Professional Documents
Culture Documents
Modyul 2
(Mga Batayang Kaisipan sa Diskurso at Kultura)
Antas Pangkurso
Antas Pampaksa
Tayo ay nasa ikalawang linggo na. Ang Modyul 2 ay kinapapalooban ng mga paksa hinggil
sa kahulugan, kaligiran, at mga batayang kaisipan ng diskurso at kultura . Tatalakayin din ang mga
Kodigong Berbal sa komunikasyon sa lipunang Pilipino. Inaasahan na ang Unang Bahagi ng
talakayan ay tatagal mula Setyembre 21-25.
Kabilang rin sa mga dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang mga gawaing nakapaloob sa
bawat aralin ng bawat bahagi o yunit. Paalala lamang sa iyo, maging masuri, maingat at kritikal sa
pagbibigay tugon o pagsusumite ng mga gawain. Huwag limitahan ang kakayang mag-isip at
gumawa. Tiyak na maraming gawain ang iyong makakaulayaw. Maging matiyaga.
a. Panalangin/Pagninilay sa Ebanghelyo
b. Pagtalakay sa mga paksa
c. Pagtatala ng mga kaisipan kaugnay ng mga aralin
Pagninilay:
Ito ay mula sa meditation ng ating founder na si St. John Baptist Dela Salle. Bilang Lasalyanong
mag-aaral, ano ang naisip mo? Naramdaman mo? At paano ka nais pakilusin ng pahayag na ito?
Isulat ang iyong repleksyon sa ibaba.
Personal na Repleksyon:
______________________________________________
________________________________________________
______________________________________________
_________________________________________________
_______________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_________________________________________________________.
Ang mga talento ay biyaya ng Dakilang Lumikha. Bawat isa ay nagtataglay ng biyaya at talento na
nararapat para sa kanya. Pagyamanin at ibahagi.
Ang Depinisyon:
Dalawang mahalagang paksa ang tatalakayin sa bahaging ito, ang kaligiran ng diskurso at
ang mahahalagang konsepto hinggil sa kultura.
Ang diskurso ay isang uri at anyo ng paglalahad sa anyong pasalita at pasulat. Sa pag-aaral
nito ay sinussuri kung ano ang gamit ng sinasalita o sinusulat na wika sa panlipunang konteksto.
Sa mga ibinigay na depinisyon sa itaas, makikita natin na malaki ang ugnayan ng diskurso at
lipunan. Upang mabigyan ng malalim na suri ang kultura o mga gawi ng tao, kinakailangan alam mo
din kung paano sila mag-isip, bumuo ng mga pagpapasya at kaalaaman kasabay ng kanilang mga
kilos at gawi.
Sa Diskursong Pilipino, malaki ang papel ng wika. Binigyang kahulugan ni Henry Gleason
ang wika kasabay ng mga katangian nito. Ayon sa kanya, ang wika ay (1) masistemang balangkas
ng mga (2) sinasalitang tunog na (3) pinipili at isinaayos. Ito ay (4) arbitraryo at (5) nakaugat sa
kultura ng bansa.
1. Masistemang balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay mayroong alpabeto. Ang wikang Filipino
ay binubuo ng 28 titik o letra o simbolo. Ang dalawampung (20) titik ay hango sa abakadang
Tagalog samantalang ang walong (8) titik ay mga hiram na letra. Ang mga simbolong ito ang
ginagamit natin upang makabuo ng salita, parirala, sugnay, pangungusap o isang buong talata.
2. Sinasalitang tunog. Tumutukoy ito sa “palatunugan” o ponolohiya ng bawat wika. Iba ang tunog
sa letra. Ang letra ay simbolo ng tunog. Ang makabuluhang tunog ay tinatawag na ponema.
Mayroong impit na tunog sa wikang Filipino at minsan ito ay kinakatawan ng gitling (-) katulad
halimbawa sa salitang “mag-alis.”Mahalaga ang gitling sa salitang ito sapagkat kapag inalis mo ang
gitling, naiiba ang kahulugan ng salita, nagiging “magalis”. Magkaiba na tuloy sila ng kahulugan.
antala. Kapag sinabing naantala, ibig sabihin ay nahinto o natigil. Ganun din ang
kahulugan ng antala. Isang saglit na na pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng nais ipahatid sa kausap
3. Pinipili at isinasaayos. Tumutukoy naman ito sa estruktura ng pangungusap. May sintaks ang
bawat wika. Sa pagbuo ng pangungusap, pinipili ang mas angkop na salita. Isinasaayos mo rin ito
upang maintindihan. Hal. Ang printed module ay ginagamit ko bilang panghalili sa face to face
class. Nakaayos ang mga salita. May sinusundang gramatika. Hindi naghahalo-halo ang mga salita
at nag-iiba ng mga posisyon. May lohikal na posisyon ang mga salita sa pangungusap.
5. Nakaugat sa kultura. Mayroong tayong “po” at “opo” na wala marahil sa ibang wika.
Pormularyong panlipunan ito sa mga Pilipino. Dito natin ipinakikita ang ating paggalang gamit ang
wika. Nabubuo at nabibigyang kahulugan ang salita dahil sa kolektibong pagpapasya ng mga tao sa
isang lipunan.
Ang wika ay hindi matatawarang sangkap ng lipunan. Masalimuot at kompleks ang wika
nasusulat man o sinasalita. Bawat araw iba-iba ang wikang ginagamit ng bawat indibidwal sapagkat
iba-iba rin ang mga nakakasalamuha. Iba ang wika sa paaralan, sa tahanan at sa mga lugar na
pinupuntahan. Sa kasalukuyang panahon, malakas ang impluwensya ng internet at social media kaya
imposibleng hindi maging bahagi ng wika ng mga kabataan ang wika ng internet. Sa pangkalahatan,
ang sinasalita at nasusulat na wika ay nagtataglay ng magkaibang katangian.
Sinasalitang wika
Nasusulat na wika
Permanente
Nagtataglay ng estruktura
Mas higit na maingat sa gamit ng mga salita
Pasibo dahil walang agarang tugon o pidbak
Ang wika bilang isang mahalagang elemento ng kultura ay mayaman sa kahulugan at gamit. Ito ay
buhay at dinamiko – patuloy na nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon at ng inidibidwal na
gumagamit nito.
Ang ponolohiya. Nabanggit nang bahagya kanina kung ano ang kahulugan nito. Ito ay
“palatunugan” o pag-aaral ng makabuluhang tunog sa Filipino. Ito ang nagiging gabay ng mga
tagapagsalita sa kung ano ang mga tunog na gagamitin at kung paano ito pagsusunod-sunurin.
Sa interkultural na komunikasyon, kapag hindi mo nabigkas nang wasto ang isang salita ay
magkakaroon ng kahirapang maunawa ang kaniyang sinasabi ng mga taal na tagapagsalita ng
wika o katutubong wika.
Ilang ponema (makabuluhang tunog) nga mayroon sa salitang “mag-alis”? Tama, walo (8)
sapagkat ang gitling ay isang impit (glotal) na tunog at isa ring makabuluhang tunog.
Ang Morpolohiya. Ito naman ay tinatawag na “palabuuan”. Tama, palabuuan ng mga salita.
Pagsasama-sama ng mga ponema upang makabuo ng morpema o salita.
Ang Semantika.
Ano ang Ito ang tawag sa pagbibigay kahulugan sa mga salita. ang pormal na
papel nito?
pagpapakahulugan naman ng semantika ay ang pag-aaral ng ugnayan sa pagitan ng mga salita at
Mahalaga
kung na kanilang
ano ang marunongkinakatawan.
kang magbigay kahulugan sa mensahe upang higit na maging matagumpay
ang komunikasyon. May mga pagkakataong kinakailangang mong magtumbas upang makapagbigay
Hal: Ang salitang “manong” sa Ilokano ay “kuya” subalit sa alam ng mga kabataan ngayon, ito
Ang lahat ng mga nabanggit ay makatutulong upang makita mo ang mas malalim na ugnayan ng
wika at diskurso.
Samantala, tunghayan ang iba pang mahalagang konsepto hinggil sa wika at diskurso.
Ang pagpapakuhulugan ay ang paglilipat ng mensahe sa pagitan ng mga wika. Kung gayun,
mahalaga na alam ng bawat taong kasangkot sa komunikasyon may kaalaman sa wikang ginagamit
nila.
Uri ng Pagtutumbas:
Pagtutumbas sa bokabularyo
- maaating tingnan sa diksyonaryo ang kahulugan ng mga salita o pahayag.
Gramatika-Sintaktikal na Pagtutumbas
- nagtataglay ng magkaibang tuntunin sa gramatika at estruktura ang bawat wika
Pagtutumbas na konseptwal
- ang konsepto ay batay sa mga kultural na ideya. Abstrak ang “senakulo” sa ibang bansa
dahil hindi nila alam kung ano ang kahulugan nito sa mga Pilipino.
Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo. Patunay ito na iba-iba rin ang wiang sinasalita ng
mga tao kahit pa nasa loob ng isang bansa. Ang Tagalog ay isang mayoryang wika na ginagamit sa
Luzon subalit maging ang Tagalog ay mayroon ding iba’t ibang barayti. Ang barayti ay ang
pagkakaiba-iba ng wika. Sa puntong ito, iba-ibang uri ng Tagalog ang maaari mong marinig lalo sa
CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). Ang pagkakaroon ng kabatiran sa
katotohanang ito ay bentahe upang higit na matukoy ang kulturang pinagmulan o kinabibilangan ng
iyong kausap.
Samantala, tunghayan ang iba pang mahalagang konsepto hinggil sa wika at diskurso.
Ang pagpapakuhulugan ay ang paglilipat ng mensahe sa pagitang ng mga wika. Kung gayun,
mahalaga na alam ng bawat taong kasangkot sa komunikasyon may kaalaman sa wikang ginagamit
nila.
Mahalaga na marunong kang magbigay kahulugan sa mensahe upang higit na maging matagumpay
ang komunikasyon. May mga pagkakataong kinakailangang mong magtumbas upang makapagbigay
kahulugan subalit ang problema, hindi sapat ang kakayahan sa pagtutumbas. Ang mga taong
sangkot sa interkultural na komunikasyon ay nangangailangan ng mga taong multilingguwal upang
mapunan ang suliranin sa interkultural na komunikasyon.
Uri ng Pagtutumbas:
Pagtutumbas sa bokabularyo
- maaating tingnan sa diksyonaryo ang kahulugan ng mga salita o pahayag.
Gramatika-Sintaktikal na Pagtutumbas
- nagtataglay ng magkaibang tuntunin sa gramatika at estruktura ang bawat wika
Pagtutumbas na konseptwal
- ang konsepto ay batay sa mga kultural na ideya. Abstrak ang “senakulo” sa ibang bansa
dahil hindi nila alam kung ano ang kahulugan nito sa mga Pilipino.
Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo. Patunay ito na iba-iba rin ang wiang sinasalita ng mga tao kahit
pa nasa loob ng isang bansa. Ang Tagalog ay isang mayoryang wika na ginagamit sa
Luzon subalit maging ang Tagalog ay mayroon ding iba‟t ibang barayti. Ang barayti ay ang
pagkakaiba-iba ng wika. Sa puntong ito, iba-ibang uri ng Tagalog ang maaari mong marinig lalo sa
CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon). Ang pagkakaroon ng kabatiran sa
katotohanang ito ay bentahe upang higit na matukoy ang kulturang pinagmulan o kinabibilangan ng
iyong kausap.
Ang diyalekto ay mga barayti ng wika na may natatanging bokabularyo, gramatika, at pagbigkas na
sinasalita ng partikular na pangkat-wika o sa loob ng isang partikular na rehiyon. Malaki ang papel
sa interkultural na komunikasyon dahil kadalasan itong pinagmumulan ng panghuhusga o patataya
sa gumagamit ng wika.
a. Pagninilay sa Ebanghelyo
b. Pagbasa at Pagtalakay sa Kaligiran at Dinamiko ng Kultura
a. SELF-PACED na pagbasa
b. Pagtatayang obhetibo
b. Lagumang Pagsusulit Blg. 1
c. SELF-CARE/ME TIME
Bago tayo magpatuloy, kamusta ka na? Kamusta na ang iyong pakikipagbuno sa unang
dalawang linggo ng aralin? Alam kong medyo mapanghamon pero alam ko ring medyo
nakakasanayan mo na ang ganitong set-up. Sabi nga nila, napag-aaralan naman daw ang lahat ng
bagay? Gayun pa man, muli ang aking pagbati sapagkat alam kong seryoso kang tumutupad sa
iyong responsibilidad bilang independent learner.
Sa bahaging ito, ikaw ay nasa ikatlong linggo na. Tatalakayin sa mga susunod na pahina ang huling
bahagi ng mga aralin. Partikular na mababasa mo ang talakay tungkol sa Kaligiran at Dinamiko ng
Kultura, iyan ang pamagat ng susunod na paksa. Dagdagan pa ang pokus sa mga aralin sapagkat sa
katapusan ng mga talakay ay isasagawa mo na ang Lagumang Pagsusulit Blg. 1. Huwag kabahan
sapagkat alam kong nag-aral ka. Mabibigyan ka pa rin naman ng sapat na pagkakataon upang
makapaghanda dahil magkakaroon ka rin ng SELF-PACED na pagbasa. Magagawa mong
makapagbalik-aral sa mga naunang inilahad na konsepto tungkol sa diskurso at mga kodigong
berbal. Lahat naman tayo ay kinakailangang may ME TIME/SALF-CARE para hindi masyadong
maging toxic ang iskdeyul. Mag-reflect ka sa mga nabasa mo at hanapin kung ano ang kaugnayan
nito sa iyo bilang indibidwal at bilang Lasalyanong mag-aaral.
― Abigail Adams
Pangalan: ______________________________________________________
Kurso/Taon/Seksyon: ____________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Simulan na natin.
Pagtakay 2
Komprehensibong pagpapakahulugan na iyan dahil kung susuriin ang iba pang kahulugan ay
umiikot rin sa mga pahayag na iyan ang kanilang kahuluga.
Ang kultura raw ay maaaring nakikita o di-nakikita. Sa loob ng isang lipunan, may mga gawi o
praktis ang mga miyembro nito at ang mga ito ay kolektibong nabuo at sinang-ayunan ng lahat gaya
halimbawa ng mga paniniwala, pananampalataya o pagpapahalaga. Mga abkstrakto ito,
nagkakaroon ng buhay dahil nailalapat nila at nagagawan ng interpretasyon. Ang mga Katoliko
halimbawa, ang “pananampalataya” ay abstrakto, hindi nakikita subalit mayroong manipestasyon o
gawi upang isabuhay ito gaya ng Banal na Misa, binyag, kumpisal, at marami pang iba. Padron ng
pamumuhay sapagkat isinasagawa sa loob ng pangkat at naisasalin. Lantad naman kung ito ay
nakikita, nahahawakan gaya ng mga simbolo, tradisyon, gawi at mga kilos na nagpapakita ng
kanilang kakanyahan.
Sigurado ako na habang binabasa mo ito ay may mga naiisip kang mga halimbawa, tama ba?
Ipagpatuloy pa natin.
Bagaman maraming pagpapakahulugan sa kultura bilang isang larang ng espesyalisasyon, ang mga
dalubhasa ay sumasang-ayon sa mga ilang mahahalagang punto kaugnay nito.
Tunghayan sa susunod na pahina ang ilan sa mga pangunahin at sentral na ideya ng mga dalubhasa
kaugnay ng kultura.
Alin sa mga iyan ang sinasang-ayunan mo? Nabigyang larawang-diwa mo ba ang mga
konsepto na nabanggit? Ang kultura ba ang nagbabago o ang mga tao na kabilang sa loob ng
pangkat? Siguradong may ugnayan sila. Parang, ano ba ang nauna, ang itlog o ang manok? May
Persepsyon sa kultura
a. Ang Kultura Bilang Unibersal
Ang lahat ng tao ay lumilikha kultura. Naiimpluwesyahan din ng kultura
kung paano at ano ang nakikita, naririnig, nararamdaman, at kung paanong ang tao
at mga pangyayari ay binibigyang ebalwasyon at pagsusuri.
b. Kultural na Relatebismo
Bawat kultura ay nagtataglay ng sariling mga tuntunin na maaaring may
pagkakatulad o kaya naman ay sadyang naiiba sa lahat.
Heograpikal na lokasyon at ang mga epekto nito sa kultura at pagkatuto
Ang lokasyon o lugar ay nakaaapekto sa mga gawi, kaasalan, tradisyon at
maging sa pagkatuto ng mga kasapi ng kultura. Hal. Naging dahilan ang
pandemya upang kanselahin ang “face to face” na klase at naging mandato ang
“online class.”
Pagkakaiba-iba sa loob ng pangkat
Isa pa itong mahirap na salik ng kultura. Bagaman pare-pareho tayong mga
Pilipino may mga hindi tayo pinagkakasunduan sa loob ng ating pangkat.
Klasikong halimbawa dito ang matagal ng alitan ng pangkat ng Muslim sa
Mindanao, at iba pang mga pangkat.
1. Simbolo
Maaaring tumukoy sa di-berbal at materyal na bagay. Halimbawa ng di-berbal
ay ang paghinto habang inaawit ang Lupang Hinirang. Ito ay nangangahulugan ng
paggalang. Sa materyal na bagay naman, ang Krus ng mga Kristiyano ay isang simbolo
at marami pang iba. Sa Pilipinas pa lamang ito. Maaaring iba naman ang simbolo mula
sa ibang mga bansa.
2. Wika
Ang mga panitikan at kasaysayan ay nasusulat dahil sa wika. Mahalagang
behikulo ito ng komunikasyon. Bagaman unibersal ang katangian ng wika, magkakaiba
pa rin ang mga ito dahil nakaugat ang wika sa kultura.
3. Pamantayang Kultural
Ito ang istandard ng mga inaasahan sa pag-uugali ng bawat isa sa lipunan.
Mayroon itong dalawang uri, ang pormal at ang impormal. Ang pormal na panuntunan
ay tinatawag ding mores at batas.Tumutukoy ito sa mga pamantayan ng pag-uugali na
pinakamahalaga sa bawat lipunan. Ilan sa mga halimbawa nito ay pagsunod sa batas
trapiko at pagsusuot ng I.D ng mga estudyante habang nasa loob ng pamantasan.
Samantala, ang impormal na panuntun naman ay tinatawag na mga tradisyonal na gawi
at pamamaraan. Tumutukoy ito sa pamantayan nap ag-uugali na maaring ipalagay na
kasing halaga ng pormal na panuntunan subalit nakakaimpluwensya pa rin kung paano
kumilos ng isang tao sa isang tiyak na lipunan. Halimbawa nito ay ang pag-uugali sa
harap ng hapag-kainan-bawal magsalita kapg may laman o puno ang bibig.
G-FILI101 Diskurso sa Filipino Modyul 2 Pahina 16
4. Mga Ritwal
Tinatawag din seremonya o kaya ay mga pagdiriwang. Maraming ganito sa lipunang
Pilipino. Ilan sa mga seremonyang ito ay hindi talaga alam ang aktwal na kahulugan o
pinagmulan pero dahil nakagisnan na patuloy nang isinasagawa. Ilan sa halimbawa nito ay ang
pagpapabinyag, pagpapakasal at pagdiriwang ng kapistahan.
5. Mga Artipak
Ang mga ito ay mga labi o materyal na bagay na nahukay at pinaniniwalaang piraso rin
ng kasaysayan. Ang mga sinaunang tao ay mayroong sistema ng paglilibing o pagbabaon ng
kanilang mga gamit o kasangkapan na nahuhukay naman ng mga taong interesado sa ganitong
bagay. Kayamanan na ngayon ang mga antigong bagay na ito. Sa pamamagitan ng mga ito,
nakikilala natin kung sino at ano ang mga sinaunang Pilipino.
Ang Pilipinas ay maraming artipak na nadiskubre gaya ng:
Nawa ay marami kang natutunan. Maaari ka pang magsaliksik upang higit na mapalalim ang
iyong kaalaman sa iyong mga bagong tuklas na impormasyon.
Linggo 4
(Mula sa https://www.unicef.org/philippines/stories/paano-ko-aalagaan-ang-aking-mental-health-
sa-panahon-ng-covid-19)
Sanggunian:
Amoncio, M.P.E. et al. (2018). Diskurso sa Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Axtell, R. E. (1998). Gestures: The do’s and taboos of body language around the world. New
York: John Wiley.
Bonvillain, N. (2011). Language, culture and communication. USA: Prentice
Hall, J. (2012). Teaching and researching language and culture. Malaysia: Pearson.
Mills, S. (2008). Language and sexism. Cambridge: Cambridge University Press.