You are on page 1of 7

pw

Kabanata 4 Mga Penomenong Kultural

Intended Learning Outcomes: Pagkatapos ng Yunit na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Nakikilala ang penomenong postmodernismo at neoliberalismo
 Natutukoy ang epekto sa kultura ng neoliberalismo at postmodernismo
 Naipapaliwanag ang kultura ng esperitwalidad ng mga Pilipino

4.1.1 Postmodernismo

Ang postmodernismo ay isang kanluraning teoryang kritikal na pinabubulaanan at


tinututulan ang mga itinalaga at naiambag ng panahong modernismo. Ibig sabihin nito, walang
tiyak at eksaktong katotohonan ang inihahain sa atin ng siyensya kung kaya’t dapat nating
pagdudahan ang mga teorya at paniniwala na binuo nito. Kabiguan lamang ang naidulot nito
kung kaya’t hindi naman napabuti ang kalagayan ng mundo. Malawakan pa rin ang pagbagsak
ng ekonomiya at kabilaan ang giyera sa iba’t ibang bansa. Sa postmodernismo, lahat ng mga
teorya at paniniwalang ito ay maaaring magbago dahil sila ay bunga at likha lamang ng lipunan
o mga social constructs na nagbabago rin naman.
Ang katotohanan ayon sa penomenong postmodernismo ay iba-iba sa bawat kultura at
kasunod nito ay ang pagbabagu-bago ng moralidad ayon sa napagkasunduan ng mga tao sa
partikular na panahon. Ang moralidad ng tao ay maaaring magbago batay sa kanilang
napagkasunduan at depende rin sa pangangailangan. Iba-iba rin ang moralidad sa bawat
kultura. Kung anu ang masama sa Pilipinas ay maaaring mabuti naman sa ibang bansa at ang
masamang ito ay maaaring maging mabuti sa kalaunan. Ayon nga kay Ruth Merttens (1994),
ang postmodernismo ay nauugnay din sa kaisipang poststructuralist na kung saan salungat ito
sa diwa ng Kristiyanismo at ito rin ay hindi makatao. Mula sa mga paglalarawang ito, makikita
natin ang hindi kanais-nais na katangian nito sa aspeto ng moralidad at ispiritwalidad ng mga
tao.

4.1.1.2 Epekto ng Postmodernismo


Napakatingkad ng mga epekto ng kaisipang postmodernismo sa kultura ng mga
kabataan sa kasalukuyan. Ang moralidad ng mga kabataan ay tunay na unti-unting nahuhulog
sa patibong ng postmodernismo. May dalawang pangunahing epekto ang postmodernismo:
sekswal na imoralidad at karahasan. Maraming kabataan ngayon, Kristiyano man o hindi, ang
walang takot na nakikisangkot sa premarital sex o ang pakikipagtalik ng hindi pa o bago pa man
ang sakramento ng kasal. Ibinabalik nito ang tinatawag na Sexual Revolution noong 1960- 1980
na nangyari sa mga kanluraning bansa. Binago nito ang buong balangkas ng pag-iisip sa Amerika
pagdating sa sex. Nasa karapatan daw ng tao kung gusto niyang makipagtalik kahit hindi pa siya
kasal (Risman at Schwartz, 2002). Ibig sabihin lang nito, nasa kagustuhan na ng tao kung gusto
niyang makipagtalik kahit hindi naaayon sa estado niya sa buhay.
Pagdating naman sa usapin ng karahasan, iminumungkahi rin ng postmodernismo ang
kalayaan ng tao na mag-aklas, magtipon sa kalye, at minsan ay maging marahas kung
kinakailangan sa tuwing makakaranas siya ng maling pagtrato sa lipunan.

4.1.1.2 Media bilang tulay ng Postmodernismo


Naging ganito kabaluktot ang pag-iisip ng ilang kabataan dahil na rin sa mga
postmodernismong kaugalian na ipinapakita at itinataguyod ng isa sa pinaka-maimpluwensyang
institusyon sa lipunan - ang media. Bagamat maraming kabutihan ang dulot ng media pagdating
sa kaunlaran at pagbabago, ginamit din itong tulay para lumaganap ang postmodernismong
kaisipan.
Ang midyang pangmasa o mass media ay ang mga pamamaraan ng komunikasyon na
nakakaabot sa maraming tao sa mas mabilis na oras o panahon. Nasasaklaw nito ang iba’t ibang
anyo: ang print media tulad ng mga pahayagan, magasin, at aklat; ang broadcast media tulad ng
radyo at telebisyon; at ang digital media na kinabibilangan ng internet. Kasama na rin dito ang
sikat na mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter na kung saan ginugugulan ng
malaking oras ng maraming kabataan sa kasalukuyan.

Halimbawa ng mga lantarang epekto ng midya bilang tulay ng postmodernismo:

 Sa usaping premarital sex, maraming programa sa telebisyon ang nagpapakita ng


kalaswaan at ang saya ng pananabik na nadarama ng kabataan pagdating sa sex tulad ng
The Joy of Teen Sex at Skins, parehong TV series sa Britanya na tumatalakay sa iba’t-
ibang karanasang sekswal ng mga kabataan.
 Dito naman sa Pilipinas, isang programa sa telebisyon ang ipinapalabas at minsan ay
may temang sekswalidad. Kahit hindi tuluyan o deretsahan ang nais ipakahulugan,
malaswa pa rin lalo na sa mga kabataan, ito ang Gandang Gabi Vice (GGV).
 Sa pelikula naman, sobrang popular ang naging hatak ng The Virginity Hit noong 2010 at
It Felt Like Love noong 2013. Ang parehong pelikula ay gawa sa Amerika. Umiikot ang
kwento nito sa karanasan ng pakikipagtalik ng mga kabataan
 Ang mga naging pelikula nina Diana Zubiri at Francine Prieto tulad ng Liberated 1 at 2
ang naging katumbas naman nito sa Pilipinas. Kasama na rin dito ang pagkalat ng samu’t
saring sex scandal videos na ini-upload sa internet at inilagay sa mga digital video discs
(DVD) para mapanuod gamit ang computer o telebisyon.
 Gayundin naman, walang pinagkaiba sa mundo ng musika. Maliban sa
postmodernismong kasuotan ng mga mang-aawit na nakabuyangyang ang halos na
hubad ng katawan tulad ni Lady Gaga at Miley Cyrus sa kanilang mga music videos
(MTV) na Born This Way at Wrecking Ball, matinding kalaswaan rin ang nilalaman o
mensahe ng mga ilang awit. Ang mga titik o lyrics ay nag-uudyok din ng pakikipagtalik
tulad na lang ng awitin ng FilAm na si Bruno Mars na The Lazy Song.

4.1.2 Neoliberalismo

Ayon kay David Harvey, mula pa noong dekada ‘70 bumaling na ang maraming mga
lipunan patungo sa neoliberalistang pag-iisip at praktis. Noong 1999, binanggit ni Robert
McChesney na ang neoliberalismo ang namamayaning politikal at ekonomikong teorya ng
ating panahon. Sinabi naman nina Saad-Filho at Johnston na nabubuhay tayo ngayon sa
panahon ng neoliberalismo. Samantalang sa palagay ni Perry Anderson, ito na nga ang
pinakamatagumpay na ideolohiya sa kasaysayan ng daigdig.
Dagdag pa ni Edward Said, nilamon na nga raw ng neoliberalismo ang daigdig kaakibat ang
dulot nitong panganib sa demokrasya at kalikasan. Sa palagay ng maraming kritiko, ito rin ang
dahilan kung bakit patuloy na lumalaki ang agwat ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa
pagkamit ng iba’t ibang uri ng kapital—kultural, ekonomiko, sosyal, politikal, at
enbayronmental.
Ang salitang-ugat ng neoliberalismo ay “liberalismo.” Nakaugat ito sa classical liberal
economics nina Adam Smith at David Ricardo noong ika-18 siglo. Sa pananaw ng mga
ekonomistang ito, mabuti ang Kapitalismo bilang isang sistemang ekonomiko na nakabatay sa
laissez-faire at malayang merkado.
Sa mas malawakang pananaw, ipinapalagay na ang merkado ay siyang angkop na gabay sa
lahat ng mga gawain at aspekto ng buhay-tao.28 Kung kaya, tumutukoy rin ito sa mas malawak
na aspekto at kontekstong kultural, politikal, at sosyal.
Sinabi ni McChesney: “It is precisely in its oppression of nonmarket forces that we see how
neoliberalism operates not only as an economic system, but as a political and cultural system
as well.”

Halimbawa ng neoliberalisasyong kultural:


1. SMisasyon
Ay ang pagpapatuloy ng proseso ng neoliberalisasyon sa Pilipinas at ang paglawak at
pag-igting ng epekto nito sa halos lahat ng aspekto ng buhay ng mga Pilipino: pang-ekonomiya,
panlipunan, panrelihiyon, pampulitika, kultural, sikolohikal, moral, ekolohikal, at marami pang
iba. Isinasagisag ng SM ang matagumpay at epektibong pagpasok ng neoliberalismo sa bansa.
Katangian ng Penomenong SMisasyon:
(1) walang-patumanggang pagkonsumo
(2) kultura ng matiraang-matibay, at
(3) mito ng sipag at tiyaga.
2. Walang-Patumanggang Pag-Konsumo (Hyper-Consumerism)
Noong 1998, sinabi ni Steven Miles na sa mga huling taon ng ika-20 siglo, konsumerismo na nga
ang bagong relihiyon habang pinapasok na nito ang ating pang-araw-araw na buhay. Mga ilang taon
bago pa nito, inilarawan ni Brian Appleyard ang konsumerismo bilang isang relihiyon: ang mga
naglalakihang mall ang mga katedral at ang pag-konsumo ng mga produkto at serbisyo ang anyo ng
pagsamba. 53 Binanggit nina Rico at De Leon na isinasagisag ng pagdami ng mga mall sa Pilipinas
ang kultura ng konsumerismo. Ayon kay Tolentino, “galing sa global na istruktura ng konsumerismo
ang malling, at kaiba lang ang adaptasyon ng negosyante at konsumeristang Filipino sa istrukturang
ito.” Magkaiba ang consumption sa consumerism. Ang consumption ay tumutukoy lamang sa payak
na pagbili at paggamit ng produkto, isang awtomatikong gawain na para kay Zygmunt Bauman ay
maihahanay sa mgabiyolohikal na proseso na kailangang gawin upang mabuhay. Samantalang ang
consumerism ay tumutukoy sa mas kumplikadong paraan ng pamumuhay na sobra-sobrang
nakatuon sa pagbili at paggamit ng produkto. Sinabi pa ni Bauman na kung ang consumption ay
katangian ng isang indibidwal na tao, ang konsumerismo ay katangian ng lipunan. Sa kasalukuyang
anyo ng lipunan na pinapangisawaan ng mga polisiyang nakabatay sa pinagpanibagong Kapitalismo,
ang kultura ng konsumerismo ay higit pang bumabaon sa kaibuturan ng pagkatao ng mga kasapi
nito. Dahil maraming produksyon, kailangang maraming bumili ng mga produkto. Dahil hindi titigil
ang paggawa, kailangang hindi rin tumigil ang pag-ubos ng mga ginawa. Isang proseso na parang
walang katapusan. Isang proseso na kakambal na ng Kapitalismo mismo. Ang pag-igting ng kultura
ng konsumerismo ay masasabing bahagi ng proseso ng SMisasyon sapagkat malaki ang nagiging
papel ng naglalakihang mall sa Pilipinas sa prosesong ito.Kabilang ang mall sa tinatawag ni Ritzer na
sites of consumption.

3. Matira ang Matibay (Survival of the Fittest)


Ito ang pagpapalaganap at pagpapatibay ng paniniwala na ang larangan ng negosyo at
buhay ekonomiko ay maihahalintulad sa isang gubat na kung saan matira ang matibay,
isang mabalasik at madugong paligsahan. Itong ganitong uri ng pananaw ay karaniwang
iniuugat sa isang anyo ng Social Darwinism na pinangangalandakan ni William Graham
Sumner, isang Amerikanong antropolohista. Para kay Sumner, upang magkaroon ng pag-
unlad sa isang lipunan, kailangan talaga na makipagbuno ang mga matitibay at sukdulang
masagasaan ang mga mahihina.76 Ang batas daw ng biological evolution ni Charles Darwin
ay totoo at angkop din sa pag-unlad ng mga institusyon ng lipunan, kasama na ang
komersyo.

4.1.3 Isperitwalidad

Sa gitna ng mga kaganapan sa ating pang-araw-araw na buhay sa pagdaloy ng panahon,


hindi natin maitatanggi ang mahalagang gampanin ng ispiritwalidad at relihiyon sa ating buhay
bilang isang bansa. Sa katunayan, ayon sa mga paham na sikolohista tulad nina Jung at
Maslow, kinakailangang ikonsidera ang ispiritwalidad at relihiyon upang lubusang maunawaan
ang isang tao (Hill et al. 2000).
Sa makakanluraning literatura, madalas iniuugnay ang ispiritwalidad sa relihiyon, ngunit sa
ngayon, tinitingnan na ang kaibahan ng dalawa (Zinnbauer et al. 1997). Ayon kina Hill (2000),
galing ang ispiritwalidad sa salitang Latin na “spiritus” na ang ibig sabihin ay hininga o buhay.
Madalas iniuugnay ang ispiritwalidad sa konteksto ng relihiyon at mga ritwal sa ilalim nito na
nararanasan at ipinapahayag ng marami (Zinnbauer et al. 1997; Hill et al. 2000). Tumutukoy rin
ang ispiritwalidad sa “sagrado” bilang isang tao, bagay o isang prinsipyo o konsepto na
nilalagpasan ang sarili (Hill et al. 2000). Pinapakahulugan din ang ispiritwalidad bilang isang
personal at pansariling aspeto ng relihiyosong karanasan (Hill at Pargament 2003).

1.1.3.1 Ispiritwalidad at Relihiyon kaugnay ng Kulturang Pilipino


Mahalaga ang gampanin ng kultura sa pag-unawa sa Diyos (De Mesa 2010). Sa
kontekstong Pilipino, kung pag-uusapan ang ispiritwalidad, mahirap itong hiwalay sa
relihiyon. Sa katunayan, binibigyang-pansin ang buong kulturang humuhubog sa
ispiritwalidad ng tao at relihiyon sapagkat itinuturing ito bilang isang pangunahing
panlipunang tagahubog na mahalaga sa sosyalisasyon ng isang tao.
Tuwing pag-uusapan ang kultura, tumutuon tayo sa ating pare-parehong paniniwala at
kasanayan bilang isang pangkat. Sa pagsasakatutubo ng ispiritwalidad, ayon kay De Mesa
(2010), sa ating pagpapakatao nasasalamin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos. Kaugnay
ng ispiritwalidad ang mga pagpapahalagang Pilipino tulad ng bahala na, pakikipagkapwa, at
utang na loob. Ang mga kaibang pagpapahalagang ito ng mga Pilipino ay palaging
binibigyang-pansin sa iba’t ibang konteksto sa paglipas ng panahon. Para kay Covar (1998),
sa paglalakip ng paniniwala at pagkatao ng Pilipino matatagpuan ang ispiritwalidad. Sa
pagpapakatao ng Pilipino ay naroon ang pakikipagkapwa-tao.

You might also like