You are on page 1of 3

Ang Gamit ng Elektronikong Kagamitan sa Pagtuturo ng Asignaturang

Filipino
Introduksyon
Sa kasalukuyang panahon, napakarami ng gawain ang naisasagawa sa tulong ng makabagong teknolohiya
partikular na sa kompyuter at internet.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya bilang gamit sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ay tumataas ang
interes ng mga mag-aaral at napupukaw ang kanilang interes.

Batayang Teyoretikal
Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang teorya ni Edgar Dale ang "Cone of Experience" sa wikang Ingles o
Hagdan ng Karanasan na binubuo ng labing isang baitang.

Batayang Konseptwal
Input
Ang Gamit ng Elektronikong Kagamitan sa Pagtuturo ng Asignaturang 
Filipino
Proseso
- Interbyu
- Sarbey
- Talatanungan
- Pagkalap ng Impormasyon
Output
Pagkatuto ng mga mag-aaral gamit ang Elektronikong Kagamitang Pampagtuturo
Paglalahad ng Suliranin
1.
Anu-ano ang mga elektronikong kagamitan na ginagamit ng mga guro sa asignaturang Filipino?
2.
Paano nakatutulong sa pagtuturo ang paggamit ng elektronikong kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto
ng mga mag-aaral?
3.
Anu-ano ang mga magagandang dulot at di-magagandang dulot ng mga elektronikong kagamitan sa
pagtuturo?
4.
Anu-ano ang mga suliranin na maaaring kaharapin ng mga guro sa paggamit ng elektronikong kagamitan
sa pagtuturo?
5.
Paano malulutas ang suliranin na ito?

Saklaw at Delimitasyon
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw sa kung ano ang gamit ng elektronikong kagamitan sa pagtuturo
ng asignaturang Filipino sa mga Pansekundaryang Paaralan sa Carlos P. Garcia High School, Elpidio
Quiriono High School at E.Rodriguez Vocational High School sa Taong Panuruan 2012-2013.

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Sa tesis naman na sinulat ni Tabangcura-Almazon (2005) sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong
teknolohiya tulad ng paggamit ng impormasyon na hango sa internet ay nakapupukaw sa interes ng mga
mag-aaral. Ang paggamit ng kompyuter sa pagpapalakad ng aralin ay malaking tulong upang ang interes
ng mag-aaral ay magpokus sa mga aralin.
Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang pag-aaral na hinggil sa kabutihan ng multimedia sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting pagpaplano ng multimedia ay
nakatutulong sa mga mag-aaral upang mailinang ang kanilang kakayahang panteknolohiya upang kapaki-
pakinabang sa lipunan sa darating na panahon.
Ayon kay Quiñon (2009) hanggang sa hindi na matiyak kung ito ay daglat pa rin ng elektronik o isang
panlaping tinatawag na e-prefix o panlapi ni David Crystal (2007) sa kanyang language and the internet
na kung saan nagsasabi ng anumang salitang ikabit dito ay nagkakaroon ng kahulugang may kinalaman sa
konsepto ng kompyuter at internet.
 Ayon naman kay Wolfe,(2010) mataas ang porsyento na natututo ang mga mag aaral kung ang isang
impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang gamit sa
pagkatuto sa loob ng paraalan mas tumataas ang interes ng mga mag aaral na makinig at mapukaw ang
kanilang intensyon.
Napatunayan ni Aguilar (2001) na ang paglinang ng mga guro ng mga kagamitang pampagtuturo ay hindi
gaanong napakahirap na gawain. Subalit ito ay nangangailangan ng pagtitiyaga, pagtitiis, lakas ng loob at
pagiging mapamaraan nang isang guro. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kadalubhasaan ng guro at
ang kanyang malawak na kaalaman sa mga konsepto o aralin na kanyang itinuturo.
Paglalahad ng Suliranin
Konklusyon:
Batay sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik . Ang may pinakamataas na bilang ng
elektronikong kagamitan na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ay ang LCD projector sapagkat ang
kagamitang ito ay pumupukaw sa interes ng mga mag-aaral na makinig sa pagtuturo kanilang guro. At
ang may pinaka maliit na bilang naman ay ang Tablet sapagkat ang kagamitang ay may mataas ang na
halaga.

Paglalahad ng Suliranin
Konklusyon:
Ipinakikita ng talahanayan na ang mga elektronikong kagamitan ay napakalaking tulong sa pagtuturo ng
mga guro ng kanilang mga aralin dahil ang mga kagamitang ito tulad ng LCD projector na nabanggit sa
unang talahanayan ang dahilan kung bakit nagiging madali at maayos ang kanilang pagtuturo na siya
namang may mataas na bilang ng pumili kung paano nakatutulong ang mga elektronikong kagamitan sa
pagtuturo at ang may pinaka maliit na bilang naman ay ang nakapagbibigay ng mga biswal at tunog na
halimbawa
Pagpapatunay: 
Inilabas ni Shepherd (2001) ang kanyang pag-aaral na hinggil sa kabutihang dulot ng "Multimedia" isang
uri ng elektronikong kagamitan kung saan nabibilang ang DVD, VCD, CD, digital camera at iba pa ay
nakatutulong sa mga mag aaral upang malinang ang kanilang kakayahan pang teknolohiya . Iginiit din
niya na mayroong kabutihang dulot ang paggamit ng multimedia sa klase tulad:
1. Nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag aaral.
2. Nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng guro gamit ng power point presentation at dahil dito
nadaragdagan ang kanilang kaalaman.
3. Nadaragdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa teknolohiya at dahil dito hindi sila nagiging
mangmang at walang muwang sa patuloy na pag unlad.
4. Bumibilis ang kanilang pagkatuto at kaalaman.
5. Nalilinang ang mataas na kakayahang pag iisip.

You might also like