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng ibat' ibang salik.
Manuel L. Quezon
Ama ng Wikang
Filipino
Unang Presidente ng Komonwelt ng Pilipinas
“Walang pinakamahalaga sa sinumang tao kundi ang pagkakaroon ng kamalayan tungkol
sa pagkakaisa ng bansa, at bilang bayan, hindi tayo magkakaroon ng higit na kamalayan
kung walang sinasalitang wikang panlahat” – halaw mula sa kanyang talumpati sa
Malakanyang.

Pagpili
Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3
"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa mga na umiiral na katutubong wika. Hanggang
hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy ng gagamiting
mga wikang opisyal".

SALIGANG BATAS AT MGA PROBISYON

Mga Pangyayaring nagmarka sa kasaysayan


1987 – Batay sa saligang Batas sa Biak na Bato may ginamait na itong probisyon na
nagsasasad
ng ganito: “Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika sa Pilipinas

1903 – Pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano, naging maalab ang


pagnanasa ng pagkakaroon ng sariling wika at maraming samahang pangwika ang
lumitaw tulad ng Kapulunagn ng Wikang Tagalog, Aklatang Bayan, Samahan ng
Mananagalog at iba pa.

1915 – Ang akademya ng wikang tagalog at gumawa ng panghihiram ng mga salita mula
sa ibat-ibang katutubong wika sa Pilipinas.Layunin nitong mapayaman ang Tagalog.

1925 – Bunga ng pag-aaral ng Monroe Educational Commission at


pagsuporta sa Amerikanong bise-gobernadora ng pilipinas noon, lumabas ang Panukalang
Batas Blg.557 na nag-uutos na gamiting panturo ang mga katutubong wika simula sa taong
1932-1933
1935 – Sa Saligang Batas ng Pilipinas (Seksyon 3,Artikulo XIV),nagsasad na ang kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambnasa
na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

1936 – Batay sa talumpati ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Asembleya


Nasyonal, nagtagubilin siya ng paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa(SWP) na siyang
mangunguna sa pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas at kanyang pinagtibay ang
Batas Komonwelt Blg. 184 na kumikilala sa kanilang mga tungkulin

1937 – Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pitong pantas-wika na Pilipino


upang bumuo ng kauna-unahang pamunuan ng Surian ng Wikang Pambansa.Ang pitong
napili ay kakatawan sa pitong lalawigan ng ibat-ibang katutubong wika
Sa pag-aaral na ginawa,Tagalog ang halos nakatutugong sa hinihingi ng Batas
Komonwelt Blg.184 kung kayat itinagubilin na pagtibayin na ang tagalog bilang batayan ng
wikang Pambansa ng Pilipinas. Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayng wika
ay ang ss.

1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog kumpara sa


ibang wika. 2.Mas madaming matutunan ang tagalog kumpara sa ibang wikain
sapoagkat sa
wikang ito,kung ano ang bigkas ay siyang sulat
3.Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan
sa pilipinas.
4.Ang wikang tagalog ay may historical na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit
sa himagsikan na pinamumunuan ni Andres Bonifacio.
5.May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang Wikang Tgalog.

1940 – Sa Bisa ng Kaustusang Tagapagpaganap Blg.263. Ang pangulong Manuel L. Quezon


ay pinahintulutan ang pagpapalimbag ng diksyunaryo Tagalog-Ingles at ang Balarila ng
wikang Pambansa

1959 – S Bisa ng Kautusang Blg.7 ipinag-utos ng Kalihim Jose Romero ng kagawaran


ng edikasyon na kalian may tutukuyin ang wikang pamabansa, ang salitang PILIPINO ang
siyang gagamitin

1970 – Batay sa resolusyon Blg. 70 ang wikang Pambansa ay naging wikang


panturo sa elementarya,kolehiyo at unibersidad
1972 – Batay sa kautusang panlahat Blg.17 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand
Marcos, ipinag-uutos niya na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Officila Gazette at gayon din
sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito para sa
ratipikayon ng Saligang Batas

1973 – Sa saligang batas, Artikulo XV, seksyon 3, ganito ang nakasaad. Sa talumpating
binigkas ng Pangulong Marcos sa pagsasara ng pansiyam na pambansang gawaing
pangkapulungan, binigyang-diin niya ang paggamit ng bilinggwal

1974 – Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang


Kautusang Pangkagawaran Blg.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad
ng Patakarang Edukasyon bilang Bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula taong aralan
1974-1975
1978 – Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng edukasyon ang kautusang pangministri
Blg.22 na nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo

PAGSUSURI SA PAGKAUNAWA
1. Bakit tagalog ang naging batayang wikang Pambansa?
2. Sa iyong palagay dapat ba na Filipino ang naging pangunahing wika natin?
3. Sa kabila ng mga batas na pinagtibay na may kaugnayan sa ating wika, sa
kasalukuyan bkit ito ay isa sa mga problema ng ating bansa?
Surian ng Wikang Pambansa (SWP)
itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas
Pambansang Asamblea)
Pinili ang tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika.

Mga kasapi ng SWP na kumakatawan sa walong pangunahing rehiyon sa bansa:


Jaime C. De Veyra Waray Tagapangulo

Cecilio Lopez Tagalog Kalihim

Casimiro Perfecto Bikolano Kagawad

Santiago Fonacier Ilokano Kagawad

Felimon Sotto Cebuano Kagawad

Felix Salas Rodriguez Hiligaynon Kagawad

Hadji Buttu Muslim Kagawad

Zoilo Hilario Kampampangan Kagawad

Jose Zulueta Pangasinense Kagawad

Bakit pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa?

Ang Tagalog ay malawak na ginagamit sa mga paguusap ng mga Pilipino at marami


din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito.
Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinaka mayaman at ang pinaka maunlad at
malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang
nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
Ito ang wika ng Maynila – ang kabiserang pampulitika at pang ekonomiya sa buong
bansa. At pinakahuli ay ang Tagalog din ang wikang ginamit noong rebolusyon at ng mga
katipunero kung saan ang dalawang salik na ito ay mahalagang elemento sa kasaysayan ng
Pilipinas.
ORGANISASYONG PANGWIKA
(SWP-LWP-KWF)

Itinatag ang KWF noong Agosto 14, 1991, sa bisa ng Batas Republika Bilang 7104.
Nasa ilalim ito ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas.
Tungkulin ng KWF na gumawa ng mga plano, patakaran, at pananaliksik para
maitaguyod, mapaunlad, at mapangalagaan ang wikang Filipino at iba pang mga wika
sa Pilipinas.
Para sa ika-23 anibersaryo ng ahensya ngayong taon, narito ang ilan
pang mahahalagang impormasyon tungkol sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Nagsimula ang KWF bilang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) o National


Language Institute (na naging Institute of National Language)
Itinatag noong 1936 sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 184, ang Surian ng Wikang
Pambansa ay naatasang magsagawa ng pag-aaral ng mga diyalekto sa bansa para
"magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na
wika."
Noong 1937, napili ng SWP ang Tagalog bilang batayan ng Pambansang
Wikang Filipino. Matapos nito, naglathala ang SWP ng Balarila ng Wikang Pambansa
at mga diskyunaryo't tesoro.
Ang SWP ay naging Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP o Institute of
Philippine Languages) noong 1987 nang pirmahan ni Pangulong Corazon Aquino
ang Atas Tagapagpaganap (Executive Order) Bilang 117. Matapos ang 4 na taon, pinalitan
ng KWF ang LWP.

Ang Komisyon ay binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang wika at ethnolinguistic


regions sa Pilipinas
Hindi bababa sa 4 na komisyoner ay dapat dalubhasa rin sa iba't ibang disiplina o
field of learning.
Ang tagapangulo at 2 full-time commissioners ay manunungkulan ng 7 taon. Apat sa part-
time commissioners ay manunungkulan ng 5 taon, habang ang natitirang 4 na
part-time commissioners ay may 3-taong termino.

Kabilang sa mga ginagawa ng KWF ay ang pagsasalin sa Filipino ng mga dokumento


o teksto, at pananaliksik ukol sa wikang Filipino .Nagsasagawa rin ang KWF ng mga fora,
palihan, at kumperensiya sa buong bansa.Naglilimbag ang KWF ng mga diksyunaryo,
manwal, gabay, at koleksyon ng mga panitikan. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod: Ortograpiyang Pambansa, Manwal sa Masinop na Pagsulat, Bisayan
Grammar and Notes, Gabay ng mga Senior Citizen, Kaalamang-bayan ng Cordillera, at
Panitikang Meranaw.

Ang kasalukuyang tagapangulo ng KWF ay si Virgilio Almario ‘ Rio Alma’


Si Almario ay isang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng
literatura.
Iginawad ito sa kanya noong 2003.
Siya rin ay isang batikang makatang Rio Alma, at dating dekano ng Kolehiyo ng Arte
at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas mula 2003 hanggang 2009.
Nanungkulan din siya bilang direktor ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at
mga Sining (National Commission for Culture and the Arts o NCCA).
Si Almario ang panlimang tagapangulo ng KWF simula noong 1991. Sinundan niya
sina Ponciano BP Pineda (1991-99), Nita Buenaobra (1999-2006), Ricardo Maria Duran
Nolasco (2006-08), at Jose Laderas Santos (2008-13).
Filipino ang ginagamit na wika sa lahat ng opisyal na komunikasyon ng KWF.
Sinusunod ng KWF ang nakasaad sa Atas Tagapagpaganap Bilang 335 na lahat ng mga
opisina ng pamahalaan ay magsagawa ng mga hakbang para magamit ang Filipino sa
mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya. – Rappler.com
AKADEMIK NA WIKA
Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang siyang pangunahing
instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa
pamamagitan nito ang mga instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang
wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang
matamo ang mga pangangailangang ito.

Eastman (1982) ang paglago ng popular na pagkakakilanlan ng isang


estandardisadong pambansang wika mula sa mga gumagamit nito. Sa kabilang banda,
inilahad naman sa jornal ng Komisyon ng Wikang Filipino ang dalawang yugto para
masabing modernisado ang isang wika. Ang una ay tinawag na Popularly Modernized
Language o PML at ang pangalawa ay ang Intellectually Modernized Language o IML. Ayon
dito, ang wika ay maaaring maging moderno subalit hindi intelektwalisado. Ang wika na
ginagamit sa enterteynment ay pwedeng tawaging moderno subalit hindi ito
masasabing intelektwalisado, gayundin naman ang wikang ginagamit sa tabloyd ay hindi
rin maaaring iklasipika na intelektwalisado. Sa kabilang banda, masasabi nating
na intellectually modernize ang isang wika kung ito ay nagagamit sa mga matataas na
karunungan gaya ng agham, teknolohiya, negosyo, kalakalan, industriya, medisina
at iba pa. Tunguhin ng dalawang yugtong ito na maintelektwalays
ang wikang ginagamit ng isang partikular na lipunan.

KOMUNIKASYONG DI BERBAL
Di – Verbal
Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan, Ito naman ay isang karaniwan at lahat ng
uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe ng hindi ginagamitan ng
salita o titik.
Ayon kay Albert Mehabian (1971), 93% ang mensaheng ipinahahatid ng tao
sa kanyang kapwa ay di-verbal na komunikasyon.
Ayon kay E. Sapir, ang di- verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na
kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

Ibat-ibang Anyo ng Di-Verbal na Komunikasyon

1. Kinesika (kinesics) – Pag-aaral ng kilos o galaw ng katawan. May kahulugan


ang paggalaw na ibat-ibang bahagi ng ating katawan.Hindi man tayo nagsasaliat,
ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang
mensaheng gusto nating iparating sa iba.
2. Pandama o Paghawak (Haptics) – Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo
ng komunikasyon. Minsan,ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon.
Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isat-isa gaya ng mga magkakaibigan o
magkakapalagayang- loob.
Hal. Pagyakap, Paghaplos

3. Paralanguage – (Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnay sa pagsasalita


- Tumutukoy ito sa tono ng tinig(pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o
bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntong-
hininga,ungol at paghinto
- Ang anumang swinasabi natin o mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang
angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap.
4. Katahimikan/Hindi Pag-imik – Ang pagtahimik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon
sa
tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa
pagtahimik o di pag-imik,inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe
na sasbihin pa ng tagapagsalita.
- May mga tao na ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan
ang kalooban ng iba.
- Ginagamit din itong anyao ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng
isang tao sa ibang tao.

5. Kapaligiran – Nagsisilbing komunikasyong di-verbal sdapagkat ito ay kailangan ng


tao upang maganap ang interaktibong Gawain sa buhay.
- Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang
pulong,kumperensya,seminar at iba pa ay tumutukoy sa uti ng kapaligiran
- Ang kaayusan ng lugay ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap
na pulong,kumperensya o seminar.

Galaw ng katawan na ginagamit sa Di-Verbal na Komunikasyon


a. Ekspresyon ng mukha – Nagpapakita ng emosyon

b. Galaw ng mata – Nagpapakita ng katapatan ng isang tao

c. Kumpas – Galaw ng kamay

d. Tindig o Postura – Nagbibigay ng hinuha kung anong klaseng tao ang kaharap o
kausap
TSAPTER 3
MGA NAPAPANAHONG ISYU

ISYUNG LOKAL

SAGIP LAWA SAGIP KALIKASAN


Ang lawa isa sa yamang tubig na bahagi ng kayamanan ng isang bansa isa rin itong
malaking bahagi ng magandang tanawin at may malaking ambag sa pag papayaman ng
ating ekonomiya. Ngunit tila ang ganitong yamang tubig ay kasalukuyang nahaharap sa
masamang estado dahil sa hindi pagtingin sa kapasidad nito ilan sa mga malaking suliranin
ay ang water pollution ,dynamite fishing fish kill at iba pa. ito ay nag baba nagresulta
sa pagbaba ng ekonomiya dahil sa pagbaba sa mga supply ng isda at ang pag taas ng
presyo nito.
Isang halimbawa ang isyung hinaharap ng lawa ng laguna o ang laguna de bay kung
saan bukod sa problema sa basura, dumagdag sa suliranin ang patuloy na pagdami ng
salot sa lawa na tinatawag na knifefish. Ang knifefish ay mga hindi na naibebentang
isda na kumakain ng mga may halagang isda. Isa pang problema ang polusyon dahik sa
ibat ibang duming itinatapon ng tao. Tulad ng plastic at maging pinaglalaban.
Pinaalalahanan naman ng pamahalaan ang publiko ng tumugon din sa ganitong suliranin
para sa ikaaayos ng lawa.

DENR ADMINISTRATIVE ORDER NO. 39 SERIES OF 1997


Ipininatupad upang mabawasan ang masasamang maidudulot ng di pagtatapon
ng basura at pagtatapon ng mga nakakalasong kemikal.

PHILIPPINE CLEAN WATER ACT OF 2004


Kung saan ipinagbabawal ng batas na ito ang paglalagay o pagtatapon ng ano mang
magiging sanhi ng populasyon at sagabal sa malayang pag daloy ng tubig.

R.A 7160
Local government code na nagpapatupad g sanitasyon at kalinisan ng kapaligiran

Executive order 54
Pagtatag ng PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION pag sagip sa ilog
pasig.

R.A 3931
Pagbabawal ng pagtatapon sa tubig na nagdudulot ng polusyon.

P.D 948
Pag tatatag ng POLLUTION CONTROL LAW. Pangungulekta ng mga sulidong bagay sa
mga ilog at anyong tubig.
PAGTAAS NG BILANG NG MGA BATANG LANSANGAN

Ang mga street children o batang lansangan mga batang nasa edad na labing walo
at pababa, ay ang mga batangnaninirahan sa lansangan. Hindi lahat sa mga ito ay kasama
ang kanilang pamilya at walang permanentengtirahan. Wala silang proteksyon, gabay, at
walang siguradong direksyon na kanilang tatahakin.
Sa isang pag-aaral noong ika-17 ng Nobyembre taong 2006, nasa 220,000 ang bilang
ng mga batanglansangan sa mga pangunahing lungsod sa bansa. Marami sa kanila
ang nagmamakaawa para sa kaunting barya upang sila’y makabili ng pagkain. Marami din sa
mga ito ang tumayong “breadwinners” ng kanilang pamilya.
Ayon sa Stairway Foundation, ang mga batang lansangan ay may tatlong uri: ang
mga bata sa lansangan, bata ng lansangan, at mga batang naulila ng tuluyan.

Ang mga bata sa lansangan


Ang mga “bata sa lansangan” ay halos 7 ng lansangan sa Pilipinas. Sila ang mga bata
na nagtatrabaho sa kalye ngunit hindi sila dito nakatira, sapagkat sila ay mayroong sariling mga
bahay nainuuwian.

Bata ng lansangan
Naman ay ang mga musmos na itinuturing ang lansangan na kanilang tirahan. Sila
ay halos 25 hanggang 30%ng mga batang lansangan sa Pilipinas. Karamihan sakanila
ay nakatatagpo ng pamilya sa mga katulad nilang batang lansangan. Ang iba rin ay mayroon
pang mga pamilya ngunit halos hindi na ito magkapagkita.

Mga batang naulila ng tuluyan


Sila ang mga bata na wala ng kilalang kapamilya. Umaasa na lamangito sa
sariling kakayahan upang mabuhay. Umaabot ng halos 5 hanggang 10% ang binubuo
nila sa mga batanglansangan sa Pilipinas.

Kahirapan, iresponsableng mga magulang, dahilan ng paglala ng mga batang


lansangan sa bansa.
Naniniwala ang ilang lider ng Simbahang Katoliko na kahirapan at iresponsableng
mga magulang ang pangunahing dahilan kaya dumadami ang mga batang
napapasabak sa maagang pagbabanat ng buto.
Ayon kay Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez, maraming magulang ang
tamad magtrabaho at may mga bisyo kaya napipilitan ang kanilang mga anak kahit
bata pa na gampanan ang responsibilidad ng mga nakatatanda.
Bukod dito, mayroon ding pagkakataon na kapos ang kita ng mga magulang
kaya tumutulong na rin ang mga anak gaya ng pagsama sa mga pangisdaan o taniman.

Dalawang dahilan kung bakit napipilitan ang bata na magtrabaho


Una, ang mga iresponsableng mga magulang. Kaya ang mga bata ay nagsikap
na mabuhay ang pamilya, aya tumutulong sila.
Pangalawa, Kahirapan ang dahilan kaya ang mga bata tinutulungan nila ang
kanilang mga magulang, kaya ang iba ay hindi nag-aaral.

Ayon sa batas na ito, mahigpit na ipinagbabawal ang pamamalimos at magpalimos.


Bigyang limos ang mga pamilya o batang namamalimos sa kalsada, sa loob ng mga
establisyemento at loob ng mga sasakyan: ito ay LABAG SA AT MAY KARAPATANG PARUSA.
Ayon sa Presidential Decree No. 1563 o ANTI-MENDICANCY LAW (1987), ang
pagbibigay limos ay HINDI PARAAN NG PAGTULONG bagkus ito pa ay nakadaragdag sa kaso
ng mga aksidente at kriminalidad, lalong lalo na sa mga bata.
Ang PALAGIANG PAGBIBIGAY NG LIMOS sa mga bata ay nakakasama, nabubuo
sa kanilang isipan na hindi na kailangang mag-aaral at magtrabaho upang kumita, hanggang
sa ITO AY TULUYAN NG MAGING KULTURA.
ISYUNG NASYUNAL

TRAIN LAW
Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, pahirap o makakatulong sa
bayan? Isa-isahin natin kung ano ba ang nilalaman ng tax reform package na
tinatayang makapagbibigay ng 130 billion pesos na pondo sa pamahalaan.

Mayroong tatlong aspeto ang reporma sa income tax, dagdag buwis o increased
taxes, bawas buwis o reduced taxes at bagong buwis o new taxes. Ang pagpapababa sa
income tax ang pinakamahalagang bahagi ng tax reform law na nasa ilalim ng reduced
taxes.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue 90% ng 7.5 million na mga Filipino tax payer
ang makikinabang sa naturang batas. Lahat ng sumasahod ng 250 thousand kada taon o
kumikita ng hindi hihigit sa 22 thousand kada buwan ay exempted sa pagbabayad ng buwis.

Kaiba sa Tax Code of 1997 o ang National Internal Revenue Code na kung saan lahat
ng kumikita ng 10 thousand pesos pababa kada taon ay binubuwisan ng limang porsyento
sa kanilang annual income.

Magkakaroon rin ng pagbabago sa value-added tax o VAT dahil sa TRAIN Law.


Kabilang dito ay ang exemption sa VAT ng lahat ng gamot sa diabetes, high cholestereol
at hyper tension simula 2019.

Maituturing ang mga ito na pangunahing sakit na pinakamataas na naitatala


ng Department of Health sa Pilipinas. Mababawasan rin ang buwis sa estate tax at donors
tax.

Kasama naman sa madadagdagan ng buwis o increase tax ang passive income,


excise tax sa sigarilyo, produktong petrolyo, mineral products gaya ng coal,
automobile o mga sasakyan at documentary stamp tax.

Kabilang naman sa new taxes o bagong bubuwisan ang lahat ng mga matatamis na
inumin o sweetend beverages, non essential services gaya ng mga cosmetic surgery at
buwis sa mga nanalo sa lottery ng PCSO.
Sa softdrinks at juice, 6 to 12 pesos kada litro na dagdag-presyo, tataas rin ng limang
porsyento ang pagpapa-retoke ng mukha at mayroon namang 20% na buwis sa sinomang
mananalo sa lotto ng mahigit sampung libong piso.

Subalit bago naaprubahan ang TRAIN Law, ilan sa mga probisyon ng batas ay na-
veto o inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang dagdag na tax sa sigarilyo, exemption sa buwis ng ilang


produktong petrolyo na ginagamit bilang pamalit sa natural gas. Exemption sa
percentage tax ng kabuuang sales na hindi hihigit sa limang daang libo.

Zero rating ng mga nabentang serbisyo o produkto at pagpapababa ng buwis sa


mga empleyado ng mga regional at operating headquarters, offshore banking units at
petroleum service contractor at subcontractor.

Ayon kay Pangulong Duterte, inalis ang mga naturang probisyon dahil nakita niyang
hindi ito makatutulong sa kapakanan ng mas nakararami.

Malaki ang mawawalang kita sa pamahalaan dahil sa reporma sa income tax. Ang
tanong ng marami, saan ngayon kukunin ng gobyerno ang pang gastos upang suportahan
ang ilang proyekto kabilang na ang ambisyosong infrastructure project ng administrasyon
Duterte na “Build, Build, Build”? Iyan ang aabangan bukas sa ikalawang bahagi ng special
report na ito kaugnay ng train law”

MANILA, Philippines – Inanunsyo na ng Department of Finance (DOF)


ang pansamantalang pagsususpindi simula sa susunod na taon sa pagsingil sa ikalawang
bahagi ng dagdag buwis sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion
(TRAIN) law na dapat ay magsisimula na sa January 2019. Sa ilalim ng nasabing batas,
may dagdag pa na dalawang pisong buwis kada isang litro ng langis o gasoline.

Ayon sa pahayag ng doF, nakapagsumite na ang economic managers ng


rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang konsultasyon sa liderato ng
mababa at mataas na kapulungan ng kongreso.

Dagdag pa ng kagawaran, kung sakaling tumaas sa loob ng tatlong buwan ang


presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ng higit sa $ 80 per barrel, sususpindihin
na ng
pamahalaan ang excise tax increase sa 2019. Ito ay kahit magkaroon ng tinatayang ₱ 40-
billion revenue loss o lugi sa kinokolektang buwis ang pamahalaan. Mas isinasaalang-alang
anila ng gobyerno ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin sa mga mahihirap na
Pilipino.

Masusi ring binabantayan ng Pangulo ang sitwasyon ng presyo ng langis


sa pandaigdigang merkado maging ng iba pang mga bilihin.

Batay sa probisyon ng train law, kung aabot ng $ 80 per barrel o higit pa ang presyo
ng Dubai crude oil sa loob ng tatlong buwang sunod-sunod, sususpindihin ang
nakatakdang pagtaas ng ipinapataw na buwis sa fuel sa first quarter ng 2019.

Ayon sa Finance Department, ang hakbang na ito ay isa sa mga available option na
nakikita ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Senate Minority Bloc kanina. Layon
ng panukalang joint resolution na ipatigil ang pinapataw na dagdag buwis sa
produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion TRAIN Law.

Sasakupin rin ng suspensyon na ito ang ipapataw na excise tax sa taong 2018 para sa
2nd tranch ng TRAIN Law; gaya ng pangkaraniwang panukalang batas, dadaan sa
deliberasyon ang proposed resolution hanggang sa ito ay makapasa at malagdaan ni
Pangulong Rodrigo Duterte,

Ang paghahain ng resolusyon ng mga senador ay kasunod na rin ng naging pahayag


ni Pangulong Duterte na bukas ito sa suspensyon ng excise tax sa Enero. Welcome
development naman ito sa ilang senador.

Ayon naman kay Senate President Vicente Sotto III, kung ito ang makalulutas
sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay susuportahan niya ang suspensyon ng dagdag pataw
na buwis sa produktong petrolyo sa susunod na taon.

Para rin sa senate president, may kapangyarihan naman ang Malakanyang na ipatigil
ang pataw na buwis na ito.
Inaasahan ng minorya na maghahain rin ng counterpart resolution ang
opposition group na nasa lower house.

Target ng Senate Minority Bloc na maipasa ang joint resolution bago ang holiday-
session break sa Disyembre.
TSAPTER 4
KOMUNIKASYON SA MAKRONG
KASANAYAN

MGA MAKRONG KASANAYAN SA PAG-SASALITA


Kasanayan sa pagsasalita
1.Mga
kasanayang di-pormal
2.Mga pormal na kasanayan

Kasanayan
g di-pormal
- Pakikipagusap
- Pagpapakilala sa sarili sa
ibang tao
- Pakikipag-usap sa
telepono
- Pagbibigay ng reaksyon
at panuto
- Pagbibigay komento

Pormal na kasanayan
- Masining na
pagkukuwento
- Pakikipagpanayam
- Pangkatang talakayan
- Balagtasan
- Pagtatalumpati

Katangian ng Mahusay na
tagapagsalita

- May maayos na
personalidad
- Wastong pananamit at
kagalang galang na tindig.
- May layunin at lubos na kaalaman sa paksa na ibinabagay sa pinag- uukulan at
sa okasyon.
- May matatag na damdamin at malawak na kaisipan.
- May kasanayan sa wika,retorika at balirala.
Takot sa pagsasalita sa harap ng madla

Minsan sinabi ng dating pangulo ng Amerika na si Franklin D. Roosevelt na walang


dapat katakutang kundi ang takot mismo.
Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot, kung gayon, ay ang pagharap,
kundi ang pagtalikod dito.
Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na “XENOPHOBIA” o
“STAGE FRIGHT”. Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling
bigkas, o masagwang tindig o postyur.

Iba’t ibang dahilan ng “STAGE FRIGHT”

Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig.

Di kaaya ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.


Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng
kabataan,kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay o di magandang postyur.
Kakulangan o kawalan ng kahandaan.
Kakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

Pano maayos ang “STAGE FRIGHT”

Magkaroon ng positibong atityud. Isipin kayang mong magsalita sa harap ng madla.


Magtiwala sa iyong sarili. Isipin mayroon kang mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat hangang sa
pagharap sa malaking madla.
Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at mga taga
pakinig. Magdasal. Humingi ka ng lakas ng loob at tulong sa Poong
Maykapal.
MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT

PAGSULAT
Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa-nito. Ito ay ayon kay Hellen Keller

Ano ang Pagsulat?


Ang pagsulat ay isang kompleks na proseso o Gawain. Sa rnadaling salita ito
ay bimibuo rig iba't ibang bahagi na magkakaugnay. Sa pagsulat ay nagagawa nating
pagsama- samahin at pagtibayin ang mga natamong makrong kasanayan katulad ng
pakikinig, pagsasalita at pagbasa. Ito rin ay ipinapalagay bilang tagapamagitan o
ekstensyon sa mga gawaing pagsasalita o pagbasa.
Ayon naman kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang gawaing nag-uugat mula
sa pagtatamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang ang mga kasanayang ito ay
aktwal na magamit (skill-using). Sa paaralan nagsisimula ang pagbibigay ng panimulang
introduksyon sa pagsulat at tinuturo din ang paggalaw ng ating kamay at kung paano tila
humahagod ang ating mga daliri sa papel. Mag mula preschool hanggang tersyarya ay
continuum o patuloy na nililinang ang ating kasanayan sa pagsulat.
Totoo nga ang sinasabi nina White at Strunk (1918), na ang pagsulat ay matrabaho
at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at koneksyon ng pag-iisip. Mahihirapan ang
sinumang tao na makapagsulat kung siya ay salat sa kaalaman, kasanayan at hilaw sa iba
pang makrong kasanayan.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Totoo ngang napapangiwi ang Ilan at patagong nagrerebelde ang damdamin ng


ilang mga mag-aaral sa tuwing pinapasulat ng isang akademikong papel Ngunit
huwag nating isantabi ang sinabi nina White at Strunk (1918) na ang pagsulat ang
bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.

Ang mga. sumusunod na pahayag sa ibaba ay ilang mga kasagutan sa paulit-ulit na


tanong ng karamihan: Bakit nga ba nagsusulat ang tao?

A.) Sa mag-aaral, ito ay bahagi ng pangangailangan upang makapasa sa isang


asignatura. B.) sa manunulat, bukod sa ito ang kanilang hanapbuhay at pinagmumulan
ng kanilang ikabubuhay ay kakabit nito ang kanilang kagustuhang maipamalas ang
kanilang obra o sining sa kanilang mambabasa.
C.) Ito ay ugnayang pangsosyalan na kung minsan ay mas ginagamit upang
mabisang maipahayag ang ideya o nararamdarnan na hindi kayang sabihin o gawin sa
paraang pasalita.
D.) Ito ay nakakapagpaligaya at nakapagpupuno sa mga puwang o kakulangan sa pagkatao
ng isang tao.

Layunin ng Pagsulat

Ngayon nauunawaan na natin kung bakit nagsusulat ang tao at ito ay dahil sa iba't
ibang kadahilanan. O mas tamang sabihin kaya nagsusulat ang tao dahil lahat tayo ay may
kanya-kanvang layunin katulad ng mga sumusunod na pag-uuring ginawa nina Bernales, et
al., (2001):

a. Impormatibo - kilala rin sa tawag na expository


writing Halimbawa: Libro, encyclopedia, statistics at iba
pa.
b. Mapanghikayat na pagsusulat - kilala rin sa tawag na persuasive writing
Halimbawa: Talumpati, proposal, editoryal at iba pa.
c. Malikhaing pagsulat - kilala sa tawag na creative
writing. Halimbawa: Kwento, nobela, tula, dula at iba pa.

Mga Elemento sa Pagsulat

Sa aklat na "The Elements of Style" nina E.B. White at William Strunk (1981)
nabanggit nila ang mga salitang "make every word tell" o gawin ang bawat salita ay may
sinasabi. Ang pagsulat ay hindi basta-bastang gawain, masalimuot ito kung minsan kaya,
nangangailanagan ito ng ng tiyaga at tibay ng loob sapagkat maraming baggy ang dapat
isaalang-alang. Ang mga gumusunod ay mga elementong dapat isaalang-alang kung
susuungin ang larangan ng pagsulat.

Mga Elemento sa Pagsulat ng Paksa


Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:
1. Kawilihan ng Paksa •- Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming
pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at
maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng
manunulat,

Ang mga mapagkukunan ng paksa:


4. Sariling Karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng
isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong
nagsasalaysay.
5. Narinig o Napakinggan sa Iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa
isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radio at telebisyontiyakin muna ang
katotohanan
bago isulat. radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng naririnig
sa iba ay totoo at dapat paniwalaan mahalagang tiyakin muna ang katotohanan
bago isulat.
3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, telebisyon, dulang panteatro at lba pa.
4. Likhang-isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng
isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.

Mga Layunin

6.PansariIing Pagpapahayag - Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa


o naranasan. Sa Iayuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng
pantniwalang mapapakinabangan.
Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at
iba
pa.
2.lmpormasyonal na Pagsulat - Kung sa unang lavunin ang makikinabang ang nagsusulat,
dito ang makikinabang ay ang tao. Ginagawa ang pagsulat upang mapaabot ang mensahe
sa mga kaparaanang nangangatwiran, nagpapayo, nagpapaliwanag at iba .
Ilan sa mga halimbawa nito ay memorandum, rebyu at riserts
3.Malikhaing Pagsulat - Ang makikinabang dito ay ang sarili at ibang tao. Sa tulong
ng imahinasvon at kapangyarihan ng rehistradong wika, nagagawa ng manunulat na
ilarawan ang uri ng lipunan na kanvang gjnagalawan. May kakaibang lakas ang mga salitang
ginagamit dito upang ipadama sa mambabasa ang panoramikong larawan ng buhay.
Ilan sa halimbawa nito ang alamat, dula, maikling kwento at iba Pa.
Mambabasa
Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat.
Kung minsan ang manunulat ay may interaksyon sa kanyang sarili. Kailangang linangin din
ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya
kung sino ang susulatan, ano ang gusto niyang isulat ano ang lawak ng kanyang pag-
unawa, at iba pa.
Wika
Ang kakayahan sa paggamit ng wika ay mahalaga sa pagsusulat. Ang mga binuong
pangungusap ay kailangan may kabuluhan. Ang mga tuntuning pambalarila, palabaybayan,
at pagbabantas ay kailangan tumugon sa mga alintuntunin at kumbensyon.

Proseso ng Pagsulat
Ayon kay Stephen McDonald at William Salomone, may,. tatlong pangunahing
bahagi ang proseso ng pagsulat.

1.) BAGO MAGSULAT (Pre-writing)


Paghahanda ito bago magsulat. Sa mga gawain sa antas na ito inihahanda ang
manuntilat sa pangangalap ng ideya o impormasyon tungkol sa nais isulat.
PRE-WRITING
-pagpaplano
-pangangalap ng impormasyon
-pag-iisip ng ideya pagtukoy ng estratehiya ng pagsulat
-pag-oorgartisa ng mga materyales
-pagbabalangkas(datos)
2.) HABANG NAGSUSULAT (Actual writing)
PAGSULAT NG BURADOR — ito ay aktwal na pagsulat ng malaya at tuluy-
tuloy na hindi isinasaalang-alang ang gramatika, estruktura, at tamang pormat ng pagsulat.
Unang
Burador
* Pagsulat ng paunang dokumento (preliminary) sa pamamagitan ng ginawa
mong balangkas .
Importante: Hindi mawala ang momentum sa pagsulat dahil nais mong
makasulat nang mabilis sa yugtong ito
*Huwag mo munang alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng
pangungusap pagbaybay at pagbabantas.
*Pagtuunan ito ng pansin pagkatapos maisulat ang unang burado.
3.) NIULING PAGSULAT (REWRITING)
a.) REBISYON - tinututukan ang mga bagay na dapat ayusin. Sinusuri dito ang kabuuan
ng sulatin upang alamin ang mga bagay na dapat alisin o bagulin. Ito ay isang
proseso ng pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at
paghuhubog ng dokumento. Ang mga sumusunod ay mga gawain sa rebisyon:
•sinusuri ang istraktura ng mga pangurigusap at lohika ng presentasyon
• paulit-tilit na pagbasa ng unang burador
• pageebaiweyt ng isinulat upang mapabuti pa ang ideya
• nagbabawas /nagdaragdag ng ideya
• pagpaPalit rig pahayag para sa pagpapabuti hg dokumento.

PAGWAWASTO /Pag-edit
•pagwawasto ng baybay, estrukturang pambalarila, at mga mekanismo ng pagsulat tulad ng
pagbabantas at gamit ng malalaking titik.
• pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, baybay, balarila, at
pagbabantas.
• pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maisakatuparan ang final na dokumento

Pagkatapos Magsulat
Ang sulatin ay tatantiyahin sa pamamagitan ng pagbabasa nito sa klase,
pagtatalakay sa mga isinulat, paglalathala ha mga aklat at pagsali sa timpalak panulat.
MAKRONG KASANAYAN SA PAKIKINIG

Pakikinig

Ang pakikinig ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Itinuturing itong aktibo dahil nagbibigay
ito ng daan sa isang tao ng pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan
ng mga salitang napakinggan.
Ang sensoring pakikinig ay nanatiling bukas at gumagana kahit pa mayroon tayong
ibang ginagawa. Ang mga tunog ay nagsisilbing stimuli at dumaraan sa auditory nerve
patungo sa utak.

PROSESO NG PAKIKINIG

1. Pagtanggap ng mensahe – Nakasalalay ang pakikinig sa pagtanggap ng


mensahe, gayundin ang pagbibigay tugon at pagkatuto. Kung hindi mainam ang
pagtanggap ng mensahe ng tagapakinig makaaapekto ito sa pagka-unawa ng
mensahe at pagka-alam ng sinasabi.
2. Pagpokus ng atensyon sa tinanggap sa mensahe – Hindi nangangahulugan
na nauunawaan ng tagapakinig ang mensahe dahil lamang sa narinig niya ito, malaki
ang impluwensiya ng atensyon o pokus na inilagay ng tagapakinig sa mensahe
upang lubos niya itong maunawaan.
3. Pagpapakahulugan – Nakadepende ang pagbibigay ng positibo o
negatibong interpretasyon o kahulugan ng mensahe sa pagkakahatid o pagkakasabi
nito.
4. Pagtanda sa narinig – Mainam na making muna, kaysa makipagtalo sa
nagsasalita upang maging mas epektibo ang pakikinig. Sa ganitong paraan, higit na
mauunawaan ng nakikinig ang mensahe at magiging mas madali na matandaan niya
ito.
5. Pagtugon – Dito lubusang nasusubok ang pagiging epektibo ng paghahatid
ng mensahe. Sa bahaging ito maaring manghingi ng paglilinaw ang tagapakinig sa
mga
parte ng mensahe na para sa kaniya ay malabo, o hindi gaanong malinaw.
Gayundin, maaring magbigay ang tagapakinig ng pansarili niyang reaksyon sa
mensahe.

Mga Uri ng Tagapakinig


a. Eager Beaver
Siya ang tagapakinig na ngiti ng ngiti o tangu nang tango habang nagsasalita
sa kanyang harapan. Ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang
malaking tanong.
b. Sleeper

Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala
siyang tunay na intensyong makinig.

c. Tiger
Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin
ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parangtigre siyang susugod
at mananagpang.

d. Bewildered
Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa
naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong
pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.

e. Frowner
Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo, ngunit ang totoo, hindi lubos
ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay
lamang niya ay ang oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.

f. Relaxed
Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita sa kanya ang kawalan
ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang atensyon sa ibang bagay at walang
makitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

g. Busy Bee
Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang
siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa
katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

h. Two-Eared Listener
Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang
kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyon niya sa
gawain ng pakikinig. Makikita sa kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.
MGA ELEMENTONG NA MAY IMPLUWENSYA SA PAKIKINIG

1.Edad – Para sa mga nakababatang tagapakinig, higit na mainam ang mga maiikli at
malinaw (o mababaw at madaling unawaing) mga pahayag para sa mas maikli nilang
interes at kakulangan sa pang-unawa. Mainam rin ang maikling mga pahayag sa mga
may edad (o nakatatanda), bilang konsiderasyon sa mga nararamdaman nila sa kanilang
mga katawan, katulad ng rayuma at kahinaan na rin sa pandinig.

2.Oras – Malaki ang ipinagkaiba ng pakikinig sa hatinggabi, madaling araw at kinahapunan,


kaysa sa pakikinig ng isang indibidwal sa oras kung kailan mas gising ang kaniyang
kamalayan.

3.Kasarian – Madalas na magkaiba ang interes at paraan ng pagsasalita ng kababaihan sa


kalalakihan. Ang mga kababaihan ay madalas na maligoy at mapaliwanag, samantalang ang
mga kalalakihan naman ay higit na matipid sa salita at pagpapaliwanag. Malaki ang epekto
nito sa pakikinig, gayong ang mga kalalakihan ay madaling mainip, kabaliktaran ng
mga kababaihan na likas na mas mahaba ang pasensiya.

4.Tsanel – Malaki ang impluwensiya ng instrumenting ginagamit sa pakikipag-usap sa


pagkakaunawaan. Sa Paggamit na lamang ng telepono, kung kinsan ay nagiging hadlang
ang signal sa linaw ng pagsasalita, kayan naman hindi nagiging lubusan ang
pagkakaunawa ng tumatanggap ng tawag.

5.kultura – Nag-iiba ang wika sa pagkakaiba ng kultura, gayundin ay nag-iiba ang kawilihan
at imteres ng tagapakinig.

6.Konsepto sa sarili – Ang pansariling pang-unawa o pagka-alam ng tgapakinig ay maaring


makapagbigay ng hindi kaparehong pakahulugan ng sa nagsasalita kaya naman ito
ay maaaring humantong mula sa mainam na diskurso sa hindi mainam na katapusan.

7.Lugar – Ang kapaligiran ay may malaking epekyo sa paghikayat sa mga tagapakinig sa higit
na pagkakarooon ng interes sa nagsasalita kung masyadong mainit, maingay o magulon
at maingay sa paligid, mas Malaki ang posibilidad mawala ang konsentrasyon ng
tagapakinig, kaya mainam na maging bukas ang isipan sa kapligiran. Pumili ng mga lugar
nga tahimik at magiging komportable ang mga tagapakinig upang masigurado ang
paglago ng interes at pagpapataas ng konsentrasyon.
MGA PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG

- Alamin ang layunin sa pakikinig


- Magtuon ng konsentrasyon sa pinakikinggan
- Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
- Maging isang aktibong kalahok
- Iwasang magbigay ng maagang panghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita.
- Iwasan ang mga tugong emosyonal sa naririnig
- Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan.

MGA HADLANG SA PAKIKINIG

1. Pagbuo ng maling kaisipan – Dahil sa pagbuo ng maling kaisipan bago pa man


matapos ang paghahatid ng mensahe, hindi nagiging lubos ang pagkaalam at pagka-
unawa sa nilalaman nito, gawa ng higit na pokus sa mga suliranin nakikita ng
nakikinig kaysa sa sinasai ng nagsasalita, kaya naman nagkakaroon ng mga maling
reaksyon at pagtugon sa panig ng tagakapakinig.

2. Pagkiling sa sariling opiniyon – Dahil sa kakulangan ng pang-unawa at saradong


isipan, napapaibabaw ng mga tagapakinig ang pansariling opiniyon kaysa sa
mensahe na inihahatid ng nagsasalita.

3. Pagkakaiba-iba ng pakahulugan – Maaring magkakaiba ang pagkaka-unawa


at pagbibigay interpretasyon ng mga tagapakinig sa iisang mensahe, kaya
naman mahalaga ang paglilinaw sa mga mensahe.

4. Pisikal na dahilan – katulad ng unang nabanggit, malaki ang impluwensiya


ng kapaligiran sa pakikinig ng mensahe, maaring hadlangan ng klima o
kaguluhan ng paligid ang pokus at kamalayan ng tagapakinig upang Ganap na
maunawaan ang mensahe.

5. Pagkakaiba ng kultura – Dala ng pagkakaiba-iba ng paniniwala sa pagkakaiba-iba ng


kultura, maaring hindi matanggap ng tagapakinig ang mensahe gawa kaibang
paniniwala o paninidigan.

6. Suliraning pansarili – Gawa ng pamamayani ng damdaming pansarili at


personal, nababawasan ang pokus ng nakikinig, kaya naman hindi lubos na
nauunawaan ang mensahe.
MAKRONG KASANAYAN SA PANUNUOD

DULA
Ito ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto o kabanata.

SANGKAP NG DULA

 Balangkas o Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


sa dula
 Paglalahad – Nililinaw ng may akda o direktor ang ilang mahahalgang impormasyon
sa kwento
 Suliranin o Pagtutunggali - Ito ay tema na ang pokus ay sa kilos at usapan ng
kabuuan ng dula
 Pagpapahiwatig - Makatwirang paglalahad ng mga pangyayari na dapat maging
kasiya- siya
 Paglalarawan ng tauhan – Sa tulong ng kilos, pagsasalita at reakyon
MAKRONG KASANAYAN SA PAGBASA

PAGBASA
Naipaliwanag ang kahulugan, kahalagahan at layunin ng nagbasa;
Nakikilala ang mga taong nagbigay ng kanilang ambag sa larangan ng pagbas;
Natutukoy ang mga teorya at nakagagawa ng sariling hinuha sa tekstong
binasa;
Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga
kaisipan sa tekstong binasa.

Bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay ay ang pagbabasa, anuman ang


ating gagawin ay may kaakibat na pagbasa. Aumang propesyon ang pagbasa ay hindi
nawawala maging sa pag-aaral ay palgian natin itong gamit. Bakit nga ba napakahala ng
pagbasa?
Iba-iba ang dahilan kung bakit tayo nagbabasa. Nagiging sandata natin ang
pagbabasa sa paghahanap ng karunungan, pagpapaunlad ng sarili at pagkuha ng mga
impormasyong may kinalaman sa ating kapaligiran. Batay sa pakahulugan ni Austero sa
pagbasa ito ay paraan pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas ng pasalita. Sinasabing walang pagbasa kung walang pag-
unawa. Inagamitan natin ng masusing pag-iisip ang anumang bagay na nakalimbag bago
natin ito mabigyan ng kahulugan. Ilan pa sa mga sumusunod na eksperto ang nagbigay ng
kanilang pakahulugan sa pagbasa.
a. Goodman- ang pagbasa ay isang saykolinwistiks na panghuhula kung saan
ang pagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa
tekstong binasa. Isang prosesong cyclical buhat sa teksto.
b. James Dee Valentine- ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa
maraming pagkakataon, napatunayan nating marami sa mga nagtatagumpay na
tao ang mahilig magbasa.
c. Coady- ang ibinigay ni Goodman na nagwikang ang dating kaalaman ng
tagabas ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasang teksto at
kasanayan sa pagproproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto.

Mga Layunin ng Pagbasa

1. Nagbabasa tayo upang maaliw.

2. Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga bagong kaalamn at maiimbak sa ating isip.
3. Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral.
4. Nakapaglalakbay ang ating diwa at napapalawak natin ang ating imahinasyon.
5. Napag-aaralan natin ang iba pang kultura ng ibang lahi.

Ayon kay William S. Gray (Ama ng Pagbasa), ito ay may apat na hakbang na sinusunod:

1. Persepsyon- hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging


sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon- pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon- hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
4. Asimilasyon- isinasama at inuuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati
nang kaalaman o karanasan.

Anumang pamamaraan ang gagamitin o aklat na babasahin, ito ay dapat makatulong ayon
sa mga sumusunod:
6. Naaayon sa layunin
7. Naaayon sa kanyang interes
8. Naaayon sa mga materyales na mayroon na
9. Naaayon sa kanyang kakayahang maunawaan ang binabasa.
Mga Teaorya sa Pagbasa

1. Teoryang Bottom-up
Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay ang pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat
na simbulo upang maibigay ang katumbas nitong tugon. Nananalig ang teoryang ito
na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa
salita, parirala at pangungusap ng teksto, bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong
teksto.
Ang proseso ang pag-unawa, ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa teksto
(bottom) patungo sa mambabasa (up) kaya nga tinawag itong bottom-up.

Mga Karaniwang Suliranin sa Pagbabasa


1. Ang malabong paningin
2. Kakulangan sa kaalamang pamlingwistika

3. Kakulangan sa kaalman sa pagsusuri


4. Kakulangan sa kaalaman at impormasyon
5. Kakulangan sa Bokabularyo
6. Kakulangan sa karanasan

2. Teoryang Top-down
Ang pananaw na ito ay impluwensya ng sikolohiyang Geatalt na naniniwalang ang
pagbasa ay isang prosesong holistik. Ayon sa proponent nito,ang mambabasa ay
isang napakaaktib na partisipant sa proseso ng pagbasa na siyaay may taglay na dating
kaalaman (prior knowledge) na nakaimbak sa kanyang isipan at may sariling
kakayahan sa wika (language proficiency) at kanyang ginagamit habang siya ay
nakikipagtalastasan sa awtor sa pamamagitan ng teksto.
Tinatawag din itong teoryang inside out o conceptually-driven dahil ang kahulugan
o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay nagaganap dahil
ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman at mga konseptong nabuo sa
kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananawa sa paligi. Bunga nito,
nakakabuo siya ng mga palagay at hinuha na kanyang iniuugnay sa mga ideyang
inilalahad ng awtor ng isang teksto.
Siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa
paksa. Maaring binabasa niya lamang ang teksto upang patunayan kung ang hinuha o
hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, masasabing ang
teksto ay isang
input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang iniikutan ng proseso
ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.
Pokus sa paggamit na nakaimbak na kaalaman hababg bumabasa (inside-out
of Conceptually driven) dahil nagsisimula sa bumabasa tungo sa teksto ng dulog.

3. Teoryang Interaktib
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan
ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalman
sa wika at mga sariling konsepto o kaisipan. Dito nagaganap ang interaksyong awtor-
mambabasa at mambabasa-awtor. Ang iteraksyon, kung gayon, ay may dalawang
direksyon o bidirectional.
Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay diin sa pag-unawa sa pagbasa
bilang proseso at hindi bilang prdukto.

Pagsasama-sama ng bottom-up
at top-down

4. Teoryang Iskima
Ayon sa teoryang ito, bawat bagong impormasyong nakukuha sa
pagbabasa ay naidaragag sa dati ng iskima. Samakatwid, bago pa man basahin ng oisang
mambabasa ang isang teksto.

Mga Uri ng Pagbasa

 Skimming-pagtingin sa pamagat, pantulong na pangungusap, simula at wakas


ng talata.
 Scanning-pagtingin sa mga detalye o partikular o tiyak na impormasyon.
 Pagbasa para Mag-aral-pag-uulit-ulit para matutuhan.
 Magaan sa Pagbasa-paglilibang sa pagbabasa.
 Salita-sa-Salita-ito ay pagbabasa sa mga tekstong teknikal tulad sa
sikolohiya, siyensya at iba pa.
Mga Uri ng Pagbasa
1.Skimming- pagtingin sa pamagat, pantulong na pangungusap, simula at wakas ng talata.
2.Scanning- pagtingin sa mga detalye o partikular o tiyak na impormasyon.
3.Pagbasa para Mag-aral-pag-uulit-ulit para matutuhan.
4.Magaan sa Pagbasa-paglilibang sa pagbabasa.
5.Salita-sa-Salita- ito ay pagbabasa sa mga tekstong teknikal tulad sa sikolohiya, siyensya at
iba pa.
Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa
6.Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye
a.Paksang pangungusap na siyang sentro o pangunahing tema/pokus
sa pagpapalawak ng ideya
b.At mga suportang detalye na tumutulong, nagpapalawak, nagbibigay linaw
sa paksang pangungusap.

7. Pagtukoy sa Layunin
a.Tumutukoy ang layunin ng teksto sa kung ano ang nais mangyari ng isang awtor sa
kanyang mambabasa.
Tandaan lamang na may mga tekstong may dalawa o higit pang layunin.
3. Pagtiyak sa Damdamin, Tono at Pananaw ng Teksto
a.Sa pamamagitan ng mga tiyak na salitang ginagamit ng awtor sa isang
teksto, maaaring maiyak kung ano ang damdamin, tono at pananaw sa teksto.
Damdamin - saloobin ng
mambabasa Tono-saloobin ng awtor
Pananaw- tumutukoy sa puntong de
vistang ginagamit ng awtor sa
teksto
4. Pagkilala sa Pagkakaiba ng
Opinyon at Katotohanan
a. Pagkilatis ng sinumang
mambabasa sa
Opinyon at
Katotohanan.
b. Maaring sang ayunan o
tutulan ng ibang tao.
5. Pagbuo ng Lagon ang Kongklusyon
a. Ang lagom o buod ay tumutukoy sa pinakapayak at pinakamaikling anyo ng diskurso
batay sa isang binabasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at
mahahalagang
kaisipan ng teksto.
6.Pagbibigay-interpretayon sa Mapa, Tsart, Grap at Talahanayan
a. Ito ay mga prsentasyong biswal na kadalasang ginagamit bilang pantulong sa
isang
teksto.
b. Nagagawang payak at mas madalin unawain ang mga datos na nailalahad sa isang
teksto.
Paglalagom:
Ang pagbasa ay isang kasanayan sa pakikipagtalastasan na tumutugon sa
damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag na nangangailangan ng
masusing pag-iisip. Ito ay may apat na hakbang:
A. Persepsyon
B. Komprehensyon
C. Reaksyon
D. Asimilasyon
Mga Sanggunian :

Carada, Imelda G. et.al. 2014 Komunikasyon sa Makabagong Filipino : Intramuros Manila,


Mindshapers Co. INC.

Villafuerte, Patrocinio V. et.al. 2005 Komunikasyon sa Akademikong Filipino:


Quezon City,Metro Manila, Lorimar Publishing Co. Inc.

Santiago, Erlinda M. et.al. 1988 Ang Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo


,National Bookstore

San Juan,David Michael M. et.al. 2018 PIGLAS-DIWA (Kontekswalisadong Komunikasyon


sa Filipino):Malabon City,Mutya Publishing House

You might also like