You are on page 1of 29

MENSAHE AT TEMA SA MGA PILING AKDA: ISANG PAGDALUMAT

Isang Pag-aaral na iniharap sa St. Columban College

Pagadian City

Bilang Parsyal na Pangangailangan

Sa FILIPINO 412 - Kontemporaryong Panitikang Filipino

Na Ipinasa kay

Dr. Regina I. Cuizon

Ni

Rica D. Lomonggo

Marso 2020
Tsapter 1

SAKLAW AT SULIRANIN

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan at

ito’y nabubuo sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata. Nailalahad din dito ang

isang maselang pangungusap sa buhayng pangunahing tauhan. Sa aklat nina

Arrogante, Ayuyao at Lacanlale (2004) napinamagatang Panitikang Filipino, sinasabing

ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng panitikan. Ito’y isang paggagad ng

realidad. Inilalarawan nito ang iyong mga paningin, ang bughaw na langit at kapag

humina’y ipahabong naman ang putik sa mga lubak-lubak ng baku-bakong landas. Ito

ay isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay na pang-araw-araw na buhay

na may isa o ilang tauhan at may isang pangyayari at kakintalan, (Genoveva Edroza

Matute). Kaya sinasabi na ang katha o kwento ay walang humpay napaghahanap ng

realidad. Hinahalughog ang isipan at damdamin, at tuloy na nililirip ang kanyang mga

hangarin at mithiin, ang kanyang mgapangamba at pagkasiphayo, ang kanyang ligaya

at lumbay, pati ang mga hamon at pagpupunyagi.

Isa sa mga nakapaloob sa mga akda ay ang tema at mensahe. Mayroong mga

pagakakaiba ang tema at mensahe sa maikling kwento. Ang tema ay ang

pangkalahatang kaisipan na nais palutangin ng may akda sa isang maikling kwento. At

ang kaisipag ito ang binibigyang layang makintal sa isipan ng mga

mambabasa.Maaaring maging tema ang mga sumusunod palagay sa mga naganap na

pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa ugali ng tao, paniniwala sa


isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng

panahon o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-kada. Ang mensahe naman ang

tuwirang panganga ral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Dulot ng modernong panahon at pagbabago sa lipunang ginagalawan,

ang mga paksain at tema sa mga maikling kuwentong ay nagbabago na rin. Ang mga

dating paksa na tradisyunal ay unti-unti nang napalitan ng mga walang takot na paksa

sa kuwento na dati’y iniingatan pang matalakay. Isinulat ni Tolentino (2002) sa kanyang

artikulo ang kanyang paniniwala na isa sa mga pamantayan sa pagpili ng

pinakamabuting kuwento ng taong 2000 ay ang pagkakaroon ng bawat akda ng kanya-

kanyang advocacy o ipinaglalaban. Ito ay mga seleksyong pumapanig sa interes ng

lipunan. Kung kaya’t sa pagbabago ng realidad at mga tunay na pangyayari sa

kasalukyang panahon, gayundin ang pagsunod sa mga paksain o tema para maging

patok sa panlasa ng mga mambabasa. Halimbawa ng mga paksang ito ay tumatalakay

sa sekswalidad, diskriminasyon, pagbabago sa pamilya gaya ng pagbuwal sa

stereotype na uri nito at pagbubukas sa mundo ng single parenthood, sakit,

kapansanan at kamatayan. Ito ay may sari-sariling kakanyahan kung kaya’t nagwagi,

napansin, at naging patok din sa panlasa ng mga batang Pilipino. Ang mga akdang ito

ay nagwagi batay sa nilalaman at iba pang sangkap na taglay nito ngunit sa iba’t ibang

panahon. Dahil sa kadahilanang ito kaya nagsagawa ang mananaliksik ng isang

pagsusuri sa mensahe at tema sa piling mga akda.

Ang nasabing pag-aaral ay gagawin sa Maloro Integrated School (MAIS) na

matatagpuan sa Maloro, Tangub City, Misamis Occidental, Pilipinas at makikita sa

hilagang bahagi ng Mindanaw, napabilang ito sa Rehiyon X.


Ang nasabing pag-aaral ay naglalayong masuri at mapaghambing

ang mga tema at mensaheng nakapaloob mula sa mga piling maikling kwento.

Batayang Teoritikal

Ang maikling kwento ay isang maikling sanaysay hinggil sa isang pangyayaring

kinasasangkutan ng isa o ilang mga tauhan at may iisang kakintalan o impresyon

lamang at madalas ay batay sa tunay na mga pangyayari. Ito ay may layuning

magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nagtataglay ng

mga katutubong kaugalian ng mga Pilipino na kailang mahubog sa bawat mag-aaral. Ito

rin ay isang maiksing salaysay na naiaangkop sa tunay na buhay ng mga mambabasa.

Ang kadalasang pinapaksa nito ay tungkol sa kaugalian ng mga tauhan.Tulad ng tula at

nobela, ang maikling kwento ay isa ring paggagad ng realidad at nag-iiwan ng

kagandahang asal na pagiging maka-Diyos, makakalikasan, makatao at makabansa.

Ayon sa dalumat ni Christine Joy Aguila na “ Isang Salamisim sa Pagkabata:

Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata (2000) na Nagwagi

sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan”, ang mga mag-aaral ay unti-unting nawawalan

nsg interes sa pagbabasa ng maikling kwento dahil sa mga iba’t ibang salik tulad ng

mga makabagong teknolohiya. Kadalasan rin sa mga mambabasa ay hindi

nakapagbibigay tuon o pansin at halaga sa mga mensahe at tema na nakapaloob sa

mga akdang binabasa.

Ayon naman kay Edgar Allan Poe, ang ama ng maikling kwento, isang akdang

pampanitikan ang maikling kwento na liksha ng guni-guni o bungang isip na hango sa

isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw


ng damdamin at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisapan.

Dagdag pa niya, tinatalakay rin ng maikling kwento ang natatangi at mahahalagang

pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito ay nagpapakita ng isang

makabuluhang bahagi ng buhay ng tao. Walang hanggan ang maaring paksain ng

manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring maging hango sa mga

pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan at mga

bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.

Ayon naman sa dalumat na dalumat na “Meta Analisis sa Pagsusuri ng Maiikling

Kwento sa mga Tesis at Disertasyon ni Dr. Regina I. Cuizon, ang maikling kwento ay

isang universal na kultura. Nagdulot ito ng refleksyong mula sa tiyak tungo sa

pinakamataas na diwa upang maging makabuluhan ang karanasan ng sanlibutan.

Nasabi nina Kraenkel at Wallen (2003) na ang maikling kwento ay makapagdulot

ng mga pagbabago sa buhay. Ang mga aral, mensahe at tema ay naging gabay sa

mga gawaing araw-araw at naging bukas sa anumang hamon sa buhay, naging

batayan din sa pagdesisyon at nagsilbing refleksyon sa mabubuting tahakin sa buhay.

Ayon kay Tolentino (2002) ang publikasyon ng mga maikling kwento ay limitado

ngunit patuloy pa rin ang produksiyon ng kwenyo. Sa kasalukuyan ang publikasyon nito

upang makahimok sa pagbasa at pagsuri ng maikling kwento.Ipinaliwanag naman ni

Tiempo (1995) na hindi biro ang pagsuri ng kwento. Pinatunayan lamang ni kailangan

ng masusuing pagkilatis sa mga detalyeng nakalahad. Ayon kay Herb Leibacher (2010),

ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakakatulong sa kabataan dahil ito ay


nagtuturo ng mga moral na leksiyon sa isip nila na magagamit nila sa kanilang

pagtanda.

Pinanindigan naman ni Rivera (1982), ang panitikan ay nakikipagsabayan sa

pag-imbulog ng kaunlaran at kasama na rin dito ang pagbabago sa mga paksang-uri ng

panitikang Pilipino. Ang maikling kuwentong na patuloy na namamayagpag sa

kasalukuyang panahon sa tulong ng iba’t ibang institusyon na nagpapaunlad rito ay

nanatiling bukas sa iba’t ibang pamamaraan na nagpapayaman dito. Mahalagang salik

ang mga kabataang target na tagapagtangkilik nito.

Ang mananaliksik ay nangalap ng mga sampol na mga pilling maikling kwento

sa iba’t ibang panahon upang maging pangunahing instrumento sa gagawing pag-aaral.

Ang nasabing pag-aaral ay deskriptibong pagdalumat at ang paraan sa pag-aanalisa at

pag-iinterpreta sa mga datos na nakalap ay kwalitatib.


Mga Piling Maikling
Kwento sa panahon ng:

 Bago dumating ang


Kastila
 Kastila Mga Tema at
 Amerikano Mensaheng
 Hapon nakapaloob sa bawat
 Aktibismo piling akda
 Bagong Lipunan
 Kalayaan
 Republika
 Kasalukuyan

Figyur 1: Iskimatikong Dayagrama


Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na magsiyasat at magsuri ang mga

piling maikling kwento.

Layunin din nitong masagot ang mga sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano-ano ang mga mensaheng nakapaloob sa mga piling maikling kwento?

2. Ano-ano ang mga temang nakapaloob sa mga piling maikling kwento?

3. Ano-ano ang mga saytasyon ang ginamit sa bawat akda upang mapalutang ang

mensahe at tema nito?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang sa mga

sumusunod:

Guro. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga guro upang maging

isang daan o opurtunidad na maipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng

maikling kwento na may kaakibat na aral at kaalaman tungkol sa mga tema at

mensaheng ginamit mga akda sa bawat panahon. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito

ay malilinang ang isip ng mga guro na mas pagtuunan ng pansin ang pagbabahagi sa

mga mag-aaral ng kahalagahan sa pagbabasa sa mga maikling kwento at sa

pagbibigay halaga sa mga mensahe at tema na nakapaloob dito. Magsisilbi ring


inspirasyon ang guro sa kanyang mga mag-aaral na tumahak sa hilig ng pagbabasa at

pag-unawa sa mga mensahe at tema sa mga akdang binabasa.

Mga mag-aaral. Makatutulong ng malaki ang pag-aaral na rin upang mas maintindihan

at mabigyang halaga pa ng mga mag-aaral ang mga mensahe at temang nakapaloob

sa mga piling akda sa bawat panahon. Mas mabibigyan rin nila ng pansin ang

kahalagahan ng pagbabasa at upang mas mapalawak pa nila ang kanilang pag-unawa

sa akdang binabasa.

Mga magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay matutulungan ang mga

magulang na mabigyang halaga ang pagbabasa at pag-uunawa sa akdang binabasa ng

kanilang mga anak lalong lalo sa mga mensahe at temang nakapaloob dito.

Administrasyon. Ang bunga ng pag-aaral na ito ay magiging batayan ng

administrador kung ano ang mga tema at mensaheng nakapaloob sa mga piling

maikling kwento sa bawat panahon. Magdudulot ito ng malaking pakinabang sa mga

administrador upang mas mabigyang pansin at halaga ng mga mag-aaral ang

pagbabasa at pagsasabuhay sa mga aral na napulot mula sa mga akdang kanilang

nabasa.

Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing karagdagang kaalaman at

sanggunian ng mga susunod na mananaliksik na may kaugnayan sa ginawang pag-

aaral.
Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang nasabing pamamaraan ng pananaliksik ay naglalaman ng

disenyo ng pananaliksik, lugar na pagdadausan ng nasabing pananaliksik, mga

kagamitan at hakbang sa pangangalap ng mga datos, pagwawasto ng mgakagamitan

at ang Istatistikong paglalapat.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Natiyak sa pag-aaral na ito ang pagsusuri sa mga mensahe at temang ginamit

sa mga piling maikling kwento.

Ang pag-aaral na ito ay nagsimula sa taong panuruan dalawang libo’t labing

walo hanggang sa taong dalawang libo’t labing siyam. Sumasaklaw ito sa mga piling

maikling kwento sa Pilipinas.Sa pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay gumamit ng mga

piling maikling kwento na siyang sinuring mabuti.

Disenyo ng Pananaliksik. Ang palarawan na pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral

na ito upang masuri ng mananaliksik ang mga nakalap na mga datos. Kwalitatib din ang

paraang gagamitin sa pag-aanalisa at pag-iinterpreta sa mga datos na nakalap.


Lugar na Pagdadausan ng Pag-aaral

Ang nasabing pag-aaral ay isinagawa sa Maloro Integrated School

(MAIS) na matatagpuan sa Maloro, Tangub City, Misamis Occidental, Philippines at

makikita sa hilagang bahagi ng Mindanao at napabilang sa Rehiyon X.

Mga Kagamitan sa Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naganap ng mga sampol ng piling maikling

kwento na napabilang sa iba’t ibang panahon. Ang nasabing mga piling akda ay siyang

pangunahing instrummento upang masuri ang tema at mensahe nito. Ang paraan sa

pag-aanalisa at pag-iinterpreta sa mga datos na nakalap ay kwalitatib. Palarawan rin

ang pagdalumat na gagawin.

Hakbang sa Pangangalap ng ng mga Datos

Kahulugan ng mga Termino

Ang mga sumusunod na salita ay binigyang kahulugan upang maliwanagan at

maunawaan ang paggamit nito sa pag-aaral.

Maikling kwento. Ito ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan at ito’y

nabubuo sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata.

Tema. Ito ay ang pangkalahatang kaisipan na nais palutangin ng may-akda sa isang

kwento.
Mensahe. Ito ay ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa

mambabasa.
Tsapter 2

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang tsapter na ito ay naglalahad ng mga resulta, analisis at interpretasyon batay

sa mga nakalap na mga datos.

Talahanayan 1

Ang bawat piling akda ay isa-isang binasa at sinuri ng mananaliksik. Sa

pagsusuri, kumuha ng mga saytasyon ang mananaliksik mula sa akda na siyang

ginamit upang mapalutang ang mensahe at tema nakapaloob sa bawat akda.

Panahon Pamagat ng Akda May-akda Tema Mensahe


Bago dumating Ang alamat ng Pag-ibig Ang paglalaan ng oras sa
ang Kastila Pasig minamahal upang mapabatid
ang kanyang kahalagahan sa
iyong buhay.
Kumintang Kabayanihan Ang pagtulong at
pagmamalasakit sa kapwa ay
higit na mahalaga.
Kastila Lupang Tinubuan Pagmamahal Pagmamahal sa pamilya at
sa pamilya at pagpapahalaga sa bawat
sa bayan. araw na kasama sila at
pagmamahal sa lupang
sinilangan.
Nagbibihis na ang Brigido Mga Hindi lahat ng pagbabago ay
Nayon Batumbakal pangyayari maganda
noon at
ngayon
Amerikano Walang Panginoon Deogracias A. Paglaban sa Huwag tayong mang-api ng
Rosario karahasang kapwa. Ang kasakiman ang
nararanasan. magdudulot sa atin ng
kapahamakan. Huwag rin
nating ilagay sa ating kamay
ang batas.

Hapon Uhaw ang Tigang Liwayway Uhaw/ Sabik Huwag magmadali sa pag-
na Lupa Arseo sa pag-ibig ibig sapagkat may tamang
panahon ang lahat ng bagay
lalong-lalo na ang pag-ibig.
Ang kamatayan ni Efren R. Kasamaan at Huwag punatay ng tao gaya
Tiyo Samuel Abueg Kasakiman ng utos ng diyos. Nararapat
nating panagutan ang lahat
ng ating mga magawang
kasalanan at harapin at itama
ang lahat ng mga mali.
Aktibismo Tata Selo Rogelio Sikat Kasamaan at Ang panggigipit sa mga
Kasakiman mahihirap ay isang karumal-
dumal na gawain lalong lalo
na sa mga taong walang
kalaban-laban.
Bagong Sandaaang Damit Fanny Garcia Ang hindi Hindi lahat ng mga bagay ay
Lipunan pantay pantay kailangan makita ng mga
na pagtingin at mata sapagkat minsan ang
kawalan ng katotohana’y nadarama.
galang sa iba Ang paghuhusga rin sa
dulot ng hindi kapwa ay walang naidudulot
pantay pantay ng maganda sa sarili.
na estado sa
buhay.
Ang Kulapi Benjamin P. Paghuhusga Huwag tayong manghusga
Pascual sa kapwa ng kapwa batay sa panlabas
batay sa nitong anyo sapagkat hindi
panlabas na lahat ng mga nakikita ay
anyo. totoo.
Kalayaan Kasalan sa Nayon Eleuterio P. Pagpapakitan Ang pangungutang ng mga
Fojas g gilas Pilipino maipakita lamang sa
lahat na siya ay maykaya sa
buhay.
Ang paglalayag sa Genoveva E. Ang pagiging Ang pagpapatawad at hindi
puso ng isang bata Matute inosente ng pagtatanim ng galit sa kapwa
mga bata. ang higit na pinagpapala ni
Bathala. Matuto tayong
magpakumbaba at
magpahalaga sa ating
kapwa.
Republika Kwento ni Mabuti Genoveva E. Pagsusuot ng Ang lahat ng suliranin sa
Matute maskara buhay ay may solusyon
basta’t manalig lamang tayo
sa ating Panginoon.
Kasalukuyan Aking mga alaala Melvin Pag-aalsa ng Kailangan iukit natin sa ating
sa mga alaala ng Hernandez mga kabataan puso at isipan ang tradisyon
isang panahon ng panulaan. Sumulat tayo
ng tula ng may masining na
wika at istraktura.
Si Maymay at ang Pagmamahal Huwag magpadala sa galit o
kanyang Aso at sa mga hayop inggit. Ayusin rin natin ang
Pusa problema sa pamamagitan
ng pag-uusap dahil minsan
ang parusa ay hindi rin
mabisa, mas lalo nitong
mapapalala ang sitwasyon.
Madaling nakakapag-lambot
ng puso ang kabutihan

Makikita sa loob ng talahanayan ang mga piling akda at ang panahong

kinabibilangan nito. Sinuri ang bawat akda kung kaya’t napalutang ang mga mensahe at

tema na nakapaloob dito.

Talahanayan 2

Kinuha ang mga saytasyon ng bawat akda na naglalahad ng tema ng akda at ang

bawat tema ay binigyang ng interpretasyon.

Akda Saytasyon Pagsusuri


Ang alamat ng “Palibhasa’y tahimik ang gabi at sariling- Inilalahad sa bahagi ng alamat
Pasig sarili nila ang daigdig, paulit-ulit na ang pagsusumpa ng binata ng
sinasambit ng binate ang kanyang pag- wagas at tapat na pag-ibig niya
ibig at pangako sa dalaga…” para sa dalaga.
Kumintang “Dahil sa kanyang galing sa mano- Inilalahad sa bahagi ng epiko ang
manong pakikipaglaban, natalo niya ang pagiging bayani ni Baltog
lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay sapagkat nakipagsapalaran siya at
niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang sumuong sa panganib, mahanap
sawa na may ulo ng babae ay nakatakas lamang ang tamang lugar na
at humanap ng ibang matitirhan.” maaaring tirhan ng kanilang mga
nasasakupan.
Lupang Tinubuan “Sandaling nag-ulap ang lahat ng Hindi natin maikakaila na lubos
kanyang paningin. Nilunod ang kanyang tayong nasasaktan sa pagpanaw
puso ng matinding dalamhati at ng ng ating mga mamhal sa buhay
malabong pakiramram na siya man ay sapagkat mahal na mahal natin
dumaranas ng isang uri ng kamatayan. sila. Isa na rito ay si Danding na
Balisa at nagsisikap ang dibdib ng labis na nasaktans a pagpanaw ng
damdaming ito, Si Danding ay dahan- kanyang lolo.
dahang lumayo at nagpaunang bumalik
sa bahay.”
Nagbibihis na ang "Ngunit iba na ang lakad ng panahon Inilalahad sa akda na iba na ang
Nayon ngayon, Ka Tonyo,” ang tugon ng isang kalakaran noon at ngayon. Kung
kararating lamang.”Noon po’y inuuri ans noon ay sinasagot ng dalaga ang
mga manginggibig.Hindi katangian ang mga manliigaw na binate batay sa
pagging anak ng isang kanyang ugali (sipag at talino) at
kapitan.Minamabuti pa noong tapat na pag-ibig samangtalang
kapanahunang iyon ang marunong ngayon naman ay sinasagot nan g
humawak ng pamitik ng araro.” dalaga ang binatang mayaman,
sikat at makapangyarihan.
Walang Panginoon “Ngunit si Marcos, isang manggagawang Inilalahad sa bahagi ng akda ang
hubog sa palihan ng bagong panahon, pagtatanim ng galit ni Marcos
lumaki ang puso sa mga pagtitiis. Naging laban kay Don Tiago at ang
maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagbabalak niyang paggawa ng
pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. masama dito na nagpapakita
Hanggang noong bago mamatay si Anita, lamang ng paglagay niya ng batas
akala niya'y maaari pa siyang makalunok sa kanyang kamay. Inilalahad din
ng bagong pag-upasala ng itinuturing ang paglaban niya laban sa
niyang panginoon. Datapwat nang kanyang karahasang naranasan.
tanggapin niya ang utos ng hukuman na
pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang
kanyang isip. Noon pa'y naisip na niyang
gawing batas ang kanyang kamay,
yamang hindi na niya matatamo ang
katarungan sa hukuman ng mga tao.”
Uhaw ang Tigang na “Nasa mga palad pa rin ni Ina ang Inilalahad sa akda ang pakiusap
Lupa kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, ng kanyang ina sa kanyang ama
mahal ko, na maaangkin ko na ang na kahit sa huling sandali ng
kaligayahan ko... hininga nito ay masabihan at
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang maramdaman niyang siya’y
labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko minahal nito bilang asawa at
naaming kay Ina ang tinig na bilang isang babae na kalian man
yaon: Maaangkin mo na, mahal ko! ay hindi niya naranasa ngunit siya
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ay bigo. Namatay ang ama ng
ng kapayapaang nanahanan sa mga labi bata nang hindi man lang nagsisi
ni Ama at nasa mga mata man niya ang na hindi ang kanyang ina ang
ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa minahal sa kanyang buong buhay.
isang buhay na wala nang luhang
dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya
ang kasiyahang nadama ng kalilisang
kaluluwa...”

Ang kamatayan ni “Sumigaw siya ng paulit-ulit na Inilalahad sa bahagi ng akda ang


Tiyo Samuel sigaw na bumatak sa kanyang mga litid kasakiman at kasamaan ng
sa leeg at si Ligaya ay nanlabo sa kanyang Tiyo Samuel sapagkat
kanyang paningin at ang lahat ay umikot pilit siyang inilalayo sa kanyang
at siya ay tinangay at sa pagtangka minamahal na babae. Kinamkam
niyang pigilin ang pag-ikot na iyon ay din ang ari-ariang kanyang
napahawak siya sa kanyang baywang at mamanahin sana.
nagapgap niya ang balisong at napahigpit
ang paghawak niya roon hanggang sa
iyon ay mahugot at sa pag-ikot niya,
ipinaghalihaw niya ang balisong na iyon,
sapagkat may nakabibinging halakhak na
sumusunod sa kanya sa pag-ikot at
pagdilat niya ay nababanaagan niya ang
kanyang Tiyo Samuel, ang maluwang na
bibig ay waring isang hayok na bunganga
ng dambuhalang sa ilang sandali pa ay
lalagom sa kanya.
Mahigpit ang pagkakaapol, itinaas niya
ang balisong at sa isang kisap- mata ay
lumabas siya sa nag-uumikot niyang
paningin at ang patalim ay ibinaon niya sa
dibdib ng humahalakhak niyang Tiyo
Samuel.”
Tata Selo “Nasa may sangka po ako nang Inilalahad sa akda ang kasakiman
dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng kabesa at ang kanyang
ng pitas na pilapil. Alam ko pong kasamaan sapag kat kinamkam
pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po niya ang lupaing sinsasaka ni Tata
naman pinagbuti ko ang paggawa, para Selo ay basta-basta nalang siyang
malaman niyang ako po’y talagang pipapaalis at sinasaktan ng pisikal.
malakas pa, kaya ko pa pong magsaka.
Walang anu-ano po, tinawag niya ako at
nang ako po’y lumapit, sinabi niyang
makakaalis na ako sa aking saka
sapagkat iba na ang magsasaka.
‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po.
Ang wika’y umalis na lang daw po ako.
‘Bakit po naman, ‘Besa?’ Tanong ko po
uli, ‘malakas pa po naman ako, a’
Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako
sa kanya, ngunit ako po’y… Ay!
Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang
tinungkod.”
Sandaaang Damit Inilalahad sa bahagi ng akda ang
“Ang panunukso ng mga kaklase
hindi pantay-pantay na turing sa
ay hindi nagtatapos sa kanyang mga iba dahil sa estado sa buhay.
Tulad na lamang ng batang
damit. Tatangkain nilang silipin kung ano
mahirap, palagi siyang tinutukso
ang kanyang pagkain at sila’y sapagkat siya ay mahirap lamang
kung ihahambing sa mga
magtatawanan kapag nakita nila na ang
mayayaman niyang mga kaklase.
kanyang baon ay isa lamang pirasong Paulit-ulit rin ang kanyang damit,
tinapay na karaniwa’y walang palaman.” marumi at puno ng selyo. Wala rin
siyang masarap na baon tuwing
reses.
Ang Kulapi “Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Inilalahad sa akda ang
Aling Martha na ang nangyari sa bata ay panghuhusga sa kapwa batay sa
kapalit ng pagkuha ng kanyang kalupi. panlabas na anyo nito. Tulad na
Pagkauwi ng bahay ni Aling Martha ay lamang ni Aling Martha, nang
nagtaka ang mister nito kung saan galing mapansin niyang nawawala ang
ang pinamili gayong naiwan nito ang kanyang pitaka ay agad niyang
pitaka sa bahay. Namutla si Aling Martha pinagbintangan ang batang
sa narinig. Sa pagkakataong iyon ay gusgos na tulad rin niya ay
nawalan ito ng malay.” bumibili ng isda. Pinagbitangan
niya ang bata ay pinakulong. Hindi
niya pinakinggan ang paliwanag
ng bata sapagkat ayon sa kanya
ang bata ang siyang nagnakaw sa
kanyang pera.
Kasalan sa Nayon Inilalahad sa akda ang
““Mukhang malakasan ang kasal ni
pagpapakitang gilas ni Mang
Alberto,” ang salitan ng isa’t isa sa Ambo sa kanilang kababaryo sa
pamamgitan ng pagpapakasal sa
pagupitan ni Isyo nang Sabadong iyon.
kanyang anak na si Alberto nang
“Talagang ganyan tayong mga taganayon magarbo. Inilalahad din ang
kanyang pagpapasikat sa kanilang
kung napapasubo,’ ang nakangiting tugon
baryo.
ng isang matandang kasalukuyang noong
ginugupitan ni Isyo.”
Ang paglalayag sa Inilalahad sa bahagi ng akda ang
“Naisip ko: Napopoot siya sa akin. Sa
puso ng isang bata pagiging inosente ng mga bata.
munti niyang puso’y kinapopootan niya Inilalanhad din na kung ano ang
iyong ipinapakita sa kanila ay siya
ako ng pagkapoot na kasintibay ng
ring ipapakita nila sa iyo ngunit
pagmamahal na iniukol niya sa akin hindi mapagtanim ng sama ng
loob ang mga bata. Bagama’t
nitong mga huling buwan. Ang isa mang
matampuhin ay madali naman nila
batang namulat sa pag-iisa at sa itong nalilimutan at nawawala rin.
kalumbayan ng pag-iisa’t kawalan ng
pagmamahal ay makadarama rin sa
kawalan ko ng katarungan. Ngayo’y paalis
na siya, ang naisip ko nang may kapaitan
sa puso.”
Kwento ni Mabuti Inilalahad sa bahagi ng akda ang
“At sapagkat natuklasan ko ang
pagiging matatag sa lahat ng
katotohanang iyon tungkol sa kanya, panahon gaya ni Mabuti.
Inilalahad din ang pagsusuot niya
nagsimula akong magmasid, maghintay
ng maskara sa harap ng ibang tao
ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang upang hindi siya kaawaan at pag-
usapan. Ang pagtitiis niya rin at
sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan,
pagtitimpi ang higit na
pananalig, pag-asa ang taglay niya sa nagpapunyagi sa kanya.
aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit
na guni-guni ang aming isipan at ng mga
tunog ang aming pandinig at natutuhan
naming unti-unti ang kagandahan ng
buhay. Bawat aralin naming sa panitikan
ay naging isang pagtighaw sa kauhawan
naming sa kagandahan at ako’y
humanga.”
Aking mga alaala sa Sa bahagi ng akdang ito,
“Noong nabalitaan kong sinunog ng isang
mga alaala ng isang inilalahad ang pag-aalsa ng mga
panahon grupo ang ilang kopya ng libro sa isang kabataan. Ang pagpapakita ng
mga kabataang Pilipino ng
demonstrasyon, naalala kong ang mga
kanilang tunay na damdamin sa
panahon na nagkausap kami ni Jacob pamamagitan ng panulaan.
Laneria. Maniwala kayo, hindi sya
natatakot o nagsisisi sa mga pinagsusulat
nya. Sawang-sawa na sya sa Pilipinong
masayahin, mapagtiis, mapagdasal. Wala
namang nangyayari. Bigyan naman ng
pagkakataon ang Pilipinong galit,
matapang, kayang pamahalaan ang sarili
at kolektibong kapalaran.”
Si Maymay at ang Sa bahaging ito, inilalahad ang
“Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi
kanyang Aso at pamamahal ni Maymay sa
Pusa na niya papagutoman muli si Bruno. kanyang aso, ang pagpapatawad
at ang pagsisisi sa kanyang
Nagsisi rin siya sa ginawa niya sa aso at
parusang ibinigay dito. Mahal na
ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi mahal ni Maymay ang kanyang
alagang aso at puso.
na niya paparusahan ang mga alaga kahit
ano pa man ang mangyari.”

Talahanayan 3

Kinuha ang mga saytasyon ng bawat akda na naglalahad ng mensahe ng akda

at ang bawat tema ay binigyang ng interpretasyon.

Akda Saytasyon Pagsusuri


Ang alamat ng “Isang gabing maliwanag ang buwan Inilalahad sa bahaging ito ng akda
Pasig naganyak ang magsing-irog na ang pagbibigay ng oras para sa
mamangka sa matahimik at malalim na minamahal upang maipabatid na
ilog na noon ay namumuti sa liwanag ng siya ay mahalaga sa iyo. Tulad na
buwan at mga bituin. Isang maliit na lamang ng ginagawa ng
lunday ang kanilang sinakyan. Ang binate magkasintahang Paz at Fernando.
ay sumasagwan at ang dalaga naman ay
payapang nakaupo habang nilalaro ng
kanyang kayumangging mga daliri ang
malakristal at bumubulang tubig.”
Kumintang “Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita Ang pagtulong ni Baltog sa
niya ang mga tao sa kanilang kaawa- kanyang mga nasasakupan ay
awang kalagayan. Nakita niya ang gutom nagpapakita lamang ng
at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya papahalaga niya sa mga ito.
ang panghihina sa bawat mukha ng Kailangang tulungan natin ang
ama't-ina. Siya din ay nalungkot.” ating kapwa at bigyang halaga
sapagkat sila rin ay tulad nating
tao rin at nasasaktan.
Lupang Tinubuan “Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, Ang pagmamahal natin sa ating
bagay na nagpapagunita kay Danding ng mga pamilya ang higit na
sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak binigyang pansin sa bahaging ito
nito, at ng malungkot at batbat – sakit na ng akda. Kailangang pahalagahan
pagkakawalay nila, na kamatayan lamang natin ang bawat araw na kasama
ang lubusang magwawakas. Nagunita natin sila sapagkat hindi natin
niya na sa maliit na bakurang ito ng mga alam kung hanggang kalian natin
patay na nakahimlay ang alabok ng sila makakasama.
kanyang ninuno, ang abang labi ng
Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig,
lumbay at ligaya, ng palalong mga
pangarap at mga pagkabigo na siyang
pumana sa kanya ng kanyang angkan.
Magaan ang pagyapak ni Danding sa
malambot na lupa, at sinikap niyang
huwag masaling maging ang pinakamaliit
na halaman.”
Nagbibihis na ang “Lumala ang mga sali-salitang nauukol sa Hindi lahat ng pagbabago ay
Nayon sinasabing kapalaran ni Derang. Hindi maganda, ito ang pinakamensahe
lamang ginawang tulay ng pagbabatian ng akda na napalutang sa
kundi kinaladkad na sa lansangan. Kung bahaging ito ng akda. Inilalahad
nakikita si Derang ay napapailing ang ang pagbabagong naganap sa
matatandang nagbabayo ng itso sa bayan ng Tulikan mula ng
katikot, at may ibinubulong na kung ano magkaroon ng sementadong
sa katabi na lagi nang nabubuntutan ng lansangan na kung saan ay
tawanan. Ang labi ng mga dalaga’y kasabay din ng pagbabago sa
parang hinahatak sa paghaba na dalagang pilipina na si Derang.
sinusundan ng pag-ismid sa dalagang Nawala ang kanyang yumi at
kahapo’y mutya ng Tulikan. At kung ang hinhin. Nawala rin ang paggalang
tininti ang nakikitang may pasang araro, sa kanya ng kanyang mga
ang mga magsasaka ay nagkakatinginan kababaryo.
nang lihim, na para bagang sinasabing
”Diyan din pala ang lagpak ng iyong paa.”
Walang Panginoon “Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Huwag tayong mang-api ng
Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng kapwa. Ang kasakiman ang
lupang sarili ni Don Teong. Kung magdudulot sa atin ng
takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos kapahamakan. Huwag rin nating
ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, ilagay sa ating kamay ang batas.
saka dala ang latigong katulad ng pamalo Huwag tayong tumulad kay Don
ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na Teong na sa kanyang pagiging
kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo sakim, masama at gahaman kaya
ang kalabaw hanggang sa ito'y umuungol siya ay ipinahamak ng isang taong
na ang alingawngaw ay abot hanggang sa may malaking galit sa kanya na si
kalagitnaan ng bayan.” Marcos.
Uhaw ang Tigang na “Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng Inilalahad sa bahagi ng akda na
Lupa iyong kalooban; ang uang tibok ng puso kailangan ay hindi tayo magmadali
ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa
kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang pag-ibig sapagakta karaniwang
mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang nasa huli ang pagsisi. Tulad na
lubha ang labingwalang taon...Huwag lamang ng nangyari sa ama ng
ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga bata na dahil sa kapusukan ay
kalungkutang magpapahirap sa iyo nabuntis ang kanyang ina at
habang-buhay...” sapilitang nagpakasal sa kanyang
ina kahit may iba siyang mahal
kung kaya’y hanggang sa huling
hininga ng kanyang ama ay hindi
niya narinig na sinabi ng kanyang
ama ang pagmamahal para sa
kanyang ina.
Ang kamatayan ni “Muli, Tumingin! Ligaya sa kanyang Tiyo Huwag nating ilagay sa ating mga
Tiyo Samuel Samuel. Saglit na tinging humantong sa kamay ang batas. Huwag tayong
pagyuko, sa paghikbi, sa pagkaligalig ng pumatay ng kapwa gaya ng utos
balikat. Huwag kang matakot… sa atin ng ating Panginoon. Ipasa-
pakakasalan kita! Nilapitan siya ng Diyos na lamang natin ang lahat at
kanyang Tiyo Samuel. Hinawakan siya sa ipagdasal at ang la hat ng bagay
bisig at inilayo siya kay Ligaya. Hindi? ay may solusyon.
Bakit? May pananagutan ako sa kanya!
Sapagkat siya’y hindi para sa iyo. Tingnan
mo’ng balat mo… mestiso ka … tingnan
mo’ng balat niya …kayumanggi! Ano ang
sasabihin ng Papa mong namatay?
Pananagutan ko’ng nangyari sa kanya?
Wala kang pananagutan, Felipe. Aalisin
natin ang sanggol na ‘yan. Madaling alisin
Nakarinig siya ng kaingayan, ng sigawan,
ng takbuhan.”
Tata Selo “Bakit niya babawiin ang saka?” tanong Huwag tayong mang-api ng ating
ng Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa kapwa bagkus ay ating mahalin.
partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang Kabaliktaran ang nangyari kay
may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Tata Selo sapagkat siya ay
Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa nakaranas ng karahasan ng isang
akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay taong sakim sa pera at yaman.
ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si
Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa
rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit
wala siyang sino mang tinitingnan.”
Sandaaang Damit “Naroroon din ang drowing ng kanyang Inilalahad sa bahagi ng akda na
damit pantulog, ang kanyang pansimba, hindi lahat ng mga bagay ay
ang mga sinasabi niyang pamasok sa kailangang Makita n gating mga
paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mata. Tulad na lamang ng batang
mga kaklase dahil ayon sa kanya’y may isang daang damit na pawat
nakatago at iniingatan sa bahay. guhit lamang sapagkat sila ay
Sandaang damit na pawang drowing mahirap lamang ay walang
lamang.” kakayahang bilhan ng mga
magulang ng mga damit na
kanyang ikinukuwento sa kanilang
klase.
Ang Kulapi “Nang kukuha na ng pambayad ang Huwag nating tularan ang
ginang ay tsaka na lamang nito natanto ginawang panghuhusga ng ale sa
na nawawala na ang kanyang kalupi. batang gusgusin sapagkat hindi
Agad na nataranta at nag-isip. Sa loob- lahat ng ating akala at hinala ay
loob nya ay hiyang hiya sya sa nangyari. tama. Huwag rin tayong
Natitiyak nya na ang batang madungis mangbintang ng kapwa lalo pa’t ito
ang nakakuha ng kanyang kalupi. Agad ay walang kalaban laban sa iyo.
na nagmadali ang ginang upang
mahagilap ang batang sa tingin nya ay
kumuha ng kanyang pitaka.”
Kasalan sa Nayon “Magkano ang inutang mo kay Ingkong Ang pangungutang ay hindi
Karyo para sa kasal ni Alberto?” Tinig solusyon upang ikaw ay sumikat at
yaon ng ina ni Alberto. hangaan ng lahat. Huwag nating
“Tatlong daang piso, hindi pa kasali roon tularan si Mang Ambo na kung
ang dalawang baka. Bukas daw niya saan ay utang lahat ng handa sa
ahalagahan.” Si Mang Ambo ang kasal ng kanyang anak, maipakita
nagsasalita. lang na sila ay nakaluluwag sa
buhay.
Ipinikit ni Alberto ang kanyang mga mata.
Tinakpan ng dalawang palad ang
kanyang mga tainga. Pagkaraan ng ilang
sandali ay muli siyang nakinig.

“Hindi na tayo makakabayad sa


pagkakautang kay Ingkong Karyo.
Hangga ngayon ay hindi pa natin
nababayatain ang ating inutang sa kasal
ni Saro!”
Ang paglalayag sa “Biglang-bigla, ang maitim at pipis na Ang pagpapatawad at hindi
puso ng isang bata mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan. pagtatanim ng galit sa ating
Ang mga mata niyang nakipag- kapwa ay napakagandang pag-
salubungan sa aki’y may uugali gaya na lamang ng batang
nagugulumihanang tingin. “Goodbye, mag-aaral. Kahit pa siya ay
Teacher,” aniya. Pagkatapos ay umalis na nasabihan ng mga masasakit na
siya. salita, patuloy pa rin siyang
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. gumagalang sa kanilang guro at
Kung gaano katagal ako noon sa ginagawa ang kanyang mga
pagkakaupo ay hindi ko na magunita nakasanayang gawin.
ngayon. Ang tangi kong nagugunita’y ang
pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng
puso ng munting batang yaon, sa
nakatitinag na kariktan ng kanyang
kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang
aking naging guro.”
Kwento ni Mabuti “Ang pananalig niya sa kalooban ng Kailangang tularan natin si Mabuti
maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, na nagging matatag sa kabila ng
isa sa mga pinakamatibay na aking mga unos ng buhay. Maging
nakilala. Nakasasaling ng damdamin. matatag tayo at manalig sa ating
Marahil, ang pananalig niyang iyon ang Panginoon sapagkat lahat ng
nagpakita sa kanya ng kagandahan sa suliranin sa buhay ay may
mga bagay na karaniwan na lamang sa solusyon.
amin ay walang kabuluhan.”
Aking mga alaala sa “Hilaw na hilaw ang mga tulang pinadala Kailangan iukit natin sa ating puso
mga alaala ng isang namin. Hindi pa kami handa sa isang at isipan ang tradisyon ng
panahon writing course kaya naghanda nalang sya panulaan. Sumulat tayo ng tula ng
ng isang reading course. Wala kaming may masining na wika at istraktura
kapit sa wika at porma. Sa madaling ang mensaheng napalutang mula
salita, sa tradisyon ng panulaan.” sa bahagi ng akda.
Si Maymay at ang “Subalit, hindi alam ni Maymay na may Huwag tayong magpadala sa galit
kanyang Aso at inggitan na nangyayari sa pagitan nina o inggit tulad ng nangyari kay aso.
Pusa Bruno at Kiting. Isang araw, habang nasa Ayusin rin natin ang problema sa
talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si pamamagitan ng pag-uusap dahil
Maymay naman ay sumama kay Aling Iña minsan ang parusa ay hindi rin
sa tindahan, nag-away ang dalawa. mabisa, mas lalo nitong
Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay mapapalala ang sitwasyon.
Bruno. Hindi niya ito pinakain habang Madaling ring nakakapag-lambot
awang-awa siya kay Kiting. Nais ng bata ng puso ang kabutihan
na matuto raw ang aso kaya ginawa niya
ito kahit masakit rin sa kanya.”
Tsapter 3

PAGBUBUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Naglalaman ang kabanatang uto ng buod, konklusyon at rekomendasyon sa

mga nakala na datos.

Buod ng Nilalaman

Nakatuon ang pag-aaral sa tema at mensahe ng mga piling akda sa iba’t ibang

panahon. Ang mananaliksik ay gumamit ng palarawang pamamaraan upang masuri

ang tema at mensahe ng mga piling akda sa bawat panahon. Batay sa pagsusuring

ginawa, lumabas na iba’t iba ang atakeng ginamit ng mga manunulat upang

mapalutang lamang ang mensahe at tema ng bawat akda. Nariyan ang

pagpapaunawang literal at hindi literal.

Konklusyon

Batay sa resulta ng pag-aaral, naital ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Gumagamit ang mga may-akda ng iba’t-ibang atake upang mapalutang ang

tema at mensahe ng bawat akda.

2. Gumagamit ng isa o higit pang mga saytasyon.

3. Ang tema at mensahe ng akda ay nakadepende sa panahong kinabibilangan

nito.

Rekomendasyon
Bunga ng nagawang pag-aral, inirerekomenda ng mananaliksik ang mga

sumusunod:

Sa mga mag-aaral, huwag lamang basta basahin ang mga akda bagkus

ay basahin ito nang may buong pag-unawa. Alamin din ang mga mensahe at

temang nakapaloob dito upang may matutunan o mapulot na aral mula sa

akdang binabasa.

Sa mga guro, ipaunawang mabuti sa mgamag-aaral kung gaano kahalaga

ang pagbabasa nang may buong pag-unawa at ang pagbibigay halaga sa mga

tema at mensaheng nakapaloob dito.

Sa mga susunod na mananaliksik, sana ay gumawa sila ng pag-aaral

tungkol sa mga teknik o mabisang pamamaraan upang mas madaling

maunawaan ng mga mag-aral ang tema at mensahe na nakapaloob sa bawat

akdang binasa.
SANGGUNIAN

Aklat

Arrogante, Ayuyao at Lacanlale (2004) .Panitikang Filipino

Aguila, Christine Joy (2000). Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at

Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata

Barry, Peter. (1995). Beginning Theory. New York: Manchester University Press

Internet

Coursehero.com/file/p4079rq/Kabanata-2-Mga Kaugnay-na-Pag-aaral at Literatura-


Naglalarawan-ang-mga-piling-ng/

Coursehero.com/file/psa0nu/maikling-kwento-na-talagang-marami-itong-mapupulutan-
na-magtutungo-sa-kanilang/

Prezi.com/pts-4mmu2g_i/maikling-kwento/

Slideshare.net/AJBaterna/maikling-kwento-123379449

Slideshare.net/cherryosteria/ang-maikling kwento-panitikan

Teksbok. Blogspot.com/2010/08/ano-ang-maikling-kwento.html

Tl.wikipedia.org/wiki/maikling _kwento

Disertasyon

Dr. Cuizon, Regina I. Meta Analisis sa Pagsusuri ng Maiikling Kwento sa mga Tesis at

Disertasyon

Tolentino (2002) .Ang kanyang paniniwala na isa sa mga pamantayan sa pagpili ng

pinakamabuting kuwento ng taong 2000


MGA APENDIKS

You might also like