You are on page 1of 32

MABALACAT CITY COLLEGE

INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION


MABALACAT CITY, PAMPANGA

PAG-UUGAT NG KAWALANG INTERES NG MGA MAG-AARAL SA


ASIGNATURANG FILIPINO

Isang Sulating Pananaliksik na Inihaharap sa Kaguruan ng


Mabalacat City College
Institute of Arts, Sciences and Teacher Education
Mabalacat City, Pampanga

Bilang Bahagi ng Pagtugon sa


Pangangailangan Para sa Asignaturang
Introduksyon sa Pananaliksik – Wika at Panitikan

Ni:

Waje, Jerico D.

2021

1
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Panimula

“Ang wika ay tinatawag na repositoryo ng karunungan


o isang bodega ng karunungan ng isang lahi.”

– Virgilio Almario

Upang maituring bilang bansang nagsasarili at nagkakaisa ang isang bansa ay

kailangang mayroon itong sariling wika (Naval, 2014). Ang Pilipinas ay may sariling wika

na kailangang bigyan ng pagpapahalaga sa lahat ng pagkakataon. Ang katagang isinalaysay

ni Gat Jose Rizal na ”Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang

isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” ay isa sa mga

katagang pinakatumatak sa mga Pilipino. Tuwiran nitong tinutumbok ang tungkulin ng

mga Pilipino na mahalin ang kanilang sariling wika. Kaugnay na rin dito ang tungkuling

payabungin at mas palawakin. Malinaw na mababasa sa Saligang Batas ng Pilipinas taong

1987, sa Artikulo XIV, seksyon 6 na ang Wikang Pambansa ay Filipino. Ang tanging

layunin ng batas na ito ay upang mas lalong umusbong ang Wikang Filipino sa ating bansa.

Ayon sa pahayag ng UP Diliman University Council (2018), ang wikang Filipino at

panitikan ay mga sandata sa pagtataguyod ng katotohanan at katuwiran, lalo na sa panahon

ng kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at krisis panlipunan.

Ang Wikang Filipino ay may malaking gampanin sa lipunan dahil ito ay ginagamit

natin sa pangaraw-araw na pamumuhay (Barrios, 2018). Ito ang nagsisilbing instrumento

2
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

ng bawat Pilipino upang makapag-komunika sa kaniyang kapwa. Kaya mainam na ito ay

ipagmalaki at huwag ikahiya. Dagdag pa ni Salcedo (2019), ang wika ay isa sa mga

mahahalagang bagay na marapat pagtuonan ng pansin sapagkat ito ay ang mahusay na susi

sa pag-aaral at tagumpay ng mga mag-aaral.

Nabanggit naman ni Dr. George Francisco (2015) sa kanyang sagot ukol sa

kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino ay ito ang Pambansang Wika ng Pilipinas

kaya ito ang inaaasahang magbubuklod sa mga Pilipino. Samakatuwid, ito ang

sumisimbolo sa pagkakaisa at identidad ng mga mamamayan ng Pilipinas. Dagdag pa ni

Almario (2014), kapag ang mga tao ay aktibong ginagamit ang kanilang sariling wika,ay

naa-activate nila ang kanilang sariling resources na magagamit sa lenggwaheng iyon; kaya

ang unang-unang naidudulot ng paggamit ng wika ay dangal sa sarili.

Ayon kay dating SWF-UP direktor Rommel B. Rodriguez (2019), sa pamamagitan

ng Filipino, maisasakatuparan ang pagpapalago at pagpapayaman upang mabuo ang

pambansang kultura. Napapalalim ang wikang Filipino sa pag-iisip ng mga mag-aaral para

matukoy ang mga bagay at mga usaping makabuluhan at dapat paglaanan ng panahon.

Kaya naman ang asignaturang Filipino ay itunuturo sa mga mag-aaral mula sa unang

baitang hanggang sa sila ay humantong na sa Senior High School alinsunod sa batas na

nakasaad. Bata pa lamang ay tila nagtatanim na ng punla upang sa gayon ay lumabong at

3
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

mamukadkad sa darating na henerasyon. Dahil naniniwala ang UP Diliman University

Council na mahalaga ang wika at panitikan sa pagpapa-igting ang mapanuri, malikhain,

malaya, at mapagpalayang kakayahan ng mga mag-aaral at mamamayan, anumang kurso,

disiplina at larangan ng pagpapakadalubhasa.

Ika nga ni Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Darating ang panahon

na sila ang mamamahala sa bansang Pilipinas. Ang kinabukasan ng bansa ay sa kamay nila

nakasalalay. Kabilang na rito panigurado ang kalagayan ng wika sa paparating na panahon.

Maraming mga dahilan kung bakit kailangang pahalagahan ang wika. Gaya ng sinambit ng

ilang indibidwal ay wika ang magbubuklod sa atin. Ngunit sa kabila ng mga kahalagahang

ito ay tila hindi pa rin prayoridad ng ilang mamamayang Pilipino ang kanilang sariling

wika. Ito ay ang isang dahilan kung bakit hirap sa pagsulong ang wikang Filipino.

Batay sa pahayag ni Apao (2014), ang wika ay hindi lamang kumakatawan sa isang

tao. Ito ay hindi lamang isang paraan para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin,

opinyon, mga personal na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian ay isang

sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o bansa. Ang wika ay

kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan.

Sa maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura,

sining at pagkabansa ng isang bayan. Ayon naman kay Pangilinan (2019), ang ugat

4
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

diumano ng kakulangan ng pagsulong wika ay ang estado dahil hindi ito nagagamit sa

larangan ng kultura. Hindi rin nagagamit ang wika sa larangan ng ekonomiya at lalo na sa

pampulitikang usapin sapagkat wala talagang interes ang pambansang estado na ito ay

paunlarin. Kaya kung susuriin, ang wika ay nga namang mahalaga ngunit ito ay hindi

pinapahalagahan ng mga Pilipino.

Sa ganitong klaseng sistema sa Pilipinas ay hindi kataka-takang magiging mabagal

ang pag-usbong ng wika. Dahil ang mga namamahala mismo ang tila nagtatakwil sa

Filipino at mas pinipiling gamitin ang wikang banyaga. Kaya naman ang sistemang ito ay

naimpluwensyahan ang mga mag-aaral na mas bigyang pansin o mas piliing gamitin ang

wikang banyaga. Sa isang pag-aaral na ginawa ni Salcedo (2019), lumabas sa kaniyang

pag-aaral na mas pinipili ng mga mag-aaral na pag-aralan ang wikang Ingles kaysa sa

wikang Filipino. Ang sitwasyong ito ay isa lamang sa maraming dahilan sa pag-uugat ng

kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Dahil ang karaniwan nilang

naririnig na midyum ng komunikasyon sa larangan ng kultura at ekonomiya ay nasa wikang

Ingles kaya naman mas nagkakaroon sila ng interes dito.

Ayon naman kay Domingo (2015), kailangan natin ang wikang Ingles sa panahon

ngayon dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa ating mundo partikular na ang

globalisasyon. Ito ang wika ng komersiyo at wika ng makabagong tekonolohiya.

5
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Samakatuwid, ito ang wika ng globalisasyon. Mahalaga umano ang pagkakaroon ng

kaalaman sa mga wikang banyaga upang sa gayon ay kakayaning makipagkumpitensya ng

mga Pilipino sa ibang bansa. Sa kabilang banda naman, ayon kay Tullao (2020), mahalaga

rin naman ang wikang Filipino sapagkat ito ay may kakayahang mapalakas ang

integrasyong panloob kung kaya ito ay may potensyal na maging wika rin ng

globalisasyon. Dagdag pa ni Mabaquiao (2010), ang kultura ng mga Pilipino ay

maituturing na pinakakongkretong palatandaan ng kanilang pambansang identidad, kung

kaya naman mainam na gumawa ang mga Pilipino ng mga paraan upang mapanatili ang

integridad na ito.

Ang kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay mas

pinatunayan pa ng isang pagsusuring isinagawa nina Malou Mangahas na ipinalabas sa

programang Investigative Documentaries noong taong 2014. Sa pagsusuring kanilang

isinagawa sa mga mag-aaral na nasa ika-anim na baitang sa kanilang National

Achievement Test o NAT ay lumabas na noong 2011 ay 76.44% ang average score ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino. Pagdating naman ng taong 2012 ay bumaba ito sa

69.15% at naging 72.41% noong taong 2013. Sa kabilang banda naman, pagtuloy ang

pagtaas ng average score ng mga mag-aaral sa asignaturang ingles mula 65.11% noong

2011, 66.27% noong taong 2012 at 67.12% naman noong 2013. Batay sa datos na inilahad

sa dokumentaryong ito na kahit na mas mataas pa rin ang porsyento ng average score ng

mga mag-aaral sa asignaturang Filipino kaysa sa asignaturang ingles ay makikita ang pag-

6
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

angat ng iskor ng mga mag-aaral sa asignaturang ingles. Dahil ito ay umaangat sa loob ng

tatlong taon habang bumababa naman ang average sa asignaturang Filipino.

Noong taong 2016 naman, nakapanayam ni Malou Mangahas si Mila Villanueva at

dito nabunyag na maraming mga mag-aaral ang hirap sa paggamit ng wikang Filipino.

Dahil daw diumano sa pagka-uso ng text messaging. Ayon naman kay Samuel Caberte

(2016) na isang mag-aaral, mas pinipili niyang gamitin ang wikang banyaga dahil ayon sa

kaniya ay nahihirapan siya sa paggamit ng purong Filipino dahil may mga termino na

walang tiyak na katumbas sa wikang Filipino.

Sa mga ganitong uri ng panayam at dokumentaryo makikita ang unti-unting

pagkalas ng mga Pilipino sa kanilang wikang Pambansa. Kasabay ang pagtalikod sa

wikang Pambansa ay siya namang pagtangkilik ng mga Pilipino sa wikang banyaga. Ayon

nga kay San Juan (2014), siya ang may-ari ng bahay ngunit siya ay pinalayas; itinuro sa

kaniya ang pinto at nadoon siya sa labas ngayon na basang-basa sa ulan. Ginamit ni Dr.

David San Juan ang senaryong ito upang ipakita kung paano itrato ng mga Pilipino ang

kanilang sariling wika na kung saan ang wikang Filipino ang may-ari ng bahay ngunit

ibang wika ang naninirahan dito ngayon.

7
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matuklasan ang iba pang mga pag-uugat

ng kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Upang malaman ito, ang

mananaliksik ay magsasagawa ng panayam sa mga napiling indibidwal.

Konseptwal na Balangkas

INPUT PROCESS OUTPUT

 Sanhi ng kawalan  Panayam (Video  “Pag-uugat ng


ng interes sa call, Google Meet Kawalang Interes
Asignaturang at Zoom) ng mga Mag-
Filipino  Google Form aaral sa
 Lawak ng Asignaturang
kaalaman sa Filipino.”
wikang Filipino
 Karanasan sa
asignaturang
Filipino

Ang konseptwal na balangkas o “conceptual framework” ng pananaliksik na ito ay

ginamitan ng input-process-output model. Nakasaad sa input frame ng mga tagatugon ang

sanhi ng kawalan ng interes sa asignaturang Filipino, lawak ng kaalaman sa wikang

Filipino at karanasan sa asignaturang Filipino. Ito ang mga ilang katanungan ng

mananaliksik upang maisakatuparan ang pananaliksik. Sa process frame naman ay

pumapatungkol sa hakbang na gagawin ng mananaliksik upang makalikom ng

8
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

impormasyon mula sa mga napiling tagatugon. Ang output framework naman ay

sumasaklaw sa implikasyon ng mga nakuhang datos at sa pag-uugat ng kawalang interes

ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Pag-uugat ng Kawalang Interes ng mga

Mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Binibigyang kasagutan sa pag-aaral na ito ang mga

katanungang:

1. Ano ang sanhi ng kawalang interes ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino?

2. Gaano kalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang sariling wika?

3. Ano ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino?

Saklaw at Delimitasyon

Ang tanging pokus ng pananaliksik na ito ay makakalap ng mga impormasyon na

makapagbibigay kasagutan kung ano ang ugat ng kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino. Ang mananaliksik ay pipili lamang ng limang respondente na

kasalukuyang nasa kolehiyo at nakaranas nang hindi maganda sa asignaturang Filipino sa

mga panahong sila ay nasa elementarya at sekondarya. Ang mga tagatugon na napili ang

9
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

siyang binigyang pansin sa kadahilanang naniniwala ang mananaliksik na sila ang

makapag-bibigay ng opinyon sa pag-aaral na isasagawa.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay na maaaring makapagbigay ng

impormasyon sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral, makatutulong ang pananaliksik na ito upang maibalik ang nawawalang

pagmamahal sa kanilang sariling wika. Nagsisilbing instrumento ito upang makapag-isip

ang mga mag-aaral na ang wikang Filipino ay marapat na pahalagahan sa lahat ng

pagkakataon.

Sa mga guro, makakukuha sila ng kaalaman sa kasaluyang kaganapan sa lipunan na may

kinalaman sa wikang pambansa upang sa gayon ay makagawa sila ng mga hakbang upang

maging interesadong muli ang mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Sa administrasyon ng mga paaralan, maaaring magbigay impormasyon ito sa mga

namamahala sa mga paaralan upang kanilang malaman ang kasalukuyang estado ng

Wikang Filipino sa mga paaralan. Sa pamamagitan nito ay maaari silang makalikha ng

solusyon sa lumalaking suliraning ito.

10
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Metodolohiya

Uri ng Pananaliksik

Ayon sa Philippine News (2021), ang pananaliksik ay mahalaga dahil ito ang

dahilan kung bakit may mga bagay-bagay na nagpapaginhawa sa pamumuhay ng mga tao.

Ang layunin nito ay bigyang solusyon ang mga suliranin sa lipunan. Sa pamamagitan ng

pananaliksik ay lumalawak at lumalalim ang karanasan ng tao. Ang pananaliksik na ito ay

isang qualitative research sapagkat ito ay ipinapakita nito ang isang kaganapan sa isang

partikular na larangan nang may pagpapakahulugan (Denzin & Lincoln, 2000). Dagdag pa

nina (Conger, 1998; Bryman et al, 1998; Alvesson, 1996), may kakayahan itong bumuo ng

mga bagong ideya at teorya.

Respondante at Pamamaraang Pamimili

Ang mga magiging respondante sa pananaliksik na ito pipiliin batay sa kanilang

naging grado at karanasan sa asignaturang Filipino noong sila ay nasa elementarya at

sekondarya.

11
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Instrumento

Ang mga instrumentong gagamitin sa pananaliksik na ito ay mga application na

kung saan maaaring makapagsagawa ng panayam tulad ng video call sa Messenger, Google

Meet, at Zoom Meetings. Kung sakali namang hindi maisasakatuparan ang panayam sa

pamamagitan ng mga nabanggit na instrument ay gagamit ang mananaliksik ng Google

Form. Inaasahan na ng mananaliksik ang problemang teknikal sa internet na maaaring

maganap dahil ayon kay Escudero (2020) ng Pilipino Star Ngayon, ang estado ng

telekomunikasyon ng Pilipinas ay nasa pang-33 sa hanay ng mga bansa sa Asya sa Mobile

Broadband Speed. Samakatuwid, hindi ganoon kaganda ang estado ng internet sa Pilipinas.

Kaya naman umisip ang mananaliksik ng alternatibong paraan upang maayos na makuha

ang mga hinihinging opinyon at impormasyon.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Ang pangunahing pinagkunan ng datos ng mananaliksik sa pananaliksik na ito ay

galing sa internet kagaya ng Google, Research Gate, YouTube, at Academia. Ayon kay

Acosta (2017), malaki ang bahagi ng internet sa pamumuhay ng mga tao. Nakatutulong ito

sa mga mag-aaral na gumagawa ng pananaliksik dahil napadadali nito ang pagkalap ng

baging impormasyon sa isasagawang pag-aaral. Naging bahagi rin sa pagkalap ng datos

ang pagkakaroon ng panayam sa mga respondante. Pagkatapos ng isinagawang panayam

12
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

ay pinakinggan at itinala ng mananaliksik ang mga nai-record na mga sagot mula sa

pakikipanayam.

Etikal na Konsiderasyon

Sa gagawing pakikipanayam sa mga napiling respondante ay isinaalang-alang ng

mananaliksik ang etikal na tuntunin sa pagsasagawa ng pananaliksik sa pamamagitan ng

liham na naglalayong humingi ng pahintulot sa mga respondante. Ang mga pangalan at

kasagutan ng mga respondante ay mananatiling kumpidensyal. Ayon kay Baez (2002),

mahalaga ang confidentiality upang maprotektahan ang mga respondante at mapanatili ang

pamantayang etikal at ang integridad ng proseso ng pagsasaliksik. Hindi magkakaroon ng

sariling interes ang mananaliksik sa magiging resulta ng pananaliksik. Ang tanging layunin

ng pag-aaral na ito ay magbigay kaalaman sa kasalukuyang lagay ng Filipino sa paaralan.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang mga nakalap na impormasyon ng mananaliksik ay may malaking gampanin sa

pananaliksik na ito. Sa mga oras na naisagawa na ang pakikipanayam sa mga respondante

ay itatala ito at susuriin ng mananaliksik.

13
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Resulta

Resulta at Pagtalakay

Mula sa mga nalikom na datos at impormasyon sa pananaliksik, ang bahagi ng

pananaliksik na ito ay tumatalakay sa kahalagahan ng mga impormasyon na nakalap sa

napiling pag-aaral. Kinapanayam ng mananaliksik ang limang respondanteng mag-aaral na

may hindi magandang karanasan sa asignaturang Filipino. Sa pamamagitan ng panayam

na ito ay naisakatuparan ng mananaliksik ang hangad na makuha ang kanilang opinyon o

sariling karanasan.

Ang unang katanungan ay kung ano ang sanhi ng kanilang kawalan ng interes sa

Filipino. Batay sa naging kasagutan ng mga respondante ay ang dahilan ng kanilang

kawalan ng interes ay nagmumula mismo sa paaralan. Dahil ang pangunahing wika na

ginagamit bilang wikang panturo ay wikang Ingles kung kaya naman mas nabibigyan ng

pansin ang wikang banyaga kaysa sa wikang Filipino. Dagdag pa ng isang respondante ay

nagiging salik din sa pagkawala ng interes ang social media dahil wikang banyaga rin ang

madalas na mabasa rito. Ayon naman sa isang respondante, ang dahilan ng kawalan niya

ng interes ay dahil mababa umano ang kaniyang grado noon sa Filipino at isa pa ay

naniniwala siyang hindi umano ganoon kahalaga ang pagkatuto ng Filipino hindi katulad

ng English at Mathematics.

14
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Sa ikalawang katanungan ay tinalakay kung gaano kalawak ang kanilang kaalaman

sa Wikang Filipino. Sa katanungang ito ay napag-alaman ng mananaliksik na hindi ganoon

kalawak ang kanilang kaalaman sa kanilang sariling wika. Batay sa impormasyong nakuha

ay mas napupukaw ang interes ng mga respondante sa wikang Ingles at bukod pa rito ay

mas naihahayag nila ang kanilang nais sabihin at damdamin gamit ito. kahit na wikang

Filipino ang kanilang kinalakihan, hindi ito sapat na dahilan upang ito ay kanilang

pahalagahan.

Ang huling katanungan naman ay pumapatngkol sa karanasan ng mga respondante

sa asignaturang Filipino. Sa ibinahaging karanasan ng apat na respondante ay iisa lamang

ang kanilang naging karanasan sa tuwing oras ng pag-aaral s asignaturang Filipino. Batay

sa kanila, ang kanilang guro ay madalang lamang pumasok sa klase. Sa tuwing sila ay

nagkaklase na sa Filipino ay palaging lumiliban ang kanilang guro at laging dinadahilan na

mayroong importanteng aasikasuhin. Ang mahirap pa umano ay malimit na nga lamang

magturo ang guro ngunit palagi pa itong may ipinapagawang aktibidades kahit pa wala

naman itong itinuro. Kaya naman ang kanilang nakuhang grado sa Filipino ay mababa.

Ayon naman sa salaysay ng dalawang respondante, ang asignaturang Filipino ay

nakatatamad pag-aralan sapagkat noong sila ay nasa elementarya ay ang oras ng kanilang

asignaturang Filipino ay pang hapon. Kaya naman sa tuwing sila ay nagkaklase na ay

kadalasan silang inaantok na kung nagreresulta ito ng hindi pakikinig sa itinuturo ng

kanilang guro.

15
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Kongklusyon

Mula sa mga impormasyong nakalap ay nakabuo ang mananaliksik ng mga

sumusunod na kongklusyon:

Ang isang pag-uugat ng kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino ay dahil ang pangunahing wikang ginagamit sa mga paaralan ay wikang Ingles.

Kaya naman ang laging naririnig ng mga mag-aaral ay wikang banyaga. Masasabi rin na

isang salik ang social media bilang sanhi ng kawalan ng interes sapagkat ang mga social

media cites tulad ng Facebook, Twitter at TikTok ay nanggaling sa iba’t ibang bansa. Kaya

naman ang wikang ginagamit sa mga platapormang ito ay hindi wikang Filipino bagkus

mga wikang banyaga ang dominante rito.

Napatunayan sa pananaliksik na ito na ang mga Pilipino ay naka-iintindi ng wikang

Filipino ngunit hindi ganoon kalawak ang kanilang kaalaman dito. Kahit na ito ay

ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagtalastasan ay hindi ito sapat

na dahilan upang maging maalam ang mga Pilipino sa kanilang Pambansang Wika.

Natuklasan din sa pananaliksik na ito na mayroon ding papel na ginagampanan ang

mga guro sa kawalan ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Batay sa

nakalap na impormasyon sa mga isinagawang sarbey ay may mga guro na hindi pumapasok

sa tuwing sila ay magkaklase sa Filipino. Ang iba naman ay bigay nang bigay ng mga

16
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

gawain sa mag-aaral kahit hindi naman sila nagtuturo. Sa ganitong sistema, hindi na

nakapagtataka na mawalan ng interes ang mga mag-aaral kung mismong mga guro ay hindi

interesadong magturo.

Bukod pa rito ay lumabas din sa pananaliksik na may kinalaman ang iskedyul ng

oras ng asignaturang Filipino sa kawalan ng interes ng mag-aaral na pag-aralan ito.

Nabanggit sa sagot ng mga respondante na ang iskedyul ng kanilang asignaturang Filipino

ay tuwing hapon. Dito naman papasok ang kaugalian ng mga Pilipino na pagsi-siesta

tuwing hapon na namana mula sa mga espanyol. Ayon kay Binsky (2019), ang siesta ay

ang pagpapahinga tuwing hapon sa kasagsagan ng kainitan ng araw pagtapos

mananghalian. Karaniwang ginagawa ito upang muling maka-ipon ng lakas.

17
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Rekomendasyon

Kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon sa mga paaralan na kung saan mababa

ang tingin ng mga mag-aaral sa wikang Filipino at hindi ganoon kalaki ang interes sa pag-

aaral dito, hindi malayo na sa mga darating na panahon ay unti-unting maglaho ang

pambansang wika. Dahil sa kasalukuyang lagay ngayon ng Filipino ay ito ay nasa

panganib.

Kaugnay ng mga nabanggit na kongklusyon, buong-pagpapakumbabang inilalahad

ng mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Mas bigyan ng pagpapahalaga ang wikang Filipino sa pamamagitan ng

paggamit nito bilang wikang panturo sa mga paaralan.

2. Dagdagan ang mga librong nasa wikang Filipino tulad ng maiikling kwento at

alamat sa mga silid-aklatan o kaya naman ay sa mga silid.

3. Bigyang pansin ang mga guro na hindi aktibo sa kanilang pagtuturo ng

asignaturang Filipino.

4. Gumawa ng mga programa sa paaralan na may kinalaman sa wikang Filipino

na kung saan maaaring maaliw ang mga mag-aaral katulad ng palarong-isip at

tribya.

5. Bumuo ng grupo o pahina sa mga social media cites na nagtatakalay at

nagbibigay impormasyon tungkol sa wikang Filipino.

18
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Sanggunian

Almario, V. (2014). Investigative documentaries: Ang Estado Ng ... - youtube. (n.d.).


Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0.

Apao, G. (2014). Kahalagahan ng Wikang Filipino SA Edukasyon. Kahalagahan ng


Wikang Filipino sa Edukasyon. (n.d.). Retrieved from
http://filipinotermpaper.blogspot.com/.

Baez, B. (2002). Confidentiality in qualitative research: Reflections on secrets, power and


agency - Benjamin Baez, 2002. SAGE Journals. Retrieved from
https://journals.sagepub.com/doi/abs/10.1177/1468794102002001638.

Bakit Kailangan Ang Pananaliksik? Halimbawa At Kahulugan. (2021, February 20). Bakit
Kailangan Ang Pananaliksik? Halimbawa at Kahulugan. Philippine News.
Retrieved from https://philnews.ph/2021/02/20/bakit-kailangan-ang-pananaliksik-
halimbawa-at-kahulugan/.

Barrios, J. (2018). Filipino: Wika Ng Saliksik. August 2018. Retrieved from http://bnk1y1-
2.blogspot.com/2018/08/.

Denzin & Lincoln. (2000). Qualitative Research - University of Arkansas at Little Rock.
(n.d.). Retrieved from
https://ualr.edu/interdisciplinary/files/2010/03/Qualitative_Research.pdf.

Domingo, R. (2015). Sa Pag-Usbong ng Globalisasyon, Wikang pilipino'y Di Dapat


Maglaho. SA PAG-USBONG NG GLOBALISASYON, WIKANG PILIPINO'Y DI
DAPAT MAGLAHO. Retrieved from https://readomingo.blogspot.com/2015/09/sa-
pag-usbong-ng-globalisasyon-wikang.html.

19
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Escudero, M. (2020). Palasyo dismayado Sa Mabagal na internet. Philstar.com.


Retrieved from https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/12/11/2062946/palasyo-dismayado-sa-mabagal-na-internet.

Francisco, G. (2015). Ano Ba Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral ng Wikang Filipino SA


Tersyarya? Dlsudmco.wordpress.com. Retrieved from
https://dlsudmco.wordpress.com/2015/11/24/ano-ba-ang-kahalagahan-ng-pag-
aaral-ng-wikang-filipino-sa-tersyarya/

Mabaquiao, N. (2010). Philippine ejournals| Globalisasyon, Kultura, at ... (n.d.). Retrieved


from https://ejournals.ph/article.php?id=7900.

Mangahas, M. (2014). Investigative documentaries: Ang Estado Ng ... - youtube. (n.d.).


Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0.

Naval, J. (2014). Investigative Documentaries: Ang estado ng wikang Filipino [Video].


YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=ItGchSV-Gzg

Panatilihin at Pagyamanin ang Wikang Filipino at Panitikan SA Kolehiyo PAHAYAG NG


UP Diliman University Council. University of the Philippines Diliman Panatilihin at
Pagyamanin ang Wikang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo Pahayag ng UP Diliman
University Council Comments. (n.d.). Retrieved from
https://upd.edu.ph/panatilihin-at-pagyamanin-ang-wikang-filipino-at-panitikan-sa-
kolehiyo-pahayag-ng-up-diliman-university-council/.

Pangilinan, C. (2019). Pagtutol sa Pagkitil sa Wikang Filipino. University of the


Philippines Diliman Pagtutol sa pagkitil sa Wikang Filipino Comments. (n.d.).
Retrieved from https://upd.edu.ph/pagtutol-sa-pagkitil-sa-wikang-filipino/.

20
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Rodriguez, R. (2019). Pagtutol sa Pagkitil sa Wikang Filipino. University of the


Philippines Diliman Pagtutol sa pagkitil sa Wikang Filipino Comments. (n.d.).
Retrieved from https://upd.edu.ph/pagtutol-sa-pagkitil-sa-wikang-filipino/.

Salcedo, M.A. (2019). Epekto ng paggamit ng Wikang Filipino at Wikang Ingles sa


Larangan Ng Pagtuturo. March 2019 Retrieved from
https://www.studocu.com/ph/document/notre-dame-of-dadiangas-university/bs-
industrial-engineering/epekto-ng-paggamit-ng-wikang-filipino-at-wikang-ingles-sa-
larangan-ng-pagtuturo/16242422.

San Juan, D. (2014). Investigative documentaries: Ang Estado Ng ... - youtube. (n.d.).
Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0.

The constitution of the Republic of the Philippines: Govph. Official Gazette of the Republic
of the Philippines. (n.d.). Retrieved from
https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1987-constitution/.

Tullao, T. (2020). Wikang Filipino _ Wika Sa Globalisasyon. (n.d.). Retrieved from


https://pdfcookie.com/documents/wikang-filipino-wika-sa-globalisasyon-
429j6gmg00ln.

Villanueva, M. (2014). Investigative documentaries: Wikang Filipino ... - youtube. (n.d.).


Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o.

21
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Apendiks

22
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Liham na Humihingi ng Pahintulot

Isang mapagpalang araw!

Ako ay si Jerico Waje na isang mag-aaral mula sa Mabalacat City College na kasalukuyang
nasa ikatlong taong sa kursong Batsilyer sa sekundarya ng edukasyon medyor sa Filipino.
Ako po ngayon ay nagsasagawa ng isang sulating pananaliksik bilang bahagi ng pagtugon
sa pangangailangan para sa asignaturang Introduksyon sa Pananaliksik – Wika at
Panitikan. Ang aking pananaliksik ay may pamagat na “Pag-uugat ng Kawalang Interes ng
mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino”.

Kaugnay po nito, ako ay humihingi sa inyo ng pahintulot na maging bahagi ng aking


pananaliksik bilang isang respondante na sasagot iilang mga katanungan. Ang inyong
magiging sagot at opinyon ay mananatiling kumpidensyal at hindi gagamitin sa personal
na interes ang mga impormasyong kalakip dito. Ako po ay naghahangad ng isang
maaliwalas at positibong tugon sa aking nais upang sa gayon ay matagumpay kong
maisakatuparan ang aking pananaliksik sa tulong ng inyong mga kasagutan.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Jerico D. Waje
Mananaliksik

23
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Instrumento

24
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Transkripsyon

Unang Respondante

1. Ano ang sanhi ng kawalan mo ng interes sa Wikang Filipino? *

 Mababa ang aking grade sa Filipino. At satingin ko noon hindi sya ganon ka

importante gaya ng pagkatuto sa English at Mathematics.

2. Gaano kalawak ang kaalaman mo sa sarili mong wika? *

 Hindi gaano kalawak sapagkat wala akong interest makinig sa aking guro noon.

3. Ano ang mga karanasan mo sa asignaturang Filipino? *

 Noong Elementarya ako, madalas yung asignaturang Filipino ay sa hapon. Kaya

ang nagiging resulta ay tinatamad akong makinig sa aking guro okaya naman

hindi ako interesado.

25
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Ikalawang Respondante

1. Ano ang sanhi ng kawalan mo ng interes sa Wikang Filipino? *

 Sa mga eskwelahan kase ngayon, kahit na sabihin natin na ginagamit parin ang

wikang pilipino, ay mas nagagamit na ng husto ang wikang Ingles, almost all

subjects uses the English language, kaya naman medyo nawawalan na ng interes

ang mga magaaral sa wikang pilipino ngayon, akorin personally. Oo nagagamit

ito sa pakikipagtalakayan sa kapwa, pero hindi na talaga ito nauutilize as a main

priority. And less resources possible means na less ang makakaalam at

makakagamit dahil sa less opportunities.

2. Gaano kalawak ang kaalaman mo sa sarili mong wika? *

 Bilang isang anak na lumaki sa isang tahanan na Pilipino ang pinaka unang

natutunan, nakakapagsalita naman ako ng matiwasay at direkta, ngunit ako'y

nahihirapan na gamitin ito sa pageexpress sa aking sarili, sapagkat sa aking

paaralan ay mas nagagamit na simula pa noon ang wikang Ingles. Mas nakuha

nito ang aking interes, pero hindi koparin iiwan ang wikang pilipino, kaya ko

itong iwika at gamitin, hindi ngalang ang mga kahulugan.

26
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

3. Ano ang mga karanasan mo sa asignaturang Filipino? *

 Sa totoo lang, akorin ay sobrang nahirapan noong mga panahon na iyon, sa MCC,

nagkaroon kami ng KomFil with sir Kevin, one of the best teachers na na-

encounter ko, for once, nagenjoy talaga ako sa subject na filipino kase napakabait

and napaka galing, kahit na nahihirapan ako. Ngunit noong ikawalang semester

na, nagkaroon kami ng dalumat fil at nagkulangan talaga sa oras, at sa presensya

ng guro, kaya medyo nahirapan talaga ako sa pag gawa at pagtuto sa wikang

pilipino.

27
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Ikatlong Respondante

1. Ano ang sanhi ng kawalan mo ng interes sa Wikang Filipino? *

 Im not literally losing interest in using Filipino language, hindi na lang sya

masyadong nagagamit especially in academic-related works since English na nga

ang mas madalas ginagamit in school and also I'm an English major so the usage

of the Filipino language decreases unlike in pre-pandemic years. Also in social

media, it is diverse since users came from different countries, we must use the

English language to bridge the gap between diff languages and its saddening that

our own Filipino language were left out. Pero kahit na may language crisis, some

groups are pursuing the use of Filipino language more often as well as the

Baybayin

2. Gaano kalawak ang kaalaman mo sa sarili mong wika? *

 I grew up using the tagalog language so I talk to people using tagalog either in

school or at home. Pero hindi ibig sabihin na ganun na ako kaalam sa wikang

kinalakihan kumbaga ung kaalaman ko is within the surface pa lang, alam kong

mas marami pang bagay ang mga dapat na malaman sa aking sariling wika. And

as a college student, kahit ganito na kalayo ang lebel na narating ko, hnd pa sapat

ang mga kaalaman na natutunan ko dahil sa likod ng mga impormasyon sa libro

28
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

at internet, ay mayroon paring mga kaalaman na maaaring matuklasan kung

patuloy na magreresearch at maghahanap ng mga kasagutan.

3. Ano ang mga karanasan mo sa asignaturang Filipino? *

 Marami na akong karanasan sa asignaturang Filipino, may mga pangyayari ka

lang talagang di makakalimutan tulad ng mga natutunan mo at bagay na sa

panahon mo lang na iyon nalaman. At isa sa mga karanasang di ko

makakalimutan is ung time namin sa isang prof namin sa asignaturang filipino,

it was two years ago and im in the 1st year in college that time. I actually love

the teacher and her approach to student, napaka humble and considerate but her

ways of teaching is not acceptable. She is always absent everytime we have a

scheduled class so napag iiwanan kami sa lesson tapos bigla na lang magiiwan

ng activity sa ibang prof without us having a prior knowledge of what was going

to happen or kahit topic man lang na irereview. Ang mga ganitong pangyayari

ay isa sa mga bagay na nagbibigay dahilan para hindi bigyang pansin ng mga

mag aaral ang wikang filipino, napapabayaan at hnd nabibigyang halaga dahil

naipapasa naman nila.

29
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Ikaapat na Respondante

1. Ano ang sanhi ng kawalan mo ng interes sa Wikang Filipino? *

 Nawawalan ako ng interes sa Wikang Filipino dahil kadalasan ay ginagamit ang

Ingles sa mga paaralan at sa mga asignatura kaysa rito.

2. Gaano kalawak ang kaalaman mo sa sarili mong wika? *

 Ako ay nakakaintindi ngunit hindi ganoon kalawak ang aking kaalaman lalo na

sa malalalim na salita.

3. Ano ang mga karanasan mo sa asignaturang Filipino? *

 Naaalala ko ang isang guro namin sa isang asignaturang Filipino na walang

naituro sa amin dahil lagi siyang hindi pumapasok. Wala kaming natutunan sa

asignaturang iyon.

30
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Ikalimang Respondante

1. Ano ang sanhi ng kawalan mo ng interes sa Wikang Filipino? *

 Di ko ito gaanong nagagamit ngayon dahil mas nagpapakadalubhasa ako sa

wikang Ingles kaysa sa Wikang Filipino, pero di naman ako nawalan ng interes

sa wikang Filipino, kasi marami akong natutunang malalalim na salita sayo.

2. Gaano kalawak ang kaalaman mo sa sarili mong wika? *

 Sakto lang na nakakapagsalita ako ng wikang Filipino pero di gaanon kalawak

pag iintindi ko dito.

3. Ano ang mga karanasan mo sa asignaturang Filipino? *

 Hindi ko naman gaanong pansin ang wikang Filipino simula pa noong nasa

elementarya pa ako... Madalas din kasi akong nakakakuha ng mababang marka

sa subject na to kaya nawalan ako ng interes noon dito. Halos din kasi sa mga

naging guro ko sa asignaturang Filipino ay Madalang lang pumasok, at kung

minsan pa, mas madalas pa ang pagbibigay ng mga gawain kesa sa pagdidiscuss.

31
MABALACAT CITY COLLEGE
INSTITUTE OF ARTS, SCIENCES AND TEACHER EDUCATION
MABALACAT CITY, PAMPANGA

Ikaanim na Respondante

1. Ano ang sanhi ng kawalan mo ng interes sa Wikang Filipino? *

 Noong ako ay nasa primaryang lebel, hindi ganoon kataas ang aking nakukuhang

marka sa sabject na Filipino kaya nawalan ako ng gana sa pag aaral ukol dito.

2. Gaano kalawak ang kaalaman mo sa sarili mong wika? *

 Nakakaintindi naman ako ng aking sariling wika sa impormal na paraan ngunit

hindi ganoon kalalim ang aking kaalaman ukol sa iba't-ibang paraan ng pag-

gamit dito.

3. Ano ang mga karanasan mo sa asignaturang Filipino? *

 Noong ako ay Nasa elementarya, laging natatapat ang sabject na Filipino sa oras

ng hapon kaya minsan talagang nakakatamad at mahirap pagtuonan ng pansin.

32

You might also like