You are on page 1of 12

Paco Catholic School

1521 Paz St., Paco, Manila.


PAASCU Accredited Level III
Pagsulat sa Piling Larangan ng Akademik

Pag-aaral sa Pagsulat ng Pananaliksik ng mga Mag-aaral ng Baitang 12 na Auditory sa


Paco Catholic School, A.T. 2019-2020

Pangkat 1

Abelarde, Adrian Angelo D.

Magat, Don Nikko Antonio S.

Sinon, Joshua Louisse T.

Caber, Hannah Angeline Marie G.

De Leon, Rochelle Christine R.

Dela Cruz, Rie Kim B.

Escueta, Nathalie Claire A.

Mendoza, Sophia Loren C.

12 - STEM 2
Gng. Romina P. Barbo

1
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. Panimula
May iba't ibang istilo ang bawat mag-aaral sa paraan ng pagsulat ng pananaliksik kung
saan ito ay nagbibigay daan sa pagkakaroon ng pokus at komprehensiyon sa mga mahalagang
impormasyon at detalye. Ang mga istilo na ito ay tinataglay ng isang indibidwal at ito ay ang
nakatutulong sa kanyang pamamaraan ng pagkatuto at pagunawa. Ito ay tinatawag na learning
styles. Ang learning styles ay ang paraan ng mga mag-aaral na matuto sa pinakamadaling paraan
sa aspeto ng kanyang sariling kasanayan. Ayon kay Kayalar (2017), nagiging mas mahusay,
produktibo at matagumpay ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng kanilang mga gawain sa
pamamagitan ng pakikinig ng mga musika o tunog o ang auditory learning style. Ang auditory
learning style ay isa sa pamamaraan na binuo ni Fleming at Mills (1992), ang VARK Modalities
ay akronim para sa Visual, Aural/Auditory, Read/Write at Kinesthetic. Ang apat na ito ang iba’t
ibang proseso ng pagkakaunawa sa mga impormasyon.

Ang pag-aaral na ito ay nabuo upang malaman ang bilang ng mag-aaral sa STEM strand
na may istilong auditory. Pangalawa, upang matukoy ang epekto ng istilong auditory sa pagsulat
ng pananaliksik. Pangatlo, upang mailarawan ng mga mag-aaral ang istilong auditory at upang
malinang ito ng mga guro sa paraang naaayon sa kanila.

Isa sa mga makakaapekto sa pag-aaral ng mag-aaral ay ang paraan ng mga guro sa


pagtuturo. Ayon kay Kayalar (2017), ang pagtuklas ng mga guro sa iba't ibang mag-aaral na may
iba’t ibang istilo ng pagkatuto ay makatutulong sa kanilang paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral
sa STEM strand upang higit na pagyabungin ang kanilang kaalaman ukol sa kung paano natututo
ang karamihan sa mag-aaral ng STEM strand na hindi napapansin ng mga guro.

2
B. Layunin ng Pag-aaral
Ang pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang epekto ng mga mag-aaral ng
STEM strand sa baiting 12 na may istilong auditory sa pagsusulat ng pananaliksik. Ang
sumusunod na mga layunin ay nais masagot ng pag-aaral na ito:
1. Mabatid ang porsyento ng mag-aaral na may istilong auditory sa bawat strand.
2. Matukoy ang epekto ng istilong auditory sa pagsusulat ng pananaliksik.
3. Mailarawan ng mga mag-aaral ang kanilang paggamit ng istilong auditory sa pagsasagawa
ng pananaliksik.
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman kung paano nagiging produktibo
ang mga mag-aaral na gumawa ng pananaliksik habang mayroong pinapakinggan. Maipapakita sa
pag-aaral na ito ang mga paraan ng pagkatuto o paggawa ng pananaliksik ng mga mag-aaral sa
baitang 12. Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki pakinabang sa:
a. Mag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sapagkat sa
pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng karagdagang kaalaman kung ano ang mas
epektibo o paano naisasagawa ang paggawa ng pananaliksik habang nakikinig sa musika
o habang mayroong pinapakinggan.
b. Guro
Ang pag-aaral na ito ay magiging paraan upang malaman ng mga guro kung saan mas
nagiging produktibo ang mga mag-aaral habang sila ay gumagawa ng kanilang kabanata I
ng pananaliksik
c. Magulang
Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga magulang upang kanilang malaman
na mas nagiging produktibo ang kanilang mga anak kung sila ay nakikinig ng musika
upang makapagbigay sila ng musika na maaaring makapagpakalma sa isipan ng kanilang
anak habang siya ay gumagawa ng kanilang pananaliksik.
d. Paaralan
Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa paaralan sa paraang mauri ang mga mag-
aaral na mayroong istilong auditory at malaman ang dapat na paraan ng pagtuturo sa mga
mag-aaral na gumagamit ng istilong auditory.

3
D. Batayang Teoretikal
VARK Learning Styles
(Visual, Aural/Auditory,
Read/Write, at Kinesthetic)
nina Fleming at Mills (1992)

Aural/Auditory Read/Write Kinesthetic


Visual
(Nakikita) (Naririnig) (Nababasa) (Aktwal)

Mga mag-aaral
mula sa STEM ng
baitang 12.

Paggawa ng Kabanata I ng
Pananaliksik

Pigura 1
Ang bawat indibidwal sa lipunan ay may kanya-kanyang natatanging istilo at angking
pamamaraan, hindi lamang sa epektibong pag-aaral, gayundin sa kaunlaran ng sariling
karunungan. Ang pagkatuto at pagbabahagi nito sa paaralan ay magsisilbing landas sa pagbasa at
pagyabong ng dunong at kaalaman. Ang isang mag-aaral ay matututo sa iba’t-ibang paraan at ito
ay maaring sa pamamagitan ng panonood, pakikinig, pagsusulat o pagkilos. Ayon kay Claxton at
Murrell (1987) at Coffield (2004), na mga tagapagtaguyod ng modelo ng istilo ng pag-aaral,
iminumungkahi nila na ang mag-aaral ay natututo sa iba’t ibang pamamaraan. Ito ang nagsisilbing
pangunahing batayan na humahantong sa implikasyon na ang pakultad ng mataas na edukasyon
ay hindi dapat ipagpalagay na (1) ang lahat ng mga mag-aaral ay may magkaparehong istilo sa
pag-aaral at pagkatuto at (2) ang bawat miyembro ng pakultad na may sariling kaugalian o
kalakaran para sa pagkatuto ay masyadong malawak para tanggapin ang bawat istilo sa pagkatuto

4
ng bawat mag-aaral. Sapagkat ito rin ang naging batayan ng mga mag-aaral na ang bawat
indibidwal ay natututo sa iba’t ibang pamamaraan. Pakultad sa mataas na edukasyon ay ang
magiging responsible sa pagpapalawak ng kanilang kinasasaklawan ng kanilang aktibidad sa
pagkatuto upang tanggapin ang larangan ng mga magaaral upang magkaroon ng mas epektibong
pagkatuto.
Ayon naman kay Fleming (2001), ang katangian ng bawat indibidwal ay mga ginustong
pamamaraan sa pagtitipon, pag-aayos, at pag-iisip tungkol sa impormasyon. Ang sisteming VARK
(Visual, Aural, Read/Write at Kinesthetic) ay nasa bokasyon ng pagtuturo bagamat ito ay may
kinalaman sa perceptual modes. Ito ay nakatuon sa iba’t ibang paraan na may pagkuha at
paglalabas o pagbabahagi ng impormasyon.

Ang pag-aaral na ito ay tatalakay sa istilong auditory ng pagkatuto ng mga mag-aaral mula
sa STEM strand ng Senior High School sa Paco Catholic School na pinagbatayan ang VARK
Learning Style (Visual, Aural/Auditory, Read/Write at Kinesthetic) na inilikha nina Fleming at
Mills (1992). Sa pamamagitan ng teoryang ito ay maaring malinang ang mga epekto ng paggamit
ng pandinig bilang istilo sa pag-aaral sa pagsusulat ng pananaliksik at matukoy ang kanilang iba’t
ibang istilo na dapat taglayin sa pagsusulat ng kabanata isa na makakatulong sa pagkakaroon ng
isang maunlad na pananaliksik.

E. Saklaw at Limitasyon
Para sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan na
kanilang ibibigay sa mga mag-aaral na may istilong auditory mula sa STEM strand mula sa
kabuuang bilang na 148 na mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay nag-umpisa noong Agosto 2019 at magtatapos sa Oktubre 2019 at
ito ay isasagawa lamang sa Paco Catholic School ng taong panuruan 2019-2020. Ang pagbibigay
ng talatanungan ay magaganap lamang sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral ng STEM Strand
na matatagpuan sa 3rd floor ng Jaime Cardinal Sin Building ng Paco Catholic School.

5
F. Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit
Ang mga sumusunod na mga salita ay binigyan ng kahulugan upang sa gayon malaman kung
ano ang kanilang teknikal na gamit sa pag-aaral na ito:
1. Audio/Auditory - ayon sa website na teach.com (n.d.), ang mga taong may ganitong paraan ng
pagkatuto ay mga taong mabilis makaunawa sa paraan ng pakikinig at pagsasalita sa mga
sitwasyon sa lektura o mga usaping pangkatan.
2. STEM - Science, Technology, Engineering and Mathematics. Nakapailalim sa Track ng
Akademik.
3. Strand - ayon sa website na brainly.ph (n.d.), tumutukoy sa mga programa na nakapailalim sa
mga track.
4. VARK Learning Style (Visual, Aural/Auditory, Read/Write at Kinesthetic) - ang ibat’t
ibang proseso ng pagkakaunawa sa mga impormasyon.
5. Perceptual mode - sa tradisyonal, at madaling maunawaan, mga paraan ng pag-iisip, isang
modyul sa pag-unawa sa pang-unawa ay isang "mode ng pagtatanghal" ng isang partikular na
pampasigla.
6. Aural/Auditory learning style - ay isang istilo ng pagkatuto kung saan natututo ang isang tao
sa pamamagitan ng pakikinig. Ang isang tagapag-aaral ng pandinig ay nakasalalay sa pakikinig
at pagsasalita bilang isang pangunahing paraan ng pag-aaral.
7. Read/Write learning style - ay isang istilo ng pag-aaral kung saan ang mga indibidwal ay
maaaring makakuha at mapanatili ang impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsulat
ng teksto, kumpara sa imahinasyon at simbolismo.
8. Kinesthetic learning style - ay isang istilo ng pagkatuto kung saan ang pag-aaral ay
nagaganap sa mga mag-aaral na nagsasagawa ng mga pisikal na aktibidad, sa halip na pakikinig
sa isang panayam o panonood ng mga demonstrasyon.
9. Visual learning style - ay isang paraan ng pagkatuto na kung saan ang impormasyon ay
nauugnay sa mga imahe.
10. Learning styles - nagsasalita sa pang-unawa na naiiba ang natutunan ng bawat mag-aaral.
Teknikal, ang istilo ng pagkatuto ng isang indibidwal ay tumutukoy sa mas kanais-nais na paraan
kung saan ang estudyante ay sumisipsip, nagpoproseso, nakakaunawa at nagpapanatili ng
impormasyon.

6
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, maipapakita ang iba’t ibang kaugnay na literatura at pag-aaral na


magpapatunay at magpapatibay sa pananaliksik na gagawin.

Ayon sa pag-aaral ni del Rosario, A. (2017), hindi lahat ng mga tao ay pare-pareho ang
paraan ng kanilang pagkatuto. Ito ay nakikita sa kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang kilos
habang sila'y natututo at nag-iimbak ng impormasyon na kanilang nalalaman. Bagkus naka-
depende sa kung anong paksa ang kanilang inaaral at iniintindi. Sa paniniwala ni Udyong (2015),
ang bawat mag-aaral ay mayroong sariling kakayahan. Kaya’t nararapat lamang na ang bawat guro
ay mahusay kumilala at mag-obserba ng mga taglay na katangian ng kanilang mga mag-aaral. Ang
bawat mag-aaral ay mayroong iba’t ibang mga kakayahan, kagalingan, kalakasan at kahinaan.

Ayon sa pagpapaliwanag ni Laptoper Bulk sa kahulugan ng learning styles, ang kaalaman


sa iba't ibang istilo ng pagkatuto ay: (1) nakapagbibigay ng pag-unawa sa pagkakaiba ng bawat
tao, (2) mahalaga upang mapadali ang proseso ng pagkatuto ng isang indibidwal at (3)
nakatutulong ito sa malinaw na kabatiran ng isang indibidwal sa aspeto ng tamang pangangalap at
pag-aanalisa ng mga iba’t ibang impormasyon.

Ayon sa pananaliksik ni Cuadra (2011) ukol sa Mga Paraan Ng Pagkatuto Ng Mga Piling
Mag-Aaral Ng Unang Taon Sa Kolehiyo, sinasabi rito na maraming paraan ang pagkatuto ng bawat
isa ngunit may isa na mas ginagamit ng lahat. Ito ang pagiging visual learner na may kinalaman
sa paggamit ng mga visual aids at iba pa. May tatlong uri ng pagkatuto, ang pagiging Auditory
Learning Preference na may kinalaman sa pagkinig, Kinesthetic Learning Preference na may
kinalaman sa pagkilos at Visual Learning Preference.

Kaugnay naman nito ay binigyang katuturan naman ni Tabanlıoğlu (2013) ang


isang istilo ng pagkatuto, ang mga auditory learners ay mahusay sa pag-aayos ng mga salita,
paggawa ng mga asosasyon at pagsuri nito upang mapadali ang kanilang pagkuha sa mga tuntunin
ng para sa kaunlaran ng sariling bokabularyo. Ang mga resulta sa kanyang pag-aaral ay
nagpapakita na ang mga nag-aaral ng pandinig ay may kaalaman kung paano maipapaliwanag ang
isang ideya nang mahusay. Ayon naman sa pananaliksik ni Rabago et al. (2018) ukol sa Epekto
ng Klasikong Musika sa Paraan ng Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 sa Panuruang Taon

7
2018-2019, mahirap maging auditory na mag-aaral dahil maaari na mabilis sila mawala sa pokus
habang nag-aaral dahil sa iba't ibang mga tunog o musika sa kanilang paligid.

Ayon kay Almigbal (2015), ang proseso ng pagkatuto ay nag-iiba sa bawat tao dahil sa
pagkakaiba sa cognitive na proseso. Ayon sa pag-aaral ang mga mag-aaral ay umaangkop sa
kanyang preferensya sa pagkatuto base sa kanyang preferensya sa paligid. Ang konsepto ng
pagkatuto ay sumailalim sa malawak na pag-aanalisa sa empirikal na literatura sa isang pagtanka
upang maunawaan ang dynamic na proseso ng pagkatuto.

Kung ang mga istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral at istilo ng pagtuturo ng mga guro ay
magkatugma, ang resulta nito ay mas napalalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa nilalaman
ng kursong kanilang kinabibilangan. Si Flemming at Miles (1992), ang nagdisenyo ng
palatanungan na Visual, Aural, Read/Write, at Kinesthetic questionaire o VARK Questionaire kung
saan ang VARK Questionaire, ay nagbibigay ng mas malawak na pagkakaintindi sa impormasyon
sa proseso ng pagkatuto ng bawat indibidwal. Ayon sa pagpapaliwanag ni Thepsatitporn at
Pichitpornchai (2016), ang mga mag-aaral na alam ang kanilang VARK learning styles ay mas
praktikal na natuto at sa aming pananaliksik, ito ay hindi lamang makakatulong sa mga mag-aaral
pati rin sa mga guro na epektibong maturuan ang mga mag-aaral sa bawat strand.

Gayundin sa pag-aaral ni Sumabat et al. (2019), nakakatulong ang pagtuklas ng istilo ng


pagkatuto dahil mas nakakabuti ito sa mga mag-aaral kung saan madaling natatandaan ang mga
bagay-bagay dahil dito mas sanay at mas malinaw na natutunan na nakakatulong sa mga guro sa
paaralan sa kanilang pagtuturo. Mas mabilis na tinatanggap at natututo ang mga mag-aaral sa mga
kaalaman na maaring isabuhay upang mapabuti sa sarili. Sa pamamagitan ng istilo ng pagkatuto
ay napapadali ang pagkatuto ng pag-aaral. Nagiging komportable ang mga mag-aaral kung saan
sila rin ay nahuhubog sa mga mag-aaral. Nakakatulong ang pagtuklas ng istilo ng pagkatuto sa
paghubog ng kaalaman sa lubusang pagkatuto na magkaroon ng mabuti at mabusising pag-unawa
na komportable habang natututo para malawak ang kaalaman at malaman ang istilo ng pagkatuto
para maging maluwag ang pagtuturo ng mga guro.

8
Sanggunian

Internet

Bulk, L. (2015). Istilo ng pagkatuto ng bawat indibidwal. Retrieved from https://prezi.com/cl4eu0-


qr2zf/istilo-sa-pagkatuto-ng-bawat-indibidwal/

Almigbal, T. (2015). Relationship between the learning style preferences of medical students and
academic achievement. Retrieved from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4381021/

del Rosario, A. (23 Setyembre 2017) Isang sistematikong diskarte sa pag-unawa sa mga estilo ng
pag-aaral sa mga mag-aaral na may mga kapansanan. Retrieved from
http://ph.superenlightme.com/pagiging-magulang/isang-sistematikong-diskarte-sa-pagunawa-sa-
mga-estilo-ng-pagaaral-sa-mga-magaaral-na-may-mga-kapansanan/

Cuadra, K. (2011). Mga paraan ng pagkatuto ng mga piling mag-aaral ng unang taon sa kolehiyo.
https://www.scribd.com/doc/102337296/Mga-Paraan-Ng-Pagkatuto-Ng-Mga-Piling-Mag-Aaral-
Ng-Unang-Taon-Sa-Kolehiyo

Libro

Sumabat, L., Baterbonia, X., Canlas. K., Ebora, A., Escueta, N., Levita, A., Salanatin, C., &
Santiago, M., (2019). Pagdalumat sa umiiral na istilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa senior
high batay sa strand, 2018 – 2019.

Rabago. (2018). Epekto ng klasikong musika sa paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa baitang
11 sa panuruang taon 2018-2019.

9
KABANATA III

METODOLOHIYA

A. Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng impormatibong disenyo sa pag-aaral dahil pinag-


aaralan ang kasalukuyang bilang ng mga mag-aaral na kabilang sa mga auditory learners na
isinaalang-alang ang pakikinig bilang istilo sa pamamaraan ng pag-aaral, gayundin sa paggawa at
ang kasalukuyang kahalagahan ng pagiging auditory ng isang mag-aaral sa kanyang pamamaraan
ng paggawa. Ang pag-aaral na ito ay tumutugon sa tanong na sino ang maaapektuhan at
mabibigyang benepisyo sa pag-aaral, paano makakatulong ang impluwensiya ng pagiging auditory
sa pagsusulat ng pananaliksik, kailan nila ginagamit ang ganitong pamamaraan at ano ang epekto
nito sa mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay pinaghalong kwantitatibo at kwalitatibo. Ito ay isang


kwantitatibong pag-aaral dahil ito ay naglalayong tukuyin sa pamamagitan ng sistematiko at
empirikal na imbestigasyon ang pag-usbong sa paggamit ng kakayahan ng isang mag-aaral na mas
higit pang makapagsagawa ng mga gawaing pampaaralan. Gumamit ng estadistikal at matematikal
na pamamaraan ang mga mananaliksik sa pagkalap ng mga datos at sa pagbibigay ng katuturan sa
mga ito. Sa kabilang dako, ito naman ay kuwalitatibo sapagkat nais ng mga mananaliksik na
malaman ang epekto ng istilong auditory sa pagsusulat ng pananaliksik.

Ang napiling kalahok ng mga mananaliksik ay ang mga mag-aaral sa baitang 12 ng


STEM strand ng Paco Catholic School na may istilong auditory at ang bilang ng mga kalahok na
sasagot sa kanilang talatanungan ay labing siyam (19) upang masagot ang kanilang mga layunin.

B. Populasyon at Lugar ng Pananaliksik


Ang bilang ng kalahok sa pag-aaral na ito ay labing siyam (19) mula sa isang daan
at apatnapu’t walong bilang (148) mula sa STEM Strand ng baitang 12. Ang labing siyam (19) na
mag-aaral na ito ay may istilong auditory sa pag-aaral at ito ang labing tatlong bahagdan (13%)
mula sa kabuuang bilang ng STEM Strand.
Ang pag-aaral na ito ay magaganap lamang sa loob ng paaralan ng mga
mananaliksik at kalahok na Paco Catholic School, 1521 Paz St. Paco, Manila. Ang pagbibigay ng

10
talatanungan ay magaganap lamang sa loob ng silid-aralan ng mga mag-aaral ng STEM Strand na
matatagpuan sa 3rd floor ng Jaime Cardinal Sin Building ng Paco Catholic School.

C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos


Ang mga mananaliksik ay makakangalap ng datos sa paraan ng paghingi ng
impormasyon sa guidance office kung saan sila ang may hawak ng impormasyon sa mga mag-
aaral na may istilong auditory sa STEM strand sa Baitang 12. Pagkatapos makalap ang
impormasyon ay gagawa ng talatanungan ang mga mananaliksik upang malaman nila kung ano
ang epekto ng pagiging auditory sa paggawa ng pananaliksik ng mga mag-aaral.

D. Paraan sa Pangangalap ng Datos


Ang mga mananaliksik ay nagtungo sa silid-aklatan at kumuha ng mga impormasyon sa
internet patungkol sa kaugnay na pag-aaral at literatura na makakatulong sa pagpapalakas ng
kanilang pananaliksik na pinamagatang Pag-aaral sa mga Mag-aaral na Auditory ng Baitang 12,
STEM Strand sa Pagsulat ng Kabanata I, Akademikong Taon 2019-2020. Ang pananaliksik na ito
ay naglalayong matukoy ang epekto ng istilong auditory sa paggawa ng pananaliksik. Ang mga
kalahok sa pananaliksik na ito ay mula sa mga mag-aaral na may istilong auditory sa STEM strand
Pinagbatayan ng pag-aaral na ito ang pag-aaral ni Kayalar, F. (2017) na nagsasaad na nagiging
mas mahusay, produktibo at matagumpay ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng kanilang mga
gawain sa pamamagitan ng pakikinig ng mga musika o tunog o ang auditory learning style. Upang
masagot ang layunin ng pag-aaral na ito ay gagamit ng talatanungan na may likert scale upang sa
gayon ay maging sistematiko ang pangangalap ng datos at gagamit din ng open-ended questions
upang maisaad ng mga kalahok ang epekto ng istilong auditory sa pagsusulat nila ng pananaliksik.

E. Istatistikal na Pagsusuri ng Datos

Ang mga nakuhang datos mula sa mga kalahok ay susuriin upang makuha ang
nilalaman na resulta ng mga datos na nalikom. Ang pananaliksiik na ito ay gagamit ng Descriptive
Statistical Analysis upang mailahad ang mga mabubuong interpretasyon ng mga mananaliksik sa
talaan na ginawa para sa pagsusuri ng datos. Gagamit ang mga mananaliksik ng talahanayan upang
malikom ang kinakailangan na datos mula sa mga kalahok.

11
Gagamit ng Percentage ang mga mananaliksik upang mahanap ang bahagdan (%)
ng datos mula sa mga kalahok na nasa STEM strand na nasa baitang 12. Kukunin ang bahagdan
(%) ng mga mag-aaral na gumagamit ng istilong Auditory sa pagkatuto.

𝑓
𝐵𝑎ℎ𝑎𝑔𝑑𝑎𝑛(%) = 𝑥 100
𝑛

Kung saan ang 𝑓 ay ang dami ng kalahok na nabibilang sa istilong auditory o audio
visual at ang 𝑛 ay ang kabuuan ng mga kalahok na sumagot sa talatanungan. Pagkatapos i-divide
ang 𝑓 sa 𝑛 i-multiply ito sa 100 upang makuha ang bahagdan ng mga mag-aaral na gumagamit ng
istilong auditory.

Likert Scale
Lubusang sumasang-ayon 3.25 – 4
Sumasang-ayon 2.50 – 3.24
Hindi Sumasang-ayon 1.75 – 2.49
Lubusang Hindi Sumasang-ayon 1.00 – 1.74

Ang Likert Scale ang magiging batayan ng mga mananaliksik kung saang hanay
naaayon ang mga sagot ng mga kalahok kung Lubusang sumasang-ayon, Sumasang-ayon, Hindi
Sumasang-ayon at Lubusang Hindi Sumasang-ayon.

12

You might also like