You are on page 1of 29

Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |1

KABANATA 1

Ang Suliranin at Sandigan nito

Panimula

Mahalaga ang edukasyon at habang tumataas ang baitang ng mga

estuyante na kanilang itinatahak, silay nagiging mas nakaka-alam. Ngunit

marami ring kadahilanan kung bakit nagiging epektibo ang pagkatuto ng isang

estudyante. Isa rito ay ang wastong paggamit ng mga kagamitang panturo. Ang

kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng isang

guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan,

saloobin, palagay, kaaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral

upang lalong maging kongkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto

(Abad, 1996). Sa madaling salita ito ay lahat na makikita sa isang silid-aralan

na makakatulong at ginagabayan ang isang guro sa pagtuturo na dapat

magsimula sa malinaw at balido na layunin at nilalaman upang maisiguro at

magabayan tungo sa epektibong pagkatuto ng isang estudyante.

Nais ng mga mananaliksik na malaman kung ano ang mga saloobin ng

mga mag-aaral sa mga kagamitang panturo upang mapag-alaman ng mga guro

kung saan mas nawiwili at mas madaling nakatututo ang isang mag-aaral ng

Mindanao State University- SHS Department.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik ay naglalayon na masuri ng malaliman at mabigyang

kasagutan ang mga sumusunod:


Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |2

1. Matukoy ang mga Kagamitang Pagtuturo.

2. Matukoy ang antas ng saloobin ng mga mag- aaral tungkol sa

paggamit ng kagamitang pagtuturo.

3. Implikasyong Edukasayunal

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring madagdagan at

mapalawig ang kaalaman ng mambabasa tungkol sa paggamit ng mga

kagamitang pagtuturo at kung ano ang saloobin ng mga mag- aaral tungkol

dito. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral at guro dahil

ilalahad ng mga mananaliksik kung ano mga saloobin ng mga mag- aaral

tungkol dito. Kabilang rin sa kahalagahan ng pananaliksik na ito ang

pagpapahayag ng antas ng saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa mga

kagamitang pagtuturo upang malaman kung nagugustuhan ba nila ito at

nakakatulong ba ito sa kanilang pag-aaral. Itoy makakatulong sa mga

mambabasa lalong- lalo na sa mga magulang upang magkaroon sila ng ideya

kung ano ba an mga kagamitan ang ginagamit sa pagtuturo sa kanilang anak

at upang mas magabayan at mapatnubayan nang maigi ang kanilang mga

anak sa kanilang pag- aaral.

Ang pinakahuli sa mga kahalagahan ng pag-aaral na ito ay upang

malaman ang implikasyong edukasyonal. Sa paglipas ng panahon ay

nadadagdan at umiiba na ang mga kagamitan na ginagamit sa pagtuturo ng

mga guro sa mga mag- aaral. Sa pag- aaral na ito, mailalahad ng mas
Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |3

detalyado ang implikasyong edukasyonal nito sa Senior High School.

Maipapaliwanag ng maayos sa mga mananaliksik pati na rin sa iba pang

mananaliksik kung ano para sa mga mag- aaral ang ibat- ibang instrumento

na ginagamit sa pagtuturo.
5
4
4
Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga kagamitan sa pagtuturo sa

ginagamit ng mga guro sa mga mag- aaral ng Senior High School. Saklaw ng

pag-aaral na ito kung ano ang mga kagamitan na ginagamit sa pagtuturo,

antas ng saloobin ng mga mag-aaral, at ang implikasyong edukasyonal.

Ang gagamiting mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga

mag-aaral ng Mindanao State University Senior High Department, strand ng

STEM, ABM, at HUMSS. Gaganapin ang pananaliksik sa loob lamang ng

paaralan ng Mindanao State University.

Kahulugan ng Termino

Kagamitang pagtuturo - Ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o

bagay na ginagamit ng isang guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga

katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaaalaman, pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay,

dinamiko at ganap ang pagkatuto (Abad, 1996). Sa pananaliksik na ito ang

kailangan ng mga mananaliksik na matukoy ang mga kagamitang panturo,


Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |4

alamin ano ang saloobin ng mga estudyante patungkol dito at ang

implikasyong edukasyonal.

Pagkatuto - Ito ay ang pagkuha ng mga kaalaman o impormasyon, kakintalan,

at pagsasagawa ng mga kaisipan, kasanayan, at iba pang uri ng bagong tugon.

(Aquino, 1988)

Guro - Sila ay katulad din ng Internet na pinagkukunan ng impormasyon /

nagbibigay kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Isa sila sa mga gumagamit

ng teknolohiya upang mapakinabangan ito sa mabuting paraan.

(Wikipedia,2015)

Teknolohiya - Ayon sa Wordpress ang teknolohiya ay pagsulong at paglapat

ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa

paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya

ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Saloobin - Ang saloobin (damdaming hindi mailabas/kinikimkim) ay

tumutukoy sa kalagayan ng pag-iisip at pagkilos bunga ng damdaming

naghahari sa isang tao sa isang takdang oras o panahon (Wiktionary, 2017).

Ang saloobin at direksyunal, sapagkat maaaring ito ay positibo o negatibo. Sa

pananaliksik na ito gusting malaman ng mga mananaliksik ang mga saloobin

ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng mga guro ng kagamitang pangturo.

Kagawaran ng Senior High School- Ito ay dalawang taon ng

nagdadalubhasang itaas pangalawang edukasyon. Mga mag-aaral ay maaaring

pumili ng isang track ng karera na batay sa kakayahan, interes, at kapasidad

ng paaralan. Ang pagpili ng karera track tukuyin ang nilalaman ng paksa mag-
Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |5

aaral ay sa grado 11 at 12. Ang mga paksa na ito ay mahulog sa ilalim ng

alinman sa Core Curriculum o partikular na Career Pathways. Core kurikulum

Mayroong anim na mga paksa sa ilalim ng Curriculum Core (K to 12 Updates,

2016). Sa pananaliksik na ito, ang Kagawaran ng Senior High School ay ang

matuturing na spesipikong lokal, ito ay parte ng paaralang Mindanao State

University at dito manggagaling ang mga mag- aaral na magiging impormante o

mga taga sagot tungkol sa nasabing pananaliksik.

Mindanao State University GSC - Isang estadong unibersidad na

nangunguna sa lalawigan ng General Santos, South Cotabato Philippines. Isa

sa mga paaralang napakakompetibo sa buong Mindanao. Itinataas nito ang

kultura ng komunidad.(Mindanao State University Gensan, n.d.) Sa pag aaral

na ito, ang Mindanao State University ang matuturing na pangkalahatang

lokal. Sa paaralang ito gaganapin ang pananaliksik tungkol sa ibat ibang

pamamaraan na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo na mas nakakaunawa

ang mga estudyante.


Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |6

KABANATA 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito inilalahad ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na

literature at pag-aaral na naglalaman ng mga pananaw at impormasyong

nakalap ng mga mananaliksik upang masuportahan at maisagawa ang tesis na

ito.

Mga Kaugnay na Literatura

Pagtuturo

Ang edukasyon ay mahalaga dahil sa panahon natin ngayon, hindi

mapigilan ang mga pagbabago at pag-iiba ng mukha ng mundo. Ngunit kahit

nakakailang ang mga pagbabagong ito, ito rin ang magiging susi sa inaasam

na kaunlaran at sa ikakatatag n gating lipunan. Kaya mayroong edukasyon

upang magkaroon ng mga guro na magtuturo sa mga mag-aaral ng kaalaman

at kahandaan sa mga pagsubok ng totoong buhay.

Ang pagtuturo, ayon kay Lardizabal (1995), ay isang proseso ng

komunikasyon ng guro at mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig

lamang sa berbal na komunikasyon ng guro at mag-aaral. Maraming ginagamit

na kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitang panturo ay

anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro upang maghatid ng

impormasyon sa mga estudyante. Kaya sa paghahanda ng mga midyang

instrkysonal ay kailangang alamin ang karateristik, kung saan kumportable

ang estudyante at ang kanyang mga pangagailangan. Tiyakin dapat ang


Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |7

layunin at kailangan iplano ang suportang kakailanganin. Sa pagsulat nito,

kailangan nakahanay ng maayos ang mga ideaya o gumamit ng mga grafiks.

Kahit sinasabi na walang kagamitang panturo ang makapapalit sa isang

mabuting guro, isanng malaking katotohanan din na hindi maitatanggi na

kapag gumamit ang isang guro ng mabuti na kagamitang pangturo, mas

mabisang matututo ang isang estudyante.

Kagamitang Pampagtuturo

Masasabi natin na malaki ang impluwensiya ng kagamitang panturo sa

pagkatuto ng isang mag-aaral. Ang kagamitang panturo ay anumang

karanasan o bagay na ginagamit ng bilang pantulong sa paghahatid ng mga

katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay, kaaalaman, pag-unawa at

pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging kongkreto, tunay,

dinamiko at ganap ang pagkatuto (Abad, 1996). Isang rin itong tanging gamit

sa pagtuturo para kay Belvez (1972), na nagtataglay ng gabay para sa mag-

aaral at guro na tumitiyak na sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalaman,

teknik ng paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman at paraan ng

pagtuturo gamit ang ibat ibang teknik.

Sa mga binigay na kahulugan ng mga iskolar na ito, masasabi na ang

kagamitang panturo ay lahat na makikita sa isang silid-aralan na

makakatulong at ginagabayan ang isang guro sa pagtuturo na dapat

magsimula sa malinaw at balido na layunin at nilalaman upang maisiguro at

magabayan tungo sa epektibong pagkatuto ng isang estudyante.


Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |8

Mahalaga ang kagamitang pampagtuturo dahil una; nagiging

katotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan sapagkat nararanasan nila ito

sa pamamagitan ng kunwari sa pagpapalaro o sa pagpapakanta. Sa larong ito,

bawat mag-aaral ay makakasali sa talakayan at magiging kawili-wili ang klase.

Pangalawa, ay walang nasasayang na panahon sa pag-aaral dahil may

direksiyon ng nailahad ang guro, halimbawa sa paggamit ng visual aids. Hindi

maaksaya ang oras ng guro sa pagsulat sa pisara at mas mapapadali ang

talakayan. Pangatlo, dahil ang henerasyon ngayon ay halos mga visual

learners, mas makakaunawa sila sa paggamit ng pagpapakita ng mga imahe o

mga bidyo gamit ang projector at mababawasan rin ang pagiging dominante ng

guro sa pagsasalita. At ang panghuli, mahalaga ang kagamitang panturo dahil

ginigising niya ang kawilihan ng mga mag-aaral at humihikayat ito ng

interaksiyon. Sa kabila ng visual learners, ang henerasyon din na ito ay mga

kinaesthetic learners, kaya mahalaga ang interaksiyon dahil ang ibang mag-

aaral ay natututo kapag may nakikita o ginagawa nila ang isang bagay. (Abad

& Ruedas, 2001)

Sa sinabing kahalagahan ng kagamitang pampagtuturo, nararapat lang

din na may sapat na taglay at mga katangian upang maging epektibo ang

pagkatuto ng isang mag-aaral. Ayon nga kay Abad (1996), isang katotohanan

na walang makapapalit sa isang mabuting guro bilang isang kagamitang

panturo ngunit katotohanan din na gumamit siya ng mga kagamitang panturo

para sa mabisang talakayan at makatulong sa mga mag-aaral na lalong

maintindihan ang tinatalakay. Kung kayat kinakailangan ng guro magkaroon


Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo |9

ng mga makabagong istratehiyat pamamaraan upang mas maging epektibo at

mas maging handa sa pakikilahok sa lipunang patuloy na nagbabago.

Saloobin ng mga Mag-aaral

Ayon naman kay Wolfe, (2010) mataas ang porsyento na natututo ang

mga mag aaral kung ang isang impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa

tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagkatuto sa loob ng

paraalan mas tumataas ang interes ng mga mag aaral na makinig at mapukaw

ang kanilang intensyon.

Mahinuha natin dito na sa kagamitang panturo na ginagamit at may

tulong galing sa mga makabagong teknolohiya, mas nagkaka-interes ang mga

mag-aaral. At kapag may interes ka isang bagay, maaring mas madali kang

makaintindi at makaproseso ng impormasyon o maari ding may kusa kang

pag-aralan ito na nakakadulot ng mas epektibong pagkatuto.

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Pagtuturo

Ayon kay Transona Jr. (2002), malaki ang ginagampanan ng edukasyon

sa pag-unlad ng isang bansa. Sa anumang antas ng pag-aaral, sa bahagi ng

pagtuturo ay hindi maitatanggi ang katotohanang ang isang guro ay isa sa

pinakamahalagang sangkap sa isang paaralan. Sa palad ng mga guro

nakasalalay ang mga malilikhaing gawaing makatutulong at magsisilbing

gabay ng mga mag-aaral. Ang antas ng kahusayan ng alinmang paaralan ay

nakasalalay sa pagganap ng mga guro sa pagtuturo. Ibig sabihin,


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 10

kinakailangan ang anumang hakbang na gagawin ng guro sa pagtuturo ay

tumugon sa kung papaano ba natural na gumagana o nagpoproseso ang utak

o isipan upang matuto. (Gattegno,1976)

Base sa mga pag-aaral ng mga awtor na ito, masasabi natin na malaki

ang epekto ng mga guro sa paghikayat sa natural na paggana at pagproseso ng

utak ng mga mag-aaral. Kaya malaki ang ginagampanan ng mga guro ngayon

para sa mga mag-aaral tungo, sa epektibo at mapapakinabangan na pagkatuto

para sa lipunan. Sang-ayon dito si Panambo (1980), para sa kanya malaki ang

tungkuling ginagampanan ng guro sa pagpapaunlad ng mga kakayahang

taglay ng mga mag-aaral. Ang impluwensiya ng isang guro sa lipunan at sa

paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi matatawaran

kailanman. Bilang magulang, siya ang nagsisilbing uhay sa pagpapalago at

pagpapayabong ng anumang kakayahan mayroon ang mga mag-aaral. Kaya

ayon kay Fortuno (1998), isa sa mga katangian ng isang epektibong guro ay

dapat maging eksperto sa lahat ng saklaw ng pagtuturo gaya ng paksang-

aralin, pamamahalang pangklasrum, pagtuturo at dayagnostiks na pagtuturo.

Lahat ng naibanggit sa taas ay sinasabi kung ano ang kahalagahan ng

mga guro at ang mga nararapat na mga katangian para epektibo ang

pagkatuto ng isang mag-aaral. Maliban sa pagiging eksperto sa kanyang

propesyon, kailangan din ng isang guro na maging bukas sa mga bagong ideya

patungol sa mga kagamitang panturo dahil sa mga makabagong teknolohiya

ngayon. Kaya napatunayan ni Aguilar (2001) na ang paglinang ng mga guro ng

mga kagamitang pampagtuturo ay hindi gaanong napakahirap na gawain.


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 11

Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga, pagtitiis, lakas ng loob at

pagiging mapamaraan nang isang guro. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang

kadalubhasaan ng guro at ang kanyang malawak na kaalaman sa mga

konsepto o aralin na kanyang itinuturo.

Kagamitang Pampagtuturo

Ayon sa pag-aaral ni Gabuyo (1998) ang mga kagamitan o resources ay

isinasaalang-alang ang kahandaan at kasapatan ng mga ito sa pagtututo. Ang

kagamitang panturo ay kinakailangang angkop sa panahon ay nakaugnay at

nakaayon sa kurikulum upang makatulong na maisakatuparan ang layunin sa

pagkatuto.

Inilabas naman ni Gamora (2015) ang kanyang pag-aaral na hinggil sa

kabutihan ng multimedia sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya

na ang mabuting pagpaplano ng multimedia ay nakatutulong sa mga mag-

aaral upang mailinang ang kanilang kakayahang panteknolohiya upang

kapaki-pakinabang sa lipunan sa darating na panahon.

Ang mga kagamitang pampagtuturo ay nagdudulot ng ibayong

karanasan sa mga mag-aaral sa lalong ikauunawa ng paksang pinag-aaralan.

Kinakailangang ito ay pili at maayos na inihanda at nagagamit. Ayon kay

Tolosa (2016), napakaraming varayti ng mga bagay ang maaaaring ihanda ng

guro upang gamiting pantulong sa pagtuturo. Ilan sa karaniwang makikita sa

halos lahat ng klasrum o ginagamit ng maraming guro ay ang sumusunod:

pisara, chalkboard, mga libro at iba pang babasahin, tsart at mga larawan. Sa

ilang klasrum, ay makikita ring ginagamit ng mga guro ang tulad ng mga
S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 12

overhead projector, telebisyon, radio o cassette player, CD/DVD player, at iba

pang makabagong kagamitan na karaniwan ay de-kuryente. Itinuturing din na

mga uri ng kagamitang pampagtuturo ang bahay-aralin, mga gawain at laro,

pagsasanay, at pagsusulit.

Saloobin ng mga Mag-aaral

Ang tekholohiya ngayon ay nagbibigay na ng malawak na oportunidad

para sa pagkatuto ng mga mag-aaral, lalo na ang access sa midya. Sa panahon

na tinatawag nating knowledge explosion, ang guro sa makabagong panahon

ay maaaring hindi kayang ibigay lahat ng kailangang hinahanap ng kanyang

mga mag-aaral (Tamayo, 2014). Sa tesis naman na sinulat ni Tabangcura-

Almazon (2005) sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya

tulad ng paggamit ng impormasyon na hango sa internet ay nakapagbibigay ng

mas maraming impormasyon at nakapupukaw sa interes ng mga mag-aaral.

Masasabi natin na isa sa mga saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa

kagamitang panturo na tradisyunal ay minsan hindi ito sapat at itoy kulang,

kaya sa paggamit ng kagamitang panturo na ginabayan ng makabong

teknolohiya, mas mawiwili ang mga mag-aaral at mas madaming impormasyon

ang kanilang makalap.

Batayang Teoritikal

Sa pag-aaral at paghahanda ng mga ibat-ibang kagamitang pantuturo,

kailangang bigyang diin ang mga teorya at prinsipyo sa likod ng pag-aaral na

ito. Ang Teorya ay tumutukoy sa kung gaano kaganda ang pagkakapaliwanag


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 13

sa isang bagay na pinaghandaan. Ayon kay Reigeluth (1983), ang teorya ay

isang set ng modelo at ang prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy lamang sa

pamamagitan descriptive at perspective na anyo. Ayon naman kay Seels

(1997), ang teorya ay paliwanag ng penomina at pangyayari na makakatulong

sa mag-aaral na lubusang maunawaan ang talakayan.

Ang kagamitang panturo ay kailangang angkop sa panahon, nakaugnay,

at nakaayon sa kurikulum upang makamit ang mga layuning kinakailangan sa

epektibong pagkatutuo. Ang mga kagamitan ay kailangang tunay at malinaw

ang mga halimbawa at gawain. At upang nakabatay ito sa target na

panggagamitan, kinakailangang suriin ng maayos ang paggamit nito.

(Tolosa,2016)

Layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga kagamitang

pantuturo at malaman ang antas ng saloobin ng mga mag-aaral ng MSU-SHS

students patungkol sa kagamitang pantuturo.

Konseptuwal na Balangkas

Ipinapakita dito ang modelong binuo ng mga mananaliksik na

naglalarawan ng isang sistema sa pagsusuri ng mga saloobin sa paggamit ng

kagamitang pantuturo ng Mindanao State University SHS students.

Ipinapakita sa dayagram ang paraan ng pagsasagawa niya ng pag-aaral.


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 14

Saloobin sa Paggamit ng Kagamitang Panturo

Mga Kagamitang Pampagpapaturo

Antas ng pananaw ng mga mag-aaral ng MSU-


SHS sa paggamit ng kagamitang panturo

Implikasyong Edukasyonal

Pigura 2. Konseptong Paradaym


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 15

KABANATA 3

Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag- aaral na ito ay isang uri ng kwalitatibo at kwantitabo na

pananaliksik. Disenyong kwantitabo dahil ang mga mananaliksik ay

nagsagawa ng talatanungan na kung saan nangangailangan ng pagkwenta ng

mga datos. Disenyong kwalitatibo naman na kung saan ginamit ang

pamamaraan na deskriptibo upang malaman ang mga kagamitang pagtuturo

na ginagamit ng mga guro at ang saloobin ng mga mag- aaral tungkol dito.

Lokal ng Pag-aaral

Ang pag- aaral na ito ay ginanap sa bawat seksyon na nakapaloob sa

mga mag- aaral ng STEM, ABM at HUMSS ng Mindanao State University

Senior High Department.

Pigura 2. Mapa ng Mindanao State University


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 16

Pamamaraan

Survey Questionnaire o talatanungan ang ginamit ng mga mananaliksik

sa pagkalap ng mga datos. Ang talatanungan ay nahahati sa tatlong pangkat.

Ang unang pangkat ay ang profile ng estudyante upang matiyak na ang

respondente ay nanggagaling sa departamento ng MSU Senior High.

Nakapaloob sa ikalawang parte ng talatanungan ang mga ibat- ibang uri ng

kagamitang pagtuturo na pagpipilian ng mga estudyante kung alin ang

kagamitan na ginagamit ng kanilang guro na pinaka- nagugustuhan ng mga

mag- aaral at nakakatulong sa pagkakaintindi nila ng kanilang mga leksyon.

Ang ikatlong parte ng talatanungan ay sanaysay kung saan pipili ang

respondente ng isang kagamitang pagtuturo na pinakanagugustuhan at kung

bakit ito ang kanilang napili.

Respondente

Ang magiging respondente sa pag-aaral ay ang mga mag-aaral na galing

sa STEM, ABM at HUMSS strand ng Senior High School Program ng Mindanao

State University General Santos City. Ang pag-aaral ay dapat makakuha ng

kabuuang bilang na tatlumput anim (36) na respondente.

Istatistikal ng Kagamitan

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Frequency Distribution at Weighted

Mean sa pagkuha ng bilang ng sagot ng mga respondente. Pagkatapos ay ni-


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 17

rank ang mga kasagutang nakuha mula sa mga respondente gamit ang

Modified Five Point scale ni Ebel.

Sa pagkuha ng weighted mean, ito ang pormulang ginamit:

Kung saan ang:

X- Weighted mean

-Kabuuang sagot

F- Frequency o bilang ng sagot

X- Weight

n- Kabuuang bilang ng mga respondente

Modified Five Point Rating Scale

Mean Five Point Scale Deskripsyon

4.5 - 5.0 5 Gustong- gusto

3.5 - 4.49 4 Gusto

2.5 - 3.49 3 Katamtaman

1.5 - 2. 49 2 Hindi gaanong gusto

1. 0 - 1. 49 1 Hindi talaga gusto

Talahanayan 1. Modified Five Point Rating Scale


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 18

Pangkalahatang Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Ang pag-aaral ay gumamit ng dikriptib-sarbey na isinagawa sa Mindanao

State University General Santos City (MSU GSC) na layong magkaroon ng

kabuuang bilang na tatlumput anim (36) na respondente sa STEM strand ng

Senior High School. Ang resulta ay itinaly at nakuha ng mananaliksik ang

weighted mean na siyang magbibigay sagot sa mga suliranin na hatid ng

pananaliksik.
S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 19

KABANATA 4

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng Datos

Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga nakuhang datos, pagsusuri at

pagpapakahulugan ng mga datos.

1. Matukoy ang mga Kagamitang Pagtuturo.

Ang mga kagamitang ginagamit ng mga guro ay una, ang kagamitang

Laptop. Ito ay ginagamit tuwing may presentasyon sa mga aralin maaaring

isang video o powerpoint. Pangalawa ay ang Visual Aids. Visual Aids na kung sa

isinusulat ng guro sa malaking papel na sapat lang na makita ng mga mag-

aaral sa malayo ang kanilang aralin. Alin sunod nito ay ang paggamit ng

Projector, kung saan an gpresentasyon ay makikita nang malaki at maliwanag

para sa karamihan. Kasunod nito ay ang paggamit ng libro o teksbuk. Ito ay

kadalasan matatagpuan sa library ngunit ipinamamahagi naman ito sa mga

mag-aaral na may nilalaman ng mga ibat-ibang aralin. Kaugnay nito,

ginagamit naman ang cellphone upang makapasa o pagkuha ng litrato sa mga

sulatin at iba pa. At panghuli ay ang pagsulat sa pisara nakadalasang gamitin

kapag walang visual aids, powerpoint o video bilang presentasyon ng aralin.

2. Matukoy ang antas ng Saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit

ng kagamitang pagtuturo.
S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 20

Kagamitang Ginagamit 5 4 3 2 1 Weighted Deskripsyon


Mean
Laptop 29 16 10 0 0 4.21 Gusto

Visual Aids 34 12 7 2 0 4.26 Gusto

Projector 29 18 6 2 0 4.21 Gusto

Libro o Teksbuk 21 18 13 3 0 3.93 Katamtaman

Cellphone 10 22 18 5 0 3.62 Katamtaman

Pisara 15 21 16 2 1 3.78 Katamtaman

Talahanayan 2. Mga Kagamitang Panturo

Pagsusuri:

Makikita sa talahanayan 1 ang mga antas ng saloobin ng mga mag-aaral

sa kagamitang pagtuturo na kadalasang gamitin ng mga guro. Ayon sa mga

datos na nakalap mula sa mga respondante, ang sumagot ng gusto na may

4.26 weighted mean ay ang paggamitng visual aids na sinusundan na man ng

kagamitang laptop at projector na may parehong weighted mean na 4.21.

Alinsunod nito ay ang sumagot ng katamtaman sa pangungunang kagamitang

libro o teksbuk na may 3.93 na weighted mean. Pumapangalawa, naman ay

ang pagsusulat sa pisara sa weighted mean na 3.78. At panghuli, ay may

weighted mean na 3.62 ito ay ang cellphone.


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 21

3. Implikasyong Edukasayunal

Napag-alaman ng mga mananaliksik na mahalaga ang kagamitang

panturo sa pagkatuto ng isang estudyante. Maliban sa pagiging eksperto ng

isang guro sa kanyang propesyon, kailangan niya ring gumamit kung ano man

ang wasto at epektibo na kagamitang panturo sa kanyang klase.


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 22

KABANATA 5

Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

Sa kabanatang ito matatagpuan ang Buod, Konklusyon at mga

Rekomendasyon ng buong pag-aaral.

Buod

Ang pag-aaral na ito ay kwalitatibo at kwantitatibo na kung saan ang

mga mag-aaral mula sa Mindanao State University sa departamento ng Senior

High sa lahat ng strand mapa STEM (Science Technology Engineering and

Mathematics), ABM (Accountancy Business and Management) at HUMMS

(Humanities) na may kabuoang 36 katao na ipinamahagi sa pamamagitan ng

survey questionnaire o talatanungan na nahati sa tatlong bahagi ito ay profile

ng estudyante, pag rate ng mga kagamitang ginagamit ng guro, at ang

pagpapaliwanag gamitang pamamaraan na deskriptibo upang malaman ang

mga kagamitang pagtuturo na ginagamit ng mga guro at ang saloobin ng mga

mag- aaral tungkol dito at sa pagkuha ng resulta ay ginamitan ng pormula na

upang makuhaang weighted mean ng mga sagot mula sa ibat-ibang sagot ng

mga respondante.

Natuklasan

Ayon sa mga natuklasan sa pananaliksik na ito,

1. Ang mga kagamitang ginamit ng mga guro sa pagtuturo ay ang

sumusunod: Laptop, Visual Aids, Projector, Libro o teksbuk, Cellphone at

Pisara.
S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 23

2. Ang antas ng saloobin ng mga mag-aaral sa mga kagamitang ginagamit

ng mga guro ay may sumagotng gusto napabilang ditto ang Laptop, Visual Aids

at Projector. Kasalungat nito may sumagot naman ng katamtaman isa narito

ang Libro o Teksbuk, Cellphone at Pisara.

3. Napag-alaman ng mga mananaliksik na malaki ang impact ng

kagamitang pantuturo sa edukasyon dahil mas nagugustuhan ng mga mag-

aaral ang magpatuloy sa pag-aral dahil sa mga kagamitang ito.

Konklusyon

Ang mgakonklusyon sa pag-aaral na ito ay:

1. Mayroong ibat-ibang kagamitang ginagamit ang mga guro sa paglalahad

ng kanilang mga aralin. Maaring mapa visual aids, powerpoint o video kung

saan mas nakakaunawa ang mga mag-aaral.

2. Mas higit na gusto ng mga mag-aaral ang kagamitang Laptop, Visual

Aids at Projector.

3. Napag-alaman ng mga mananaliksik na mahalaga ang kagamitang

panturo sa pagkamit ng kalidad na edukasyon dahil sa pamamaraan na ito

mas napapadali ang pagabsorb ng impormasyon, mas madaling makakaintindi

ang mag-aaral dahil gusto niya ag mga pamamaraang ito. At lalong-lalo na

nahihikayat din sila sa pag-aral ng mabuti at sa ganitong paraan, silay

magiging isang kapakipakinabang na tao sa lipunan.


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 24

Rekomendasyon

Ang mga rekomendasyon na nabuo mula sa nakuhang mga datos ng

mga mananaliksik para sa susunod na pag-aaral ay dagdagan ang bilang ng

mga respondante. Dagdag pa rito ay maliban sa kagamitan isama na pati ang

pamamaraan at estratehiya ng mga guro kung paano nila mas maaunawaan

ang mga mag-aaral. Alinsunod nito ay ang pumili ng ibat- ibang paaralan at

ikumpara ang resulta ng dalawa.

Bibliyograpiya

Abad, Marietta at Pricilla Castaneta-Ruedas. (1996). Paghahanda ng mga

Kagamitang Pampagtuturo. Manila National Book Store.

Aguilar (2001). Transforming Teacher Education to Support Multicultural

Technology. https://books.google.com.ph/books?isbn=0549688757

Aquino, Gaudencio V. (1988) Principles and Methods of Effective Teaching.

Mandaluyong City: National Book Store Inc.,

Belvez, Paz M. (2000). Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex Book

Store, Inc.

Fortuno, V. (1998) Kagamitang Pampagtuturo at Edukasyong Pagpapahalaga

(Dinalathalang Masteral Tesis), University of Nueva Caceres.


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 25

Gabuyo, A. (1998). Ang Sanayang-Aklat Bilang Kagamitang Pampagtuturo

Panayam sa Pambansang Seminar sa Filipino sa Pagtataguyod ng Kagawaran

ng Filipino sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham ng Philippine Normal University.

Gamora, D. (2015).Pananaw ng Mga Mag-aaral sa Paraan ng Pagtatanong ng

Guro sa Pagtuturo ng Asignatura ng Filipino, Quirino State University, Diffun,

Quirino.

Gattegno, C. (1976). The Common Sense of Teaching Foreign.

www-01.sil.org/lingualinks/.../humanism.pdf

Lardizabal, Amparo S. et.al (1991). Principles and Methods of Teaching.

Quezon City: Phoenix Press Inc.

Panambo R. (1980), Walong Linggong Kurikulum: Ang Bisa Nito sa Kakayahan

ngmga Mag-aaral, Naga City

Reigeluth, (1983). Instructional Theory and Technology for the New Paradigm of

Education. Instructional-design theories and models: An overview of their

current status, 335-381.

Seels, (1997). The Views and Use of Theory by Practicing Instructional

Designers. https://books.google.com.ph/books?isbn=054997623X

Tabangcura-Almazan, (2005). Gamit ng Elektronikong Kagamitan sa Pagtuturo

ng Asignaturang Filipino, St. Paul College of Ilocos Sur


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 26

Tamayo, Jonah L. (Published: 29 April 2014). Ang epektibong paggamit ng

multimedia sa paglinang ng pagtuturo at pagkatuto.

Retrieved April 29, 2014, from http://udyong.net//4759-ang-

epektibong-paggamit-ng-multimedia-sa-klase/

Transona, L. (2002) Sanayang-Aklat Pampanitikan sa Filipino IV: Isang

Pagsusuri, Naga City

A. Websites

https://tl.wikipedia.org/wiki/Guro

http://gabaysafilipinoniley.blogspot.com/2017/01/kagamitang-panturo.html

https://tl.wiktionary.org/wiki/kahulugan

http://oro.open.ac.uk/25729/1/Wolfe%20Flewitt%20New%20Technologies.pdf

https://msu.edu/~ema/802/Ch6.../2/BransfordJohnson72.pdf
S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 27

Pangalan: Strand & Section:

Saloobin ng mga Mag- aaral sa Paggamit ng Kagamitang Pagtuturo

I. Panuto: Lagyan ng tsek ( ) at i-rate ang ibat ibang kagamitang pagtuturo


na ginagamit ng iyong guro.

Leyenda: 5- Gustong- gusto

4- Gusto

3- Katamtaman

2- Hindi gaanong gusto

1- Hindi talaga gusto

1 2 3 4 5

Paggamit ng laptop sa klase

Paggamit ng malikhaing visual aids

Paggamit ng Projector sa Presentasyon

Libro o teksbok ang batayan

Paggamit ng cellphone sa pangangalap ng


impormasyon

Pagsusulat sa pisara

II. Pumili ng isang pinakagustong kagamitang pagtuturo na ginagamit ng iyong


guro at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 28

CURRICULUM VITAE

Pangalan: Enojas, Pamela Andreanna M.

Tirahan: Blk 6, Lot 25-26, Antigua St. Camella Homes,

San Isidro Lagao, GSC

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: November 9, 1999

Lugar ng Kapanganakan: General Santos City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: NDDU-IBED Lagao

Junior High School: Mindanao State University

Pangalan: Matanguihan, Bea D.

Tirahan: Road 1 Blk. 8 Lot 11, Roca Subd., Apopong

GSC

Edad: 17

Araw ng Kapanganakan: July 27, 1999

Lugar ng Kapanganakan: General Santos City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Dadiangas West Central Elementary School

Junior High School: Mindanao State University


S a l o o b i n s a P a g g a m i t n g K a g a m i t a n g P a g t u t u r o | 29

Pangalan: Sereneo, Lea May M.

Tirahan: Purok Oro 1, Poblacio, Tboli, South Cotabato

Edad: 18

Araw ng Kapanganakan: April 21, 1999

Lugar ng Kapanganakan: Koronadal City

Mga Paaralang Pinagtapusan

Elementarya: Lugn Central Elementary School

Junior High School: Notre Dame of Surala

You might also like