You are on page 1of 13

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 1

KABANATA 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Sumalig ang pag-aaral na ito sa ginamit na metodolohiya o paraan ng

mananaliksik sa pangangalap ng datos na may kahalagahan at kaugnayan sa

pag-aaral na isinagawa.

PAMAMAMARAAN

Palarawang disenyo ang ginamit na pamamaraan ng mga mananaliksik

sa pagsagot sa mga suliranin sa pananaliksik Katanggapan ng Mungkahing

Manwal sa Pag-aaral ng Wikang Español batay sa mga piling mag-aaral at

mga guro na naglalayong mataya ang katanggapan ng iminumungkahing

manwal sa wikang Español gamit ang wikang Filipino bilang lunsaran at mga

mungkahi ng iba’t ibang respondente hinggil sa pagpapaunlad ng manwal. Ito

ang piniling pamamaraan para maging sistematiko ang paglalarawan sa mga

datos at ito’y maging makatotohanan.

Ang ginamit na instrumento ay sumailalim sa balidasyon ng mga guro sa

wika at pinasagutan sa mga piling mag-aaral na kumukuha ng kursong FOLA sa

Wikang Español at mga piling guro sa Filipino mula sa mataas na paaralan ng


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 2

Lungsod Quezon na respondente ng pag-aaral upang makuha ang pinakalayunin

ng bawat aytem sa talatanungan at masagutan ito ng wasto at may pag-unawa.

Sa pagtaya sa katanggapan ng mungkahing manwal sa pag-aaral ng

wikang Español gamit ang wikang Filipino bilang lunsaran ay gumamit ng Likert

Scale sa bawat aytem upang matumbasan ng pagpapakahulugan ang mga datos

batay sa sumusunod na interpretasyon:

Gabay sa Interpretasyon:

Mean Deskripsyon

4.50 – 5.00 Lubusang Sumasang-ayon (LS)

3.50 – 4.49 Sang-ayon na Sang-ayon (SS)

2.50 – 3.49 Sang-ayon (S)

1.50 – 2.49 Hindi Sang-ayon (HS)

1.00 – 1.49 Lubusang Hindi Sumasang-ayon (LHS)

Ang gabay sa interpretasyon sa itaas ay ginamit sa aytem na tinataya ang

katanggapan o pagsang-ayon ng mga mag-aaral at mga guro sa paggamit ng

manwal sa pag-aaral ng wikang Español batay sa nilalaman, gamit ng wika at

istilo at estratehiya.
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 3

DESKRIPSYON NG MGA RESPONDENTE

Sa pagpili ng populasyon, ang mananaliksik ay gumamit ng purposive

sampling technique. Ang pagpili ng mga respondente ay nakabatay sa kraytirya

at may kaalaman sa isyu ng isinasagawang pananaliksik at ang kapasidad at

kasiyahang-loob na lumahok sa pananaliksik. Inaasahang makapagbibigay ng

angkop na datos sa lalim at kahalagahan ng pag-aaral ang mga respondente

dahil ang paksa ay nasa linya ng kanilang interes.

TALAHANAYAN 1

Profayl ng mga Mag-aaral na Tagatugon batay sa


Edad

Edad Bilang Bahagdan

1. 15-16 0 0%

2. 17-18 1 2.32

3. 19-20 30 69.76

4. 21-22 12 27.92

5. 23-24 0 0%

6. 25-Pataas 0 0%

Kabuuhan 43 100%
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 4

Makikita sa talahanayan 1 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga mag-

aaral na tagatugon batay sa edad. Walang tagatugon para sa edad na mula 15

hanggang 16; sa edad na 17 hanggang 18 ay may bilang na 1 at may

bahagdang 2.32; sa edad na mula 19 hanggang 20 ay may bilang na 30 at may

bahagdang 69.76; sa edad na mula 21 hanggang 22 ay may bilang na 12 at may

bahagdang 27.92; walang tagatugon para sa edad na mula 23 hanggang 24; At

walang tagatugon para sae dad na 25 hanggang pataas. Sa kabuuan ay

makikitang 43 ang kabuuang bilang at may 100 na kabuuang bahagdan ang

profayl ng tagatugon batay sa edad.

TALAHANAYAN 2

Profayl ng mga Mag-aaral na Tagatugon batay sa


Katayuang sibil

Katayuang sibil Bilang Bahagdan

1. Binata/Dalaga
43 100

2. Kasal 0 0%

3. Hiwalay 0 0%

4. Balo 0 0%

Kabuuan 43 100%
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 5

Makikita sa talahanayan 2 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga

mag-aaral na tagatugon batay sa katayuang sibil. Para sa binata o dalaga ay

may bilang na 43 at may bahagdang 100; sa kasa, hiwalay at balo ay walang

tagatugon. Sa kabuuan ay makikitang 43 ang kabuuang bilang at may 100 na

kabuuang bahagdan ang profayl ng tagatugon batay sa katayuang sibil.

TALAHANAYAN 3

Profayl ng mga Mag-aaral na Tagatugon batay sa


Kasarian

Kasarian Bilang Bahagdan

1. Lalaki 20 46.52

2. Babae 23 53.48

Kabuuan 43 100%

Makikita sa talahanayan 3 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga

mag-aaral batay sa kasarian. Para sa lalaki ay may bilang na 20 at may

bahagdang 46.52; At sa babae ay may bilang na 23 at may bahagdang 53.48;.

Sa kabuuan, makikitang 43 ang kabuuang bilang at may 100 na kabuuang

bahagdan ang profayl ng tagatugon batay sa uri ng trabaho.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 6

TALAHANAYAN 4

Profayl ng mga Mag-aaral na Tagatugon batay sa


Bilang ng yunit na nakuha sa pag-aaral ng wikang Español

Bilang ng yunit Bilang Bahagdan

1. Wala
0 0%

2. 1-2 2 4.65%

3. 3-4 0 0%

4. 5-pataas 41 95.35%

Kabuuan 43 100.00

Makikita sa talahanayan 4 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga

mag-aaral batay sa bilang ng yunit na nakuha sa pag-aaral ng wikang Español.

Walang tagatugon para sa wala; para sa 1-2 ay may bilang na 2 at may

bahagdang 4.65; walang tagatugon para sa 3-4; at para sa 5 pataas ay may

bilang na 41 at may bahagdang 95.35. Sa kabuuan, makikitang 43 ang

kabuuang bilang at may 100 na kabuuang bahagdan ang profayl ng tagatugon

batay sa uri ng trabaho.


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 7

TALAHANAYAN 5

Profayl ng mga Gurong Tagatugon batay sa


Edad

Edad Bilang Bahagdan

1. 21-25 4 14.8%

2. 26-30 6 21.4%

3. 31-35 7 25%

4. 36-40 3 10.7%

5. 41-45 5 17.9%

6. 46-50 1 3.6%

7. 51-55 0 0%

8. 56-60 1 3.6%

9. 61 pataas 1 3.6%

Kabuuhan 28 100%

Makikita sa talahanayan 5 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga

gurong tagatugon batay sa edad. Para sa edad na mula 21 hanggang 25 ay may

bilang na14 at may bahagdang 14.8; sa edad na mula 26 hanggang 30 ay may

bilang na 6 at may bahagdang 21.4; sa edad na mula 31 hanggang 35 ay may

bilang na 7 at may bahagdang 25; sa edad na mula 36 hanggang 40 ay may


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 8

bilang na 3 at may bahagdang 10.7; sa edad na mula 41 hanggang 45 ay may

bilang na 5 at may bahagdang 17.9; sa edad na 46 hanggang 50 ay may bilang

na 1 at may bahagdang 3.6. Walang tagatugon sa bilang na 51 hanggang 55; sa

edad na 56 hanggang 60 ay may bilang na 1 at may bahagdang 3.6 at para sa

edad na 61 pataas ay may bilang na 1 at may bahagdang 3.6. Sa kabuuan ay

makikitang 28 ang kabuuang bilang at may 100 na kabuuang bahagdan ang

profayl ng tagatugon batay sa edad.

TALAHANAYAN 6

Profayl ng mga Gurong Tagatugon batay sa


Katayuang sibil

Katayuang sibil Bilang Bahagdan

1. Binata/Dalaga 12 42.9%

2. Kasal 15 53.6%

3. Hiwalay 1 3.6%

4. Balo 0 0%

Kabuuan 28 100%
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 9

Makikita sa talahanayan 6 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga

gurong tagatugon batay sa katayuang sibil. Para sa binata o dalaga ay may

bilang na 12 at may bahagdang 42.9; sa kasal ay may bilang na 15 at may

bahagdang 53.6; sa hiwalay ay may bilang na 1 at may bahagdang 3.6. Walang

tagatugon sa katayuang sibil na balo. Sa kabuuan ay makikitang 28 ang

kabuuang bilang at may 100 na kabuuang bahagdan ang profayl ng tagatugon

batay sa katayuang sibil.

TALAHANAYAN 7

Profayl ng mga Gurong Tagatugon batay sa


Bilang ng Taon sa Hanapbuhay

Bilang ng taon sa hanapbuhay Bilang Bahagdan

1. 0-5 taon 9 32.1%

2. 6-10 taon 5 17.9%

3. 11-15 taon 10 35.7%

4. 16-20 taon 3 10.7%


5. 21-25 taon 0 0%
6. 26-30 taon 0 0%
7. 31-35 taon 0 0%
8. 36 pataas 1 3.6%
Kabuuan 28 100%
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 10

Makikita sa talahanayan 7 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga

gurong tagatugon batay sa bilang ng taon sa hanapbuhay. Para sa taon na mula

0 hanggang 5 ay may bilang na 9 at may bahagdang 32.1; sa taon na mula 6

hanggang 10 ay may bilang na 5 at may bahagdang 17.9; sa taon na mula 11

hanggang 15 ay may bilang na 10 at may bahagdang 35.7; sa taon na mula 16

hanggang 20 ay may bilang na 3 at may bahagdang 10.7; sa taon na mula sa 21

hanggang 25 at 26 hanggang 30 ay walang tagatugon. At sa taon na mula sa 36

hanggang pataas ay may bilang na 1 at may bahagdang 3.6. Sa kabuuan,

makikitang 28 ang kabuuang bilang at may 100 na kabuuang bahagdan ang

profayl ng tagatugon batay bilang ng taon sa hanapbuhay.

TALAHANAYAN 8

Profayl ng mga Gurong Tagatugon batay sa


Pinakamataas na Natamong Edukasyon

Pinakamataas na natamong
edukasyunal Bilang Bahagdan

1. Elementarya 0 0%

2. Hayskul 0 0%

3. Kolehiyo 11 39.3

4. Yunit sa master 10 35.7


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 11

5. Nagtapos ng master 7 11

6. Yunit sa doctoral 0 0%

7. Nagtapos ng doctoral 0 0%

8. Iba pa 0 0%

Kabuuan 28 100%

Makikita sa talahanayan 8 ang bilang at bahagdan ng profayl ng mga

gurong tagatugon batay sa pinakamataas na natamong edukasyonal. Para sa

elementarya at hayskul walang tagatugon; sa kolehiyo ay may bilang na 11 at

may bahagdang 39.3, para sa yunit sa master ay may bilang na 10 at may

bahagdang 35.7; para sa nagtapos ng master ay may bilang na 7 at may

bahagdang 11 at para sa yunit sa doctoral, nagtapos ng doctoral at iba pa ay

walang tagatugon. Sa kabuuan, makikitang 28 ang kabuuang bilang at may 100

na kabuuang bahagdan ang profayl ng tagatugon batay sa pinakamataas na

natamong edukasyunal.

KOMPYUTASYONG ISTADISTIKAL

Upang isailalim ang mga nakalap na datos para tugunan ang mga

suliranin sa pananaliksik ang mga ginamit na pormula ay ang mga sumusunod:


POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 12

1. Bahagdan
% =f x 100
Na ang:
x
% - bahagdan
f - bilang ng mga sagot
x - kabuuang bilang ng mga sumagot
100 – constant

Ang pormulang ito ay gagamitin upang ikompyut ang bahagdan ng


populasyon sang-ayon sa mga kinikilalang elemento sa profayl ng mga tumugon.
2. Mean

Mean = __∑fx___

Na ang:
X – mean
f – dalas ng bilang ng mga kalahok na sumasagot sa bawat
aytem
N – kabuuang bilang ng mga kalahok

∑ - tumutukoy sa kabuuan

3. Weighted Mean

WM = ∑wx

∑w
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS 13

Na ang:
WM – weighted mean
∑wx – pagpaparami ng kabuuan ng tugon at bawat tugon
∑w – kabuuan ng tugon

Ginamit ang pormula ng mean at weighted mean upang makuha ang

pangkabuuang marka ng mga datos na makakalap. Gagamitin ito upang

mapahalagahan ang mga magiging tugon gamit ang iskalang inilahad.

Sumalig ang pag-aaral na ito sa ginamit na metodolohiya o paraan ng

mananaliksik sa pangangalap ng datos na may kahalagahan at kaugnayan sa

pag-aaral na isinagawa.

You might also like