You are on page 1of 32

Panitikan: Ang Aking Pag-ibig (Tula

mula sa Italy) Salin ng How Do I Love


Thee ni Elizabeth Barrett Browning
(Isinalin sa Filipino ni Alfonso O.
Santiago)
Gramatika at Retorika: Mabisang
paggamit ng matatalinghalagang
pananalita.
Uri ng Teksto: Naglalarawan
Makinig, Makilahok at
Kikibo kapag tinawag
Mabisa bang paraan ang tula
sa paglalarawan ng
karanasan at damdamin?
Patunayan.

Paano nakatutulong ang


mabisang paggamit ng
matatalinghagang pananalita
sa pagsulat ng tula?
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwiray hindi paapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hiningal
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing may lalong iibigin kita.
1.Suriin ang binasang tula batay sa
elemento nito. (sukat, tugma, tono,
simbolismo, talinghaga)
2.Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng
makata sa tula?
3.Tukuyin ang magiging bunga ng
pagkakaroon ng tunay na pag-ibig.
4.Paano ipinamalas ng may-akda ang
masidhing pagmamahal sa kaniyang
tula?
5. Ayon sa tula, paano ipinamalas ng
makata ang masidhing pagmamahal?
6. Sa iyong palagay, aling bahagi ng
tula ang nagpalutang sa ganda at
kariktan nito? Patunayan ang sagot.
7. Paano nakatulong ang paggamit
ng mga matatalinghagang salita
upang maihatid ng may-akda sa
mga mambabasa ang mensahe?
8. Sa iyong palagay, ano ang epekto
ng karanasan sa paglikha ng tula ng
makata? Ipaliwanag ang sagot.
9. Ipaliwanag ang kaugnayan ng
pahayag ng akda. Ang pag-ibig ay
buhay, ang buhay ay pag-ibig.
Nabubuhay ang tao upang umibig at
magmahal sapagkat sapol pa sa
pagkasilang, kakambal na ng tao ang
tunay na kahulugan ng pag-ibig.
(how do I love thee-sonnet xliii
Ni Elizabeth Barret browning)
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong


malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga
paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang
kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na
marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Yaring pag-ibig koy katugon,
kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-
utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa
karimlan.
Kasinlayo ito ng mga lalaking
Dahil sa katwiray hindi
paapi,
Kasingwagas ito ng mga
bayaning
Marunong umingos sa mga
papuri.
Pag-ibig koy isang matinding
damdamin,
Tulad ng lumbay kong di
makayang bathin
Noong akoy isang musmos pa sa
turing
Na ang pananalig ay di
masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang
nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming
banal,
Na nang mangawala ay parang
nanamlay
Sa pagkabigo ko at
panghihinayang.
Yaring pag-ibig ko ay siyang
lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking
hininga!
At kung sa Diyos naman na
ipagtalaga
Malibing may lalong iibigin
kita.
KRAYTERYA:
Nilalaman- 6 puntos
Malikhain- 4 puntos
Pakikisangkot- 3 puntos
Tanong at Sagot- 2 puntos
Kabuuan: 15 puntos
Pagtutulad o simile
Pagwawangis o metapora
Pagmamalabis o hyperbole
Pagtatao o personipikasyon
Panuto: Basahin ang sumusunod na
paglalarawan. Isulat sa sagutang
papel ang tayutay na ginamit.
1. Ang mga mata niya ay tila mga
bituing nagniningning sa tuwa.
2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa
Sarah.
3. Napanganga ang mga manonood sa
pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
4. Sa kagubatan, ang mga ibon ay
nagsisiawit tuwing umaga.
5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga
bata.
6. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang
binatang nasa kaniyang panaginip.
Mabisa bang paraan ang tula
sa paglalarawan ng karanasan
at damdamin? Patunayan.
Paano nakatutulong ang
mabisang paggamit ng
matatalinghagang pananalita
sa pagsulat ng tula?
Sa aralin na ating tinalakay, ano ang iyong
nalaman o natutuhan at babaguhin sa sarili?
Ang ang iyong ikina-tuwa, ikinalungkot at
ikinagulat sa araling ito?
Nalaman ko po sa araling ito na _____ kaya
babaguhin ko po sa sarili ko ang _____ sa
pamamagitan ng _____ ikinatuwa ko po ang
_____. Nalungkot naman po ako dahil
_____. Ang ikinagulat ko ay _______.
Goal: Bumuo ng tulang may apat na
taludtod at magtanghal ng
sabayang pagbasa na ang paksa ay
ukol sa pagmamahal at pag-
papahalaga.
Role: Tagapangulo ng Departamento
ng Turismo sa inyong lugar.
Audience: mamamayan sa lipunan,
turista
Situation: Nalalapit na ang ika-25 na siglo
taong pagkakatatag ng inyong bayan na
isang tourist spot sa inyong lalawigan.
Malaki ang naitulong ng turismo sa
pagpapasigla ng ekonomiya ng iyong
bayan. Paano mo mahihikayat ang mga
turismo na balik-balikan ang iyong
bayan.
Product: Makabuo ng tulang may apat na
taludtod.
Standards: Pamantayan (p. 196)
1. Nilalaman; 2. taglay ang mga elemento;
3. diksyon; 4. paggamit ng tayutay.
10 puntos- lahat ng pamantayan ay
naisakatuparan
8 puntos- tatlo sa pamantayan ay
naisakatuparan
6 puntos- dalawa sa pamantayan ang
naisakatuparan
4 puntos- isa sa pamantayan ang
naisakatuparan
1. Angkop ang lakas ng boses; 2. taglay ang
mga elemento; 3. kaangkupan ng emosyon; 4.
pagtitiwala sa sarili.
10 puntos- lahat ng pamantayan ay
naisakatuparan
8 puntos- tatlo sa pamantayan ay naisakatuparan
6 puntos- dalawa sa pamantayan ang
naisakatuparan
4 puntos- isa sa pamantayan ang naisakatuparan
Magandang BUHAY!

MARAMING
SALAMAT!

You might also like