You are on page 1of 1

ANG MAIKLING KUWENTO

Ang Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip
at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na
pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan;
(2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3)
tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may mahalagang tagpuan, (5) may kawilihan
hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas.

Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng katutubong kulay ang binibigyang diin ay
ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang pook, ang pamumuhay, ang mga kaugalian at mga gawi sa
lugar na binibigyang-diin sa kuwento.

Upang matiyak na naunawaan mo ang Maikling kuwento, subuking sagutin o gawin ang mga
kaugnay na gawain o pagsasanay sa maikling kuwento.

1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang
Pilipino noong Panahon ng Komonwelt at maging sa kasalukuyan?

2. Anong uri ng Maikling kuwento ang binasang aralin? Patunayan.

3. Gumawa ng balangkas ng kuwento ng katutubong kulay. Maaaring kuwento tungkol sa iyong


sariling bayan o kuwento ng iyong paboritong lugar na napasyalan. Gawing gabay ang kasunod na
pormat. Gawin sa papel.

You might also like