You are on page 1of 4

Kasabihan

Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo


o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga
salitang ginagamit ay payak at madaling
maintindihan.

Salawikain
Ang mga Salawikain ay mga kasabihang Pinoy na
ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong
kalinangan, karunungan, at pilosopiya. Karamihan
sa mga Salawikain nating mga Pilipino ay pamana
na mga sinaunang henerasyon. Ang mga
kasabihang ito ay naglalaman ng mga karunungang
natutunan mula sa mga karanasan at naglalayong
magbigay ng patnubay sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.

Sawikain
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na
ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang
salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-
tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Karunungang Bayan
Ang karunungang bayan ay isang sangay ng
pantikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa
bawat kultura ng mga tao. Ang karunungang bayan
ay nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang
tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang
kultural.

You might also like