You are on page 1of 2

NOVE JOY ALINGHAWA PERFORMANCE TASK NO.

1
10 LEEUWENHOEK FILIPINO 10
QUARTER 2 MODULE 1

RIHAWANI
I. TAUHAN

a. Rihawani - ay isang diyosa na kayang magbago ng anyo, kaya niya maging isang puting usa, kabilang sa
mga naroroon sa kagubatang nasasakupan niya. Dahil dito, may abilidad siyang maibilang ang sarili sa
isang grupo nang hindi nakikilala ng mga mamayan.
b. Dayuhan - Ang napabilang sa alipin ni rihawani at ang hindi sumunod sa tagabulin ng matanda.
c. Matanda - Ang nagbigay payo sa mga mangangaso.

Ipinakita sa kwento ang katangian ng mga tauhan sa pamamagitan ni rihawani. Taglay ni Rihawani ang
pa bago-bago ng anyo sa kwento. Kung ihahambing ang tauhang si Rihawani sa Mitolohiyang Norse,
napakatipikal na ang tema o tauhan ay nagtataglay ng kapangyarihang magbago ng anyo katulad sa
kwentong "Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante" na ang tauhang si Utgard-Loki ay may
kakayahang magpalit ng anyo at makagawa ng mahika. Malaki ang ginagampanan ng tauhang si
Rihawani sa akda dahil bukod sa kanya umikot halos ang buong kwento, nagkaroon tayo ng ideya kung
ano ang kultura ng mga Pilipino sa pang Mitolohiyang Pilipino noong unang panahon.

II. TAGPUAN

Ang Mitolohiya ay naganap sa isang kagubatang maraming bundok sa isang lugar ng marugbu, isang
liblib na pook. Masasabi ko na ang lugar na ito ay mapayapa sapagkat walang kaguluhang nagaganap at
nirerespeto nila ang pribadong buhay ng isa't isa. Bagama't nakasalalay kung saan naganap ang mga
pangyayari, hindi man nabanggit ang kung kailan. Para sa akin, posibleng matagal na itong nangyari
ngunit hindi rin man imposible na hindi ito mangyari sa kasalukuyan dahil ayon sa mito, sa liblib ng lugar
ito naganap. Ibig sabihin wala masyadong "contact" ang mga mamamayan sa ibang tao kaya patuloy pa
rin ang daloy ng buhay nang walang nangingistorbo.

III. BANGHAY

Maayos ang pagka sunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Malinaw ang pagkakalahad ng mga
pangyayari at malaki ang tulong ng mga diyalogo sa kwento upang mas maunawaan ang paksa.
Isinalaysay sa mito kung paanong minsa'y may nakakita sa kanya at dahil dito'y pinaniwalaan na ng lahat
ang presensya ng diyosa. Naisalaysay din sa mito ang pagbaril sa kanyang anyong usa ng isang dayo.
Dahil dito pinagsabihan siya ni Rihawani at isinumpa siya bilang isang usa at bilang isang alagad niya. Sa
mga pangyayaring ito, pinatutunayan talaga na ayaw niyang may nanghihimasok sa kanyang buhay at
teritoryo nang walang paalam.

IV. TEMA

Para sa akin, isa sa mga tema ay ang pag respeto sa kapwa. Respeto sa mga pribadong buhay, kung mas
papalalimin natin dahil ang gusto lang naman ni Rihawani ay katahimikan o hayaan siya ng mga
mamayan at respeto sa kanya at hahayaan din niya sila sa kani-kanilang buhay. Hindi naman magagalit
ang diyosa kung mas magiging responsable ang mga tao sa susunod, maaaring payagan na sila ng diyosa
na pumasok sa gubat.

At isa pang tema na nakuha ko ay ang pangangalaga sa kalikasan kasi para sa akin , si Rihawani ay isang
diyosa ng kagubatan hindi para ipagdamot ang mga kayamanan kundi manirahan doon upang
mabantayan at mapangalagaan ang gubat. Tulad sa nabanggit ko, sa pamamagitan ng pagiging
responsable at mapag respetong tao, hindi imposible na ipamahagi ng diyosa ang mga kayamanan.

V. KONKLUSYON

Sa kabuoan, para sa akin mahalaga ang mitolohiya upang hubugin ang ugali ng isang indibidwal , isa pa
rito ang mahalaga ay ang diyalogo ng mga tauhan sa isang kwento dahil dito natin mas mauunawaan ang
paksa ng isang mito. Kung kaya mahalagang pag aralan o hubugin ang mitolohiya upang di lamang
matuto kundi may mapupulot din tayong aral mula sa paksang binasa.

You might also like