You are on page 1of 14

Mag-isip ng 20 salita at bigyan ito ng ibat ibang katawagan ayon sa bawat

genra. Ipaliwag ang kahulugan ng bawat salita.

Salita Kahulugan Ng Salita Lugar Kahulugan Sa Lugar


‘Di pumasok o Batangas Tumawid
1. Lumiban
absent
2. Awas na Puno o umapaw na Batangas Uwian na
Gawa na Batangas Mag-ayos na o
3. Gayak na
magbihis na
4. Langgam “ant” sa Ingles Cebu Ibon
“cotton” sa Ingles Batangas Sulak o pagkulo ng
5. Bulak
tubig
6. Bitin Kapos Bikol Sawa
7. Daga “mouse” sa Ingles Pangasinan Utot
8. Balak Plano Iloilo Tula
Pagnanasang Visayas Lito
9. Libog
sekswal
10. Sanggol Bagong silang Bacolod Tandang
11. Taya Pusta Cagayan de Oro Kalawang
ilahas na kuwago Bikol/Tagalog tira at lumamig na
12. Baháw
pagkain
pinakailalim na Hiligaynon/Sebwano bibig
13. babà
bahagi ng mukha
Oras bago Hiligaynon Umaga
14. Aga
magtanghali
15. Sayo Pagmamayaari mo Waray Isa
16. Mapaso Humawak ng mainit Waray mainit
17. Kamada Ayusin nang palinya Batangueno Ayusin
18. Patak Kaunting tubig Batangueno Bagsakn
Bagay ba jaukangan Batangueno Nakatindig
19. Nakatulay upang makatawid
sa daan
Paglipat muna sa Batangueno Uli
20. Lakad isang lugar papunta
sa kabilang ligar.
Gumawa ng sariling modelo ng komunikasyon base sa iyong mga napg-aralan.
Ipaliwanag ang iyong sariling konsepto.

Ang aking modelo ng komunikasyon ay mapapansing napapaligiran ng itim na


kulay na sumisimbolo sa ingay na laging nandyan sa laha ng uri ng
komunikasyon. Mapapansin din na ang arrow na nakaturo sa transmitter at
resiber ay may dalawang ulo na nagsisimbolo ng aktib na pagpapalitan ng
dalawang istasyon ng mensahe na siyang pinakadahilan ng komunikasyon.
Ang transmiter ang siyang pinagmulan ng mensahe, samantalang ang resiber
naman ang siyang destinasyon.
Panoorin ang isang dokumentaryo tungkol sa WIKA at ipaliwanag ang kabuuan
nito

PAMAGAT: Investigative Documentaries: Wikang Filipino

MGA PROBLEMA MUNGKAHING SOLUSYON

 Kakulangan ng mga bagong Isali sa kurikulum sa mga

henerasyon ng kaalaman sa eskwelahan ang pagbibigay ng

pinagmulan ng wikang kanilang tamang impormasyon tungkol sa

ginagamit ngayon sa pangaraw pinagmulan ng wikang Filipno

araw. bago palawakin ang kaalaman


ng mga bata sa ikalawang
lenggwahe.

 Hindi pinahahalagahan ng mga Hindi dapat tanggalin ang

panggobyernong institusyon ang pagtuturo ng “mother tongue” sa

kahalagahan ng pagtuturo ng eskwelahan dahil daan ito upang

“mother tongue” sa mga bata sa mapaglinang ng bata ang

eskwelahan. pagintindi niya sa mga bagay


bagay bago pa man siya
magaral ng iba pang lengwahe.

 Hindi nakikita ng mga bata ang Sikapin ng mga nakakatanda na

kahalagahan ng pagpapalalim ng ipaintindi sa mga bata na ang

kanilang kaalaman sa lengwaheng salitang Ingles ay hindi sukatan ng

Filipino kundi ay mas gusto pa intelekwal na kakayahan ng isang

nilang matuto ng lengwaheng tao o estudyante.

Ingles dahil mas madalas nila itong


nakikita sa kanilang paligid.
Mag-isip ng 5 salita na madalas gamitin ng mga Filipino base sa ibat-ibang
kurso. Ibigay ang kahulugan ng bawat salita.

A. Inhenyero

SALITA KAHULUGAN
Impraestruktura pisikal at organisadong estrukturang
kailangan para suportahan ang isang
komunidad o bansa
Mekanika sangay ng pisikang nakatuon sa ugali
o gawi ng mga katawang
pisikal kapag iniharap na sa
mga puwersa o pagbabago sa
kinalalagyan ng bektor
Termodinamika sanga ng pisika na nag-aaral sa
epekto ng pagbabago sa
temperatura, presyon, at iba pa
Kongkreto Gamit sa pagpapatayo ng mga
gusali at iba pang impraestruktura

B. Turismo

SALITA KAHULUGAN
turista sinumang naglalakbay ng 50 milya
(80.5 kilometro) na layo mula sa
kanyang tirahan
turismo Pagalis sa isang lugar upang makita
ang isa pang lugar
industriyang serbisyo kinabibilangan ng mga ilang
nahahawakan at di-nahahawakang
sangkap
serbisyong maasikaso akomodasyon, pagkain at inumin,
palilibot, mga subenir; at iba pang
kaugnay na serbisyo katulad ng
pagbabangko, seguro at kaligtasan
& kapatanagan

C. Pangangalakal

SALITA KAHULUGAN
Kapital Materyal na ginawa ng tao upang
magamit sa produksiyon
Brawn Drain Pagtatrabaho ng ating mga
manggagawa na may kaalamang
bokasyunal at teknikal sa ibang
bansa
Depresasyon Unti-unting pagkaluma at poagkasira
ng mga yamang pisikal
kakapusan Pagkakaroon ng limitasyon sa mga
pinagkukunang-yaman na ginagamit
sa paglikha ng mga produkto

D. Agham ng Malayang Sining

SALITA KAHULUGAN
Sipnayan Matematika
humanidades disiplinang pang-intelektuwal na
lumilinang ng malayang isipan at
pagpapasya
Astetika Aesthetics sa salitang Ingles
Tanawin Landscape sa salitang Ingles

E. Kompyuter at Teknolohiya

SALITA KAHULUGAN
Internet midyum na pakikipagtalastasan at
pakikipagpalitan ng impormasyon
Kompyuter uri ng teknolohiya na nagbibigay ng
mga impormasyon sapamamagitan
ng internet
Telebisyon sistemang telekomunikasyon para sa
pagpapahayag at pagtanggap
ngmga gumagalaw na mga larawan
at tunog sa kalayuan.
Teknolohiya napakabagong makina o gadgets
na kung tawagin ng iba. Awtomatik
na proseso hindi manu-mano

F. Pagsasagawa ng Batas

SALITA KAHULUGAN
Nasasakdal Isang taong naparatangan ng
paglabag ng batas
Tuklas pamamaraan na kung saan ang
nag-uusig ay nagbabalik ng lahat na
katibayan laban sa nasasakdal.
Sakdal Isang pormal, nakasulat na paratang
na inilathala ng isang malaking
lupong hurado na pinaparantangan
ang isang tao ng isang krimen
matapos maisaalang-alang ang
katibayang nilahad ng isang taga-
usig.
Taga-usig tagapagtanggol na kumakatawan sa
Estado ng Alaska sa kriminal na pag-
uusig
POLUSYON: Bumuo ng mga mungkahing solusyon o mungkahing papel, hinggil
sa tinalakay na isyu.

Ang polusyon sa tubig ay ang kontaminasyon ng mga maruruming bagay sa


mga katawan ng tubig kagaya ng sa lawa, ilog, at karagatan. Isa sa mga sanhi
nito ay ang pagtatapon ng mga basura sa mga nasasabing anyong tubig. Ang
pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig ay delikado dahil ito ay
nakakarumi sa tubig na mapanganib at hindi ligtas sa ating kalusugan dahil dito
nakakadulot ito ng maraming uri ng mga sakit

Isa pang uri ng polusyon ay ang polusyon sa hangin na nangyayari kung ang
mga nakakahamak na mga kemikal ay nahahalo sa hangin. Ito ay
nakadudulot ng iba’t ibang sakit kagaya ng sakit na TB na lumalala sa ating
bansa. Pati ang pagsusunog ng mga plastic ay napakadelikado dahil
nagtataglay ito ng mga kemikal na nakakasira sa ating ozone layer.

Ang ikatlong uri ng polusyon ay ang tinaguriang polusyon sa lupa. Ang dahilan
naman nito ay ang mga sumusunod. Una, ay ang pagtatanim na gumagamit
palagi ng mga pataba sa lupa na kemikal.

Ang polusyon sa tubig ay may mga maraming solusyon upang malutas. Isa na
rito ay ang pagtapon ng basura sa tamang lugar kagaya ng mga basurahan at
compost pit. Ugaliin natin na itapon sa tamang lugar ang ating mga basura.
Pangalawa, magsagawa ng mga cleaning operations sa mga anyong tubig na
maraming basura upang maiwasan ang mga sakit na dulot nito kagaya ng
cholera, typhoid, at iba pa.

Maliban sa polusyon sa tubig at polusyon sa hangin dapat din nating bigyan ng


solusyon ang polusyon sa lupa. Ang polusyon sa lupa ay maaring maiwasan o
masosulusyunan sa iba’t ibang paraan. Una, ang pag iwas sa paggamit ng
mga pampataba ng lupa na may nakahalong kemikal. Ang kemikal na
sangkap nito ay nakakasakit at hindi mainam na gamitin. Imbes na gumamit ng
mga pampataba na kemikal ay mas mainam na gumamit nalang ng organic
na mga pampataba ng lupa kagaya ng dumi ng kalabaw.

Isang mundong ating pinahahalagahan at pinangangalagaan. Mahalin at


alagaan ang mundo dahil kung walang mundo ay wala rin tayo. Ang mga ito
ay mga salitang dapat nating isapuso, isaisip, at isabuhay.
PAGTAAS NG BILANG NG MGA BATANG LANSANGAN: Bumuo ng mga
mungkahing solusyon o mungkahing papel, hinggil sa tinalakay na isyu.

Unemployment o kawalan ng trabaho ng mga tao ay isang problemang hindi


mabigyan ng solusyon ng gobyerno at kung minsan ng mga tao na mismo.
Makikita natin na maraming mahuhusay na mga kabataang nakatapos ng
pag-aaral na nakaupo lamang sa bahay at walang ginagawa.

Ang isang nakasahod na kamay ng isang nakakaawang batang palaboy ay


nakaaantig ng puso. Subalit hindi alam ng mga taong nagmamalasakit kung
paano tutulungan ang isang batang walang tahanan. Upang hindi gaanong
usigin ng budhi, maghuhulog ang ibang tao ng ilang barya sa palad ng bata at
mabilis na lalakad palayo. Subalit, bihirang-bihirang ang limos ay gagastusin sa
pagkain o tirahan. Sa halip, marahil ay gugugulin ito sa pagbili ng droga o
inuming nakalalasing. Samakatuwid, ang ilang mga adultong nagmamalasakit
sa mamamayan ay nagbibigay ng kanilang pansin at salapi sa mga programa
ng lokal na pamahalaan na nadarama nilang makatutulong sa mga batang
walang tahanan. Ang ilang mga tao’y naniniwala na ang isang mas praktikal
na hakbang ay ituro ang batang walang tahanan sa kinauukulang ahensiya
para sa tulong na kinakailangan. Sa ganitong paraan, nadarama ng mga
mamamayang nagmamalasakit na sinisikap nilang gawing mas makatao ang
kanilang sariling pamayanan.
TRAIN LAW: Bumuo ng mga mungkahing solusyon o mungkahing papel, hinggil
sa tinalakay na isyu.

Ang Pilipinas ay ang bansang aking kinagisnan kung saan ako pinanganak,
lumaki at inaasahang kong dito rin ako mamatay, sa lupa ng aking bayan.
Kasabay kong lumaki ang unti-unting pagyabong ng bansang Pilipinas. Ngunit
kasabay rin ng pag-unlad nito ay ang pagtaas ng presyo ng ating mga pang-
araw-araw na pangangailangan.

Ang epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin ay ramdam na ng bawat


mamamayan. Ano ang naging epekto ng pagtaas ng presyo sa mamimili? Ang
ilan sa epekto ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa taong 2018 ay nagiging wais
ang mga mamamayan upang mapagkasya ang kanilang sweldo dahil lumiliit
ang halaga ng pera dahil mas konti na ang nabibili ng kanilang pera kumpara
dati. Bukod dito, ang solusyon sa pagtaas ng presyo ng bilihin ay ang
paghahanap ng mga mamamayan ng mga alternatibong produkto na mas
mura at mas kapaki-pakinabang (halimbawa: kung dati ay bumibili ng isang
shampoo at isang conditioner, ngayon ay isang "shampoo with conditioner" na
lang ang binibili ng mga tao).
Sumulat ng isang natatanging karanasan na nagbigay aral sa iyong buhay

Ang pagpasok ko sa kolehiyo ay aking masasabi na natatanging karanasan na


nagbigay ng napakaraming aral sa aking buhay. Ang pagpasok ng kolehiyo
ay masasabi kong isa sa pinakamahalagang parte o kabanata ng aking buhay
maging sa aking pagkatao. Dito ako natuto at nahubog upang maging isang
responsableng tao at isang huwarang kabataang gaya ng nakararami. Ang
aking mga karanasan sa kolehiyo ang nagturo o tumulong kung paano harapin
at unawain ang lahat ng problema na dumarating sa aking buhay at kung
paano ienjoy ang aking buhay.

Sa kolehiyo ko naranasan ang umiyak at magmakaawa sa aking mga


terror na propesor,ang halos hindi na matulog ng gabi dahil sa dami ng
asaynment, pradyek, at maging sa pagrerebyu. Dito ko nga naranasang
uminom ng kape tatlong beses sa iang gabi habang nagrerebyu. Aamin ko
nakaranas din akong hindi maligo upang umabot sa aking klase. Dito sa
kolehiyo ko naranasan ang iba’t ibang problema o hirap na sumusubok sa iba’t
ibang aspeto ng aking personalidad. Itong mga problemang ito ang tumulong
sa akin upang maging matatag. Sa aking pag-aaral, mas lalo kong nalaman
na sa kabila ng hirap at sakit ay may pag-asa at ginhawang kapalit.
Magsaliksik at basahin ang mga Isyung Pambansa at ibigay ang iyong sariling
hinuha.

Isa sa mga mabigat na isyu sa lipunan ang paninigarilyo sa mga pampublikong


lugar. Hindi naman bago sa karamihan na bawal ang paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar sa buong Pilipinas, hindi lamang sa pamamagitan ng mga
lokal na ordinansa kundi mismo sa bisa ng Executive Order no. 26 ng pangulo
ng bansa.

Nang maging epektibo ang EO 26 noong July 2017, naglipana ang mga
naglabasang balita at mga retrato ng mga pulitikong nanghuhuli ng mga
naninigarilyo sa mga lugar na publiko, kasama na ang sa mga kalsada,
restaurant at iba pa. Bidang-bida ang mga lekat.

Makalipas ang halos dalawang taon, tuloy na naman ang mga naninigarilyo sa
kalye, restaurant at iba pang lugar na pampubliko na saklaw ng EO 26 kaya
ipinagbabawal ang paninigarilyo sa publikong lugar ay dahil sa masamang
epekto nito sa kalusugan, mapa-bata, matanda, lalaki, babae, mahirap o ma-
yaman, basta tao apektado.

Kawawa ang mga sanggol sa sinapupunan ng mga ina, at pati ang ina, gayon
din ang mga hindi naninigarilyong nakalalanghap ng “second-hand” na usok
na puno ng nakalalason na kemikal tulad ng nicotine, tar at iba pa.

Ang batas kontra sa paninigarilyo sa mga lugar na publiko, gaya ng batas


kontra sa “open burning” ay nagiging inutil na batas na sumasanay sa
mamamayang lumabag nang walang pakundangan. Gaya ng sinabi na natin
sa nakaraan, kapag nasanay ang tao sa paglabag sa batas, sinong
makapagsasabi kung ano pang batas ang lalabagin nito, kasama na ang
pagnanakaw o pagpatay sa kapwa.

You might also like