You are on page 1of 6

REPORMANG

PANSAKAHAN
AT PANLIKAS
NA KAYAMANAN
(Ang 1987 Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas)
SEKYON 4
Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng
batas, ng programa sa repormang pansakahan na
nakasalig sa karapatan ng mga magsasaka at mga
regular na manggagawa sa bukid, na mga walang
lupa, na tuwiran o sama-samang magmay-ari ng
mga lupang sinasaka o, sa kalagayan ng iba pang
manggagawa sa bukid, tumanggap ng karampatang
kaparte sa mga bunga niyon.
SEKYON 5
Dapat kilalanin ng Estado ang karapatan ng mga
magsasaka, mga manggagawa sa bukid, at mga may-
ari ng lupa, gayon din ng mga magsasaka na lumahok
sa pagpaplano, pagbuo, at pamamahala ng programa,
at dapat maglaan ng suporta sa pagsasaka sa
pamamagitan ng angkop na teknolohiya at
pananaliksik, at sapat na mga lingkuran sa
pananalapi, produksiyon, pagsasapamilihan, at iba
pang mga lingkurang pantulong.
SEKYON 6
Dapat ipatupad ng Estado ang mga simulain ng
repormang pansakahan o stewardship kailanma’t
mapaiiral nang naaalinsunod sa batas sa
pamamahagi o paggamit ng iba pang mga likas na
kayamanan. Maaaring ipanahan ng Estado ang mga
magsasakang walang lupa at ang mga manggagawa
sa bukid sa sarili nitong mga lupaing pansakahan na
ipamahagi sa kanila sa paraang itinakda ng batas.
SEKYON 7
Dapat pangalagaan ng Estado ang mga karapatan ng
mga mangingisdang tawid-buhay, dapat na maglaan
ang Estado ng suporta sa mga mangingisdang iyon sa
pamamagitan ng angkop na teknolohiya at
pananaliksik, sa pananalapi, produksiyon at
pagsasapamilihan, at iba pa. Dapat ding pangalagaan
at ikonserba ang mga yamang tubig, at ang mga
mangingisda mula sa pagpasok ng mga dayuhan.
Dapat ding tumanggap ang manggagawa ng
karampatang parte sa kanilang pinagtrabahuhan.
SEKYON 8
Dapat maglaan ang Estado ng mga insentibo sa
mga may-ari ng lupa sa kanilang pamumuhunan ng
tinanggap na kabayaran sa programa sa repormang
pansakahan upang itaguyod ang industriyalisasyon,
lumikha ng mga hanapbuhay, at isapribado ang mga
negosyo ng sector publiko. Ang mga kasangkapang
pampananalapi na ginamit na kabayaran sa kanilang
mga lupain ay dapat tanggaping ikwiti sa kanilang
piniling mga negosyo.

You might also like