You are on page 1of 15

1.

Isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig (K)
a. lokasyon c. paggalaw
b. lugar d. rehiyon

2. Panahon sa kasaysayan ng daigdig kung kailan naganap ang rebolusyong agrikultural o


sistematikong pagtatanim (K)
a. Mesolitiko c. Neolitiko
b. Metal d. Paleolitiko

3. Ang kabihasnang nabuo sa pagitan ng dalawang ilog (K)


a. China c. Indus
b. Egypt d. Mesopotamia

4. Ang kabihasnang kinilala sa pagkakaroon ng unang urban o city planning o pagpaplanong


panlungsod (K)
a. China c. Indus
b. Egypt d. Mesopotamia

5. Suriin ang mapa at sagutin ang tanong tungkol dito.


Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Greenland? (P/S)
a. Tropikal na klima
b. Maladisyertong init
c. Buong taon na nagyeyelo
d. Nakararanas ng apat na klima

6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng mga relihiyon noon sa mga
pangunahing relihiyon sa kasalukuyan? (P/S)
a. May sinasambang diyos ang kasalukuyang mga relihiyon.
b. Walang pagkakaiba ang mga relihiyon noon at sa kasalukuyan.
c. Walang sinusunod na mga tradisyon ang mga sinaunang relihiyon.
d. Mas organisado ang mga doktrina o aral ng malalaking relihiyon sa kasalukuyan.

7. Bakit napalitan ng agrikultura ang pangangaso bilang paraan ng pagkuha ng pagkain ng mga
tao noong panahong Neolitiko? (P/S)
a. Mas mahirap ang pangangaso kaysa sa pagtatanim.
b. Nagkaroon ng palagiang suplay ng pagkain ang mga tao.
c. Naging kaunti ang mga hayop na ginawang pagkain ng mga tao.
d. Mas nasiyahan ang mga tao na kumain ng mga prutas at gulay sa halip na karne ng mga
hayop.
8. Aling pahayag ang may maling impormasyon tungkol sa panahong Paleolitiko? (P/S)
a. Unang gumamit ng apoy ang mga sinaunang tao.
b. Pangangaso ang kanilang pangunahing paraan ng pagkuha ng pagkain
c. Nagsimulang makipagkalakalan ng mga produktong agricultural ang mga tao.
d. Gumamit ng magagaspang na bato ang mga tao bilang kagamitan.

9. Ano ang pinakamalapit na kongklusyon sa pahayag na Karaniwang umunlad sa mga lambak-


ilog ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? (P/S)
a. Nakasanayan ng mga sinaunang tao na manirahan malapit sa ilog.
b. Malaki ang pakinabang ng ilog upang magkaroon ng maunlad na pamumuhay ang mga
sinaunang tao.
c. Hindi lahat ng mga sinaunang kabihasnan ay umunlad sa mga lambak-ilog.
d. Maraming dayuhan ang naghangad na sakupin at makontrol ang mga lupaing malapit sa mga
ilog.

10. Alin sa sumusunod na larawan ang hindi kabilang sa temang heograpikal na lugar?

11. Naging masigla ang sinaunang kalakalan ng mga Tsino at ng iba pang pangkat ng tao sa
Kanlurang Asya, silangang Africa, at silangang Europe dahil sa mahusay na rutang
pangkalakalang tinawag na Silk Road. Ano ang pinakamalapit na kongklusyon sa pahayag na
ito? (S/P)
a. Tuluyang nagbukas ang kalakalang pandaigdig sa pangunguna ng mga Tsino dahil sa Silk
Road.
b. Tinawag na Silk Road ang rutang pangkalakalang ito dahil telang silk ang pangunahing
produktong ipinagpalit ng mga Tsino sa iba pang mangangalakal.
c. Labis na hinangaan at tinangkilik ng mga dayuhang mangangalakal ang mga produkto Tsino
noong sinaunang panahon na nagbunga ng paghina ng kalakalan sa iba pang panig ng daigdig.
d. Maunlad ang kabuhayan ng mga Tsino sa larangan ng kalakalan noong panahong iyon
dahil nagbigay-daan ang Silk Road upang mapadali at mapabilis ang pagluwas ng mga
produktong Tsino.

12. Alin sa sumusunod ang mga pamana ng kabihasnang Egyptian ? (P/S)


a. feng shui, Ramayana, halaga ng pi, hieroglyphics
b. ziggurat, code of Hammurabi, pyramid, sexagesimal system
c. Epic of Gilgamesh, sewerage system, Hinduism, Great Wall
d. hieroglyphics, mummification, pyramid, kalendaryong may 365 araw

13. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lokasyon? (P/S)
a. Malaki ang suliranin ng China sa polusyong dulot ng mga pabrika.
b. Ang New Zealand ay halimbawa ng isang kapuluan o archipelago.
c. Ang Cambodia ay kaanib ng Association of Southeast Asian Nations.
d. Nasa kanluran ng Pilipinas ang Pacific Ocean, nasa timog ang Bashi Channel, at nasa
silangan ang West Philippine Sea.
14. Bakit mahalaga ang wika sa kultura ng tao? (U)
a. Ito ang batayan ng mga relihiyon ng tao.
b. Ito lamang ang batayan ng kultura ng tao.
c. Ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng mga tao.
d. Ito ang pinakamahalagang elemento ng kultura ng tao.

15. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na sitwasyong nagpapakita ng kahalagahan ng metal


sa mga tao sa kasalukuyan? (U)
a. Malaki ang kinikita ng mga bansa sa pagbebenta ng mga metal.
b. Lahat ng kagamitan ng mga tao sa kasalukuyan ay gawa sa mga metal.
c. Ang mga metal ang naging dahilan para lumago ang sektor ng kalakalan ng mga bansa.
d. Ang mga metal ang ginagamit sa pagpapatayo ng mga impra-estruktura tulad ng gusali.

16. Ano ang isang patunay na nagpapatuloy pa rin ang pag-unlad ng tao mula noon hanggang
ngayon batay sa aspektong pangkabuhayan? (U)
a. Mula sa paggamit ng magagaspang na bato, naging makabago ang mga kasangkapan ng tao
sa kasalukuyan.
b. Mula sa pagiging nomadiko, nakapagtatag ang mga makabagong tao ng mataas na antas ng
kultura.
c. Mula sa pagsasaka at pag-aalaga ng mga hayop, nakinabang ang mga sinaunang tao dahil
napabuti ang kanilang kabuhayan.
d. Mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa limitadong lugar, naging
pandaigdigan ang transaksiyon sa pagkuha ng mga pangangailangan at sa hanapbuhay.

17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan? (U)


a. Napaliligiran ang kabihasnang Indus ng mga hanay na bundok, disyerto at karagatan.
b. Karaniwan sa mga umunlad na sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nanirahan sa
matatabang lupaing mainam sa pagsasaka.
c. May politeistang relihiyon ang mga sinaunang Sumerian at Egyptian dahil sa kanilang
pagsamba sa maraming diyos at diyosa.
d. Nakipagkasundo si Ramses II ng Egypt sa pinuno ng mga Hittite na nagbigay-daan sa
pagkakaroon ng kauna-unahang nasusulat na kasunduan sa daigdig.

18. Kung kabilang ka sa pangkat ng mga sinaunang nomadiko na nakarating sa Egypt, ano ang
magiging dahilan mo kung bakit nais mong manatili sa nasabing rehiyon? (U)
a. Ang nagtataasang hanay ng mga bundok ng Egypt ang magliligtas sa akin sa mababangis na
hayop.
b. Mas nanaisin kong manirahan sa rehiyong Mesopotamia o sa lambak-ilog ng Indus dahil sa
yamang-tubig na nagmumula sa mga ilog nito.
c. Ang mga lupain sa tabi ng ilog nito ang mainam na lugar sa pagsasaka dahil sa
pagkakaroon ng tubig para sa mga pananim.
d. Napaliligiran ng mga disyerto ang Egypt kung saan sumibol ang ibat ibang uri ng halamang
nagdudulot ng maunlad na kabuhayan.

19. Ano ang mahalagang aral na iyong natutuhan sa pamumuhay ng mga katutubo sa mga
sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica? (U)
a. Matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Mesoamerica sa malaking bahagi ng
kasalukuyang Mexico
b. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga taga-Mesoamerica dahil sa sistematikong paraan ng
pagsasaka at pakikipagkalakalan.
c. Nararapat na makapamuhay ang tao ayon sa kaniyang kapaligiran at sa kakayahan
niyang alagaan at linangin ang taglay nitong yamang likas.
d. Muling ibalik ang kadakilaan ng sinaunang kabihasnang Mesoamerica sa pamamagitan ng
muling pagtangkilik sa naging paraan ng kanilang pamumuhay.
20. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kabutihang dulot ng kontribusyon ng mga sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyan? (U)
a. Nagsilbing-proteksyon ang Great Wall of China sa mga dayuhang nagnais na sakupin ang
Imperyong Tsino.
b. Ang cuneiform, ziggurat, at Hanging Gardens of Babylon ay ilan sa mahahalagang pamana ng
kabihasnang Mesopotamia sa daigdig.
c. Maraming tirahan at gusali ang may maayos na daluyan ng maruming tubig dahil sa
sistemang sewerage na nagmula sa kabihasnang Indus.
d. Misteryoso pa rin sa mga kasalukuyang arkitekto at inhinyero kung paano naging matibay ang
pagkakagawa ng Great Pyramid sa Egypt.
Heograpiya saklaw ang anyong tubig at anyong lupa, klima at panahon at distribusyon at
interakyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran nito.
- Nagmula sa wikang griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan

5 tema ng heograpiya
1. Lokasyon tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig

2 pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon


a. Lokasyong absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude at
longitude line na bumubuo sa grid
b. Relatibong lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid
nito.
2. Lugar tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook

2 pamamaraan sa pagtukoy ng lugar


a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig at likas na
yaman
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami
ng tao, kultura at mga sistemang politikal.

3. Rehiyon bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o


kultural.
4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay
ng kanilang kinaroroonan.
5. Paggalaw ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar,
kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan

3 uri ng distansiya ang isang lugar


1. Linear gaano kalayo ang isang lugar
2. Time gaano katagal ang paglalakbay
3. Psychological paano tinignan ang layo ng lugar

Mantle ay isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito.

Core ang kaloob-loobang bahagi ng Daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel

4 hating-globo (hemisphere)

Northern Hemisphere hinahati ng equator


Southern Hemisphere

Eastern Hemisphere hinahati ng prime meridian


Western Hemisphere

Longtitude ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa


kanluran ng prime meridian at ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak mula sa north
pole patungong south pole

Prime meridian nasa greenwich sa england ay itinatalaga bilang zero degree longtitude

International date line ang 180 degrees longtitude mula sa prime meridian, pakanluran o
pasilangan. Ito ay matatagpuan sa kalagitnaan ng pacific ocean, nagbabago ang pagtatakda ng
petsa alingsunod sa pagtawid sa linyang ito.
Latitude ang distansyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng
equator.

Equator ang humahati sa glob sa hilaga at timog hemisphere o hemispero at ito rin ay
itinatakdang zero degree latitude

Tropic of cancer ang pinaka dulong bahagi ng norther hemisphere na direktang sinisikatan ng
araw, makikita ito sa 23.5 hilaga ng equator.

Tropic of Capricorn ay ang pinakadulong bahagi ng Southern hemisphere na direkta ring


sinisikatan ng araw at matatagpunan ito sa 23.5 timog ng equator

Kontinente ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig

Alfred Wegener isang German na nagsulong ng Continendal Drift Theory, dati ng


magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente ng pangaea, dahil sa paggalaw ng
continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiway-
hiwalay ang pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente

Continental Drift Theory

Pangaea isang continent na pinaliligiran ng karagatang tinatawag na Panthlassa Ocean

Laurasia Northern hemispere

Gondwana Southern hemisphere

7 kontinente ng daigdig

Africa malalaking suplay ng ginto at diyamante at pinakamaraming bansa sa ibang kontinente

Nile River -pinakamahabang ilog sa buong daigdig

Sahara Desert pinakamalaking disyerto

Antarctica natatakpan ng yelo

Asya pinakamalaking kontinente sa mundo

China pinakamalaking populasyon sa daigdig

Mt. Everest pinakamataas na bundok

Europe ikalawa sa pinakamaliit na kontinente

Australia pinakamaliit na kontinente

North America may hugis na malaking tatsulok

Applachian Mountains (silangan) at Rocky Mountains (kanluran) mahabang kabundukan

South America hugis tatsulok na nagiging patulis mula sa bahanging equator

Andes Mountain 7,240km ang haba na sumasakop sa buong baybayin ng South


America
Mga Anyong Lupa at Anyong Tubig

Topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon

Kauna-unahang kabihasnan ng daigdig


-Tigris-euphrates
-indus
-huang ho sa asya
-lambak ilog ng nile sa africa

Pinakamataas na bundok sa buong daigdig

Everest asya 29,028 talampakan


Kilimanjaro africa 19,340 talampakan
Elbrus sa Russia europe 18,510 talampakan

Pinakamalalim na bahagi ng daigdig


-Challeger deep sa mariana trench nasa kanlurang bahagi ng pacific ocean
-Puerto rico trench sa atlantic ocean
-Java trench sa indian ocean
-Eurasia basin sa arctic ocean

Pinakamalalaking dagat sa daigdig


-south china sea
-Caribbean sea
-Mediterranean sea

Heograpiyang pantao

Wika kaluluwa ng isang kultura, nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong
kabilang sa isang pangkat.

7105 buhay na wika sa daigding na ginagamit ng 6,200,000,000 katao

Relihiyon kalimutan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa
isang kinikilalalang makapangyarihang nilalalng o Diyos.

Relihiyon nagmula sa salaitang Religare buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay
ang kabuuan
Lahi/Pangkat-Etniko tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, pisikal na
katangian ng pangkat.

Etniko nagmula sa salitang greek na ethnos ibig sabihin mamamayan

Sinaunang tao

Ape sinasabing pinagmulan ng tao

Chimpanzee pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao, ayon sa mga siyentista

Autralopithecine tinatayang ninuno ng makabagong tao; ape na may kakayahang tumayo nang
tuwid

Mga pangkat ng homo species


Homo habilis
Homo erectus
Homo sapiens

Lucy pinakatanyag ng Australopithecus afaresis na natuklasan ng mga labi noong 1974

Panahong Paleolitiko tinatawag din panahon ng lumang bato


- Nagmula ang paleolitiko sa mga katagang paleos o matanda at lithos o bato
- Unang gumamit ng apoy at nangaso

Homo habilis nangangahulugang able man o handy man


- Unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato
Homo erectus may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato

Homo Sapiens pinakahuling species na ebolusyon ng tao ang Homo sapiens Neanderthalensis
higit na malaki ang utak kung ihahambing sa mga naunang species

Neanderthal may kaalaman sa paglilibing

Cro-Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba

Panahong Neolitiko huling bahagi ng panahong bato


- Hango sa mga salitang Greek na neos o bago at lithos o bato
- Kilala sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng
paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi
- Naganap sa panahong ito ang sistematikong pagtatanim
- Magkakadikit ang mga dingding ng kabahayan at ang tabing pasukan ng isang
bahay ay mula sa bubungan pababa sa hagdan
- May paghahabi, paggawa ng mga alahas, salamin at kutsilyo

Catal Huyuk isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa gitnang Anatolia (turkey ngayon)
- Isang pamayanang sakahan
Panahon ng Metal
Panahon ng Tanso - nalinang na mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari
sa tanso
Panahon ng Bronse naging malawakan ang paggamit ng bronse ng matuklasan ang
panibagong paraan ng pagpapatigas ng bronse
- Pinaghalo ang tanso at lata upang makagawa ng higit na matigas na bagay
-Ibat-ibang kagamitan at armas ang nagagawa mula sa tanso tulad ng espada,
palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana at sibat
- Sa panahong ito natutong makapagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook
Panahon ng Bakal natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo
- Natutunan ang magtunaw at magpanday ng bakal

Sinaunang kabihasnan
1. Mesopotamia (iraq) nagmula sa mga salitang Greek na meso o pagitan at potamos o ilog
- Lupain sa pagitan ng dalawang ilog
- Sinakop ng ibat-ibang pangkat ng Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian,
Chaldean at Elamite
- Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates
- Ang regular ng pag-apaw ng ilog Tigris at Euphates ay nagdudulot ng baha na
nag-iiwan ng banlik (silt)
- Matatagpuan ang mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent

Fertile Crescent isang paarkong matabang lupain nagsisimula sa Persian Gulf


hangang Mediterranean Sea

Uruk itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig


2. Egypt sinaunang kabihasnan nagmula sa lambak ng Nile River

Lower Egypt nasa bahaging hilaga ng lupain kung saan dumadaloy ang ilog nile
patungong Mediterranean Sea

Upper Egypt nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang Abu Simbel

Nile River - may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan
patungong hilaga.

The Gift of the Nile tawag sa Egypt dahil kung wala ang ilog buong lupain ay magiging
diyerto.

Aswan High Dam naitayo upang makapagbigay ng elektrisidad at maisaayos ang suplay
ng tubig.

Delta putik na naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga upang maging latiang

3. Indus (India at Pakistan) ang timog asya ay isang malawak na tangway na hugis
tatsulok, binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan,
Sri Lanka, Nepal at Maldives

Himalaya nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig


na dumadaloy sa Indus River

Khyber Pass hilagang-kanluran nagiging daanan ng mga tao dala ang kanilang sariling
wika at tradisyon

Harappa at Mohenjo-Daro pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan

4. Huang Ho (China) pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado ang


Confucianism at Taoism
- Umusbong kabihasnan sa China sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang
Ho
- Xia o Hsia ang unang dinastiyang naghari sa China pinamunuan ni Yu
- Zhongguo nangangahulugang Middle Kingdom

5. Mesoamerica (Central America) hango sa katagang meso o gitna


- Lunduyan ng mga unang kabihasnan sa america
- Ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of
Fonseca sa katimugan ng El Salvador

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

1. Sumer unang lungsod estado ng Mesopotamia


Ziggurat strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na
makikita sa bawag lungsod
Cuneiform (hugis sinsel) ang paraan ng pagsulat na ginagamitan ng stylus at clay
o luwad na lapida
2. Akkad unang imperyong itinatag sa daigdig
Sargon I ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod estado ng
Akkad o Agade
3. Babylonia
Hammurabi pinuno ng lungsod ng Babylon
Babylon kabisera ng imperyong babylonia
4. Assyrian
Assyria imperyong itinatag pagkatapos ng Babylonia
Ashurbanipal hari na kinakitaan ng maayos na pamamahala sa kanilang panahon
5. Chaldean imperyong itinatag ni Nabopolassar
Hanging Garden si Nebuchadnezzar II ang nagpagawa sa Babylon sa kaniyang
asawa at kinilala ito ng mga Greek bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient
World.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Silangan Asya

1. Persian
Imperyong Achaemenid itinatag sa Persian (Iran)
Cyrus the Great pinuno na nagsimulang manakop nasailalim nila ang Medes at
Chaldean at Asia Minor (Turkey)
Darius the Great umabot ang sakop hangang India
Zoroastrianism itinatag ni Zoroaster at napatanyag ng mga Persian sa pagsulong
ng relihiyon

Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya

Harappa matagpuan sa kasalukuyang Punjab na bahagi ng Pakistan, may 350 milya ang
layo sa Mohenjo Daro pahilaga
Mohenjo-Daro ay nasa katimugang bahagi ng daluyang Indus river

Panahong Vedic
Sanskrit wikang klasikal ng panitikang Indian
Arya nangangahulugang marangal
Vedas tinipong himnong padigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain at mga salaysay
Sistemang Caste hango sa salitang casta na ibig sabihin ay lahi o angkan
Sistemang caste na nagpapakita ng pagpapangkat ng tao: Brahmin (kaparian), Ksatriya
(mandirigma), Vaisya ( mangangalakal, artisan, magsasakang may lupa), Sudra
(magsasakang walang lupa, dravidian) at Pariah (naglilinis ng kalsada, nagsusunog ng
mga patay at nagbibitay ng mga kriminal)
Pagbuo ng mga kaharian at imperyo
1. Magadha pinakamatatag at pinakamasaganang kaharian sa bahagi ng Ganges river.
Nagtataglay ito ng mineral na bakal, matabang lupain, mayamang kagubatan
Bimbisara pinuno na nagpagawa ng mga kalsada
Pataliputra makikita ang kabisera ng magadha ngayon ay makabagong Patna
sa Bihar
Alexander the Great ng Macedonia tinapos ng kapangyarihan ng Persia

Imperyong naitatag sa India


1. Imperyong Maurya
Chandragupta Maurya sinakop ang dating kaharian ng Magadha
Kautilya tagapayo ni Chandragupta at may akda ng Arthasastra
Ashoka o Asoka pinamunuan ang imperyo at kinilalang pinakamahusay sa pinuno
2. Imperyong Gupta ang pangalan nito ay hango mula sa pangalan ng naunang
imperyo itinatag ito ni Chandragupta
Kalidasa kinikilalang pinakamahusay na manunulat at makata ng India
3. Imperyong Mogul itinatag ang mogul ng masakop ni babur ang hilagang India at delhi
noong 1526
Shah Jahan nagpatayo ng Taj Mahal
Aurangzeb nagbawal ng sugal, alak, prostitusyon at sati o pagsunog ng buhay sa
mga biyuda

Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya


1. Xia nag-ugat mula sa Longshan isang kulturang Neolitikong laganap sa lambak ng
Huang Ho
2. Shang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse
Oracle bone pinakamatanda sa mga panulat sa tsino
3. Zhou o chou naniniwala sa basbas ng kalangitan
Confucianism layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa
pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa
lipunan.
Taoism hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan
Legalism ipinaganak ang tao na masama at makasarili
4. Qin o Chin
Ying Zheng inihayag ang sarili bilang unang emperador at kinilala bilang si Shi Huangdi
o Shih Huang
Great Wall of China itinayo upang magsilbing tangulan laban sa mga tribong nomadiko
na nagmula sa hilaga ng Chia
5. Han- kauna-unahang dinastiyang yumakap sa confucianism
6. Sui ginawa ang grand canal na nag-uugnay sa mga ilog ng huang ho at yangtse
7. Tang itinatag ni Li Yuan na dating opisyal ng Sui
Buddhism naging dominanteng relihiyon
8. Song itinayo ng isang hukbong imperyal
9. Yuan itinatag ni Kublai Khan isang Mongol
Pax Mongolica panahon ng kapayapaan, maayos na sistema ng komunikasyon
10. Ming itinayo ang Forbidden city na naging tahanan ng emperador
11. Qing o Ching itinatag ng mga Manchu
Rebelyong Taiping at Rebelyong Nien pinabagsak ang mga manchu na lubhang mahina
at walang kakayahan lumaban
Rebelyong boxer sumuporta sa manchu sa layunin palayasin ang mga mapanghimasok
na kanluranin.

Kabihasnang Egyptian

Pharaoh tumatayong pinuno at hari ng sinaunang Egypt at itinuturing din isang diyos na taglay
ang mga lihim ng langit at lupa
Egyptologist iskolar na nag-aaral sa kasaysayan ng Egypt

Nauna sa Panahon ng mga Dinastiya

Hieroglyphics o sagradong ukit sariling sistema ng pagsulat sa Egypt, galing sa wikang Greek
na hieratic

Nome tawag sa pamayanan sa Egypt

Nomarch pinuno sa mga Nome

Panahon ng mga Unand Dinastiya

2 kaharian ang nabuo sa Nile Upper Egypt and Lower Egypt

Menes pinuno sa Upper Egypt na sumakop sa Lower Egypt

Memphis kabisera sa panahon ng paghahari ni Menes

Matandang Kaharian

Great Pyramid ni Khufu o Cheops naitayo na pyramid sa Giza

Pyramid 80 ang naitayo at tanging estrukturang Egyptian at napabilang sa Seven Wonders of


the Ancient World

Pepi II kahuli-hulihang pharaoh, na tumagal ng 94 na taon sa pamumuno

Unang Intermedyang Panahon

Heracleopolis kabisera ng Lower Egypt

Akhtoy pharoah sa lower egypt

Thebes binuo ang upper egypt

Inyotef o antef pinuno sa upper egypt

Gitnang Panahon

Mentuhotep I pinuno na napag-isa muli ang lower at upper egypt

Itjtawy (el-Lisht) naging kabisera ng lower egypt

Amenemhet II naging pinuno sa egypt na tinangka palawakin ang kapangyarihan sa Syria

Hyksos nagdala ng kaguluhan mula sa Asya


- mga prinsepe mula sa dayuhang lupain

Bagong Kaharian o Empire Age

Ahmose naitaboy ang mga Hysos mula sa Egypt

Reyna Hatshepsut asawa ni Pharoah Thumose II kinilala bilang babaing pinuno


Amenophis IV o Akhenaton tinangka baguhin ang paniniwala at pagsamba sa iisang diyos

Aton sinasagisag ng araw

Rameses II pinaniniwalaan ang Exodus ng mga Jew ay nagsimula sa panahon niya

Huling Panahon

Psammetichus pinagbuklod ang middle at lower egypt

Alexander the Great sinakop at ginawang bahagi ang Egypt sa kanyang Emperyong Hellenistic

Cleopatra VII kahuli-hulihang reyna ng dinastiya

Ang mga Kabihasnan ng Mesoamerica

Ang mga Pamayanang Nagsasaka

Olmec pinakabagong tatag na lipunan


- Rubber people kauna-unahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o
goma
Larong Pik-a-tok tulad ng larong basketball pero siko at baywang lang pwedeng gamitin sa
paghawak ng bola

Lilok ng anyong ulo mula sa mga bato nagsilbing lugar sambahan ng kanilang mga diyos

Hayop na jaguar pinakakinatatakutan na predator at sinasamba ng mga Olmec ang espiritu ng


jaguar

Teotihuacan tirahan ng diyos

Obsidian maitim at makintab na bato na nabuo mula sa tumigas na lava

Quetzalcoatl feathered serpent god, pinakamahalang diyos ng teotihuacan

Pamana ng mga kabihasnan ng daigdig

Mesopotamia

Ziggurat estruktura kung saan pinaparangalan at sinasamba ang diyos

Code of Hammurabi ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, ito ay naglalaman ng 282
batas pumapaksa sa aspekto ng araw-araw na buhay ng Mesopotamia

Cuneiform kauna-unahang sistematikong paraan ng pagsulat sa buong daigdig

Epic of Gilgamesh kauna-unahang akdang pampanitikan sa buong daigdig

Indus

Sewerage System ang mga kalsada sa matatandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa ay


nakaayos na parang mga nagsasalubong na guhit o grid pattern.
Arthasastra isinulat ni Kautilya, ang kauna unahang akda o treatise hinggil sa pamahalaan at
ekonomiya

Ayurveda agham ng buhay ay isang mahalagang kaisipan pangmedisina

Ramayana at Mahabharata Mahabharata ay isang salaysay hinggil s matinding tunggalian ng 2


pamilya. Ang Ramayana ay isang salaysay tungkol sa buhay ng prinsipe Rama

Tsino

Great Wall of china panahon ng Qin simbolo ng kabihasnang Tsino sa loob ng mahabang
panahon

I ching (classic of change) at Bing Fa (art of war) I ching ay nagbibigay ng perspektiba at


pamamaraan ng prediksyon sa buhay. Ang Bing Fa ay tinuturing na kauna-unahang
pinakatandyag na aklat tungkol sa militar

Feng Shui tamang pagbalanse ng yin (kababaihan) at yang (kalalakihan) upang makapagdulot
ng magandang hinaharap

Egypt

Pyramid libingan ng pharoah sinisimbolo ang kapangyarihan ng mamuno

Mummification katawan ng isang yumao ay sumasailalim sa preserbasyon bago tio tuluyan


ilibing, gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay, pinipintahan, binabalutan ng linen at
panapalamutian ng alahas.

Hieroglyphics sistema ng pagsusulat sa Egypt. Ang mga rolyo ng pergamino o paper scroll ay
mula sa malatambong halaman ng papyrus

You might also like