You are on page 1of 3

Mataas na Paaralang Pambansa ng Francisco Osorio

Brgy. Osorio, Trece Martires City Cavite

Filipino 10

SURING BASA BLG. 5

Ang Kuba Ng Notre Dame

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


Nicole Jermaine Vinuya Mrs. Marife Tutong

Baitang 10- Anahaw


I. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 – 22 Mayo 1885) ay isang Pranses na makata,
mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay, artistang pangbiswal, politiko,
aktibistang pangkarapatan ng tao, at tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko
(tagapagtangkilik ng Romantisismo) sa Pransiya.
II. URI NG PANITIKAN

Piksyon
Dahil sa taglay nitong kuba na pinakapangit sa paris,france.

Tuluyan/Nobela
Dahil sa pasalaysay at madamdamin nitong istorya.
III. LAYUNIN NG AKLAT

Layunin ng akdang “ANG KUBA NG NOTRE DAME” na makita ng isang mambabasa


ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan. Ito rin ay naglalayong
mapaunawa sa mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.
IV. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ito’y Makabuluhan at Nakaka-enganyong Basahin Dahil sa Taglay Nitong Mensaheng


Nais Iparating sa Lahat ng Mambabasa Ng Akdang Ito na Nagbibigay Inspirasyon, Hindi
sa Isa Kung Hindi Para sa Lahat na Umibig ng Hindi lang Nakabase sa Itsura. Ito rin ay
Nagbibigay Inspirasyon sa Mambabasa Upang Sumulat ng Kapanapanabik na Nobela
na Makabuluhan at May Magandang Mensaheng Nilalaman.
V. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

-Quasimodo : Si Quasimodo, ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang “Papa ng


Kahangalan” dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Sa kabila ng kanyang pisikal na
kaanyuan, siya ay may magandang kalooban.
-La Esmeralda : Si La Esmeralda ay ang dalagang mananayaw,handang mamatay para
sa kanyang mahal.
-Claude Frollo : Si Claude Frollo ay pari ng Notre Dame. Paring may pagnanasa kay La
Esmeralda; amain ni Quasimodo; siya ay sakim sa pagmamahal. Dahil sa labis na
kagustuhan sa dalagang mananayaw, nakalimutan na niya ang buong pagkato niya at
kung ano ang kanyang katayuan.
-Pierre Gringoire : Si Pierre Gringoire ay ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa
lugar na handang tumulong sa kanyang mahal sa buhay.
-Phoebus : Si Phoebus ay ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian; may malalim
ding gusto sa babaeng mananayaw na si La Esmeralda. Itinuturing na mas mahalaga
ang kapangyarihan niya bilang kapitan kaysa tulungan ang dalagang napamahal na sa
kanya.
VI. TAGPUAN/PANAHON

Katedral Ng Notre Dame


Dito Isinasagawa ang “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa loob ng isang
araw taon-taon.
VII. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Balangakas na Patalata dahil gumagamit ito ng patalatang buod upang isalaysay ang
bawat pangayayari. Naayon ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobelang
ito dahil sa pagsasalaysay ng may deskripsyon. At Naipararating nito ang mensahe na
makita ng isang mambabasa ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan.
Ito rin ay naglalayong mapaunawa sa mambabasa na ang pag-ibig ay umiiral sa iba't-
ibang paraan.
VIII. MGA KAISIPAN/ IDEYA NA TAGLAY NG AKDA

Nagpapahayag ng damdamin ng may akda at siyang tumatalakay sa pamumuhay ng


isang taong lubos na kinasusuklaman ng ibang mamamayan. Tulad ng mga alipin noong
unang panahon na itinuturing na parang hayop sa kadahilanang hindi kaaya-aya ang
anyo nito. Sa pilipinas ay may maituturing din ganitong pangyayari gaya ng pagtrato sa
mga mahihirap na kung hindi aabusuhin ang natitirang yaman ng mahihirap ay
naaakusahan naman dahil din sa anyo o pananamit nito. Karaniwang namomoblema sa
mga sitwasyong ito ay ang mahihirap sa kadahilanang walng sapat na salapi upang
bayaran ang mga nagawang pagkakamali at minsa’y inaabuso pa ng karamihan.
IX. ESTILO NG PAGSULAT NG AKDA

Madaling unawain ang akda dahil sa mga deskripsyon nito at mensaheng nais iparating
sa mga mambabasa. Ngunit sa kabila ng deskripsyon nito iba-ibang mensahe ang naiisip
ng mga mambabasa dahil sa ito’y makabuluhan gaya ng may akda nito na isang sikat na
manunulat, nobelista at kung ano-ano pa.
X. STORY MAP at BUOD

Isang napakapangit na sanggol ang ipinanganak na iniwan sa simbahan. Inalagaan ito


ng paring si Claude Frollo na nakatira sa katedral, makalipas ang ilang taon nasilayan
ng pari ang kagandahan ng isang mananayaw na si la Esmeralda hindi nagtagal
nasabik siya na mahalin siya nito kayat naisipan nitong ipadakip na lamang kay
Quasimodo ngunit nabigo ito dahil sa pagdating ni phoebus na isang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian.Naparusahan si Quasimodo dahil sa kanyang ginawa na
iniutos lamang ng pari. Samantala hindi sinasadyang nagkagusto sa isa’t isa sina
phoebus at la Esmeralda kaya naisipan ng dalawa na magkita upang magbigay
impormasyon sa isa’t isa dahil rito nagalit ang pari kaya’t nais nitong patayin si phoebus
gamit ang kaniyang natutunang itim na mahika na siya ring dahilan kung bakit
tinalikuran niya ang diyos. Dahil roon naparatangang mangkukulam si la Esmeralda
kung kaya’t pinarusahan ito ng kamatayan ngunit sinagip ito ni Quasimodo dahil sa
pagtingin nito kay la Esmeralda at dinala ito sa tuktok ng katedral ngunit tinangka ng
pari na hamakin si la Esmeralda at di sinasadyang naitulak ni Quasimodo ang pari at
yoon ang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Hindi nagtagal nadakip si la Esmeralda at natuloy ang parusa nito ngunit kasabay nito si
Quasimodo ay hindi narin natagpuan. Laking ng gulat ng isang lalaki ng hukayin muli
ang puntod ni la Esmeralda ng Makita ang bangkay ni Quasimodo na siyang nakayakap
sa bangkay ni la Esmeralda.

XI. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN

Ang Kuwentong ito ay nagpapakita at nagbibigay ng aral na huwag maging


mapanghusga . at lalong lalo na sa lahat na ang pag-ibig ay walang pinipili.

You might also like