You are on page 1of 2

1. Ilarawan ang natatanging katangian na taglay ni Quasimodo.

Ano ang suliranin na bumabagabag sa


kaniya?
Ang natatanging katangiang taglay ni Quasimodo ay ang pagiging kuba ng Notre Dame at pagiging
pinakapangit na nilalang sa Paris. Sa sobra niyang kapangitan ay itinanghal siyang "Papa ng Kahangalan". Sa kabila
ng kapangitang taglay, siya ay mapagmahal at marunong tumanaw ng utang na loob. Ang suliraning bumabagabag
sa kanya ay ang pangungutya ng mga taong dumadalo sa kasiyahan dahil lamang sa kaniyang panlabas na
kaanyuan.

2. Bakit ninais ni Pierre Gringoire na makisali sa pangkat ng mga pulubi at magnanakaw?


Ninais si Pierre Gringoire na makisali sa pangkat na mga pulubi at magnanakaw dahil sa kagustuhan niyang
mapansin siya ng mga tao. Hindi siya napapansin dahil ang mga tao ay nakatutok kay Quasimodo at isa pa ay
sapagkat gusto niyang mapalapit kay La Esmeralda.

3. Paano natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La Esmeralda?


Natagpuan ang kalansay ni Quasimodo sa loob ng libingan ni La Esmeralda sa pamamagitan ng
paghuhukay ng isang lalaki sa puntod ni La Esmeralda at nasilayan niya ang hindi kapani-paniwalang pangyayari na
nakayakap ang kalansay ni Quasimodo sa katawan ni La Esmeralda.

4.
ANG KUBA NG NOTRE DAME
PAMILYA PAG-IBIG
Ang pananaw ng may akda tungkol sa pamilya ay Ang pananaw naman ng may akda sa pag-ibig ay
kahit gaano man kahirap ang pinagdadaanan mo sa minsan ito ay nagiging kahinaan ng isang tao. Ang pag-ibig
buhay, ang pamilya mo pa rin ang makakatulong sayo at rin ay maaaring maging dahilan ng paggawa mo ng isang
ipaglalaban ka nila sa lahat ng bagay. masamang bagay at maging dahilan ng pagkakalugmok
mo sa kadiliman kagaya na lang ng nangyari kay Frollo.

5. May mahalagang papel ba ang Katedral sa kuwento na nakapaloob sa nobela? Pangatuwiranan ang
sagot.
May mahalagang papel ang Katedral sa kuwento dahil dito nagkikita-kita ang mamamayan upang magsaya
para sa "Pagdiriwang ng Kahangalan" na isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Sumisimbolo rin ito sa
kultura ng mga taga-France at ipinapakita nito na sila ay relihiyoso at may relihiyon na sinusunod.

6. Anong kakaibang katangian ni Claude Frollo bilang kontrabidang tauhan sa binasang akda?
Si Claude Frollo ay ang pari ng Notre Dame. Siya ay may matinding pagnanasa kay La Esmeralda, dahilan
ng kanyang pagtatangka sa buhay ng dalaga maangkin lamang ang dalaga. Sa kabila ng masamang katauhan, siya
ay may mabuting kalooban sapagkat siya ang umampon kay Quasimodo sa kabila ng kakaibang hitsura ng kubang
si Quasimodo.

7. Mahusay bang naisasalaysay ang mga pangyayari sa paglalarawan ng mga tauhan sa nobela?
Patunayan.
Oo,

8. Sa iyong palagay, ano ang nais ipabatid ng may-akda sa kanyang isinulat na nobela na may kaugnayan
sa bansang pinagmulan?
-Ang gustong ipabatid ng may akda sa kanyang isinulat na nobela sa bansang pinagmulan ay ang kanyang
mga naoobserbahan/nakikita sa paligid na sa tingin din niya ay tama at karapat-dapat na malaman.
Masasalamin sa kwento na ang bawat tao ay mayroong pagpipilian kung paano nila gustong magtapos
ang kwento ng kanilang buhay.
Si Frollo ay isang halimbawa ng taong hahamakin ang lahat para sa pag-ibig, mapasama man ito o hindi.
Pagkatapos natanto niya na "ang pag-ibig niya sa kapatid ay pagsakripisyo at paggawa sa lahat habang siya
ay nabubuhay."
This is the flood hazard map of the municipality of
Kiamba, Province of Sarangani.

Shown there are the levels of danger in each region


labeled with colors form light purple to dark one. Also
shown there are the direction of the flood and etc.

You might also like