You are on page 1of 12

MAGANDANG

HAPON
“Epektong Dulot ng Paggamit
ng Modernong Istratehiya ng
mga Guro sa Pagtuturo sa
Mallig Plains Colleges”
 
KABANATA 1
Panimula at Suliranin
Introduksyon

Mahalagang paglaanan ng panahon na matukoy ang mga estilo ng


pagtuturo ng mga guro na siyang magsisilbing puwersa sa aktibong pag-aaral
sapagkat ito ang sukatan sa aktibong motibasyon ng bawat mag-aaral dapat
akma ang estilong gagamitin sa pagtuturo upang mas lalong maintindihan ng
mga mag-aaral ang isang paksang tatalakayin. Nakasalalay sa mabuting
paraan ng pagtuturo ang matagumpay,kawili-wili at mabisang pagkatuto ng
mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya sa pamaraang
kanyang gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng pagkatuto
na nais niyang makamtan ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon,
angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayundin sa uri ng paksang aralin at
asignaturang kanyang itinuturo. Maraming pagbabago ang nangyayari sa
larangan ng edukasyon, Ayon kay Nip (2017). Ang tradisyunal na paraan ng
pagtuturo ay ang ating nakasanayan at nakalakihan.
Nakapaloob dito ang paggamit ng mga iba’t ibang makakapal at
maninipis na libro bilang batayan para sa pag-aaral at maging sa
pagtuturo. Mga samu’t saring libro na pagkukunan ng mga
impormasyon ng mga guro para maibahagi sa mga estudyante, Kasama
na rito ang ang mano-manong pagsusulat sa pisara ng mga guro sa
kanilang mga tatalakayin, ngunit may problema ring kakalakip ang
tradisyunal na paraan sapagkat may pagkakataon na hindi napapalawak
ng guro ang kanyang mga talakayin dahil nakabatay lamang ito sa
nalimbag na libro.
Ang mga istratehiya sa pagtuturo ay may malaki
at mahalagang tungkulin sa pagbibigay ng tulong
sa guro upang ang mga katotohanang nakapaloob
dito ay maihatid patungo sa mga mag-aaral na
mas madali at mas maganda ang kalidad ng
gawain. Ayon sa kanila Fernandez et al. (2010),
ang lahat ng gawain, malaki man o maliit ay
ginagamitan ng mga pamamaraan upang matapos
ang naturang gawain.
Sa kabilang banda habang ang pangangailangan sa mga gawain ay
dumarami lalo sa pagtuturo ang nakikitang problema dito na kinakailangang
pagtuunan ng pansin ay tungkol sa pamamaraan, metodo, istratehiya na
siyang dapat rebisahin at paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay
siyang matugunan. Sa akdang Pilipino, ang kawalan ng interes ng mga mag-
aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ang parating nahaharap na
suliranin ng mga guro kaya para masolusyunan ito gumagamit ng iba’t ibang
estilo ng pagtuturo o pagdulog sa pagtuturo upang pumukaw ito sa interes ng
mga mag-aaral na basahin ang mga akda. Sa parte naman ng guro, upang
hindi maging boring ang isang talakayan ay maari siyang gumamit ng iba’t
ibang pakulo katulad na lamang ng mga palaro o group activities para
magkaroon ng isang masayang pagpapalitan ng mga ideya sa pagitan ng
guro at ng mga mag-aaral.
Ang modernong istilo ng pagtuturo ay paraan ng
pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na
umuusbong sa ating panahon ngayon. Dahil na rin
sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay
naimbento na ang iba’t ibang mga gamit na
makatutulong na maging basehan sa mas
magandang kalidad ng edukasyon. Nandyan na ang
projector at laptop na maaring gamitin upang
magpakita ng presentasyon o mga video.
Ayon nga kay (De Juan,2013) hindi sapat ang kaalaman sa pag-
unawa lamang iba’t ibang pagdulog sa pagtuturo kaya nga ay
gumamit ang mga guro ng iba’t ibang kagamitang pagtuturo sa
pag-aaral kagaya ng paggamit ng multimedia sa pagtuturo ng
mga akda (vcd, dvd etc.) o maging ang kompyuter katulad ng
paggamit ng slide presentation sa pagtalakay ng akda para mas
maunawaan at maintindihan ng mga estudyante ang mga
leksyon nila. Hindi na din kailangan magkaroon ng
napakadaming libro bilang basehan sa kanilang pag tuturo
dahil sa tulong na lamang ng kompyuter at ng internet
connection ay madali na silang makapag saliksik sa ukol sa
leksyon nila. (Cherry, 2019)
Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang
ginagamit ng mga guro, ang mahalaga ay ang estilo
ng pagkatuto ng mga mag-aaral na siyang
tumutukoy sa kaparaanan nila na mas higit pa sa
gusto ng mga guro para sa kanilang pag-aaral.
Minsan, wala naman talaga sa estilo ng pagtuturo
ang ikakagaling ng isang mag-aaral kundi nasa
sakanila na iyon kung mag susunog talaga sila ng
kilay para sa kanilang pag-aaral dahil nakasalalay
din sa kanilang kamay ang tunay na tagumpay.
Paglalahad ng Layunin:
Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang mga epektong dulot ng paggamit ng
modernong estratehiya ng mga guro.
Paglalahad ng Suliranin:
1. Ano-ano ang iba’t ibang istratehiya na ginagamit ng mga guro sa Mallig Plains Colleges.
2. Paano nakatutulong sa mga mag-aaral ang mga istratehiya na ginagawa ng mga guro.
3. Mayroon bang makabuluhang uganayan ang modernong estilo ng pagtuturo ng mga guro sa
aktibong motibasyon ng mga mag-aaral.
4. Magiging madali ba sa mga guro ang modernong estilo ng pagtuturo.
Kahalagahan ng Pag-aaral:
Ang pag-aaral na ito ay may makabuluhan sa mga sumusunod na indibidwal at pangkat. Ito ay
importante sa ating lipunan.
•ADMINISTRASYON- mahalaga ang pag aaral na ito sa administrasyon
ng paaralan sapagkat ito ang paraan upang mahikayat ang mga
tagapamahala ng paaralan na umisip ng mga makabagong estilo ng
pagtuturo tungo sa aktibong pakikisangkot ng mga mag-aaral.
•MGA GURO- Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga guro upang
madagdagan ang kanilang kaalaman tungo sa pagtuturo ng aralin gamit ang
modernong estilo.
• MGA MAG-AARAL- Nakatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mag-
aaral upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman hinggil sa modernong
estilo ng pagtuturo ng mga guro at maging aktibo sila sa bawat aralin na
ituturo ng mga guro.
•MGA MAGULANG- Ang kanilang gabay at suporta ay isang malaking
tulong para maging matagumpay ang pananaliksik. Mahalagang pag-ukulan
nila ang kanilang mga anak ng oras at ipamalas ng lubos ang patnubay at
gabay upang mas mapabuti ang kanilang pag-aaral.
Batayang Konseptwal:

Epektong Modernon
dulot g Pagtuturo Mga Guro
estratehiya

You might also like