You are on page 1of 2

SALAWIKAIN (PROVERB)

Ang mga salawikain ay mga salitang sumasalamin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino. Ito ay maaari ring
tawaging mga pilosopiya sa Pilipinas o mga katutubong karunungan. Kalimitan ay ginagamitan ito ng retorika para mas
kaaya-ayang pakinggan.

Halimbawa:
1. Kung ano ang puno siya ang bunga.
2. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
3. Ang taong gipit sa patalim kumakapit.
4. Kung anong itinanim, siyang aanihin.
5. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

SAWIKAIN (SLOGAN)
Ang mga sawikain ay maaaring mga idyoma. Ang pagpapahayag na mga ibig sabihin ng mga sawikain ay hindi
komposisyunal o mahirap matumpak.

Halimbawa:
1. magdilang-anghel (magkatotoo ang sinabi)
2. balitang kutsero (balitang hindi totoo; fake news)
3. ilaw ng tahanan (nanay o ina sa pamilya)
4. mababaw ang luha (iyakin o madaling mapaiyak)
5. nakalutang sa ulap (masaya)

KASABIHAN (SAYINGS)
Mga nakagawiang ekspresyong ng mga Pilipino.
1. Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda. (-Jose Rizal)
2. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
3. Walang sumisira sa bakal kundi ang sarili din niyang kalawang.
4. Napakahaba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
5. Nadadaig ng maaagap ang mga masisipag.

KASABIHAN - ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito'y hindi ginagamit ng mga talinghaga payo ang katulugan.
halimbawa:
"tulak ng bibig, kabig ng dibdib"
"utos na sa puso, utos pa sa dugo"
SAWIKAIN - ang pagsasawikain ay pagtatambis sa isang paraan ng pagsasalita na hindi ginagagamit na marahas na salita
upang maiwasan ang makasakit ng loob.
halimbawa:
parang natuka ng ahas- natulala
malayo sa bituka hindi malubha
SALAWIKAIN - karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago.
halimbawa:
pag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw
ang sakit ng kalingkingan, damdam ng buong katawan

Salawikain - Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang
nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
Ang Kasabihan naman ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan.
Ang kilos, ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
Ang kasabihan ay mga aral sa buhay na isinusulat sa paraang ginagamit sa pang araw-araw na usapan.ang sawikain o
salawikain they are the same pero katumbas din ng kasabihan subalit isinusulat ito sa paraang patula o poetic......

Ang mga kasabihan ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno


natin na nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan at Ang Salawikain ay
nagtataglay ng mga pangaral at karunungan sa pamamagitan ng mga salitang
may tugma at sukat. Ito ay ginagamit noong sinauna, maging sa kasalukuyang
panahon upang magpayo, gumabay at magturo ng mabubuting asal.
Narito ang ilan sa halimbawa ng mga salawikain at ilan na may paliwanag.

You might also like