You are on page 1of 1

ANG KUBA NG NOTRE DAME

Ailene: Magandang umaga, hapon at gabi sa inyong lahat, kami ang Pangkat 1 na
maguulat sa Pagsusuri ng Akdang Mediterranean na Ang Kuba ng Notre Dame.
Ang Kuba ng Notre Dame ay isinulat ni Victor Hugo na isinalin sa tagalog ni
Wilita A. Enrijo.

(PS: YUNG BUOD KAMI NA BAHALA NI ISABELLE MAGHATI NUN)

Carlos: At para naman sa tauhan, Si Quisamodo, ang bida sa nobela na hinatulan ng


mga tao na walang kapantay ang kapangitan, idagdag pa na siya ay isang kuba. Si
Claude Frollo naman ay isang pari na umampon kay Quasimodo, at ipinatigil ang
kahangalang nangyayari at inutusan niyang bumalik sa Notre Dame ang kuba. Si Pierre
Gringore ay isang makata at pilosopo dahil hindi siya nagtagumpay na kunin ang
atensyon ng mga tao dahil abala sila sa panonood ng parada ng kahangalan. Si
Esmeralda naman ay isang dalagang mananayaw. Nabighain siya rito kaya naman
nagpasiya si Gringoire na sundan ang dalaga sa pag-uwi. Kapitan Phoebus, ang
kapitan ng mga tagapagtanggol ng kaharian. At huli naman ay si Sister Gudule ay isang
anchoress, na nabubuhay sa pag-iisa sa isang nakalantad na cell sa central Paris.

Rhai: Ang tagpuang binanggit sa nobela ay sa katedral ng Notre Dame. Dito nagsimula
ang kwento kailan nagdiwang ang mga tao sa pagkahirang ni Quasimodo bilang “Papa
ng Kahangalan”. Ang kwento ay nakatakda sa Gitnang panahon, sa panahon ng
panunungkulan ng Louis XI (1461-1483)

Precious: Para naman sa aral na natutunan nan gaming grupo, dito sa mundo may mga
taong mapanghusga lalo na sa pisikal na anyo kesa sa kalooban ng isang tao, ang
pagmamahal ng sobra ay hindi tama dahil dito maaari kang makagawa ng masama na
hindi na iniisip ang kapakanan ng iba, hindi rin nakikita sa panlabas na itsura ang ugali
at kabaitan ng isang tao.

Mhark: Sa kulturang kahawig ng ating bansa, makikita dito na mahilig sa pagdiriwang,


dahil tayong pinoy ay mahilig sa pagdiriwang lalo na kung may espesyal na okasyon
tayo ay naghahanda ng mga masasarap na pagkain at mga inumin.
Carlos: Diskriminasyon, sa dami ng insidente satin ng diskriminasyon dahil marami
paring naaapi na mga tao sa Pilipinas dahil sa panlabas na kaanyuhan nito.
Mhark: At huli ay ang pagmamahal. Ang pagmamahal ay pinapakita ng pagmamalasakit
at pagpapahalaga, pag respeto at paggalang sa kanila.

You might also like