You are on page 1of 12

1

KABANATA 1
ANG SULIRANIN

Ang pabula ay isang kathang isip ng may-akda at naglalaman ito ng


mabuting aral sa mambabasa. Ang mga aral sa mga kwentong pabula ay bahagi
ng ating pang-araw-araw na pakikipag-usap at komunikasyon sa tao at isang
makatotohanan na ang pinakamayaman ay ang taong binusog ng panitikan. At
ang pabula ay isang mahalagang bahagi ng panitikan. Itinapon ang pabula
noong taong 400 B.C.

Sinasabing ang pabula ay nagmula sa Indya na Pachantara at Jatakas, ang


Pachantara ay pinaniniwalaang pinaka-lumang koleksyon pabula kung saan
nagmula sa Indya. At ang Jatakas ay isa sa koleksyon ng mag pabula na kilala
noong 500 B.C.

Nagsimulang sumikat ang mga pabula noong Middle Ages kaya naman bago
matapos ang ikalabingdalawang siglo, nailimbag na ang ilang mga koleksyon na
naglalaman ng iba’t ibang estilo at daloy ng kwento ng mga pabula. Sumibol sa
mga panahong ito ang mas mahabang bersyon ng pabulang tinawag na “beast
epic”, kung saan tinatalakay ang kwento ng isang bayani, sa katawan ng isang
hayop, kanyang mga katunggali at mga paglalakbay.

Nagsimula ang pabula sa Griyego, Romano at mga pinuno ng ating Pilipinas.


Noon pa man (Bago isinilang si kristo) sinasabing nagsimula ang pabula sa
Amerika. At itinatalaga na ang pabula ay hindi tumutukoy sa hayop kundi
tumutukoy sa dakilang tao. Ipinapalagay na nagsimula ang pabula kay Aesop or
Esopo ang katawagang ito ay nagmula sa Griyego na isang alipin na kuba at
may problema sa pandinig pero sa kanyang katalinuhan at kasipagan pinalaya
siya ng kanyang amo at nagkaroon ng tungkulin. Isinilang siya noong ika 620-
560 B.C. Itinuring siya na ama ng mga sinaunang pabula noong kapanahunan ni
hesus. Bago mamatay si Aesop ay nakalikha siya ng 200 na pabula.
2

At isa dito ay ng pabula na “Si Pilandok at Ang mga Buwaya” na isinulat ni


Virgilio S. Almario, ang kwento na ito ay tungkol kay pilandok at mga buwaya
kung saan dalawang beses nilinglang ni pilandok ang mga buwaya upang
makatawid sa ilog at makakuha ng inuutos ng kanyang ina na pagkain at
pinangakuan ang buwaya na bibigyan ng pagkain subalit tinusukan ng kahoy ang
bunganga ng buwaya.

Sa kasalukuyan ang bersyong nalalaman at umiiral ay batay sa gawa ni


Phaedrus isang romanong manunulat. At kilala bilang unang nagsa-latin ng
kabuoang aklat ng pabula.

Ang manunulat ng kwento ay tinatawag na kwentista at ang manunulat ng


tula binabansagang makata, ang manunulat naman ng pabula ay tinaguriang
pabulista. Simula nung namatay si Esopo or Aesop ay madami na ding naging
pabulista kagaya nina Babrias, Phaedrus, Romulus, Hesiod, Aeschylus,
Archilocus, Socrates, Phalacrus at Planudes.

At ang mga elemento nito ay ang tauhan, tagpuan, banghay, at aral. Isa pa sa
aming pinag-aralan ang mga katangiang taglay ng isang pabula ay kung saan ito
ay may aral na maari mong isabuhay o isa katuparan sa aming buhay. Sa mga
tauhang hayop ng mga pabula masasalamin ang mga katangiang taglay ng mga
tao tulad ng pagiging malupit, makasarili, mayabang, tuso, madaya at iba pa.
Itinuturo ng pabula ang tama, mabuti, makatarungan at makataong pag-uugali at
pakikitungo sa kapwa. Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa mga
magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

Sinasabing noong unang panahon, nang ang pamumuhay ng mga tao ay


simple pa lamang, ang pabula ay ginagamit upang turuan ang mga tao sa
tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Ito ay naglalahad ng katangian ng
iba't ibang pag-uugali ng mga hayop na maihahambing sa mga pag-uugali ng
mga tao. Ang pabula ay mahalaga dahil tumutulong ito na mapalago ang
kaisipan ng mga bata at nakapagbibigay ito ng moral na leksyon.
3

Sa pag-aaral at pananaliksik ng pabula, malalaman kung ano ang mga


kahalagahan ng pabula. Dito din makikita, mababasa at mauunawaan ang mga
mabuting aral sa kwento na susuriin. At mababasa sa aming pagsusuring ito ang
mga elemento, kung saan ito nagmula at katangiang taglay ng pabula.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa elemento at katangiang taglay


ng pabula. Naririto ang mga sumusunod na katanungan na nararapat na sagutin.

1.Ano ang mga maaaring maging kagamitan sa pagsasaliksik ng mga kabataan


sa pabula?

2. Sa paano mo ilalarawan ang mga sumusunod na elemento:

2.1 Tauhan

2.2 Tagpuan

2.3 Banghay

2.4 Aral

3.Sa makabagong henerasyon paano makakatulong ang pabula sa kanilang


pag-aaral?

4.Sa paanong paraan mahihikayat ang mga kabataan na basahin ang pabula?

Saklaw,Limitasyon,Delimitasyon ng Pag-aaral

Ayon sa aming pagsusuri ang sinasaklaw ng pag aaral na ito, ay ang pag-
aaral ng mga mag-aaral sa pabula kung saan aalamin kung anong mayroon sa
pabula. At alamin kung papaano makakatulong at sa paanong paraan nila
magagamit ang mga aral na napupulot nila sa bawat binabasa nilang pabula.
4

Ang pag aaral na ito ay nililimitahan lamang sa pag susuri tungkol sa pabula
kung saan sakop nito ay ang kahalagahan ng pabula,kung anong elemento at
bakit mga hayop ang tanging naganap sa isang pabula at kung saan may
ginintuang aral na makukuha sa pabula.

Ang pag-aaral na ito ay nakadelimita kung saan hindi tinatakay ang iba pang
aspeto na hindi kaugnay sa pabula at walang koneksyon dito. Isinasalaysay
lamang dito kung anong opinyon namin tungkol sa pabula.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagsusuri na ito ay nakakatulong para sa mag aaral, magulang, guro at


iba pang mamayan na nanaliksik sa kaugnay nito. Para sa mga mag aaral ang
kahalagahan ng pabula ay isabuhay, ikwento, o pasalaysay. Nakakatulong din ito
sa mga mabuting aral na napupulot natin sa ating mga binabasa upang magamit
natin sa ating buhay. At upang makahikayat din tayo na sa ibang mga mag-aaral
na magbasa ng pabula at malinang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa mga
talinhaga nito.

Nakakatulong din ito sa mga guro upang pahalagahan ang pabula at ang
maituro nila sa mga mag-aaral ang mensahe ng bawat kwento sa isang pabula.
Makakatulong din ito sa mga guro bilang magandang halimbawa ng mabuting
aral na dapat tandaan at isabuhay ng bawat mag-aaral na kanyang tinuturuan.
Sapagkat ang pabula ay mayroong magandang aral na makukuha at magagamit
natin sa ating pang-araw-araw na asal, at pakikipag-usap gayundin
madadagdagan ang kaalam sa panitikan.

Makakatulong din ito sa mga taong pabulista na simpleng mamamayan na


ginagawang negosyo ang pag gawa at pag bebenta ng mga libro na may
nilalaman na pabula. Ito na rin ay upang basahin ng bawat indibidwal na
mamamayan upang makapulot ng magagandang aral. Ang bawat mga taong
kabilang sa isang lipunan na makakapagbasa ng mga kwentong pabula ay
5

maibabahagi sa iba, lalong-lalo na sa mga bata, na nararapat lang mabahagian


upang hanggang sa kanilang paglaki, ang mga aral na kanilang napulot sa
pagbabasa ng mga kwentong pabula ay tumanim sa kanilang pagkatao at
madala nila ang mga ginintuang aral hanggang sa pagtanda. Na pati sila ay
makakapaghikayat din sa iba upang ibahagi din ang mga magagandang aral sa
kwento ng pabula.
PANANALIKSIK NG IBA’T IBANG ELEMENTO AT KATANGIANG TAGLAY
NG PABULA SA PILIPINAS

Iniharap sa GOLDEN GATE COLLEGES

HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Sa lungsod ng Batangas City

Inihanda

Bilang bahagi ng Pamanahong Papel

Ng Ikasampung Baitang

Nina:

Antenor, Adrian Matthew G.

Aya, Drexell John B.

Bulaquiña, Jane Alecziah G.

Cabañas, Mary Kryztin F.

Agosto 2017
6
KABANATA 2
KAUGNAY NA LITERATURA
Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnayan at konsepto ng
literature at maging sa pananaliksik nito. Kung saan ang pag-aaral na ito ay
nagsisilbing batayan at makakatotohanan. Dito rin nakapaloob at mababasa ang
mga isinasagawang pag-aaral nakalikom ng iba’t ibang mga mananaliksik ang
mga impormasyon na may kaugnayan sa pagsusuri sa paksang isinasagawa.

Literaturang Konseptwal

Ang pagsisiyasat ng mga akdang pabula ay gawain ng isang mag-aaral na


naghahangad matuto mula sa mga kwentong may aral. Ang pabula ay maaring
ihantulad sa tunay na buhay.

Ayon kay Carmelita Siazon Lorenzo (2010) ang alamat ay naging salamin
natin upang makita ang magandang kalinangan at kabihasnan ng ating lahi. Isa
ito sa mga ugat ng ating panitikan na nabuhay sa pamamagitan ng pagsasalin-
salin sa bibig ng ating mga ninuno hanggang makarating ito sa kasalukuyang
panahon at maaring tumalakay ito sa bagay at hayop na may kaugnayan sa
ugali, kilos, at buhay ng tao na kaugnayan sa pabula. Dahil ang alamat ay
maiuugnay natin sa pabula. Isang halimbawa nga ng alamat ay “Alamat ng Aso”.
Kungsaan aso ang pangunahing tauhan sa kwento. At kaya ang alamat ay
maiuugnay sa pabula dahil may mga kwento rito na ang mga hayop ang mga
gumaganap sa kwento.

Ang pabula ay kuwentong-bayan na karaniwang tungkol sa iba’t ibang uri ng


tao na inilalarawan sa kanilang iba’t ibang pag-uugali sa kanilang pang-araw-
araw na sitwasyon sa buhay, mga hayop ang kumakatawan sa tao bilang tauhan
sa kuwento. Ang mga hayop na ito ay kumikilos, nagsasalita at may-isip, asal na
parang tao.
7

Layunin ng pabula ay mabigyan sila ng aral, makapagbigay aliw, makapagbigay


ng kasiyahan, at takiliking basahin ng mga bata o matatanda. Sa pagsisiyasat na
ito ni Jose A. Arrogante noong 2013, malalaman natin na iba’t ibang mga
paguugali ang mayroon ang mga hayop sa pabula. Nakapaloob rin nga dito na
ang kilos ng mga hayop ay angkop din sa mga galaw ng tao at mga gawain nito
sa pang-araw-araw nga nilang mga buhay.

Ang pabula ay nagsimula sa salitang myth o “mito”. Nagsimula ang pabula kay
Aesop na kinilala bilang ama ng pabula na kinabibilangan ng mga hayop sa halip
na tao kung minsan ay napanatiling buhay sa pamamagitan ng kuwento ayon
kay Vilma M. Lacanlale (2010). Malinaw na sa pananaliksik, ang pabula ay
nagsimula kay Aesop at ito ay patungkol sa mga hayop bilang tauhan sa kwento
sa halip na tao.

Ang pabula ay isang kathang-isip na panitikan kung saan ito ay ginagampanan


ng mga hayop na nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay
tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangan ituwid o baguhin
dahil sa pagiging hindi mabuti o makatarungan. Ayon ito kay Nunilon G. Ayuyao
(2010). Sa pananaliksik na ito nasasabing isang kathang- isip lamang ang pabula
at ang mga gumaganap dito ay mga hayop kungsaan sila’y kumikilos at
nagsasalita na tulad ng tao. At dito rin nakapaloob ang mga pag-uugali ng mga
bawat hayop kung paano itutuwid upang maging makatarungan sa kwento.

Ang pabula ay karaniwang kuwentong panitikan kung saan mga hayop o kaya
mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at
daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. Ito ay ayon kay Minette Mirzi
Flores (2011). Dahil may natatanging kaisipang mahahango mula sa mga
pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa.
8

Literaturang Pananaliksik

Marami na ring nagsusuri sa pananaliksik ng iba’t ibang kahalagahan at


kahulugan ng pabula, gayundin ang mga aral na napupulot dito, ngunit mas
ninanais pa rin ng mga mananaliksik na pag-aralan ang mga may kaugnayan sa
pabula upang makatulong at lalong maging mahalaga ang mga pananaliksik na
ginawa.

Ito ay ayon sa inilathala ni Alice Tan Gonzales (2010) ng premyadong


manunulat at may koleksyon siya na pitong pabulang para sa kabataan at isa
dito ay “May Isang Pusang Hari at Iba pang Kuwento para sa Bata”.
Nagpapatibay ang librong ito ng posisyon ni Alice Tan Gonzales bilang
nangungunang manunulat sa “Hiligaynon ngayon” na aklat na pabula para sa
kabataan.

Ang akda na ang paksa ay “Ang aso at pusa” kung saan ang gumaganap dito
ay ang aso at pusa. Ayon kay Minette Mirzi Flores (2011). Nasabing sa pabula
ay may aral na mapupulot sa kwento ito, ang aral na mapupulot ay nararapat
lamang na tuparin natin ang ating ipinangako at nang sa gayon ay igalang tayo
ng ibang tao.

May natatanging kaisipang nahahango mula sa pabula, sapagkat nagbibigay


ng moral na aral sa mambabasa. Tinatawag din itong kathang isip lamang na
nagbibigay ng aral. Ang aral ay madaling maunawaan at ito rin ay maisasa-
buhay ng mga mambabasa ayon kay Aileen Neres (2013).

Ayon kay Kristian S. Cordero (2010) gumagawa siya ng aklat na pabula at


ang unang aklat ito ng kanilang serye sa Balaog Children’s Book Series at balak
nilang makalikha pa ng siyam na aklat at may kasamang salin sa Ingles ang
nasabing antolohiya. Sa anotasyon ay may nilalaman, mapapansing tampok sa
mga akdang impluwensiya ng “Uwak na asin”.
9

Ang kwentong ito ay madaling mauunawaan at kapupulutan ng aral ng mga


mambabasa dahil ang akdang ito ay pambata. Ang kwentong ito ay tungkol sa
mundo na tinatangkilik ng kabataan.

Ang bahagi ng isang banghay sa pabula ay binubuo ng simula, gitna, at


wakas. Ang simula ay dito pa lamang ay mababangit na ang kilos, paglinang sa
tao, mga hadlang o suliranin. Ang gitna ay tumutukoy sa nalalaman ng mga
kawi-kawing maayos, sunod-sunod at magkakaugnay na mga pangyayari. Ang
wakas ay dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin ayon kay Renie Mardos
(2015).

Ayon muli kay Renie Mardos (2015) ang elemento ng banghay sa pabula ay
nahahati sa lima ang panimulang pangyayari, pataas na aksyon, kasukdulan,
pababang aksyon at katapusan. Ang panimulang pangyayari ay tumutukoy at
pinakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan. Nagsisimula ito sa
unang kalagayan na dapat na mapukaw sa interes ng mga mambabasa na
ipagpapatuloy ang pagbabasa ng akda. Ang pataas na aksyon ay tumutukoy sa
bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na
humahantong sa sukdulan. Ang kasukdulan ay tumutukoy ito sa bahaging
ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng damdamin o
maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan. Ang pababang aksyon ay
ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari
sa akda. At ang huli ay ang katapusan ay ang kinahihinatnan ng mga tauhan at
ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad nito.

Sumulat si Lawrence R. Heaney (2010) ng madaming akda at isa dito ay “Ang


uwak na nagpapanggap” kung saan ang tauhan dito ay ang uwak at ang mga
pabo. Ang pabula na ito ay kapupulutan ng aral dahil nakapaloob sa kwentong
ito na nararapat lang na mahalin ang sariling anyo dahil ibinigay ito sa atin ni
Hesus.
10

Kahulugan ng mga Katawagang Ginamit

Ang mga mahahalagang salita ay binigyang kahulugan upang maging


maliwanag at kapaki-pakinabang sa mga mambabasa.

Aral. Ang aral ay mga mabubuting kaisipan na nagdudulot o nabibigay-aral sa


mga mambabasa (hayzkul, 2011).

Banghay. Ang banghay ay tumutukoy sa maayos at malinaw na


pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa paksa. Inilalahad
dito ang maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga
pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mg pangyayaring ito sa
binasang akda (Pinoy Dictionary, 2010).

Pabula. Ang pabula ay isang karaniwang kuwento o kathang isip na kung saan
ang gumaganap na tauhan ay hayop o kaya mga bagay na walang buhay. Sila
ay binibigyan-buhay na tulad ng isang tao. Ipinapakita ang magkakaibang-ugali
at nagbibigay ng mga ginintuang aral sa tao. Kadalasan ang mga aral ng pabula
ay araw-araw na bahagi ng ating makikibaka sa buhay (Gintong Aral, 2010).

Tagpuan. Ang tagpuan ang tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kwento.


Ito ay mahalang elemento upang makagawa ng isang epektibong kwento na
tiyak na makakapagpawili sa mga mambabasa (Danica Parra, 2015).

Tauhan. Ang tauhan ang siyang kumikilos sa kuwento. Tauhan ang gumagawa
ng mga desisyon na nagpapatakbo sa salaysay. Ang tauhan ay maaaring tao
(bata o matanda, babae o lalaki, mula sa totoong daigdig o lugar na likhang-isip
lamang), hayop, (gaya ng nina Pagong at Matsing), halaman (mga nagsasalitang
puno, gulay, o bulaklak) o mga bagay (lumilipad na aklat, nagsasayat na kutsara
at tinidor, mga larawang nabubuhay pagsapit ng takdang oras). Tao man o hindi
ang tauhan, sila ay kailangang magkaroon ng mga katangiang pantao. Ibig
sabihin, may kakayahang ipahayag ang niloloob, nakapagdedesisyon,
nakakikilos, at may damdamin (Pinoy Study, 2012).
TALASANGGUNIAN

http://panitikan.com.ph/2013/05/28/sitwasyon-ng-panitikang-pambata-sa-
pilipinas-2010-2012-ni-eugene-y-evasco/

http://kanayon.blogspot.com/2008/08/ang-aso-at-ang-pusa.html

https://filipinotek.wordpress.com/2013/03/29/pabula-at-ang-kaligirang-
pangkasaysayan-nito/

https://www.scribd.com/doc/62499990/Ang-Uwak-Na-Nag-Pang-Gap

http://pinoystudy.blogspot.com/2012/11/ano-ang-tauhan-sa-isang-kuwento.html

https://reniemardos.wordpress.com/2015/11/26/ang-banghay-ang-mga-bahagi-
at-elemento-nito/

http://hayzkul.blogspot.com/2011/08/pabula.html

http://www.gintongaral.com/mga-pabula/

http://pinoystudy.blogspot.com/2012/11/ano-ang-tauhan-sa-isang-kuwento.html

You might also like