You are on page 1of 4

I.

PANIMULA
A.) URI NG PANITIKAN:
Piksyon
Dahil sa taglay nitong kuba na pinakapangit sa paris,france.
ANYO:
Tuluyan/Nobela
Dahil sa pasalaysay at madamdamin nitong istorya.
B.) BANSANG PINAGMULAN:
Paris, France Sa Europe
Ang Paris ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Pransiya, na
matatagpuan sa pampang ng Ilog Sena, sa hilagang Pransiya, sa
kalagitnaan ng rehiyong Pulo ng Pransiya (o Rehiyong Parisino).
C.) PAGKILALA SA MAY AKDA:
Victor Hugo
Si Victor-Marie Hugo (26 Pebrero 1802 22 Mayo 1885) ay isang
Pranses na makata, mandudula, nobelista, manunulat ng sanaysay,
artistang pangbiswal, politiko, aktibistang pangkarapatan ng tao, at
tagapagtaguyod ng kilusang Romantiko (tagapagtangkilik ng
Romantisismo) sa Pransiya.
D.) LAYUNIN NG MAY AKDA.
Layunin ng akdang ANG KUBA NG NOTRE DAME na makita ng isang
mambabasa ang magandang mukha ng France sa kanilang panitikan.
Ito rin ay naglalayong mapaunawa sa mambabasa na ang pag-ibig ay
umiiral sa iba't-ibang paraan.

II.) PAGSUSURING PANGNILALAMAN


A.) TEMA O PAKSA NG AKDA:
Itoy Makabuluhan at Nakaka-enganyong Basahin Dahil sa Taglay
Nitong Mensaheng Nais Iparating sa Lahat ng Mambabasa Ng Akdang
Ito na Nagbibigay Inspirasyon, Hindi sa Isa Kung Hindi Para sa Lahat na
Umibig ng Hindi lang Nakabase sa Itsura. Ito rin ay Nagbibigay
Inspirasyon sa Mambabasa Upang Sumulat ng Kapanapanabik na
Nobela na Makabuluhan at May Magandang Mensaheng Nilalaman.

B.) MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:


Quasimodo:
Si Quasimodo, ang kuba ng Notre Dame na itinanghal bilang Papa ng
Kahangalan dahil sa taglay niyang labis na kapangitan. Sa kabila ng
kanyang pisikal na kaanyuan, siya ay may magandang kalooban.
La Esmeralda:
Si La Esmeralda ay ang dalagang mananayaw,handang mamatay para
sa kanyang mahal.
Claude Frollo:
Si Claude Frollo ay pari ng Notre Dame. Paring may pagnanasa kay La
Esmeralda; amain ni Quasimodo; siya ay sakim sa pagmamahal. Dahil
sa labis na kagustuhan sa dalagang mananayaw, nakalimutan na niya
ang buong pagkato niya at kung ano ang kanyang katayuan.
Pierre Gringoire:
Si Pierre Gringoire ay ang nagpupunyaging makata at pilosopo sa
lugar na handang tumulong sa kanyang mahal sa buhay.
Phoebus:
Si Phoebus ay ang kapitan ng mga tagapagtanggol sa kaharian; may
malalim ding gusto sa babaeng mananayaw na si La Esmeralda.
Itinuturing na mas mahalaga ang kapangyarihan niya bilang kapitan
kaysa tulungan ang dalagang napamahal na sa kanya.
Sister Gudule:
Si Sister Gudule ay dating mayaman subalit nawala ang bait nang
mawala ang anak na babae; ina ni La Esmeralda. Isang dakilang ina na
walang tigil sa pghahanap sa nawawalang anak.
C.) TAGPUAN/PANAHON
Katedral Ng Notre Dame
Dito Isinasagawa ang Pagdiriwang ng Kahangalan na isinasagawa sa
loob ng isang araw taon-taon.

D.) BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:


Balangakas na Patalata dahil gumagamit ito ng patalatang buod
upang isalaysay ang bawat pangayayari. Naayon ang pagkakasunodsunod ng mga pangyayari sa nobelang ito dahil sa pagsasalaysay ng
may deskripsyon. At Naipararating nito ang mensahe na makita ng
isang mambabasa ang magandang mukha ng France sa kanilang
panitikan. Ito rin ay naglalayong mapaunawa sa mambabasa na ang
pag-ibig ay umiiral sa iba't-ibang paraan.
E.) KULTURANG MASASALAMIN SA AKDA:
Ipinagdiriwang nila ang Araw ng kahangalan at may itinatampok na
isang tao bilang simbolo taon-taon.
Sa Pilipinas itinatampok ang pista ng Itim na Nazareno taon-taon
(Ika-9 ng Enero) upang gunitain ang kapistahan ng santong patron,
kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na
kapistahan sa Pilipinas.

III.) PAGSUSURING PANGKAISIPAN:


A.) MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG MAY AKDA:
Nagpapahayag ng damdamin ng may akda at siyang tumatalakay sa
pamumuhay ng isang taong lubos na kinasusuklaman ng ibang
mamamayan. Tulad ng mga alipin noong unang panahon na itinuturing
na parang hayop sa kadahilanang hindi kaaya-aya ang anyo nito. Sa
pilipinas ay may maituturing din ganitong pangyayari gaya ng pagtrato
sa mga mahihirap na kung hindi aabusuhin ang natitirang yaman ng
mahihirap ay naaakusahan naman dahil din sa anyo o pananamit nito.
Karaniwang namomoblema sa mga sitwasyong ito ay ang mahihirap sa
kadahilanang walng sapat na salapi upang bayaran ang mga
nagawang pagkakamali at minsay inaabuso pa ng karamihan.

B.) ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA:


Madaling unawain ang akda dahil sa mga deskripsyon nito at
mensaheng nais iparating sa mga mambabasa. Ngunit sa kabila ng
deskripsyon nito iba-ibang mensahe ang naiisip ng mga mambabasa
dahil sa itoy makabuluhan gaya ng may akda nito na isang sikat na
manunulat, nobelista at kung ano-ano pa.

IV.) Buod
Isang napakapangit na sanggol ang ipinanganak na iniwan sa
simbahan.
Inalagaan ito ng paring si Claude Frollo na nakatira sa katedral,
makalipas ang ilang taon nasilayan ng pari ang kagandahan ng isang
mananayaw na si la Esmeralda hindi nagtagal nasabik siya na mahalin
siya nito kayat naisipan nitong ipadakip na lamang kay Quasimodo
ngunit nabigo ito dahil sa pagdating ni phoebus na isang kapitan ng
mga tagapagtanggol sa kaharian.
Naparusahan si Quasimodo dahil sa kanyang ginawa na iniutos lamang
ng pari.
Samantala hindi sinasadyang nagkagusto sa isat isa sina phoebus at
la Esmeralda kaya naisipan ng dalawa na magkita upang magbigay
impormasyon sa isat isa dahil rito nagalit ang pari kayat nais nitong
patayin si phoebus gamit ang kaniyang natutunang itim na mahika na
siya ring dahilan kung bakit tinalikuran niya ang diyos.
Dahil roon naparatangang mangkukulam si la Esmeralda kung kayat
pinarusahan ito ng kamatayan ngunit sinagip ito ni Quasimodo dahil sa
pagtingin nito kay la Esmeralda at dinala ito sa tuktok ng katedral
ngunit tinangka ng pari na hamakin si la Esmeralda at di sinasadyang
naitulak ni Quasimodo ang pari at yoon ang naging dahilan ng
pagkamatay nito.
Hindi nagtagal nadakip si la Esmeralda at natuloy ang parusa nito
ngunit kasabay nito si Quasimodo ay hindi narin natagpuan
Laking ng gulat ng isang lalaki ng hukayin muli ang puntod ni la
Esmeralda ng Makita ang bangkay ni Quasimodo na siyang nakayakap
sa bangkay ni la Esmeralda.

You might also like