You are on page 1of 4

Pahina 1 ng 4

Pangalawang Kabanata
Mga Padrong Kultural sa Komunikasyong Filipino
at
Mga Taksonomiya: Padrong Kultural at Komunikasyon

Layunin:
1. Napag-iiba-iba ang Mga Taksonomiya: Padrong Kultural at Komunikasyon; at
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng bawat taksonomiya.

Mga Padrong Kultural sa Komunikasyong Filipino


Global na Kultura - Kulturang kinasasangkutan ng mga mamamayan ng daigdig. Mga
kulturang kapansin-pansin dahil na rin sa kanilang kariktan at dami ng mga tagasunod.

Padron/Pattern - pag-aaral ng kultura mahalagang matukoy ang mga gawi o mga


pangyayaring gaanong napapansin sa kadahilanang makapagbibigay ito ng malinaw na
interpretasyon sa mga taong nabibilang dito.

Mga Elemento ng Padrong Kultural


1. Paniniwala - Ideya na pinaniniwalaang totoo dito sa mundo.
a. Sentral na Paniniwala - nakapaloob dito ang mga pundamental na mga turo kaugnay sa
realidad at kung paano nagagamit ang mga ito sa daigdig.
b. Paniniwalang Periperal - tumutukoy ito sa mga personal na paniniwala na kahit papaano
ay nakapag-ambag sa mga ideyang umiinog sa daigdig.

2. Pagpapahalaga - nabibilang ang patingin sa konsepto ng mabuti at masama, tama at mali,


patas at hindi patas, pangit at maganda, mahalata at ‘di mahalaga, angkop at ‘di angkop.

3. Kaugalian - napagkasunduang panlipunang ekspektasyon sa mga gawi o dapat iasal na may


unibersal na katanggapan.

4. Lipunang Gawi - tumutukoy sa padron ng mga tiyak at inaasahang asal ng mga miyembro ng
isang pamayanan na lahat ay inaasahang sumusunod.

Mga Tungkulin ng Padrong Kultural


1. Sagot sa suliranin.
2. Kahit maraming pagpipilian ay may limitasyon din.
3. Nagbibigay ng mga pagpipiliang solusyon
4. Tagapaghubog.

Kaligiran ng Padrong Kultural


1. Oryentasyon sa mga gawain - kung paano tinatanaw ng mga tao sa isang kultura ang
kanilang mga ikinikilos at paglalantad sa pamamagitan ng gawain.
2. Oryentasyon sa Pakikipag-ugnayan sa Lipunan - paano inoorganisa ng mga tao mula sa
isang kultura ang kanilang sarili at pakikitungo sa kanilang kapwa.
3. Pansariling Oryentasyon - paglalarawan ito ng tao sa kaniyang sarili at paano niya hinuhubog
ang kanyang identidad upang maging angkop sa isang kultura.
4. Pandaigdigang Oryentasyon - kung paanong iniaangkop ng isang tao ang kanyang sarili sa
daigdig: paniniwala, relihiyon, kalikasan.
5. Oryentasyon sa Oras - Ito ay pinal na aspekto. Konsepto ng oras panahon.

Mga Taksonomiya: Padrong Kultural at Komunikasyon

-cultura- espanyol, culture- english, kahulugan sa Filipino - kalinangan

Fil Ed 314 (Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan)


Pahina 2 ng 4

Kalinangan - linang na nangangahuluguhang pagyabong at pagyaman, karaniwan na ng lupang


sakahan.

Taksonomiya - Termino para sa proseso o sistema ng paglalarawan ng paraan kung paanong


ang iba't ibang bagay ay magkakaugnay sa pamamagitan ng pagkapangkat- pangkat.

Teodoro A. Agoncillo - gumawa ng libro para sa karaniwang katangian ng mga pilipino, mga
batas, wika at nakasentro sa kultura ng pamilyang pilipino.
- Ayon sa kanya sa kulturang Pilipino sentro ang pamilya. Hindi
kamag-anak- ninong at ninang (extended family)
Ayon sa CullturEd Philippines, si Teodoro Agoncilo ay kinikilalang “Ama ng makabansang
pananaw sa pagsulat ng Kasaysayan”.

Tatlong antas ng Paggalang ng mga Pilipino


1. Paggamit ng PO sa kausap kahit hindi kilala
2. Paggamit ng ikalawang panauhang pangmaramihan tulad ng KAYO, INYO, at NINYO.
3. Paggamit ng ikatlong panauhang pangmaramihan tulad ng NILA, SILA, at KANILA.
Sa lahat ng ito, ang PO ay hindi inaalis ayon kay Agoncillo.

Ang Mataas at Mababang Konteksto ng Taksonomiyang Hull


Hull - Maikling termino Mula sa "Kingston upon hull"
- Galing sa silangang Yorkshire sa Inglatera
- Sinasabi na Dalawa Lang ang uri ng kultura.

1. Mataas na konteksto - mas pinipili ang mensaheng may matatayog ang kahulugan ng
karamihan.
2. Mababang konteksto - mas nais ang paggamit ng mensaheng madaling maunawaan.

Ang Taksonomiyang kultural ni Shalom Schwartz


Shalom Schwartz - isang psychologist, cross cultural researcher at lumikha ng Theory of basic
human values.
Pagsasarili/Awtonomiya laban sa pagkataal (embededness) - Nauukol sa preperensyang
kultural para sa uri ng pakikipagugnayan (relationship) at kahangganan (bounderies)

Dalawang uri ng awtonomiyang kultural


1. Awtonomiyang intelektwal
2. Awtonomiyang pangdamdamin

Kulturang Pagkataal - Tinitingnan na ang mga tao ay nakapirmi lamang sa isang


kolektibong pangkat panlipunan.Higit na pansin ang pagkilala sa grupo at pagpapanatili ng
kaayusan Ng ugnayang palipunan ang pinakamahalaga.

Egalitarianism Laban sa Herarkiya


Kulturang egalitaryan - hinihikayat sa mamamayan na tingan ang kapwa bilang kapantay
nila sa lipunan at moralidad
Kulturang herarkiya - ang hindi pantay na pamamahagi ng kapangyarihang sosyal, politikal,
at ekonomiko ay lehitimo at kanais-nais.
Harmony Laban sa Mastery - Nauukol ang paghahambing na into sa oryentasyon ng mga
tao sa yamang Likas at panlipunan.
Kultura ng Pagkakaisa (Harmony) - Humihikayat na tanggapin at makihalubilo sa mga
mundong Likas at Panlipunan, pagkat ang pagtingin sa tao ay integral na bahagi ng kalikasan
(nature).
Kultura ng kapantasan (Mastery) - Hinihikayat ang kanilang mga miyembro na patnubayan
(direct) at pamahalaan (control) ang mga mundong Likas at Panlipunan

Fil Ed 314 (Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan)


Pahina 3 ng 4

Ang Taksonomiyang Kultural ni Geert Hofsteed


Geert Hofsteed - Isang Dutch social psychologist, dating impleyado ng IBM, Professor
Emiritus ng Organizational Anthropology and International Management

Agwat ng Kapangyarihan (Power Distance) - Tumutukoy sa antas ng paniniwala ng kultura


na ang kapangyarihang institusyonal at organisasyonal ay dapat na ipamahaging hindi
magkakapantay pantay at ang mga pagpapasya ng mga may kapangyarihan ay hinahamon at
tinatanggap.
Dimensyon sa Pag-iwas sa kawalang katiyakan - Ang hangganan na ang kultura ay
nanganganib sa mga sitwasyong malabo at di tiyak, at sinusubuk na iwasan ang mga ito sa
pamamagitan ng pagtatatag ng iba pang istruktura.
Dimensyong Indibidwalismo-kolektibismo (Individual-Collectivism) - Antas na ang kultura
ay umaasa at may katapatan sa sarili o pangkat.
Dimensyong Pagkalalaki at Pagkababae - Tumutukoy sa mga ekspektasyong pangkasarian
at ang lawak na namimili Ang mga mamamayan sa pagitan Ng kagkakamit at kapusukan o ng
paghubog at suportang panlipunan.
Dimensyong panahon-oryentasyon - Tumutukoy sa punto ng pagpili ng tao sa buhay at
Gawain. Sumasaklaw Ito Mula sa terminong pangmatagalan hanggang sa maikling panahon
lamang.
Dimensyong Pagpapalayaw Laban sa Pagpipigil - Ang indulhensya o Pagpapalayaw ay
isang pananaw na ang kasiyahan at pagpapakasaya sa buhay at kanais- nais sa pagtugon sa
kaligayahan bilang pagtugon sa buhay.
Hedonismo - Paniniwalang ang kasiyahan o kaligayahan ay ang pinakamahalagang layon
ng buhay.
Proyektong GLOBE (Global Leadership and Organizational Behavior Effectiveness) -
pag-aaral sa pagkakaiba-iba ng padrong kultural.

Siyam na dimensyon na ginamit sa upang ilarawan ang dominanteng padron ng isang kultura:
Mula Kay Hofsteede:
1. Agwat ng kapangyarihan
2. Pag-iwas sa kawalang katiyakan-
3. Pangkatang kolektibismo
4. Kolektibismong institusyonal
5. Kasariang egalitarianismo
6. Mapamilit
Mula kina Kluckhohn at Strodtbeck
7. Oryentasyon sa pagsasagawa
8. Oryentasyong panghinaharap
9. Oryentasyong makatao

Linguistic Relativity ni Sapir at Whorf Hypothesis


Ang haypotesis Sapir-Whorf, kilala rin bilang linguistic relativity hypothesis, ay tumutukoy
sa proposal na nakakaimpluwensya sa pagtingin ng isang tao hinggil sa realidad ang partikular
na sinasalitang wika.
Ang linguistic relativity ay may malapit na kaugnayan sa semiotikong antas ( ang
pangkalahatang relasyon ng wika at pag-iisip), at antas ng diskurso (ang paderno ng wikang
ginagamit sa kontekstong kultural) na nakakaapekto sa pag-iisip.

Sanggunian:
Amonio, MPE. at Francisco, CG (N.D). Diskurso sa Filipino. Mutya Publishing House Inc.

Inihanda ni:
Mildred Mae A. Melodias
CEAS Faculty

Fil Ed 314 (Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan)


Pahina 4 ng 4

Fil Ed 314 (Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan)

You might also like