You are on page 1of 9

Mitolohiya - ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito/ myth at alamat.

Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga


mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang panahon
na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.

mito/myth - ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na muthos, na ang kahulugan ay kuwento.
- ay representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang
maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba
pang mga nilalang.
- Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng tungkol sa mga
anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan
ang mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa
ganitong uri ng panitikan ang mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
muthos - ay halaw pa sa mu, na ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Alim - kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas
ay ang magkapatid na sina Bugan (babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao sa
mundo.

mitolohiya ng mga taga-Rome - ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga
diyos at diyosa mula sa Sinaunang Taga-Rome hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo.
Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga Sinaunang Taga-Rome na nangyari sa
kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito ay mahimala at may elementong supernatural.

Aenid,- ang pambansang epiko ng Rome na nilikha ni Virgil at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.
Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Rome at kasaysayan nila bilang isang imperyo.

Iliad at Odyssey – epiko ng Greece na tinaguriang “Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer.

Ovid - isang makatang taga-Rome ay sumulat rin ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa kaniyang
Metamorphoses. Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga
akdang ito ng mga taga-Rome humuhugot ng inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula
noon hanggang ngayon.

labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece

Metamorphoses na kilala rin sa tawag na The Golden Ass (donkey). Isinalaysay ito ni Apuleius, isang manunulat na Latino.

Cupid at Psyche - Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton at Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Psyche – bunsong anak at pinakamagandang sa 3 anak na babae ng hari
Venus - diyosa ng kagandahan

Cupid – anak ni Venus na isang nakatatakot na nilalang at inutusan upang pa-ibigin si Psyche. At ang diyos ng pag-ibig

Apollo – pinuntahan ng tatay ni Psyche upang hingan ng payo kung paano makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa
kaniyang anak. Lingid sa kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo. Pinayuhan ang hari na
makapangangasawa si Psyche ng isang nakakatakot na nilalang. Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol si Psyche,
dalhin siya sa tuktok ng bundok at iwan nang mag-isa.

Zephyr - malambing na ihip ng hangin na inilipad si Psyche sa isang damuhang parang na kasinlambot ng kama at
pinahalimuyak ng mababangong bulaklak.

Mga pagsubok ni Venus kay Psyche:


1. pagsama-samahin ang magkakauring buto na kaniyang pinaghalo-halo bago dumilim.
2. Kumuha ng gintong balahibo ng tupa sa tabi ng ilog.
3. Kailangan niyang mapuno ng itim na tubig ang prasko
4. Kailangan niyang kumuha ng kagandahan mula kay Proserpine ang reyna sa ilalim ng lupa.

Proserpine – reyna sa ilalim ng lupa na pinagkuhanan ni Psyche ng isang kahon na kagandahan

Charon – isang bangkero na naghahatid patungon sa kaharian ng Hades

Jupiter – Diyos ng mga Diyos at ng mga tao

Mercury- nagdala kay si Psyche sa kaharian ng mga diyos.

Ambrosia – ito ang pinakain kay Psyche upang maging imortal ang isang tao.

Cupid - Ang pag-ibig, at Psyche – ang kaluluwa

Pangimbulo 1. nanaig ang pagkainggit


Tumalima 2. tumupad sa tungkulin, sumunod sa utos
Buyo 3. nahimok, nahikayat
Ambrosia 4. pagkain ng diyos-diyosan
5. tayo lakad na ang mga daliri ng paa lamang ang sumasayad
6. nag-alab na damdamin

Mitolohiya 1. kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa


Imortal 2. walang kamatayan, walang katapusan
3. masidhi, maalab, masikhay na pagnanasa
4. lumakas, tumindi

Pandiwa - Ginagamit ito sa pagpapahayag ng aksiyon, karanasan, at pangyayari.

Gamit ng pandiwa

1. Aksiyon

 May aksiyon ang pandiwa kapag may aktor o tagaganap ng aksiyon/kilos.


 Mabubuo ang mga pandiwang ito sa tulong ng mga panlaping: -um, mag-ma-, mang-, maki-, mag-an.
 Maaaring tao o bagay ang aktor.
2. Karanasan - Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito, may nakararanas ng
damdamin na inihuhudyat ng pandiwa. Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin/emosyon. Sa
ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.
3. Pagyayari - Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.

Sanaysay - ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan. Makikita sa salitang “sanaysay” ang mga salitang “sanay” at
“salaysay.” Kung pagdurugtungin ang dalawa, puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang
“sanay” o eksperto sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan at bagay-bagay na
maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng sariling pananaw.
tatlong mahahalagang bahagi o balangkas:
1. PANIMULA – Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit
mahalaga ang paksang tinatalakay.
2. GITNA o KATAWAN – Inilalahad sa bahaging ito ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng tinalakay
na paksa upang patunayan, o suportahan ang inilahad na pangunahing kaisipan.
3. WAKAS – Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay, ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa
batay sa mga katibayan, at katuwirang inisa-isa sa katawan ng akda.

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY


Tema – Madalas na may iisang tema ang sanaysay. Ang Tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa. Bawat
bahagi ng akda ay nagpapalinaw ng temang ito.
Anyo at Estruktura – Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pag-unawa sa sanaysay.

Kaisipan – Mga ideyang nabanggit na kaugnay o nagpapalinaw sa tema.

Wika at Estilo – Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa,
higit na mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag.

Larawan ng Buhay – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay, masining na paglalahad na gumagamit ng
sariling himig ang may-akda.

Damdamin – Naipapahayag ng isang magaling na may-akda ang kaniyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan
sa paraang may kalawakan at kaganapan.
Himig – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaaring masaya, malungkot, mapanudyo at iba pa.

Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. - Kabilang dito ang: ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng
isang tao.

ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso. Narito ang mahahalagang
gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon - Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos,
saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.
b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal - Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at
bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa
bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na
kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

ang kuwento ng tauhan - ay isang uri ng kuwentong ang higit na binibigyang-halaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita
at pangungusap at kaisipan ng isang tauhan. Naglalarawan ito ng iisang kakintalan sa taong inilalarawan o pinapaksa.
Kumakatawan siya sa kabuuan ng kuwento sa pamamagitan ng ano mang nangingibabaw na ideya o ng mga kabuluhan sa
kuwento. Nangingibabaw rito ang isang masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng tauhan sa katha.

Maraming paraan ang ginagamit ng may-akda sa paglalarawan ng buong pagkatao ng tauhan. Nasasalig ito sa kaniyang
panloob na anyo – ang isipan, mithiin, damdamin, at gayon din sa kaniyang panlabas na anyo – pagkilos at pananalita.
Nakatutulong din sa pagpapalitan ng katauhan ang mga pag-uusap ng ibang tauhan sa kuwento tungkol sa kaniya. Ngunit sa
pamamagitan na rin ng tauhan nagkakaroon ng pinakamabisang paglalarawan ng katauhan at maipakikita ito sa kaniyang
reaksiyon o saloobin sa isang tiyak na pangyayari.

Ginagamit na pang-ugnay na ito ay referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at katapora.

anapora - ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o
pangungusap.

katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit, at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o
pangungusap.

nobela - ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa
pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo? Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa
isang mahusay na pagkakabalangkas. Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan, ito’y
maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan, o magbigay ng isang aral.

Ang tatlong elemento


1.) isang kuwento o kasaysayan,
2.) isang pag-aaral,
3.) paggamit ng malikhaing guniguni.

Mga Pangyayari- Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari ay magkakaugnay. May panimula,
papaunlad na mga pangyayari na magsasalaysay ng tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na patungo na sa wakas.

Paglalarawan ng Tauhan – Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang
buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na tauhan ang kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Sa kanilang
bukambibig, sa kanilang mga kilos at sa mga sinasabi ng may-akda tungkol sa kanila ay natutuhan nating kilalanin at
pahalagahan ang mga lalaki at babae ng isang katha na naiuugnay sa mga taong nakapaligid sa atin.

tulang liriko o tula ng damdamin - ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan,
kaligayahan, tagumpay, at iba pa? Maikli at payak ang uring ito ng tula.

Uri ng Tulang Liriko:


a. Pastoral – ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na “pastor.” Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa
buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-
ibig, at iba pa.

Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng
isang simpleng tao. Maaaring pag-aralan ang tulang pastoral bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo.
b. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at
madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. Paglagay ng komplikado sa simple
b. Elehiya – Isang tula ng pamamanglaw na madaling makilala ayon sa paksa, gaya ng kalungkutan, kamatayan, at iba pa.
Maaaring ito’y pagdaramdam o kahapisan para sa isang minamahal, pamimighati dahil sa isang yumao o nag-aagaw-buhay
pa lamang na dahil sa kalungkutan ay nagnanais na ang maliligayang sandali ay agad lumipas. Halimbawa: Ang Pamana ni
Jose Corazon de Jesus
c. Soneto – tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao, may malinaw na
kabatiran ng likas na pagkatao. Sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa. Halimbawa: Soneto ng Buhay ni
Fernando B. Monleon
d. Oda – Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang uri ng damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak
na bilang ng taludtod sa isang saknong. Nagpapahayag ang oda ng matayog na damdamin at kaisipan ng makata. Sa
matandang panulaan, karaniwang ito’y isang awit ng papuri patungkol sa mga pambihirang nagawa ng isang dakilang
tao, bansa o anumang bagay (buhay man o patay) na maaaring papurihan sa pamamagitan ng pagtula. Halimbawa:
Tumangis si Raquel
e. Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito ay may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot,
at kaligayahan. Tinatawag na kundiman na ayon kay Jose Villa Panganiban ay isang awit hinggil sa pag-ibig o
palasintahan. Ito’y nilalapatan ng tugtugin, karaniwang maikli at punong-puno ng pagsamo at pagluhog sa isang
sinisinta. Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro Gener
f. Dalit – Noong araw ito ay isang awitin patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya. Nabibilang din sa uring
ito ang tula ng pagmamahal at pagkalugod na ang layunin ay pagdakila at pagpaparangal. Sa panahon ng mga Espanyol
ang dalitsamba at dalitbansa ay itinuturing nang iisa dahil kilala ang dalawa sa taguring dalit. Ang dalitsamba ay
patungkol sa Diyos, samantalang ang dalitbansa ay pagpapahayag ng pag-ibig at pagdakila sa bayan. Halimbawa:
Halika sa Bukirin ni Milagros Macaraig

Mga Elemento ng Tula


1. Sukat – Ito’y bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang isang taludtod ay karaniwang may 8,12 at 16 na pantig o sukat.
Halimbawa:
Sukat: Lalabindalawahing pantig
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
2. Tugma – Ito’y ang pagkakasintunugan ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod. Maaaring ganito ang tugma
ng hulihan: a-a-a-a, a-b-a-b, o kaya ay a-b-d-a.
Halimbawa:
Tugmang a-a-a-a (magkatugma lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
3. Talinghaga – Ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng makata. Ayon kay A. Abadilla, tugma at hindi tula ang
binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong kahulugan sa
salita o pahayag. Dito kinakailangan ang paggamit ng tayutay o matalinghagang mga pahayag.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
4. Kariktan – Ito’y ang malinaw at di-malilimutang impresyon na nakikintal sa isipan ng mambabasa. Mahusay ang tula
kapag may naibibigay na impresyong mahirap mabura sa puso at isipan ng bumabasa.

Mga Paraan sa Pagsulat ng Tula


1. Magmasid sa paligid, paglakbayin ang imahinasyon at magbasa ng mga halimbawa ng tula. Sa ganitong paraan,
detalyado at malinaw na mailalarawan ng makata ang kaisipang nais niyang palutangin sa tula.
2. Lahat na ng paksa ay naitampok na sa tula subalit nakasalalay pa rin sa makata ang pagiging orihinal ng akdang kaniyang
isinusulat. Nagiging bago ang lumang paksa sa pagbibigay ng makata ng bagong pananaw tungkol dito. Ang pananaw na
ito ay maaaring batay sa sarili niyang karanasan, mga namasid niya o bunga lamang ng kanyang makulay na
imahinasyon.
3. Ang tula ay siksik at nag-uumapaw sa mensahe na ipinahahayag sa kakaunting salita lamang. Magiging busog sa
kahulugan at malikhain ang pagpapahayag ng kaisipan kung gagamitan ng tayutay (sinadyang paglayo sa karaniwang
paraan ng pagpapahayag ng kaisipan) at matatalinghagang pananalita.
4. Kailangang maging mapagparanas ang isang tula upang mag-iwan ng kakintalan sa mambabasa. Mapagparanas ang isang
tula kung ipinakikita at ipinadarama (nalalasahan, naaamoy, naririnig) ng makata ang mensahe ng kanyang akda hindi
lamang niya ito sinasabi.

Wika - ay hindi lamang instrumento sa pagpapahayag ng kaisipan kundi ng saloobin, gawi at paniniwala? Sa pamamagitan
nito’y naipahahayag natin ang nadarama natin sa ating kapwa.
Pagpapahayag ng Emosyon
Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa wikang Filipino, kabilang ang sumusunod:

1. Isang paraaan ang paggamit ng padamdam na pangungusap sa pagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit sa
pangungusap na ito ang bantas na padamdam (!), at kung minsa’y ang bantas na patanong (?) tulad ng sumusunod:
a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo.Naks! Ganda! Bilib ako!
b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya.Inay! Naku po!
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, Yehey! Yipee!
d. Pag-asa: Harinawa, Sana sumama ka sa group study namin.
e. Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako! Kakainis!
Ginagamit din kung minsan ang panandang pananong (?) sa pagpapahayag ng damdamin lalo na kung ito ay may halong
pagtataka.
Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa emosyong nadarama. Gaya nito:
a. Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a!
b. Pagkagulat: O, ikaw pala!
c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya!
d. Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommmy.
f. Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!
g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na!

2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng damdamin at/ o saloobin ng nagsasalita. Ngunit
mahuhulaang hindi masyadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan. Pansinin ding ginagamitan ng
tuldok ang mga pahayag, bagaman maaari ring gamitan ng padamdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng mas
matinding damdamin.
a. Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan.
b. Pagkasiya: Mabuti naman at narito na kayo.
c. Pagtataka: Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang balitang iyan.
d. Pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.

3. Maihahayag din ang iba pang emosyon sa tulong ng sumusunod na konstruksiyong gramatikal:
 Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo ng pariralang nominal o adjectival.
a. Ang ganda ng tulang iyan!
b. Nakakapanggigil talaga ang alaga mong aso!
c. Ang ilap ng gansa!
 Paggamit ng mga ekspresiyong karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng kasukdulan o kasobrahan.
a. Napakakulit ng lalaking mangingibig!
b. Sobrang bait ng mag-aaral.
c. Ang ganda-ganda niya!
d. Talagang gulat na gulat si Arvyl.
 Paggamit ng negatibong ekspresiyon na binibigyang-diin kapag binibigkas, kasama ang ano man, sino man, saan
man at iba pa.
a. Wala kang maaasahang ano man sa kaniya.
b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo.
c. Saan ka man pumunta, hindi ka makaliligtas sa akin.
 Paggamit ng mga tanong na retorikal (Patayutay na pagtatanong upang bigyang-diin ang isang kaisipan. Ito ay
tanong na hindi sinasagot sapagkat lantad na.)
a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba? (Napakaganda ng ginawa nila!)
b. Dahilan ba iyan para malungkot ka? (Hindi iyan sapat na dahilan para malungkot ka!)
c. Kasarinlan baga itong ang bibig mo’y nakasusi? (Hindi, sapagkat nakasusi ang bibig)
d. Anong diperensiya noon? (Wala iyong diperensiya)
e. Sino ang hindi nakaalam niyan? (Alam iyan ng lahat)

Epiko - ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang


nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga
kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kaniyang paglalakbay at pakikidigma.
- Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego epos na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy
sa kabayanihan na isinasalaysay.
Ang Epiko ni Gilgamesh - isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan.

Ang kasaysayan ng Gilgamesh - ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para
sa ‘Gilgamesh’)

Bilgamesh - hari ng Uruk

Mesopotamia - (mula sa salitang Griyego na nangangahulugang ‘sa pagitan ng dalawang ilog’) ay sinaunang rehiyon sa
silangang Mediterranean, sa hilagang-silangan nito ay ang Bundok ng Zagros at sa timog-silangan ay ang Talampas ng
Arabia, sa kasalukuyan ang kalakhan bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at
Turkey. Ang ‘dalawang ilog’ na tinutuloy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang
‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa Egyptologist na si J.H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent kung saan
nagmula ang sibilisasyon ng Mesopotamia.

kilalang epiko:

El Cid o El Cantar Mio Cid - kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages. na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay
kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng
Old English period).

Chanson de Roland - kilalang epikong French noong Middle Ages. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa
kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.

The Heliad at The Nibelungenlid - kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng
Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang huli ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen,
at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensya sa literaturang German.

Troilus & Criseyde - Epikong Ingles. Si Chaucer ay nagsulat ng epiko na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at
ikalabinlimang siglo.

Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo - Ang mga
epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mamamayan.

pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng mga pahayag o maging interaksyunal.

Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag:


Kung nais nating ipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, maaari nating gamitin ang mga
salitang:
una, pangalawa, pangatlo, nang
noon pagkatapos
sumunod samantala
Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:
dahil dito bunga nito
resulta ng sa mga pangyayaring ito
kung gayon samakatuwid
dulot nito sa gayon
Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring gamitin ang mga salitang:
sa halip na sa kabilang dako
di tulad ng sa kabilang banda
higit pa rito sa magkatulad na dahilan
Kung ang nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga salitang:
kabilang dito at saka
bukod dito karagdagan dito
Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:
sa madaling salita sa totoo lang
higit sa lahat tunay na
Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay maaaring gamitin:
Halimbawa nito dagdag pa rito
Bilang karagdagan kabilang dito ang sumusunod

Pangatnig
May dalawang pangkat ang mga pangatnig.
1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnay na makatatayong mag-isa, tulad ng:
at ngunit ni datapwat
saka pero maging at iba pa
o pati subalit
2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad ng:
kung kaya pag kapag
dahil sa kung gayon palibhasa sapagkat
at iba pa

Chamber Theater- ay may elemento ng dula at elemento ng salaysay. Ito ay isang dulang isinasalaysay. Tulad
ng dula, ito ay naitatanghal at may mga tauhang gumaganap. Ngunit ito ay nangangailangan pa ng isang
tagapagsalaysay. Siya ay maaaring makilahok sa mga tauhang gumaganap. At ang mga tauhan ay
nakikibahagi rin sa mga gawain ng tagapagsalaysay.

suring-basa - ay isang maikling pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng


susulat tungkol sa akda. Layunin nito ang mailahad ang mga kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang
kahalagahan nito.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa


1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o
maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.

Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa


I. Panimula
Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.
Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng may-akda kundi
sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong
magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta, at iba pa.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
- Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan
at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa
Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunanng ginagalawan,
mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay, o
namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan.

- Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan? kapaligiran at


panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng
kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.
Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa
nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano
binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula hanggang
wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?

Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang
nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?
III. Pagsusuring Pangkaisipan
- Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at
nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay
mga katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o
paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan
sa paglahad ng mga pangyayari.
- Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita?
Angkop ba sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda?
May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng
akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na
akda?
IV. Buod
Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang
bigyang-tuon.

Simposyum - ay nag-ugat sa salitang Griyego na sympinein na nangangahulugang sama-samang pag-inom.


Mahihiwatigang ang pagsasalo-salong ito ay sinasabayan ng mga talakayan at pagpapalitan ng mga opinyon
kaugnay ng mga kasalukuyang pangyayari.

Ito ay may isang modereytor na:


a. Tagapaglahad ng paksa at layunin ng talakayan
b. Tagapagpakilala ng mga tagapagsalita
c. Tagapatnubay sa kaayusan at daloy ng talakayan
d. Tagapaglinaw sa mga tanong at detalye
e. Tagapagbigay ng buod ng talakayan

Isa-isang tatalakayin ng mga tagapagsalita ang paksang ibinigay sa kanila ayon sa itinakdang oras at haba ng
pagsasalita. Kapag nakapagsalita na ang lahat ng bumubuo sa pangkat, ito ay susundan ng lahatang diskusyon
o open forum kung saan maaaring magtanong ang mga tagapakinig. Sa bahaging ito nagkakaroon ng paglilinaw
at pagbatid sa ibang bagay na kaugnay ng paksang tinatalakay. Mahalagang paghandaang mabuti ng mga
panauhing tagapagsalita ang saklaw ng kanilang paksa at ang kasanayan sa pagbigkas sa harap ng mga
tagapakinig upang maging malinaw at makabuluhan ang pagtalakay sa paksa.

You might also like