You are on page 1of 3

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Mga kaugnay na Literatura

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kahandaan at kagamitang panturo sa

pagtuturo sa online at blended learning na kung saan bilang kagamitang panturo, ang

guro ay masasabi din nating isang kagamitang panturo na kung saan ang guro ang

siyang nagbibigay ng gabay at nagbibigay ng iba’t ibang uri ng estartehiyang gagamitin

sa bawat paksang tatalakayanin. At bilang karagdagan, ayon sa panayam ni

Pagkalinawan, hindi sapat na maituro ng isang guro kung ang paksang

aralin kundi kung kaya niya ito maituturo at matututunanng mga mag-aaral. Kaya nga,

hindi nasusukat ang kahusayan ng guro sa dami ng kanyang naituturo kundi sa kalidad

ng natututunan ng kanyang mga estudyante.

Ang isang guro ay alagad ng agham at sining. Agham sapagkat ang pagtuturo ay

sangay ngkarunungang umaalinsunod sa mga simulain at prinsipyo. May maayos at

sistematikong hakbang na sinusunod ang guro sa kanyang pagtuturo na nakasalig sa

pilosopikal, sikolohikal, at sosyolohikal na batayan. Samantala, isa ring sining ang

pagtuturo. Nauukol ito sa mga gawain ng pagkikintal ng kaalaman sa maayos at kaaya-

ayang pamamaraan. Bukal ng masisining na teknik ang guro upang maging

epektiboang kanyang pagtuturo.


Binigyaang diin din ni Dingaosen, (ni Adan 2010), na ang guro ay may malaking

papel sa paglilinang ng kaisipan ng mga kabataan. Hinihikayat nito ang mga mag-aaral

na maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. Kinakailanagn ding ang guro ay

malikhain at umisip ng pagbabago o inobasyon. Kailangan makipagsabayan siya sa

mabilis na pag-unlad, kaalinsasaby sa pagsulputan ng mga makabagong teknolohiya.

Makakatulong ng malaki ang mga kagamitang panturo sa pagtuturo lalong lalo

na ang mga kagamitang panturo sa ating makabagong teknolohiya. Ito’y mga bagay na

nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral upang malinang at mapalawak ang kanilang

kaisipan. Dahilan kung bakit kapos sa suplay ng mga kagamitang panturo ang mga

paaralan dahilan sa bagong kurikulum na ipinatupad na kung saan hindi kayang punan

lahat ng mga puwang sa mga suplay ng mga kagamitang panturo kaya’t nahihirapan

ang mga guro kung paano simulan ang mga paksa dahilan sa mga kulang sa

kagamitan.

Sa pagtataya naman inirekomenda ni Liwanag, (Adan 2010) sa kanyang

proyekto na maaring gumamit ang gurong iba pang paraan sa pagtataya tulad ng:

paggwa ng jornal, profile, reading logs, at pagsasagawa ayon sa tunay na pangyayari,

(role play, simulation) gayon din ang paggamit ng teknolohiya ay mabisang paraan ng

pagtataya tulad ng video at audio cassette tapes para sa pasalitang pagpaahayag at

pagkuha ng mga nilalaman o impormasyon.


Ang nasa itaas na payahag ay magsisilbing instrumento o kagamitag panturo na

mas magaan sa pakiramdam ng mga mag-aaral at di nakakabagot dahil sa iab’t ibang

pamamaraan sa pagtuturo.

You might also like