You are on page 1of 3

I.

Varayti ng Wika: Mga Teorya

ILANG PANANAW AT TEORYA UKOL SA VARAYTI AT VARYASYON


1. Teoryang Sosyolinggwistik (Saussure, 1915) – pinapalagay na ang wika ay panlipunan
at ang speech ay pang-indibidwal.
2. Teoryang Deficit Hypothesis (Bernstein,1972) – naniniwala sa pamamagitan ng
kanyang naging obserbasyon na ang wika ay may herarkiya.
3. Konsepto ng Varyabilidad (Labov, 1972) – naniniwala na natural na phenomena ang
pagkakaiba-iba ng anyo ng wika at pagkakaroon ng varayti ng isang wika. Ibigsabihin,
pantay-pantay lamang ito at walang mataas o mababa.
4. Teorya ng Akomodasyon (Giles, 1982) – nakapokus ang teoryang ito sa taong
kasangkot sa sitwasyong pangwika sa proseso ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang
wika.
a) Linguistic convergence – nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa
pagsasalita ang isang gumagamit ng wika upang bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikisama at pagmamalaki na siya ay kabahagi ng pangkat.
b) Linguistic divergence – pinipilit na ibahin ngtaong gumagamit ng wika ang kanyang
pagsasalita upang mabukod sa kausap, di-pakikiisa at pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan/identity.

• Sosyolinggwistikong teorya
1. Ang wika ay panlipunan at ang speech(langue) ay pang-indibidwal.
a. Paniwala ni Sapir na ang
wika, bagama’t isang instrumento ng
sosyalisasyon, ay hindi iiral kung wala ang mgarelasyong sosyal.
b. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita,
umiiral lamang ito sa loob ng isang kolektibo.

a. Ayon kay Saussure, ang wika ay binubuo ng signifayer (langue) na isang


kabuuang set ng mga gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal
na umintindi at maintindihan, at ang signifayd (parole) na gamit ng wika sa
pagsasalita
2. Ang wika ay heterogeno; isang kolektibong pwersa na pinagsama-samang anyo sa
magkakaibang kulutral at sosyal na bakgrawnd at grupo.

a. Idyolek ang tawag sa kanya-kanyang paraan ngpaggamit ng wika.


b. Sosyolek naman ang tawag sa varayti ng wika na bunga ng mga faktor tulad ng
edukasyon,trabaho, sosyoekonomikong grupo, kaanak,kasarian, atbp. Ang
dimensyong sosyal ng wika ay nagbubunsod sa mga rejister o jargon na varayti ng wika.
* Dahil sa pagkakaroon ngrejister, nagkakaroon rin ng hayrarki sa mga varayting wika:
may mataas o mababa, standard o di-istandard.
c. Dayalek ang tawag sa varayti ng wika bungang faktor ng lokasyon, i.e., ang
Tagalog-Bulacan ay may pinagkaiba sa Tagalog-Maynila at Tagalog-Batangas

• Teorya ng akomodasyon ni Giles

1. Ang isang taong sumasailalim sa Second Language Acquisition (SLA)ay may tendensi na
gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kanyang kausap upang bumagay, makipagpalagayang-
loob, makisama, makilahok, at magmalaki sa pagiging kabilangsa grupo. Ito
ang convergence.
2. Samantala ang isang taong sumasailalim sa SLA naman ay minsang pipiliting ibahin ang
pananalita sa kausap upang ipakita o piahayagang pagkakaiba, di-pakikiisa, o lalong
paggigiitsa sariling kakayahan at identidad. Ito ang divergence
3. Ang interference phenomenon ay nakapokussa impluwensya ng unang wika sa
pangalawangwika na makikita sa bigkas, leksikon,morpolohiya, at minsan hait sa
sintaktika.
4. Ang interlanugage , o mental grammar, ayang pagbabago ng tagapagsalita ng grammar
sapapmamagitan ng pagdagdag, pagbawas, atpagbago ng mga alintuntunin ng wika.

IV. Kaugnayan sa Pagtuturo, Saliksik at Wikang Pambansa


Tatlong perspektibo ang pagsusuri ng wikang pambansa

1. Perspektibong sikolohiko
Ang batayan ay ang palagay na may sapat na kaalaman ang estudyante at guro sa
konsepto ng varayti ng wikang Filipino at ang pulitikal na kasaysayan ng pag-unlad nito.
a. Bilang multilinggwal na bansa na dumaan sa kolonisasyon, ang pagpili ng isa
sa mga pangunahing wika para maging batayan ngwikang pambansa ay
mahirap; hindi nito na pag-iisa ang diwa at bansa ng mga Pilipino.
b. Naging hangarin ng mga tagaplano ng Konstitusyon ng 1973 at 1987 na iadap
ang Filipino batay sa lahat ng wika sa Pilipinas, kabilang na ang Ingles at
Espanyol sa paghahangad nila na gawing lingua franca ang Filipino.
c. Dito nabuo ang varayti ng Filipino batay salinggwistiko/heograpikong
dimensyon:Sebuwano Filipino, Ilokano Filipino, atbp.

d. Ang pagkakaroon ng varayti sa wikang Filipinoay inaasahang mapaglago at


mapaglinang angwikang pambansa at mapagbuklod ang mgamamamayan.3.

2. Puntong pedagohikal, malaki ang implikasyon sapagtuturo ng Filipino sa loob ng silid-


aralan.
a. Tutulong ito sa pagiging interaktibo ng wika at ang bawat isa ay
makapagbabahagi ng datosmula sa kanilang sariling bakgrawnd.3.2.

b. Ito’y isang stratehiyang student-centered dahil buhay ang klase at


magkakaroon ang lahat ng kamalaang hindi amin/kanila,mayaman/mahirap,
burgis/konyo, atbp.

3. Sa puntong intelektwal, masasabing ang varayti ng wika ay mayamang balon ng mga


paksa at mga dapat masaliksik ng ymga guro at estudyante.
4. Sanggunian: Arrogante, J., et al. (2009). Sining ng Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Navotas City: National Bookstore, Inc. Liwanag, L. (2002) Ang Papel ng
Wikang Filipino sa Gitna ng Pagkakaiba-iba ng mga Wika sa Bansa.http://
wika.pbworks.com/f/Ang+Papel+ng+Wikang+sa+Gitna+ng+Pagkakaiba-
iba+ng+mga+Wika+sa+Bansa.pdf/> Philippine Normal University. Peregrino, J., et al.
(2002). Minanga: Mga babasahin sa varayti at varyasyon ng wikang Filipino.Quezon
City: Unibersidad ng Pilipinas –Surian ng Wikang Filipino. Inihanda ni : G. Jonathan
Vergara Geronimo
5.

You might also like