You are on page 1of 97

1

Kabanata 1

ANG SULIRANIN- ANG SANLIGAN NITO

Ang pananaliksik ay isa sa mga gawaing sumusubok sa

kakayahan, nalalaman at husay ng isang tao. Kadalasang mga mag-

aaral, iskolar at propesyonal ang nakabubuo ng isang pananaliksik na

kapakipakinabang at nakapupukaw sa interes ng mga mamamayan. Sa

kasalukuyang panahon, sa pag- usbong ng sistemang pang- edukasyon

na K-12, kasabay na ibinaba ng Kagawaran ng Edukasyon ang

asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba‟t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik”. Alinsunod dito, kinakitaan ng malaking hamon para sa

mga mag- aaral ang pagbuo ng isang pananaliksik. Maraming

kadahilanan ang pinagmulan ng suliraning ito. Isa na dito ang kawalan

ng iskima o dating kaalaman o kung mayroon ma‟y hindi na matandaan

o walang matatag na pundasyon ng pagkatuto nito noon at iba pa. Sa

asignaturang nabanggit, tinatalakay muna sa unang bahagi ang

patungkol sa mga teksto; ano ang mga kahulugan nito, paano ito

isinasagawa at kung paano sinusuri ang akda batay sa uri ng teksto. Sa

ikalawang bahagi naman, tinatalakay ang pananaliksik, mga bahagi nito

at kung paano ito isinasagawa o binubuo.

Dumadaan sa maraming pagpapanday ang mga mag- aaral sa

panahon ngayon sa ilalim ng nasabing kurikulum sapagkat nais ng

Kagawaran ng Edukasyon na maging globally competitive ang mga


2

batang ito sa anomang aspeto. Ngunit paano nga ba mangyayari ito

kung hindi bihasa ang ilan sa mga mag- aaral sa mga makrong

kasanayan partikular na sa pagbasa at pagsulat na siyang

pinakagamitin sa pagbuo ng pananaliksik? Isa sa mga dahilan kung

bakit mahalagang bihasa ang mga mag- aaral sa wastong paggamit ng

wika sa pabguo ng pananaliksik sapagkat dito uugatin ang kanilang

kahusayan sa estruktura at nilalaman.

Nakasaad sa Konstitusyong 1987 ang mga probisyon kaugnay ng

pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa sa

pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa Sistema

ng edukasyon at pamamahala. Gayonpaman, tila tumataliwas ang

kasalukuyang kalagyan ng wikang pambansa lalong- lalo na sa

edukasyon. Kasabay sa pagpapawalng- bisa ang Executive Order 210

(Establishing the Policy to Strengthen the Use of English in the

Educational System) na ipinatupad ng dating Pangulong Gloria

Macapagal- Arroyo noong Mayo 2003 at ang tangkang lehislasyon ng

Gullas Bill 4710 o mas kilala sa tawag na English Bill, ay ang

pananatiling etsa- puwera ng wikang Filipino sa patakarang pangwika

ng edukasyon. Sa bagong estruktura ng General Education Curriculum

(GEC) sa pmamagitan ng CMO 20 Series 2013,inalis na bilang batayang

asignatura ang anim hanggang siyam nay unit ng Filipino. Mahalagang

panatilihin ang pag- aaral ng Filipino sa pinakamataas na antas ng


3

edukasyon sapagkat dito magbubukas ang posibilidad na gamitin ang

wika sa mataas na uri ng pannaliksik sa iba‟t ibang disiplina. Napaunlad

na ang akademikong aktitud at intelektuwal na kakayahan ng mga

mag- aaral sa antas na ito, kung kaya tiyak na kaya na nilang sapulin

ang pangangailangang manaliksik sa wika at paksang Filipino. Ngunit

dahil sa mabuway na pagtangan at pagpapatupad ng isang kritikal na

patakarang pangwika sa edukasyon ay lumiliit ang pag- asang umunlad

ang araling makabansa sa iba‟t ibang disiplina.

Ayon sa isinasaad ng malayang ensiklopedya, ang

pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon

na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng

paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag- alaman na.

Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng

pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (sistema)

at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin

o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o

mapamaraan, organisado o nakaayos at walang kinikilingan (obhetibo).

Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o

haypotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o

nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay

na ibig mapag- alaman pa ng mga mamamayan. Bukod sa pagbibigay

tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang


4

makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang

naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga

aklatan upang malaman kung ano ang mga napag- alaman hinggil sa

isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman.

Maaaring naghahanap- buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik

sa isang paaralan, klinika, laboratory o kaya isang planetaryo. May mga

mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag- aralan ang mga

guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-

aaral hinggil sa mga hubog ng mga bata. Maaari rin siyang maglakbay

sa kalawakan para pag- aralan ang sanlibutan. Upang makapagsaliksik,

nagpupunta ang isang mananaliksik sa mga aklatan, museo, laboratory,

nakikipanayam sa mga dalubhasa at nangongolekta ng mga opinyon sa

mga mamamayan o respondente. Sa simula, nagbabasa sila ng

sangguniang mga aklat na naglalaman ng pangkalahatang kaalaman o

may tiyak na mga paksa, katulad ng talahuluganan, ensiklopedya,

taunang- aklat, atlas, mapa, globo at indeks. Nagsisimula ang isang

mananaliksik na alamin muna o ganap na unawain ang kaniyang

napiling paksa, katanungan o napiling suliraning ibig tugunin. Mula sa

mga aklat na pangsanggunian, inaalam niya ang mga pang- alalay na

mga paksang kaugnay ng pangunahing paksa.

Maraming disenyo ang inihahain ng pananaliksik. Isa na dito ang

ang kuwalitatibong pananaliksik na kinapapalooban ng mga uri ng


5

pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag- uugali at

ugnayan ng mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong

ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag- uugali ng tao ay laging

nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan nito at ang

mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusiyon at ugnayang

pantao na hindi maaaring mabilang o masukat. Kung ang

kuwantitatibong pananaliksik ay ideyal sap ag-aaral ng mga malakihan

at pangkalahatang padron, ang kuwalitatibong pagdulog naman ay labis

na personal sapagkat ninanais nitong malalimang unawain ang pag-

uugali, katangian ng pakikipagrelasyon at partikularidad na ugnayan ng

mga kalahok sa pananaliksik. Layuning nitong magpakita ng malinaw at

detalyadong salaysay ng karanasan ng tao. Kabilang sa mga metodong

madalas gamitin sa ganitong uri ng pananaliksik ang pakikisalamuhang

obserbasyon (participatory observation), pakikipanayam at pagsusuri sa

nilalaman. Ang kagamitang ginagamit sa pangangalap ng datos sa

ganitong uri ng pananaliksik ay walang tiyak na estruktura o kakikitaan

lamang ng bahagyang estruktura at hindi ginagamitan ng pagsusuring

estadistikal ang datos na nakakalap. Kung deskriptibo at depinitibo ang

kuwantitatibong pananaliksik, ang kuwalitatibo naman ay nag- uusisa at

eksploratori. Hindi ito makapagbibigay ng tiyak at mapanlahat na

konklusyon, bagkus ay layunin lamang nitong magpaliwanag at

magbigay ng inisyal na pagkaunawa tungo sa pagbuo ng desisyon.


6

Nagsimula ang gawaing pananaliksik ng magsimulang magtanong

ang mga naunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay- bagay at

nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mga katanungang

ito. Halimbawa ng mga ito ang mga lumikha ng gulong at ang mga

nagsipagtalaa ng mga paggalaw ng mga bituwin ng kalangitan. Subalit

nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik

dahil kay Galileo Galilei noong 1500.

Kung kaya sa ganitong paraan, mas mapadadali ang pang- unawa

at mas makakamit ang tugatog ng pagkatuto sa asignaturang Filipino

partikular sa “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba‟t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik”.

KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL

Malaki ang ginagampanan ng pananaliksik sa bawat sektor ng

pamahalaan gayon din ang bawat sektor ng pamahalaan sa

pananaliksik. Napakahalaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga mag-

aaral kundi sa iba‟t ibang uri ng tao. Saklaw nito ang napakaraming

benipisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba‟t ibang

larangan.

Mga Mag- aaral. Makatutulong ang pag- aaral na ito sa

mga mag- aaral sa pamamagitan ng pagiging mas bukas sa pagtanggap

ng mga makabagong paraan ng pagtuturo ng mga guro. Sa pagkamit


7

ng ganap na pagkaunawa sa paksang pananaliksik, mas matatamo ng

mga mag- aaral ang kahandaan sa pakikipagsabayan sa iba pang mga

mag- aaral at empleyado sa hinaharap ng iba pang mga bansa.

Pagiging globally competitive at whollistic ng mga mag- aaral.

Mga Guro. Magiging bukas ang mga guro sa pagbabago sa

aspeto ng pagtuturo ng pananaliksik gamit ang iba‟t ibang istratehiya.

Mapalalakas nito ang pang- unawa ng mga guro sa kung ano ang dapat

nag awing prayoridad sa paggawa ng pang- araw araw na banghay-

aralin. Laging isasaalang- alang ng mga guro ang kapakanan ng mag-

aaral at hindi ang kaniyang lamang nais na paraan ng pagtuturo.

Mga Magulang. Mas mabibigyang suporta ang mga mag-

aaral sa pagbuo ng pnanaliksik sa aspetong moral at pinansiyal.

Magsisilbing karagdagang punla ang mga kaalaman ng pag- aaral na ito

sa mas matatag na paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak

at responsableng pagtugon sa ibang mga pangangailangan ng kanilang

mga anak.

Mga Manunulat. Magsisilbing daan sa mga manunulat na

lumikha at bumuo ng mga akdang tatalakay sa magagandang at

epektibong istratehiya na maaaring magamit ng mga guro sa pagtuturo

ng pananaliksik at pupunan sa kakulangan ng mga aklat na

tumatalakay sa pananaliksik, kahulugan, gamit at kahalagahan. Mga


8

aklat na napapanahon at madaling maunawaan ng mga mag- aaral

ngunit humahamon sa kanila upang mag- isip pa ng malalim.

Kagawaran ng Edukasyon. Mas mabibigyang tuon ng

Kagawaran ng Edukasyon ang pangangailangan ng mga mag- aaral at

guro sa aspetong pagbuo ng pananaliksik at maisasama ang mga

ganitong paksa sa mga seminar at kumperensiya na dadaluhan ng mga

guro upang mas mapag- ibayo ang kanilang paraan ng pagtuturo.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay magamit ang

Evidence-Based Teaching Strategies sa pagtuturo ng pananaliksik sa

Baitang 11. Upang magkaroon ng katuparan ang layuning ito, sinikap

ng mananaliksik na masagot ang sumusunod na mahahalagang

suliranin:

1. Gaano ang marka sa pretest ng:

a. grupong N-EBTS (kontrolado) at

b. grupong EBTS (eksperimental)?

2. May makabuluhan bang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo

sa pre- test?

3. Gaano ang marka sa post-test ng:


9

a. grupong N-EBTS at

b. grupong EBTS?

4. May makabuluhan bang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo

sa post test?

5. May makabuluhan bang pagkakaiba ang marka sa pretest at post-

test ng grupong N-EBTS?

6. May makabuluhan bang pagkakaiba ang marka sa pretest at post-

test ng grupong EBTS?

7. Gaano ang learning gain ng:

a. grupong N-EBTS at

b. grupong EBTS?

8. May makabuluhan bang pagkakaiba sa learning gain ng grupong N-

EBTS at grupong EBTS?

MGA HAYPOTESIS NA NULL

Ang sumusunod na null na haypotesis ay napatunayan sa

pamamagitan ng mga kaukulang estatistika at pagsusuma.

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo sa

pre- test.
10

2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo sa

post test.

3. Walang makabuluhang pagkakaiba sa pretest at post-test ng

grupong N-EBTS.

4. Walang makabuluhang pagkakaiba sa pretest at post-test ng grupong

EBTS.

5. Walang makabuluhang pagkakaiba sa learning gains ng grupong N-

EBTS at grupong EBTS.

BATAYANG KONSEPTUWAL

Ang batayang konseptuwal ng pag- aaral na ito ay ginamitan ng

input- process- output model. Inilalahad sa bawat frame ang mga

hakbang na gagawin ng mananaliksik; nagbigay ng kuwestyuneyr ng

pretest at pinasagutan sa mga mag- aaral ng Grade 11- Electrical ng

Paranaque National Highschool- Main pagkatapos ay itinuro ng guro ang

tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo ng asignaturang Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba‟t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik sa grupo ng

kontrolado at gagamitin naman ng mananaliksik ang estratehiyang

Evidence- Based sa pagtuturo sa grupo ng eksperimental. Upang makita

ang kaangkupan at pagiging epektibo ng estratehiya, tinaya ang

natutuhan ng mga mag- aaral sa paksang tinalakay sa pamamagitan ng

post test na pasasagutan sa mga mag- aaral.


11

Kabisaan ng Pagtuturo ng Pananaliksik sa Baitang 11

Grupong N- Grupong
EBTS EBTS

Pretest

Makabagong
Tradisyonal na Pamamaraan ng
Pamamarnaaan ng Pagtuturo batay sa
Pagtuturo Evidence-Based
Teaching Strategy

Post test

Mungkahing Estratehiya sa Pagtuturo ng Pananaliksik sa Baitang 11

Pigura 1
KONSEPTUWAL NA PARADAYM NG PAG-AARAL
12

Ang paradaym ng Konseptuwal na Pag-aaral na ito ay tumutukoy

sa proseso ng pagkakabuo ng pananaliksik. Upang masukat ang

kabisaan ng Pagtuturo ng Pananaliksik sa Baitang 11, humanap ang

mananaliksik ng mga mag- aaral sa Baitang na ito na may halos

parehong gradong nakuha sa kard sa nakalipas na asignatura-

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Ang mga

partikular na strand sa track na Technical Vocational Livelihood ang

napili ng mananaliksik bilang sampling o mga respondente sa pag- aaral

na isinagawa, ang - Beauty Care at Electrical. Pagkatapos ay dumaan sa

pagsusulit na pretest ang parehong grupo, ang grupong kontrolado na

tinawag na grupong N-EBTS (Not-Evidence Based Teaching Strategies)

samantalang ang grupong eksperimental naman ay tinawag na grupong

EBTS (Evidence Based Teaching Strategies). Upang masukat ang

kabisaan ng estratehiya, gumamit ng tradisyonal na pamamaraan ng

pagtuturo ang guro sa grupong kontrolado o N-EBTS (Electrical) sa

kabilang banda, gumamit ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo

batay sa Evidence Based Teaching Strategies naman ang guro para sa

grupong eksperimental o EBTS (Beauty Care). Sunod, muling dumaan

sa pagsusulit ang mga mag- aaral ng magkabilang grupo at kumuha ng

parehong post-test na binuo ng guro upang matukoy kung sinong grupo

ang higit na nakatamo ng pagkatuto batay sa estratehiyang ginamit sa

pagtuturo ng pananaliksik. Bilang pagtatapos ng paradaym, nagbigay

ng mungkahing estratehiya ang mananaliksik sa rekomendasyon sa


13

pagtuturo ng pananaliksik sa Baitang 11 upang mas maging ganap ang

proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag- aaral upang matamo

ang mga kasanayang nakatakda sa bawat aralin.

KATUTURAN NG TALAKAY

Upang mapadali ang pag-unawa sa pag-aaral na ito, ang

sumusunod na talakay ay binigyang-kahulugan batay sa pagkakagamit

nito sa pag-aaral.

Beauty Care. Isa ito sa mga pagpipilian sa ilalim ng Home

Economics na strand. Ito ay naglalayong pag-aralan ang tamang

pangangalaga sa katawan sa pamamagitan ng pag- aayos ng sarili,

tamang paggamit ng make-up, paglilinis ng kuko, pagmamasahe,

pagpapaganda ng buhok at iba pa.

Electical and Installation Maintenance. Sa ilalim ng strand na

Industrial Arts makikita itong isa sa mga pagpipiliang kurso ng mga

mag- aaral sa Grade 11 at 12. Ito ay nakapokus sa pag- aaral ng

elektrisidad na may layuning hindi lamang maglagay o mag- install ng

elektrisidad bagkus ay mapagana ito at maging maayos ang daloy ng

kuryente sa mahabang panahon.

Evidence Based Teaching Strategies. Ito ang mga estratehiya

na ginagamit sa pagtuturo ng guro na batay sa mga patunay. Binubuo


14

ito ng mga gawaing lilinang sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

kasanayan.

Get Students Working Together. Kadalasan at pangkaraniwan

na ang pagpapangkat pangkat sa mga klase ngunit ang ganitong

gawain ay kadalasang nakakikitaan ng suliranin sapagkat ang

pinakamasipag lang sa grupo ang siyang gumagawa ng mga naatasang

gawain. Para maging produktibo ang bawat miyembro ng grupo dapat

mayroong gawain at gampanin ang bawat isa sa grupo. Dapat din na

siguradong ang bawat miyembro ay gumagawa ng gawain.

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik. Isang kurso sa Senior High School na pumapaksa sa

pagtuturo ng iba‟t ibang tekstong ginagamit sa pagbasa at pananaliksik

sa Filipino.

Provide Your Students With Feedback. Magbigay ng komento

sa ginawa ng mga mag- aaral, ito man ay pagtatanghal, sulatin o

eksamin. Nararpat lamang na ang mga ginagawa ng mga mag- aaral ay

mabigyan ng komento ng guro upang malaman nila kung tama ba o

mali ang kanilang ginawa nang sa ganon ay magkaroon ng pagkakataon

na mas maging maayos at mapaunlad pa ang gawain ng mga mag-

aaral sa susunod na pagpapakitang husay. Ayon kay John Hattie

(2013), malaking bagay ang naitutulong ng ebalwasyon, pagsusuri o

pagkilatis sa isang bagay na ginawa ako itinanghal ng mga mag- aaral.


15

Naniniwala siyang ang lahat ng guro na nagnanais na maisaayos ang

kakayahan na ipinakikita ng kanilang mga mag- aaral ay sinisimulan sa

pagbibigay ng komento.

Questioning to Check for Understanding. Kadalasan ang

pagtuturo ng Pananaliksik ay nangangailangan ng mahabang oras kung

kaya‟t inilalahad ng pag- aaral na ito ang estratehiyang gumagamit ng

PAGTATANONG sa mga mag- aaral upang talagang makasigurong

naiintindihan nila ang kanilang leksyon. Ang estratehiyang ito ay dapat

ginagawa bago pa man tumungo sa susunod na leksyon. Ang

Randomised Sampling, Student Answer-Board, Tell-a-Friend Help ang

isa sa mga paraan ng estratehiyang ito. Hindi isinusulong dito ang

tipikal na paraan ng pagtatanong bagkus ay ang pagtatanong na

naaayon sa lebel ng mga mag- aaral at nakaangkla sa HOTS (Higher

Order Thinking Skills).

Senior High School. Karagdagang dalawang taon sa batayang

edukasyon alinsunod sa itinakdang batas RA 10533.

Summarise New Learning in a Graphical Way. Ang paggamit

ng Graphic Organizer o mga grapikong pantulong tulad ng Mind Map,

Venn Diagram at Flow-Charts ay maaaring gamitin upang mas mapadali

ang pagbabanghay ng mga leksyon at para matukoy ang

pagkakaugnay-ugnay ng mga aspeto ng leksyong iyong itinuturo. Ang


16

pag-uusap tungkol sa ginawang graphic organizer ay isa sa magandang

paraan para tapusin ang itinuturong leksyon.

Teach Strategies Not Just Content. Sa paraan ng pagtuturo ng

guro, kinakailangang maitawid niya ang paksa sa pamamagitan ng mga

estratehiya upang maging ganap ang pagkatuto ng mga mag- aaral sa

leksyon. Kinakailangan ding masaklaw niya kung paanong makagagawa

ang mga mag- aaral ng sarili nilang estratehiya sa pag- aaral. Tulungan

din ang mga mag- aaral na mas palalimin pa ang kanilang

pagkakaintindi sa leksyong iyong itinuturo.

Technical-Vocational Livelihood. Isang track sa Senior High

School na nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan ng mga mag-

aaral na binubuo ng apat na strands, ang Home Eonomics, Industrial

Arts, Information and Communications Technology (ICT) at Agriculture-

Fishery Arts.

SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG- AARAL

Sakop ng pag- aaral na ito ang Pilipinong pananaliksik lamang at

hindi ang ingles. Nakapokus sa kuwalitatibong pananaliksik ang pag-

aaral na ito at hindi ang sa kuwantitatibo.

Ang pagbuo ng banghay- aralin sa pagtuturo ng pananaliksik ay

nabatay sa Evidence-Based Teaching Strategies. Masusing sinuri ng

mananaliksik ang pangangailangan ng mga mag- aaral upang mas


17

maging ganap ang pagkatuto sa nasabing paksa. Limang estratehiya

ang nakapaloob dito. Ang mga ito ay ang sumusunod: 1. Questioning to

Check for Understanding, 2. Summarise New Learning in a Graphical

Way, 3. Provide Your Students with Feedback, 4. Get Students Working

Together, 5. Teach Strategies not Just Content. Ang Evidence-Based

Teaching Strategies na napili ng mananaliksik ay ang naaayon sa

edukador at proponenteng si Killian Shaun (2016).

Ang mga respondete ay nagmula sa Grade 11, Technical-

Vocational Strand partikular sa Electrical at Beauty Care ng Parañaque

National High School Main, Sangay ng Parañaque.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang pagbuo ng kabanata isa

hanggang lima sa pananaliksik na magiging resulta ng pagtuturo. Ang

curriculum guide na nakalaan sa asignatura o kursong ito ang siya

lamang pagtutuunan ng pansin sa pagtuturo.

Ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto ang tanging

bahagi ng pagtuturo sa mga mag-aaral: 1. Rasyonal at Kaligiran ng

Paksa, 2. Paglalahad ng mga Suliranin, 3. Layunin at Kahalagahan, 4.

Saklaw at Delimitasyon, 5. Teoretikal na Gabay at Konseptuwal na

Balangkas, 6. Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura, 7. Daloy ng Pag-

aaral.
18

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang sumusunod na mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

may kaugnayan sa pag-aaral na ito ay may malaking kaugnayan sa

ikauunlad ng pananaliksik na ito. Ang mga nakalap ay tiniyak na

makatutulong upang higit na mapagtibay ang layunin ng pag-aaral na

ito. Sa huli nilagon ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga

nasabing literatura at pag-aaral sa isinagawang pag-aaral ng

mananaliksik.

Pananaliksik

Isa sa mga suliraning kinahaharap sa pananaliksik ay ang

katiwalian at maling kaisipan sa pagbuo ng paksa sa pananaliksik. Mula

sa aklat na “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino” (2016), pinuna ni Arnold Azurin (1991) sa kanyang papel na

“Mga Katiwalian sa ating Kamalayan Tungkol sa Kaalamang Bayan” na

ang pagiging hindi maingat ng mga mananaliksik ay nagreresult sa

kanilang paksang sinasaliksik ay nagreresulta ng pagsasawalang bahala

sa pinag- aaralang paksa. Upang malutas ang ganitong katiwalian,

kailangang maging maalam at mapanuri ang mga mananaliksik sa

kanilang paksa aaralin, mga paksang maisasapraktika, lagpas sa

pagteteorya. Ayon pa sa kaniya, maraming mananaliksik ang mahina sa


19

pagpili ng paksa na kadalasang nakabatay sa interes ng mananaliksik at

hindi sa interes ng mga kalahok.

Winika naman ni Enriquez (1992; sa Dolores, 2016) ng nasabing

aklat na nailimbag noong Mayo 2016 na kinakailangan ang isang

pamamaraan na makapagpapakilala sa mga mananaliksik at mga

respondent upang matamo ang makabuluhang pananaliksik gamit ang

iskala ng pagmamasid,pakikiramdam, pagtatanong, pagsubok,

pagmamatyag, pasusubaybay, pakikialam, pakikilahok at pakikisangkot.

Sa “interdisiplinaryong pananaw”, nilalayong maigpawan ang

pagkakaiba tungong pagkakahawig at pag- uugnay upang pagbigkisin

ang dalawang disiplina sa pamamagitan ng integrasyon ng kaalaman at

pamamaraan ng dalawang disiplina. May katangiang “kros-disiplinaryo”

naman ang pagtutuon sa isang paksa na magsisilbing batayan sa pagpili

ng ibang pagtingin, pananaw at pamamaraan. Tinatanaw ng mga

krosdisiplina na pag- aaral ang isang disiplina sa pananaw ng iba pang

disiplina. Lalim at lawak naman ng dalawa o higit pang disiplina ang

tuon ng katangian “multidisiplinaryo”. Pinagtatagpo nito ang iba‟t ibang

disiplina upang mapalakas ang sariling disiplina. Sa madaling salita,

maituturing na isa sa kahalagahan ng pananaliksi sa kulturang Pilipino

ang kakayahang magluwal ng iba pang kaalaman at kabuluhan lampas

sa saklaw ng larangang ito. Maaaring tingnan talaban ng wika at sining

bilang interdisiplinaryong pananaw, ang iba‟t ibang pamamaraan at


20

lente sa pag- unawa ng sining na tumatawid sa mga disiplina gaya ng

antropolohiya, politika at ekonomiks ay maituturing na katangiang

“krosdisiplinal” habang ang lawak at lalim ng ugnayan at diskurso sa

sining na nilalapatan ng sari- saring disiplina ay tumutukoy naman sa

yugto at paraang “multidisiplinaryo”. Posible rin na ang isang pag- aaral

ay maaaring magtaglay ng mga nabanggit na mga pananaw ng

pananaliksik batay sa layunin at pokus ng isinagawang pananaliksik.

Ayon kay Gladys Penarubia (2015), malinaw na ang bunga ng

pag- unlad, pag- asenso o modernasyon ng isang bansa ay ang

pananaliksik. Ito ang pangunahing daan sa paghubog ng kinabukasan

ng bawat mamamayan at tagapaghatid ng pagsulong ng isang bansa.

Katunayan, ang pananaliksik ay isang mahalagang sangkap sa buhay ng

bawat tao. Epektibong batayan ito sa larangan ng promosyon o pag-

angat sa estado sa trabaho. Ito rin ang pangunahing dapat isumite ng

isang mag- aaral sa kaniyang kurso o asignatura at daan din sa

modernong pamumuhay ng tao. Samakatuwid, walang makaiiwas sa

pananaliksik. Sa pagbuo ng pananaliksik, lumalawak ang kaisipan ng

isang mananaliksik dahil sa walang humpay na pagbasa, nag- iisip,

nanunuri at naglalahad o naglalapat ng interpretasyon. Nagpapalawak

ang eksperyensiya ng isang manunulat sa mundo ng pananaliksik dahil

marami siyang nakasasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang datos,

pagbabasa, paggalugad sa mga kaugnay na literatura at pag- aaral sa


21

iba‟t ibang silid- aklatan at sa mga taong kinakapanayam. Tumataas

ang respeto at tiwala sa sarili kung maayos at matagumpay na

naisakatuparan ang alinmang pag- aaral na isinagawa. Mahalagang

parte ng buhay ng tagapagsaliksik ay ang pagkakaroon ng

kumpiyansiya sa sarili upang mapagtagumpayan niya ang lahat ng

balakid habang siya‟y nananaliksik. Ang gawing pananaliksik ay isang

bagong kaalaman kaninoman dahil nahuhubog nito ang kamalayan sa

larangan ng pananaliksik. Maging sa iba pang aspeto ng buhay ng

mananaliksik ay nabibigyang kasagutan, lumilinaw ang kaisipan,

napalalawak ang kaalaman at umuusuong ang bagong kasanayan.

“East is east and west is westand ne‟er the twain will meet,” ang

sikat na winika ni Rudyard Kipling (1910) mula sa pananaliksik ni

Evangelista (2015). Pinatutunayan nito ang realidad na nagaganap sa

pananaliksik at pagtuturo. Ang pagkakaiba sa pagitan ng teorya, ang

saklaw ng pananaliksik at pagsasapraktika at ang saklaw ng pagtuturo

ay napatitingkad ng katotohanang ang isang propesyonal ay

kinakailangang dumaan sa masusing pagtatanong bago sumabak sa

aksyon ng pananaliksik. Sa kabilang banda, ang responsibilidad naman

ng mananaliksik ay bigyan ng matibay na pundasyon ang paraan ng

pagtatanong nang sa gayo‟y makatuklas ng mga bagong kaalaman o

makapagbigay ng iba pang pagtingin ang mga dating kaalaman o

“iskima”.
22

Ang sumusunod na obserbasyon ay mula pa rin kay Rudyard

Kipling (1910), ang mga dahilan kung bakit hindi matagumpay na

naisasagawa ang pananaliksik. Dalawang paliwanag ang kaangkop ng

mga obserbasyong ito.

Ang una‟y kinakitaan ng suliranin sa pananaliksik, ang mga ito‟y:

1. hindi direkta ang kahalagahan sa pangangailangan ng guro

2. hindi makapagbigay ng mga resulta sa oras na mas kinakailangan

ito

3. bumubuo ng mga ebidensiyang nagpapatunay na batid o alam na

ang resultang nakalap

Ang ikalawa, ang problema‟y makikita sa mga guro na ating

madaramang mga:

1. sarado ang kaisipan, sinusunod ang kanilang mga sariling

pamamaraan at hindi tumatanggap ng mga bagong pananaw

2. nakaangkla sa mga sikat na teorya kung kaya‟t hindi

tumatanggap ng mga makabagong pag- aaral

3. kulang sa kakayahang umunawa at gamitin ang mga bagong

tuklasan na pananaliksik

Mula naman kina Almeida, et al (2016), ang pananaliksik ay

metodo ng pagkamit ng kaalaman na nakabatay sa agham na

pamamaraan ng pagtatanong, ito ay kilala din bilang scientific problem


23

solving process o ang empirical inquiry. Ang isang pag- aaral ay

nangangailangang magsagawa ng kontekstwalisasyon sa malaking

bahagi ng pananaliksik na isasagawa. Ang pananaliksik ay nararapat na

may mataas na kalidad upang makapagbigay ng karunungang

magagamit sa iba pang pananaliksik na maghahain ng implikasiyon at

implemetasyon ng polisiya. Isang suliranin na ang humaharang sa pag-

unlad ng pananaliksik ay ang mabagal na pagsasalin ng binuong pag-

aaral sa aplikasiyon ng tunay na buhay.

Ang pananaliksik ay hindi lamang nagbibigay resulta at

nagrerekomenda ng solusyon bagkus nararapat ding masukat ang

hangganan kung hanggang saan ba ito dapat na isinasama o

nagagamit.

Ayon kay Good (1963; sa Bernales, et al 2009) na ang

pananaliksik ay naaayon sa mga teknik o estratehiyang isinasagawa sa

pamamagitan ng mapanuring paggalugad ng impormasyon batay sa

suliraning pinag-uagatan ng pananaliksik na siyang magbibigay daan sa

pag-alam ng mga mungkahing solusyon para dito.

Mula sa pananaliksik na isinagawa sa mga guro sa mababang

paaralan ng distrito ng San Jose Del Monte Sapang Palay, Bulacan. Nais

ng mananaliksik na makapagbigay ng kagamitan na panlunas sa

pagtuturo ng pagbasa. Ito ay mahalaga sapagkat ang kakayahan sa

pagbasa ay siyang lumilinang sa mga kakayahang kinakailangang


24

malinang ng mga mag- aaral. Upang maisakatuparan ang ninanais na

produkto ng pananaliksik, tutuklasin ang antas ng kakayahan sa

pagbasa ng mga mag- aaral na nasa ikalimang baitang sa kung ano

gamit ang metodolohiyang palarawan. Gumamit ang mananaliksik ng

pangwakas na pagsusulit, talatanungan, pakikipanayam at pagmamasid

upang makakalap ng datos.

Sa resulta ng pananaliksik, nakitang hindi sapat ang kagamitang

panlunas sa pagtuturo ng pagbasa, gayon din ang antas ng mga

kasanayan na nalilinang ng mga mag- aaral sa pagbabasa gaya ng

talasalitaan, pag- unawa, pag- aaral at pagpapahalaga. Iminumungkahi

na magkaroon ng epektibong kagamitan sa pagtuturo ng pagbasa sa

ikalimang baitang nang sa gayo‟y maging sapat ang antas ng

kasanayan ng mga mag- aaral sa pagbasa.

Ang pagiging dalubhasa sa mga mag- aaral na tinuturuan ng guro

ay humuhubog sa mga batang iyon na palatanong at masuri sa

larangang kinabibilangan at ginagalawan. Sa kung paanong ang guro ay

isang artista na rumerepresenta sa isang mahalagang karakter na

kumikilos sa putting tabing o tanghalan. Kung minsan pa nga ay higit

pa sa gampanin ng artista ang araw- araw na isinasaalang- alang na

maisakatuparan sa harap ng mga butihing mag- aaral. Sa madaling

salita, ito ay maituturing na mahalagang alagad ng sining sa panig ng

isang guro. Bukod pa sa pagiging alagad ng sining, ang isang guro ay


25

maaari ring maihalintulad sa bihasang siyentipiko. Ang pagtuklas ng

mga bagong istilo ay di natatapos sa kung paanong ang mga

estratehiyang ito ay patuloy na susubok sa mga mag- aaral upang

matunghayan ang pagiging epektibo nito sa pagtuturo. Batid ang hirap

ngunit napaglilibang naman nito ng kasiyahan sa bawat pagkakatutong

naipamamalas ng mga mag- aaral sa pagtuturo. Samakatuwid, ang

pagiging matagumpay ng pagtuturo ay masasalamin sa pagiging

malikhain at pagiging mahusay ng guro sa pagpapabatid ng mga

leksyon sa pagtuturo.

Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino

Sa bagong kurikulum sa mga pang- sekondaryang institusyon ng

edukasyon (1989), (Secondary Education Development/ SEDP), lilitaw

at masasaksaihan ang mga katangiang ito, sa kadahilanang ang pokus

ay nakaangkla sa nilalaman ng mga tatalakaying akda. Bilang isang

indibidwal na makabayan at mapagmahal sa wika, malinaw ang

gampanin ng guro sa Filipino. Siya ang tulay na magbubunsod sa

pagtuklas ng kabataan tungo sa kasaganaang laman at mayabong na

mundo ng sariling wika at panitikan ng sa ganoon ay maging

makabuluhan at kapaki- pakinabang sa kanilang mga puso‟t isipan ang

pagbabasa upang maging gawi at libangan nila sa pang habampanahon.

Ngayon ay nakaangkla ang pansin 25ag anon butihing pamahalaan sa

pagbibigay ng mga seminar, pagsasanay sa mga guro tungo sa


26

pagtuklas pa ng mga malikhain, intelihente at makabagong pagdulog at

istilo sa pagtuturo ng panitikan. Iba‟t ibang mga metodo, pagdulog at

estratehiya ang sa paksa ay tinatalakay upang higit na matugunan ang

mga dapat na maisaalang- alang sa pag- aaral ng panitikan.

Ayon sa pananaw ng mga gurong nagtuturo ng Filipino, dahil sa

mga estratehiyang naglipana sa kontemporaryong panahon ay hindi na

nila higit na malaman kung alin sa mga ito ang higit na epektibo at

dapat gamitin tungo sa lalo pang paglinang ng mga mag- aaral sa

kanilang pag- unawa sa panitikan. Kung minsan ay may kalituhang

dulot ang paggamit ng angkop na estratehiya sapagkat marapat ring

busisiing mabuti kung alin sa mga ito ang aangkop sa aralin at

kakayahan ng mga mag- aaral.

Sa pag- aaral na ito, marubdob ang hangarin ng mananaliksik na

malaman at matuklasan kung ang mga nasabing pagdulog at istilo sa

ilalim ng bagong kurikulum ang higit na makatutulong sa pagpapabuti

at pagpapaunlad ng antas ng pagtuturo sa lahat ng taon at kung gaano

kaepektibo ang paggamit ng mga ito ng mga guro sa mga nasabing

antas sa kani- kanilang klase upang higit na maganyak ang mga mag-

aaral sa kanilang pag- aaral.

Ipinahayag naman ni Ventura (2002; sa Bellen Julieta, 2006) na

dapat matutuhan ng isang mag- aaral ang kakayahan sa pagbasa.

Nakasalalay sa pagbasa ang mabuting kinabukasan ng isang tao.


27

Maihahatid sa lahat ng mga bagay- bagay ang mga impormasyon na

kaniyang binasa tungo sa kaunlaran ng pamamaraan ng pamumuhay.

Sa pagbabasa, nababago at nahuhulma ang katuhan ng isang tao.

Nakararating din tayo sa mga pook o lugar na nais nating puntahan.

Sinabi ni Paul Mckee (1974; sa Bellen Julieta, 2006) na ang

maunawang pagbasa ay nangangahulugan ng buong pagkaalam at pag-

unawa sa binasa, nakapagpapaliwanag ng mga ideya pagkatapos nito.

Ang isang mag- aaral na nakaiintindi at nakauunawa ng angkop na

kaalaman ay taglay nito. Habang matiyagang pinauunlad ng guro ang

kakayahan ng mga mag- aaral sa pag- unawa, sinisikap pa niyang

mabigyan sila ng mga kasanayang higit na makatutulong upang mas

maunawaan at makapagbigay- kahulugan sa binasa.

Si Betts (2006; sa Bellen, 2010) sa kaniyang lathala ay

nagsasabing mga mag- aaral ay nakakakalap ng impormasyon at

saloobin sa mahalaga at kailangan sa mahusay na pagbasa sa

pamamagitan ng kaniyang mga karanasan. Ito ay nagsisilbing tulay

upang maunawaan niya ang mga kuwento at iba pang kasangkapan na

kaugnay ng kaniyang mga babasahin. Tungkulin ng mga guro na

matulungan na magkaroon ang mga mag- aaral ng isang malawak na

hanay ng mga karanasan nang sa ganoon, ang mga ito ay magkaroon

ng pagkakatng maresolba ang mga suliranin at magpag- ugnay- ugnay

ang mga pangyayari at karanasan.


28

Ayon pa kay Betts (2006; sa Bellen, 2010), isa sa mga kahinaan

ng pag- unawa ay ang kakulangan sa kakayahan sa pagbasa o pagkilala

ng Santa. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng oryentasyon bago na

ang isang seleksyon ay mabasa, maaaring ang isang guro ay

makapagtantiya patungkol sa kakayahan sa pagpapahayag ng isang

mag- aaral.

Ipinahayag ni Sacay (2008; sa Bellen Julieta, 2010) na kung

mabahaginan ng sapat na panahon at wastong istilo ang pagtuturo,

walang pag- aalinlangang halos lahat ng mga mag- aaral ay lubos na

makakamtan at maisasabuhay ang pagkatuto ayon sa layon o nais na

kalabasan ng pagtuturo.

Ang mga angking kaibahan ay maaaring maihayag sa panahon ng

pag- unawa at pagkatuto, kaysa sa hulling naisagawa ng mag- aaral

gaya ng sinaunang kayarian at pamamaraan ng pagsubok.

Ang mga pagdulog at estratehiyang isinasakatuparang gawin ng

guro sa isang tipikal na pagtuturo sa bawat araw ay ipinalalagay na

isang mabisang sandata tungo sa ikatatamo ng mga layunin pati na rin

sa kapakinabangan nito. Ayon kay Duck (2001; sa Opinion, 2004), ang

pamamaraan o metodo ng pagtuturo ay salaming ginagamit ng guro sa

pagsasabuhay ng mga itinuturong aralin.


29

Idinagdag naman ni Hookett (2001; sa Opinion, 2004) na ang

bata ay maihahalintulad sa isang blangkong papel na dinadantayan ng

guro ng mga datos at kaalaman sa tulong ng mabusisi at mga masusing

binalak ng aralin at maayos na pamamaraan at estratehiya sa

pagtuturo.

Sa Encyclopedia of Education (2010) ay nabanggit na laging

kaakibat ng kahusayan ng mga mag- aaral ang mga metodong

ibinabahagi at ginagamit ng mga guro upang higit na maunawaan ang

mga aralin. Ang istilo sa pagkamit ng lubusang pagkatuto ay maaaring

maibigay sa isinagawang pag- aaral ni Caroll (2010). Ayon sa kaniya,

kung naipamamahagi ng mga mag- aaral ang talino sa iba‟t ibang

asignatura (matematika, agham, literature at kasaysayan) ng wasto at

halos mabigyan ng may halos wasto at magkaparehong dami, uri ng

pagtuturo, ang kalalabasan nito ay normal na distribusyon ng

pagkatuto.

Ayon sa pag- aaral ni Lapig (2001; sa Opinion, 2004), ang

pakikisangkot ng mga mag- aaral sa mga aralin sa paaralan ay

nagbibigay daan sa mga ito upang malayo sa tradisyonal na paraan ng

pagkatuto. Ang aktibong pag- aaral bilang pangkalahatan ay

tumutulong sa pamamaraan ng pagtuturo na ang mga mag- aaral ay

nakikisangkot sa proseso ng pag- aaral.


30

Sa pag- aaral ni Cuizon (2004; sa Dedace, 2008) na

kinakailangang kasabay ng mga pagbabago ng panahon ang mga

makasining na pagtuturo. Ang prosesong pagtuturo- pagkatuto ay

maunlad sa dahilan ng tamang paggamit ng kagamitang pampagtuturo.

Dapat maging masigasig ang guro kung paano gagamitin nang tama

ang mga ito. Dagdag pa niya, isang katotohanan na walang kagamitang

pampagtuturong makapagpapalit sa isang mabuting guro na gumagamit

ng mga kagamitang pampagtuturo na hango sa mabisang pagkatuto ng

mga mag- aaral.

Ayon kina Fernandez at Lim (2007; sa Dedace, 2008), ang

pahayag ng mga dalubhasa ay masasabing napakalaki ang papel ng

guro sa proseso ng pagtuturo- pagkatuto. Nabatid niya ang halaga ng

mga angkop na metodolohiya, estratehiya at kagamitang instruksyonal

na makatutulong upang mapakilos ang mga mag- aaral tungo sa

pagkatugon at pagkatuto.

Mula sa pag- aaral ni Cruz (2001; sa Dedace, 2008), maraming

kagamitang hindi sumasapat sa pangangailangan ng mga mag- aaral

upang lalong maengganyo sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.

Bunga nito, nagbigay siya ng mga hakbang sa pagpili ng panitikan para

sa mga mag- aaral sa artikulong “Pinakamahusay na Teknik na Aking

Ginagamit sa Pagtuturo ng Panitikan sa Elementarya”.


31

Ayon kina Corpuz, et al. sa kanilang aklat na Principles of

Teaching (2014), winika nila na marapat na may kaangkupan at

kaugnayan ang pamamaraan ng pagtuturo sa pagdulog na gagamitin ng

guro nang sa ganoon ay maiangkop ito sa pangangailangan at interes

ng mga mag- aaral. Ang kasanayan sa pamamaraan ng estratehiya ay

nakapagbabahagi sa guro ng pagpili para sa kapakanan at kabutihan ng

mag- aaral. Subalit dapat ding maging mahusay na guro sa

pagdedesisyon. Dapat niyang tiyakin at iangkop kung anong

pamamaraan ang nababagay at makapaghahatid ng mabisa at tiyak na

pagkatuto para sa kaniyang mga mag- aaral. Ang pagging mabisa ng

mga metodong ito ay nasusukat sa layunin, gampanin ng guro, ng mag-

aaral, gamit ng kasangkapang pampagtuturo at paraan ng gagamiting

pagtataya matapos ang pagleleksyon.

Binigyang diin naman ni Brown (2012; sa Javier, 2003) at iba

pang mga mananaliksik sa lathala nila na ang isang guro ay

makapapamili ng mga babasahin na sa kalagayan ng mga mag- aaral

ay higit na maiaangkop at lumikha muna ng pagsusuri sa gagamiting

aklat at kagamitan o kasangkapang panturo at ayon sa kahinaan ng

bokabularyo, pagkakaiba- iba ng mga salita, aginaturang sumasalamin

at tumatalakay sa anatas ng pagkawili ng mga bata na napapaloob sa

mga babasahin.
32

Ang makabagong paraan ng pagtuturo ang pinakagamitin ng mga

guro sapagkat sa paraang ito ay walang ispesipikong sining o metodong

sinusunod. Ito ay pinagsama- samang kalikhaan ng guro sa kung paano

niya madaling maipababatid at maipauunawa ang mga aralin sa klase.

Angkop din ang paraang ito sa klase hanggang sa mas mataas na antas

o taon sa Junior o Senior High School dahil maging ang mga ito man ay

nabibilang sa hanay ng mga matatalino o mahihina. Maaari rin naman

itong gamitin ng mga guro sa Maynila sapagkat ganitong pamamaraan

ang iminumungkahi ng mga Tagamasid at Puno ng Kagawaran ng

Filipino.

Ang pag- aaral naman ni Andieta (2001; sa Javier, 2003),

nakapagbigay ito ng mga makamodernong kaalaman at pag- unawa

tungo sa ikayayabong at ikatatagumpay ng pagtuturo ng Filipino sa

pamamagitan na rin ng mga kasangkapang panturo na hahamon at

hahasa sa kakayahan ng mga mag- aaral higit pa ang paggamit ng apat

na antas ng mga katanungan sa pag- unawa sa pagbasa.

Inalam at tinuklas naman ni Aballera (2002; sa Javier, 2003) ang

higit na epektibong pamamaraan o hakbangin sa pagtuturo ng Filipino

upang matugunan ang suliranin ng mga guro sa pagpapagaan ng

pagtuturo at nang sa ganoon ay mapabilis pa ang pagpapalaganap ng

wikang pambansa. Ayon din sa kaniya, napapanahon ang pag- aaral na

ito sapagkat lubos na kailangan ng mga guro ang makabuluhang


33

pamamaraan at istilo ng pagtuturo sa Filipino sa kadahilanang lumabas

sa kaniyang isinagawang pag- aaral na 54 % ang mga mayroong

suliraning hindi lubos na nagagamit o walang sapat na kabatiran ang

mga guro sa modern o makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa

Filipino.

Sa pagtatayang isinagawa ni Benlot (2001; sa Javier, 2003), sa

kakayahang umintindi at umunawa ng Panitikang Pilipino ng mga mag-

aaral sa tersaryong antas na isinagawa sa piling kurso ng Colegio de

Santa Rita, ito ang kaniyang mga natuklasan.

Si Bautista (2004; sa Tapang, 2016) ay nagsagawa ng pag- aaral

na sumukat sa dibersipikadong uri ng mga kagamitang panturo na

gagamitin ng isang guro sa pagpapalinang ng mga kakayahan tungo sa

epektibo at mapamaraang pagbasa tulad ng sumusunod: pagtarok sa

kahulugan na nakapaloob sa isang salita, pagbibigay impresyon at

hinuha sa nais ipabatid ng may akda sa pamamagitan ng istilo,

pagtatangi ng mga katotohanan sa opinyon at mga kuro- kuro,

paghahayag ng mapamahiing pagkilatis o pagbibigay atensyon sa

pangulong tudling, anunsiyo, balita, kuwento at iba pa. Kasama rin sa

binigyang- diin ang paghubog sa mga kakayahang bumuo ng solohismo,

pagbubuo ng isang pag- unawa at pagtiyak ng mga ginamit na

pangungusap o talata na di kaugnay sa kabuuan o pangunahing ideya

ng ibang seleksiyon.
34

Evidence Based Teaching Strategies

Ayon kay Petty (2009) sa kaniyang aklat na Evidence-Based

Teaching: A Practical Approach na naglalaman ng mga paniniwala,

teorya, estratehiya, aktibidades at mga sanggunian na makatutulong

upang maging mahusay ang mga mag-aaral sa pagbasa na siyang

pinaniniwalaang ugat ng suliraning pananaliksik.

Mapabubuti ng mga mag-aaral ang kakayahan sa paggawa,

kakayahan sa pagsasaliksik at kakayahang sosyal na may inaasahang

kalalabasan o epektibong ebidensiya sa pamamagitan ng pagtuturo

gamit ang Evidence Based Teaching Strategies. Sinasabi na sa EBTS,

ang mga mag-aaral ay makakukuha ng pag-unlad sa mga kakayahan

ng direksyon sa sarili, mapanuring pag-iisip at pagpapasya, pagkakalap

ng mga datos at pagsusuri sa sarili (Derry, et al. (2007;sa Petty 2009 ).

Bilang karagdagan, ang EBTS ay idinadagdag ang

pangkaranasang sining ng pagtuturo at serbisyong pagkatuto batay sa

pananaliksik. Ipinahayag nina Svinicki at Mc Kaeachie (2005; sa Petty

2009) ang pagkatutong nakabatay sa ebidensiya bilang proseso ng

paggawa ng kahulugan mula sa direktang karanasan at tinukoy nila ang

ilan pangkaranasang sining ng pagkatuto: ang case method, mga laro,

mga grapikong pantulong, panggagaya, dula- dulaan, dayalogo,

pagtuturo ng estratehiya sa pagrerebyu at karanasan sa labas.

Halimbawa nito ay ang pag-uulat at pananaliksik sa pag-aaral. Si


35

Svinicki at McKeachie (2005) ay nagtalo, na ang mga mag-aaral na

nakaranas ng makatotohanang paglutas ng problema na nasa konteksto

ng paaralan at komunidad ay siyang nakakukuha ng pinakamabuting

benepisyo mula sa pangkaranasang pagkatuto at ang serbisyong

pagkatuto at nakabase sa komunidad na pagsasaliksik ay nagdulot ng

unang, makatotohanang karanasang pinagsama ng paglutas ng

problema na may ebidensiya at walang artipisyal sa ilan sa ibang mga

estratehiya.

Natuklasan naman ni Thieles noong (2000; sa Tapang,

2002) na karamihan sa mga guro ay hindi gumagamit ng sining sa

pagtuturo na makatutulong sa paglinang ng mga kasanayan, sa halip ay

nakatuon ang mga ito sa pagbibigay ng talakay bilang pangunahing

pamamaraan ng pagtuturo. Sa kasamaang palad, ang ganitong

sitwasyon ay nagtutulak sa mga mag-aaral na maging tagamasid

lamang sa panahon ng pag-aaral.

Binigyang diin naman ni McKeachie et al. (2001; sa Tapang,

2002) na bagaman may kakayahan ang mga mag-aaral na mapanatili

ang atensyon at konsentrasyon sa panahon ng pag-aaral, ayon sa isang

pag-aaral, ang bunga ng pag-aaral tulad ng kasanayan sa kritikal na

pag-iisip ay hindi gaanong matatamo sa pamamagitan lamang ng

pakikinig taliwas sa paraan na kung saan ang mag-aaral ay

nakikisangkot sa mga gawain.


36

Mga Estratehiya

Nangangailangan na magkaroon ng kaalaman ang mga guro sa

iba‟t ibang estratehiya ng pagtuturo na makatutulong sa mabisang

pagkatuto ng mga mag- aaral. Ayon kay Dela Cruz (2001; sa Galicia

2005), ang pagtuturo sa pamamarang Constructivist ay salig sa

paniniwala na ang pagkatuto ay matutupad kung ang mga mag- aaral

ay may aktibong partisipasyon sa proseso ng pagbuo ng mga kaalaman

at kahulugan nito sa pahapyaw na pagtanggap ng impormasyon. Ang

mga mag- aaral ang bumubuo ng kaalaman maging ang kahulugan nito.

Ang pagtuturo sa pamamaraang Constructivist ay nagpapayaman ng

kritikal na pag- iisip at lumilikha ng nagaganyak na indibidwal na mag-

aaral. Lahat ng pamamaraang ito ay umaasa sa mga gabay na

pagtuklas at iniiwasan ng guro ang diretsyong tagubilin at may

pagtatangka na gabayan ang mag- aaral sa pamamagitan ng tanong at

aktibiti upang malaman, matalakay, mapahalagahan at maipahayag ang

bagong kaalaman.

Sa kabilang bahagi, dapat din na mabigyan ng pansin ang mga

mag- aaral na nakasasalamuha ng mga guro sa araw- araw. Magiging

mabisa ang pagkatuto ng isang mag- aaral kung alam ng bawat guro

ang paraan ng pagkuha ng impormasyon ng mga mag- aaral batay sa

istilo ng pagkatuto nito.


37

Masasabi na walang ano mang istilo ng pagkatuto na maganda at

masama. Ang bawat isa ay nagbibigay pananaw kung paano ang isang

tao ay matututo ng bago at mahirap na impormasyon. Ang pagkilala sa

potensyal na tao ay nangangahulugan ng pagtayo ng pundasyon na

kikilalanin ang kasanayan at pagbabago ng pag- uugali. Ang tao ay

natututo sa iba‟t ibang oras at araw. Ang bawat lebel ng kalakasan ay

direktang nakaaapekto sa kakayahan ng tao na matuto. Ang iba ay

alerto sa araw, sa hapon at ang iba naman ay sa gabi. Maraming hindi

tradisyunal na mag- aaral ang mahina sa paaralan sa dahilang hindi

tumutugon ang pagtuturo ng kanilang guro sa kung paano sila

matututo.

Iba- iba ang pagproseso ng tao sa iba‟t ibang mahihirap na

impormasyon. Ang iba aya nagbibigay atensyon sa mga detalye, ang

iba naman ay nais na makakita sa una ng malaking larawan. Ang guro

ay nangangailangang magsagawa ng estratehiya na makatutulong sa

pagkatuto ng bawat mag- aaral na nangangailangan ng paghubog sa

bagong kasanayan. Dahil dito, dapat na tuklasin ang iba‟t ibang istilo ng

pagkatuto ng mga mag- aaral gamit ang V-A-K Model (Visual-Auditory-

Kinesthetic) ni Neil Fleming (2012), mula pa din sa tesis na isinulat ni

Galicia (2005) na tutugon sa angkop na estratehiya gamit ang

Constructivist na pamamaraan ng pagtuturo sa aralin. Ayon pa sa

kaniya, ang bawat mag- aaral ay may kani- kaniyang istilo ng


38

pagkatuto. Ang iba‟t ibang paraan ng pagkatuto ay nakatutulong nang

husto sa isang indibidwal upang lalo niyang mapakinabangan ang

kaniyang sarili. Dahil dito, pinasimulan niya ang V-A-K Model (Visual-

Auditory-Kinesthetic)- isang paraan upang malaman ng isang tao kung

ano ang kaniyang istilo ng pagkatuto. Ang V-A-K Model (Visual-

Auditory-Kinesthetic) ay gumagamit ng tatlong pangunahing

pagtanggap ng sensori nito: biswal, awditori at kinestetik upang

malaman ang sakop ng istilo ng pagkatuto ayon sa modalitis nito na

maaaring pumalit na ekspresyong pantao na binubuo ng kumbinasyon

ng persepsyon at memorya.

Ipinahayag ni Salandanan (2000) sa kaniyang aklat na Teaching

Approaches and Strategies na ang iba‟t ibang diskarte sa pagtuturo at

estratehiya ay nagiging resulta ng magandang pagkatuto. Unang

nasambit ay ang replektib na pagtuturo na nagsasaad na ang paggabay

sa mga mag- aaral ay nakikita sa kanilang sariling karanasan upang

makakuha ng bagong pang- unawa at pagpapakahulugan. Ipinaliwanag

nito na ang kooperatib na paraan ng pagkatuto ay may malaking epekto

sa pagganap ng mag- aaral. Idinagdag pa niya na ang kooperatib na

pagkatuto ay nag- uudyok upang makumpleto ang ibinigay na gawain

kasama ang iba pa. ayon sa pag- aaral, kung ang grupo ay

nagagantimpalaan at ang bawat miyembro ng grupo ay may


39

nakukuhang kasanayan, nararanasan ang kolaborasyon sa

pamamagitan ng pagkakaisa ay isang mabuting karanasan.

Tinalakay din ang epekto ng eksperiensyal na pagkatuto na

kinakailangan sa pagkuha ng kaalaman o kasanayan sa pamamagitan

ng matalas at direktang obserbasyon kasunod ng pagsusuri kung ano

ang nararamdaman at nauunawaan. Ipinaliwanag din na natututo ang

mga bata sa kanilang karanasan. Natututo ang mga mag- aaral kung

sila ay aktibong kasama sa mga gawaing pagklase.

Sa aklat naman nina Songco, et.al. (2002) na may pamagat na

Teaching Strategies in Social Sciences, ang paggamit ng kooperatib na

gawain sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa mga mag- aaral ng

elementarya ang binigyang pansin. Ilang teorya ang nagpapatunay na

ang metodo ay epektibo at maganda dahil hindi lamang sa elementarya

kundi sa mga mag- aaral ng iba‟t ibang lebel; kasama nito ang paggawa

ng sama- sama, bilang kabuuan sa pamamagitan ng paggawa ng mga

bagay bagay kasama ang iba. Nagsisilbi ito upang makapag- isip ang

mag- aaral, makapag- analisa at makagawa din sa parehong oras ng

pisikal na gawain.

Batay naman sa pag- aaral ni Guerrero (2000) sa kaniyang aklat

na Epekto ng Tatlong Estratehiya sa Araling- Panlipunan, lumabas na

ang konseptwal na estratehiya ang pinaka- epektibo, ang lektyur na

estratehiya ay di gaanong epektibo at ang panggrupong estratehiya ang


40

pinakahuling epektibo. Batay dito, nagbigay siya ng konklusyon ayon sa

tatlong estratehiya sa Araling Panlipunan, kailangang gamitin ng guro

ang koseptwal na estratehiya upang magamit ang lahat ng potensyal sa

pagkatuto ng mag- aaral.

Ayon naman kay Bahia (2003) sa kaniyang pag- aaral na may

pamagat na The Use of Cooperative Learning Approach in Teaching

Mathematics at Rizal High School, Annex, ipinakita nito na ang

kooperatib na pagkatuto ay may positibong naidudulot sa nakukuha ng

mag- aaral. Iniisip at inaasahan na ng mag- aaral ang aktibong

tungkulin at pagkuha ng responsibilidad hindi lamang sa pansarili kundi

para na din sa iba. Karamihan sa kanila ay Malaya at bukas sa kanilang

kagrupo. Ang mga mag- aaral ay gumagamit ng dati nilang kaalaman

(prior knowledge) sa paggawa ng mga gawain. Ang dating kaalaman ng

mag- aaral ang nakaaalam kung gaano kabisa ang paggawa ng gawain.

Kung ang kaalaman ng mag- aaral ay malaman, komprehensibong

lalabas na madali lamang, subalit kung ito ay mahina ang

pagpapakadaluhasa ng material na kailangan.

Ayon kay Siberman (2006; sa Galicia 2005) na naniniwalang ang

pagkatutong batay sa mga karanasan ay makukuha sa par isipasyon ng

mga mag-aaral sa mga tiyak aktibidades na nakaangkla sa mga tunay

na pangyayari sa buhay na nagbibigay buhay sa mga tunay na gawain

ng buhay. Kung kaya‟t ang pagtuturo ng pananaliksik ay


41

nangangailangan ng mga busog at makabagong metodolohiya at

estratehiya sa pagtuturo.

Mula sa aklat ni Karen Hollowell (2010) na Effective Teaching

Strategies, binigyang-diin niya na ang mga guro ay maaaring gumamit

ng iba‟t ibang teknik at epektibong mga estratehiya higit lalo kung ang

isang ispesipikong aralin ay nangangailangan nito upang ang mga mag-

aaral ay matulungang maunawaan ang mga dapat nilang maintindihan.

Isinaad niya pa na ang pagbibigay ng panuto ay kinapapalooban ng

pagbibigay introduksyon sa konsepto, pagapaliwanag at pagpapakita ng

sistematikong prosidyur at paggabay sa mga mag-aaral na iensayo at

isagawa ang ganitong mga uri ng kasanayan. Sa kabilang banda, ang

pagtuturo na may kalakip na paggabay sa mga mag-aaral ay

tumutulong upang malinaw na makita ang representasyon ng kung ano

ang ipinaliliwanag ng guro at kung ano ang hatid ng mga abstraktong

konsepto.

Ayon naman kina Perez at Lazaro (2005), sa kanilang pag-aaral

na patungkol sa Relative Effectiveness of the Lecture Method and

Practical Work Method in Teaching, isinaad niya na mas mataas ang

naging resulta ng performans ng mag-aaral na sumailalim sa praktikal

na pagganap kaysa ang sa lektyur na pamamaraan.

Ang mga ito ay sinasang-ayunan ng mga artikulo mula sa

pananaliksik at literatura ni Wiersum (2012), Hollowell and Schoenfield


42

(2010) na ang mga modelo at pagbibigay-buhay ay mga metodolohiya

sa pagtuturo na naglalayon sa mga mag-aaral na magkaroon ng

aplikasyon ng mga teorya sa pagganap sa pamamagitan ng

integrasyon. Lumalago ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung ang

kanilang kapaligiran ay ay parehong participative at interaktibo.

Kaugnay nito, binigyang punto ni Acero (2006; sa Galicia 2005)

na ang mga materyales na ginagamit sa pagtuturo ay nagrerepresenta

ng mga elementong makikita sa paligid at iyon dapat na makatutulong

sa mga mag-aaral upang maunawaan at maipaliwanag ang realidad.

Sinusugan naman ito nina Laureto at Bañas (2004; sa Galicia

2005) na ang makabuluhang pagkakaiba ay makikita sa performans ng

mag-aaral na silang mas nakalantad sa Practical Work Approach kaysa

sa mga nakalantad sa tradisyonal na paraan ng pagtuturo partikular na

sa Filipinong mga aralin.

Sa kabilang banda, isang pananaliksik ang isinagawa nina

Westberg at Archambault (2006; sa Santos, 2008) na naglalayong

alamin ang mga pamamaraan na ginagamit ng mga guro sa pagtatamo

ng mga kasanayan sa pagtuturo, ang mga pamamaraang ginagamit

upang maitawid ang mga ito at mailarawan ang mga salik na may

malaking ambag sa paggamit ng pinakamahusay na mga pamamaraan

sa pagtuturo. Gamit ang purposive sampling, sampung mababang

paaralan ang natala na may pinakamataas na pagganap at kinilala na


43

may kakayanang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-

aaral na may angking kahusayang pang-akademiko na ginamit na

kalahok sa isinagawang case study.

Pangkat ng mga ekspertong mananaliksik ang nagsagawa ng

isang kuwalitatibong pananaliksik sa pamamagitan ng pagmamasid,

pakikipanayam at pagsusuri ng mga dokumento sa paaralan tulad ng

patakaran ng paaralan, katitikan ng mga pagpupulong, panloob na

talaan, mga gabay na kurikulum at iba pa. Ang mga datos na nakalap

mula sa mga paaralang iyon ay matalinong sinuri. Lumitaw sa pag-aaral

ang mataas na kasanayan at karunungan ng guro, ang pagiging handa

at bukas ng mga guro sa pagbabago, kolaborasyon, mga paniniwala at

estratehiya ng guro sa magkakaibang paraan ng pagtuturo at ang

pamumuno at pagsasarili.

Binigyang diin ni Logan (2011; sa Santos, 2008) sa kaniyang pag-

aaral ang kahalagahan at bisa ng magkakaibang pamamaraan ng

pagtuturo. Ang maliit na bilang ng mga kalahok na hindi sumang-ayon

sa pangunahing saligan ng magkakaibang pamamaraan ng pagtuturo ay

hindi nabigyang linaw. Ayon sa kaniya, hindi magandang magsagawa ng

sarbey sa panahon na ang mga guro ay dadalo sa isang pagpupulong o

di kaya ay sa oras na ang mga guro ay pagod na mula maghapong

pagtuturo. Bunga nito, walang malinaw na impormasyon ang nakalap

kaugnay sa lawak ng pagsasakatuparan ng magkakaibang pamamaraan


44

ng pagtuturo sa araw-araw. Sa kabila nito, naipakita pa rin sa pag-aaral

ni Logan ang pagtataguyod ng mga tagapagturo ang pangunahing

elemento ng magkakaibang pamamaraan ng pagtuturo kabilang ang

pagtiyak ng mga aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral sa pagpili ng

estratehiyang gagamitin sa pagtuturo.

Ayon naman kay VanTassel- Baska et al. (2009; sa Santos,

2008), ang mga gurong bihasa na nakatatanggap ng mataas na kalidad

na pampropesyonal na pag-unlad at nagtuturo ng higit sa itinakdang

panahon ay may kakayahang makagawa ng epektibong resulta tulad ng

maigting na pag-aaral, mataas na antas ng pakikisangkot ng mga mag-

aaral at makabuluhang pagtalakay sa mga aralin. Tila nakatuon at

pinananatili ang estratehiya at pamamaraan na sa palagay nila ay

natututo ang mga mag-aaral. Nakatulong sa pangangailangan ng mga

guro ang mga nakalap na datos at ebidensiya para sa maraming taon

ng pampropesyonal na pag-unlad sa pamamatnubay ng mga

tagapamanihala upang matiyak ang pag-unlad ng mga mag-aaral at ng

institusyon.

Suliraning Pangguro

Kung ating uugatin, hindi lamang talaga nnawawalan o

kinakappos ng kaganapan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa usaping

pagbuo ng pananaliksik, hindi lang rin nagmumula sa lahat ng

pagkakataon sa pagkukulang ng mga guro sa estratehiya ngunit minsan


45

din talaga ay ang kakapusan sa mga kagamitan sa loob ng paaralan na

siyang paghahanguan ng mga impormasyon at detalyeng kinakailangan

nila sa pananaliksik. Isa na dito ang hanggang ngayong suliranin ng

mga guro sa Grade 11 na nagtuturo ng asignaturang pananaliksik, ang

kawalan ng librong gagamitin sa loob ng silid-aralan upang maging

mabilis at madali ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Isa pa ang

mga pasong libro na hindi updated ang taon ng pagkakalimbag na pilit

ipinagagamit sa mga mag-aaral o di kaya‟y malaking kakulangan sa

bilang ng mga aklat na dapat sanay laging nagagamit at

pinakikinabangan ng mga mag-aaral sa kanilang pagbuo ng

pananaliksik.

Ang pagkakaroon ng bagong pananaw sa pagtuturo ay

magbubunga ng mga bagong estratehiya at mga kagamitang

pampagtuturo na makapagpapagaan sa pag-aaral ng pananaliksik

Sa artikulong isinulat ni Seroy (2001; sa Dazo 2018), inilahad na

upang mapanatili ang kahusayan sa pagtuturo sa loob ng silid aralan,

mahalaga na alamin at bigyang kalutasan ang mga suliraning

kailangang agad harapin. Kung hindi magagawa ito, ang mga

administrador o mga puno ng paaralan ay hindi makapagbibigay ng

mahalagang tulong sa pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon sa

bansa. Iba‟t iba ang mga suliranin ng mga guro na dapat bigyang-
46

pansin at hanapan ng kalutasan upang matamo ang tungkulin ng

edukasyon.

Kaya ang kooperasyon ng mga guro, sa tulong ng mga puno o

mga administrador na siyang pinagbuhatan ng mga dapat ipatupad sa

paaralan at kailangang-kailangan upang maisa-isa ang suliraning

nagpapahirap sa kanila at mabigyang kalutasan ang mga ito, sa

ganitong paraan ay makapagtatapos sila ng mahuhusay at magagaling

na mag-aaral; magkakaunawaan na ang mga mamamayan;

magtataglay ang bawat isa ng kakayang pang global kung saan kaya

nilang makpagsabayan sa ibang mga bansa, Espiritu (2009; sa Dazo

2018).

Ang mga gurong nagtuturo ng Filipino at humahanap ng mga

suliranin sa pagtuturo upang mabigyan ng lunas ayon kay San Diego

(2001; sa Dazo 2018), ang isa sa mga suliranin ng mga guro ay ang

kakulangan ng mga materyales na gamit sa mga silid-aralan sa

mabisang pagtuturo o paglilipat ng kaalaman o kasanayan. Matagal na

itong suliranin ng mga nilihang nasa pinakadakilang propesyon. Malimit

na nilang idaing ang di-sapat o kawalan ng mga batayang-aklat,

sangguniang babasahin, patnubay o gabay sa pagtuturo, tsart sa iba

pang mga pantulong na gamit para sa mabisnag pagtuturo. Ito marahil

ang isa sa pinakaugat ng kalabisan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

usaping pananaliksik.
47

Sinabi ni Perez (2003; sa Dazo 2018) na may mga guro sa

elementarya hanggang sa antas tersyarya na hindi nakapagbibigay ng

sapat na motibasyon sa mga mag-aaral upang magkaroon ng hamon.

Ang pagiging malikhain sa pagdulog sa pagtuturo ng pananaliksik ay

waring hindi taglay ng guro. Ang isa sa pinakamabisang salik sa

pagtuturo, maging anoman ang kursong itinuturo ay ang pagiging

malikhain ng guro. Ang guro na may magaling na motibasyon ay

nakalilikha nang may batubalani at nakawiwiling kapaligiran sa

kaniyang pagtuturo.

Kaya upang matugunan ang mga pagbabagong nagaganap sa

lalong ikauunlad ng edukasyon at nararapat lamang na magsagawa ng

isang paraan sa pagsasanay sa panahon ng paglilingkod. Sa ganitong

paraan, lalo pang mapapataas ang uri ng pagtuturo ng mga guro sa

pag-aangkop ng pinakahuli at pinakabagong pamamaraan sa pagtuturo

na siyang hinihingi ng pagkakataon.

Ayon kay Ornstein (2008; sa Devida, 2018), mahalaga ang

pananagutan ng guro at ang epektibong pagtuturo nito. Dahil sa bigat

ng mga pananagutan ng isang guro, mahalaga sa kaniya na harapin

nang buong tatag ang kaniyang pansariling suliranin lalo na ang mga

kaugnayan sa kaniyang pagtuturo upang siya ay maging epektibong

guro sa kaniyang maaral. Gaano man niya kamahal ang pagtuturo ay


48

dumarating ang mga pagkakataon na daranas siya ng kalungkutan o

kabiguan na kaugnay ng iba‟t ibang aspekto ng kaniyang gawain.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Diego (2015; sa Devida, 2018) na

sumasaklaw sa mga suliranin ng mga gurong nagtuturo ng Filipino sa

mga pandalubhasaang paaralan, inalam ang personal na datos ng mga

guro at ang katindihan ng mga suliraning kinahaharap. Nabatid sa pag-

aaral na isinagawa na ang mga katangian ng mga guro gayundin ang

mga kwalipikasyong pang-edukasyon nila ay may kaugnayan sa kung

paano sila nagsasagawa ng mga kalutasan sa mga suliraning kanilang

nakikita at nararamdaman sa pagtuturo ng Filipino sa mga

pandalubhasang paaralan. Ang katangian ng guro ay may kinalaman

ayon sa gulang. Ang mga gurong nasa katamtamang guro ay

nakahihigit kaya sila ay pawang masisipag at matitiyaga sa pagtuklas

ng mahalagang pamamaraan sa pagtuturo gayundin sa pagtuklas ng

mga kalutasang nararapat isagawa sa mga suliraning naranasan nila sa

pagtuturo upang higit itong maging kapaki-pakinabang na nakatutulong

sa pagpapaunlad ng kaalaman, kakayahan at kasanayan ng mga mag-

aaral.

Sa pag-aaral na ginawa ni Gonzaga (2015; sa Devida, 2018) na

nauukol sa pagsasaliksik at pagtuklas sa mga suliranin ng mga guro sa

piling Mataas na Paaralan ng Rincada, Lungsod ng Iriga, natuklasan

niyang ang mga guro ay pawang nagnanais na magsanay sa wikang


49

Filipino at nang maragdagan ang kanilang kaalaman sa pagtuturo ng

pananaliksik sa karamihan sa kanila ay hindi nakadalo sa anomang uri

ng pagsasanay, natuklasan din niyang kulang sila sa mga aklat,

pantnubay at iba pang babasahin sa Filipino.

May kinalaman naman ito sa natuklasan ni Patalita (2000) mula

sa pag-aaral ni Bellen (2002) sa kaniyang tesis na “Mga Mungkahing

Karagdagang Kagamitan sa Pagtuturo ng Pilipino sa Antas Tersyarya

Batay sa Pangkalahatang Kurikulum Pang-Edukasyon” na may

kaugnayan ang mga positibong saloobin tungkol sa pagtuturo ng

pananaliksik at may kinalaman ito sa kanilang gulang at kahandaang

propesyunal. Lumabas sa kaniyang pag-aaral ang katotohanang ang

mga pagsasanay at tagal ng pagtuturo o karanasan ay walang

kaugnayan sa kanilang saloobin sa pagtuturo ng pananaliksik. May

kaugnayan ang saloobin ng mga guro sa pagkakaroon ng kagamitang

pampagtuturo, pagganyak na nakapagbibigay sigla upang maging

mahusay at mabisa ang pagtuturo.

Sa pananaliksik naman na binuo ni Melgar (2016; sa Devida,

2018), natuklasan niya na ang lahat ng gurong kalahok sa pag-aaral ay

may suliranin sa paggamit ng silabus na kalakip ng MEC Order Bilang

22, Serye 1978. Ang suliranin nila ay sa mga paksa, mga gawain at

mga aklat. Ang labingwalong mungkahi sa halos lahat ng paksa ay hindi

kinagigiliwan ng mahigit sa kalahati ng mga kalahok. Naniniwala ang


50

lahat ng gurong kalahok sa pag-aaral na ang mga mungkahing paksa

na inihayag nila ay makatutulong sa pagpapakita ng pagkatuto ng

Filipino I sa mga mag-aaral na kumukuha.

Ayon kay Valle (2000; sa Devida, 2018) sa kaniyang pag-aaral na

isinagawa na sumasaklaw sa mga kagamitang pampagtuturo ng

pananaliksik ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon. Sa puntong ito,

inilahad niya ang mga pananaw/persepsyon ng mga mag-aaral sa

epektibo ng mga kagamitang pampagtuturo na iminungkahi batay sa

mga suliraning hinusgahan ng mga kalahok sa kaniyang pag-aaral.

Pinaghambing ang persepsyon ng mga napiling kagamitan ng mga guro

at mga mag-aaral sa pamamagitan ng Sandlers A Test at natuklasan ng

guro at mag-aaral ayon sa pagiging epektibo ng kagamitang

pampagtuturo. Nagkaroon din ng pagtuklas sa mga suliraning inilahad

ng guro sa pagtuturo ng Filipino at napatunayan na kulang sa sapat na

kakayahan angguro sa paghahanda at pagsasagawa ng mga

mungkahing kalunasan ukol sa suliranin ng pagtuturo sa Pananaliksik.

Ang isang pag-aaral na nauukol sa mga suliranin sa pagbuo ng

Pananaliksik sa mataas na paaralan ay natuklasang may limang

suliranin sa paggamit ng kagamitang pampagtuturo at ito ay ang

sumusunod: 1. walang sapat na kagamitang pampagtuturo at mga

patnubay; 2. walang sapat na sanggunian na naisulat sa Filipino; 3.

kahirapan sa pagsasalin ng mga kagamitan buhat sa Ingles; walang


51

sapat na mga aklat o babasahin ang mga mag-aaral at 5. kulang ng

pamamatnubay ang mga guro sa mga mag-aaral, Apellido (2002; sa

Devida, 2018).

Sina Duffy at Sherman (2014; sa Dizon, 2018) ay gumawa din ng

kit na may pamagat na “How to Teach Reading Systematically”. Ito ay

ang resulta ng pitong beses na rebisyon ng “instructional package”.

Ginagamit pa ito noong 1980 ng mga di-gradwadong mag-aaral sa mga

Pamamaraan sa Pagbasa (Reading Methods) sa Michigan State

University. Batay sa pag-aaral iminungkahi na ang lahat ng guro ay

dapat maging mapakiramdam (sensitive), makatao (humanistic),

“encouraging flexibility”, mapagbigay at malikhain. Ang kahinaan at

kahulugan ay dapat masuri ng mag-aaral sa sining pangkomunikatibo

upang lubos na mabigyang-diin at pansin ng guro ang dapat na

kailanganin. Ang mabisang palatuntunan sa pagbasa ay nagbibigay at

nakapagpapasigla ng makabuluhang mga sitwasyon sa pag-aaral ng

sining ng komunikasyon.

Ang aklat ay sumusunod sa “performance-based”, isang huwaran

na ang mga mag-aaral ay natutuhang isa-isa ang mga tiyak na layunin.

Ang mga layuning ito ang siyang nagpapakita ng mga kahusayang

kailangan ng mga bagong guro sa pagtuturo ng kasanayang pangwika.

Naiiba ito sa mga pag-aaral na nabanggit sapagkat ang tinitiyak

dito ay ang pagbuo ng mga mungkahing karagdagang kagamitan sa


52

Pananaliksik batay sa Pangkalahatang Kurikulum Pang-edukasyon

(GEC) alinsunod sa CHED Memo Blg. 59, samantalang ang mga pag-

aaral na naisagawa na ay pawang tumitiyak sa mga kagamitang

pampagtuturo kaugnay ng mga suliranin sa pagtuturo sa Pananaliksik.

Ayon sa National Council for History in Schools (2009) na may

kinalaman sa Pinakamahusay na mga Kasanayan sa Pagtuturo ng

Pananaliksik. Kabilang na dito ang paglikha ng guro ng makahulugang

pagtuturo na nakapalibot sa matatag na pang-unawa at mahalagang

mga tanong sa pinakamahusay na mga kasanayan sa pagtuturo ng

Pananaliksik. Nagtatakda ang guro ng mga gawain na parehong nag-

aatas at nagbibihay ng hamon. Ginagamit nila ang aktibong pagkatuto

sa kanilang pagtuturo na kabilang ang panggagaya, ang paggamit ng

kapani-paniwalang mga dokumento, pagsasaliksik, mga debate at mga

pagtatalakayan upang mapadali ang paglago ng may sapat na katigang

mga posisyon.

Pinadadali din nito ang talakayan sa pagitan ng guro at mga mag-

aaral at sa pagitan ng mga pangkat ng mga mag-aaral. Epektibong

estratehiya ang kanilang ginagamit sa pagtuturo upang makahikayat ng

indibidwal na pagninilay gayundin ang tulong-tulong na pagpoproseso.

Pinag-iiba-iba nila ang paraan ng pagtuturo upang matamo ang iba‟t

ibang pagkatuto at pangangailangang pagkakuha ng wika ng mga mag-

aaral.
53

Gumagamit sila ng kapani-paniwalang mga halimbawa at

modelong karunungang pang-estratehiya upang mapalalim ang

pagkaunawa sa mga nilalaman ng mga aralin at modelong mga

inaasahan.

Idinagdag pa ni Tanner (2009; sa Dizon, 2018), upang maging

makabuluhan ang pagtuturo ng Pananaliksik, kinakailangang

maunawaan at matugunan ng mga guro ang mga pangangailangan ng

mga mag-aaral. Kailangang bigyang pansin ng mga guro ang

pagkakaiba-iba at ang mga natural na interes ng mga mag-aaral sa

mundong kanilang ginagalawan. Sa pamamagitan ng mga kakayahan at

karanasan ng mga mag-aaral, makalilikha ang mga guro ng mga

kaganapang pangkarunungan na humahamon sa mga mag-aaral

upangkumikha ng mga makabuluhang koneksyon at mapalawak ang

kanilang mga kaalaman at kurokuro. Sa Pananaliksik gaya ng iba pang

dominyong pangkarunungan, nakikinabang ang mga mag-aaral mula sa

pagkakaroon ng iba‟t ibang paraam upang unawain ang isang konsepto.

Dumarami ang mga guro ng Senior High School ang may mga mag-

aaral na may iba‟t ibang karanasan at magkakaibang kakayahan sa

kanilang mga klase at kinakailangang magkaroon ng magkakaibang

paraan ng pagtuturo ang guro upang matugunan ang mga

pangangailangan ng mga ito. Matagumpay ang guro ng Senior High

School kung nagtataglay ng parehong kahusayan sa asignatura at


54

abilidad na mahikayat ang mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto sa

pamamagitan ng iba‟t ibang metodolohiya sa pagtuturo.

Ipinaliwanag nina Levstick at Barton (2005; sa Dizon, 2018) na

ang pangunahing katangian ng pagsusuri ay nagsisilbing hangaring

pantulong- ito ay may mga kapakipakinabang na mga epekto sa

pagtuturo at pagkatuto. Hinahayaan ang mga mag-aaral na gumawa ng

mga gawaing pagsusuri na ipakita kung ano ang kanilang nalalaman sa

halip na kung ano ang kanilang hindi alam. Ang pagsusuring

konstruktibo ang nagbibigay sa mga mag-aaral ng maraming paraan

upang ipakita ang kanilang nalalaman. Kapag ang mga guro at mga

mag-aaral ay nagsama sa paghahanap ng pinakamagaling na

pamamaraan ng pagpapakita ng mga natutunan, ang tiwala sa sarili ng

mga mag-aaral ay nakikinabang dahil mayroon sila ng bawat

pagkakataon na iangat ang kanilang kakayahan. Ang pagtuturo din ng

guro ay higit na maayos dahil nakakakuha siya ng mga kaalaman

tungkol sa mga nalalaman ng mga mag-aaral at kung ano ang

kailangan pa nilang malaman. Upang makuha ang ganitong kaalaman,

nangangailangan ang mga guro ng higit pa sa isang paraan upang

hikayatin ang pagkakamit ng mga mag-aaral ng tagumpay. Ayon sa

tradisyon, umiisip ang mga guro ng pagsusuri pagkatapos ng pagtuturo

ngunit nasa uri ng pagsusuri na inilalarawan sa libro, walang

masyadong pagkakaiba sa pagitan ng pagtuturo at pagsusuri. Nagtatala


55

ang mga guro habang nagsasalita ang mga mag-aaral, inoobserbahan

ang kanilang presentasyon, nirerepaso ang kanilang mga proyekto, ang

binabasa, ang kanilang mga nakasulat na ulat; ang lahat ng ito ay mga

bahagi ng nagaganap na pagtatasa ng pagkatuto (Barkey et al., (2009;

sa Dizon, 2018).

Tulad ng isinaad sa pag-aaral ng mananaliksik sa Strategy #4 Get

Students Working Together, ang tulungang mga gawain sa silid-aralan

ay mga prosesong pangkaranasan na inaalis ang mga mag-aaral mula

sa pagiging simpleng tagapakinig patungo sa pamamaraang

mapagtanong bilang mga kabilang sa mga karanasan ng tulungang

pagkatuto. Iniiwan ng mga guro ang kanilang mga tungkulin bilang

tagapagtalakay upang maging tagapagpagaan sa mga grupo ng mga

mag-aaral na gumagawa ng magkakasama.

Ipinakita ang tulungang pagkatuto upang mapabuti ang

mapanuring kakayahan ng pag-iisip. Ang mga katibayan ay nagsasabi

na ang binabahaging karunungan ay nagbibigay ng pagkakataon sa

mga mag-aaral upang makisangkot sa talakayan at tumanggap ng

responsibilidad sa kanilang pagkatuto, na nagdadala sa mga mag-aaral

sa pagiging mapanuring tagapag-isip (Totten, et al. (2011, sa Dizon,

2018). Bilang karagdagan, may mga nakahihimok na mga katibayan na

ang mga tulungang pangkat ay nakakamit ang mataas na lebel na

pagtingin at matagal na pagtigil ng impormasyon kumpara sa mga


56

mag-aaral na natututo ng mag-isa (Johnson at Smith (2006; sa Dizon,

2018). Itinala ng mga mananaliksik na ito na kapag nagbubuo ng mga

gawain ng tulungang pagkatuto sa silid-aralan, dapat ay parehas na

mayroong hangaring pang-pangkat na indibidwal na pananagutan. Sa

kabilang banda, kagaya ng pagdudulot ng tulungang pagkatuto ng isang

natural na kapaligiran upang magtaguyod ng interpersonal na mga

kakayahan, ang Problem-Based Learning (PBL) ay nagdudulot ng

natural na kapaligiran para sa pagpapaunlad ng paglutas ng suliranin ng

panghabambuhay na pagkatutong kakayahan (Prince (2009; sa Dizon,

2018). Ang bawat grupo ay nagtatanong “Ano ang kaya kong gawin

upang ang aking mga mag-aaral ay mag-isip ng mapanuri at maging

mga tagalutas ng suliranin?” Ang iba‟t ibang paraan ng pagtuturo ay

napaunlad sa pagdaan ng mga panahon kagaya ng PBL upang ilahad

ang tanong na ito. Tinuturing bilang isang pag- unlad ng kurikulum at

sistema ng pagtuturo na sabayang pinauunlad pareho ang estratehiya

sa paglutas ng suliranin at mga disiplinang nakabase sa kaalaman at

mga kakayahan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga mag-aaral sa

aktibong tungkulin ng tagalutas ng problema na humaharap sa salamin

ng makatotohanang-mundong mga problema (Finkle at Top, 2009).

Kinikilala sa suporta ng PBL na ang mga mag-aaral ay

nakapananatili ng minimal na impormasyong nakukuha mula sa

tradisyonal na pagtuturong nakabase sa panayam (Bok (2009; sa


57

Dizon, 2018) at may kahirapan sa paglilipat ng kaalaman sa panibagong

karanasan. Ang PBL ay nagdudulot ng isang kapaligiran kung saan ang

mga mag-aaral ay nakahuhugot mula sa “prior knowledge” o iskima,

natutunan sa aktwal na konteksto at napatatatag sa kaalaman sa

pamamagitan ng malaya at maliit na gawang grupo. (Schmidt (2013; sa

Dizon, 2018).

Pangkaraniwang binibigyang kahulugan ang Problem-Based

Learning bilang isang paraan ng pagtuturo na humahamon sa mga

mag-aaral upang “matuto na matuto,” gumagawa ng tulong- tulong sa

grupo upang makahanap ng solusyon sa makatotohanang mga

problema. Ang mga mag-aaral ay inihahanda upang mag-isip ng

mapanuri at mabuti upang makahanap at makagamit ng naaayong

kagamitan sa pagkatuto (Del Mundo, 2009).

Matapos masaksihan ang kabiguan ng mga guro sa tradisyonal na

paraan ng pagtuturo, dinala ang mga guro sa Problem- Based Learning,

(Del Mundo (2009; sa Duch 2016). Sa larangan ng siyensiya at

medisina nagsimula ang PBL noong taong 60‟s at di kalauna‟y hinalaw

sa pagtuturo ng mga magtatapos (Amador,et al. (2009; sa Dizon,

2018). Naging paborito ng mga guro ang PBL na nais maisangkot ang

mga mag-aaral sa pagbubuo ng kaalaman sa isang kapaligirang grupo

na tumutulong sa kanila na mag-analisa ng mga suliranin na kanilang

masasagupa sa kanilang hinaharap na mundo ng trabaho. Ang


58

pagsasaliksik ay naghahayag na ang PBL ay nagsasangkot sa mga mag-

aaral, nagpapaunlad ng mataas na ayos ng kakayahang mag-isip,

nagpapabuti ng pagpapanatili ng kaalaman at nakadaragdag sa

motibasyon gayundin sa kultura ng pagiging bukas at respeto sa silid-

aralan (Dochy, et.al (2009; sa Dizon, 2018).

Maaaring halawin ang nakabase sa problemang pagkatuto sa

anomang disiplina at maaaring isama sa pagtatalakay upang makabuo

ng panibagong mga modelo ng pagtuturo. Ang Harvard University ay

pinalawak ang mga karanasang ito sa pamamagitan ng pagsasama ng

mga suliraning PBL sa panayam, talakayan at pangkaranasang mga

sesyon (Tosteson, et al (2009; sa Dizon, 2018).

Sintesis

Batay sa mga nakalap na mga kaugnay na literatura at pag-aaral

napatunayan na marami ang pagkakatulad ng mga ito sa isinagawang

pag-aaral ng mananaliksik tulad ng: paggamit ng napapanahong

estratehiya sa pagtuturo ng pananaliksik, ang Evidence Based Teaching

Startegies. Alinsunod 58ag a, lumabas sa pag- aaral ng pananaliksik na

binuo ng mga guro sa Mababang Paaralan ng Distrito ng San Jose Del

Monte na iminumungkahi na magkaroon ng epektibong kagamitan sa

pagtuturo ng Filipino upang maging sapat ang antas ng kasanayan ng

mga mag- aaral ng mga mag- aaral.


59

Gayundin, napatunayan na may ilang pag-aaral at literatura na

sumasalungat sa pag-aaral na ito tulad ng: inilahad ng mga guro sa

Mababang Paaralan ng Distrito ng San Jose Del Monte na dahil sa mga

estratehiyang naglipana sa kontemporaryong panahon ay hindi na nila

higit na malaman kung alin sa mga ito ang higit na epektibo at dapat

gamitin tungo sa lalo pang paglinang ng mga mag- aaral sa kanilang

pag- unawa sa panitikan. Kung minsan ay may kalituhang dulot ang

paggamit ng angkop na estratehiya sapagkat marapat ring busisiing

mabuti kung alin sa mga ito ang aangkop sa aralin at kakayahan ng

mga mag- aaral.

Kung kaya, naniniwala ang mananaliksik na: malaki ang

naitutulong ng mga estratehiya sa pagtatamo at pagpapatibay ng mga

kasanayan sa mga mag- aaral sa pamamagitan ng paggamit nito sa

pagtuturo ngunit kalakip ng mga kagandahang dulot ng mga

estratehiyang ito ang pagiging mapanuri kung anong dulog ang

mabisang gamitin sa mga mag- aaral, depende sa antas, interes at

track na kanilang kinukuha sa Senior High School.


60

Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PAG- AARAL

Ang pag- aaral na ito ay may layuning magbigay suhestiyon

hinggil sa pagkamit ng pagkatuto ng mga mag- aaral sa pagbuo ng

pananaliksik gamit ang Evidence- Based Strategies na ginamit ng guro

sa pagtuturo ng naturang asignatura.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ginamit sa pananaliksik na ito ang disenyong Kuwantitatibong

Pananaliksik kung saan nagsagawa ng paunang pagsusulit at

pangwakas na pagsusulit ang mananaliksik sa mga grupo ng mag-

aaral, ang kontrolado at eksperimental. Malaki ang naitulong ng

pagtuturong ginagamitan ng estratehiyang Evidence- Based Strategy

sapagkat sa estratehiyang ito nasubok ang kabisaan ng pagtuturo ng

guro sa aspeto ng pagkatuto ng mga mag- aaral. Malinaw na kinakitaan

ng positibong resulta ang pauna at pangwakas na pagsusulit ng mga

mag- aaral sa eksperimental na grupo pagkatapos maisagawa sa kanila

ang aplikasyon ng Evidence- Based Strategy.


61

POPULASYON NG PAG- AARAL

Ang mga respondente ay nagmula sa Grade 11, Technical-

Vocational Strand partikular sa Electrical at Beauty Care ng Parañaque

National High School Main, Sangay ng Parañaque.

Nabuo ang mga kaalaman at impormasyon sa pag- aaral na ito sa

pamamagitan ng talatanungan para sa paunang pagsusulit at

pangwakas na pagsusulit at pagsusuring nakabatay sa resulta ng mga

eksamin at estratehiyang ginamit sa pagtuturo. Ang mga datos na

nalikom ay mula sa apatnapu‟t isa (41) mga mag- aaral ng Grade 11,

Beauty Care at apatnapu‟t pito (47) mag- aaral ng Grade 11, Electrical

Installation and Maintenance.

INSTRUMENTO NG PAG- AARAL

Ang pinagkunan ng mga impormasyon at mga datos ay ang

resulta ng pretest at post test na isinagawa ng mananaliksik (paunang

pagsusulit at pangwakas na pagsusulit) na hango sa pagtuturo ng guro

na ginamitan ng banghay- aralin na nakabatay sa paglalapat ng

evidence base strategy.

Kasama sa pagsusuring isinagawa ang pagtuklas sa pagiging

epektibo ng mga estratehiyang nakapaloob sa Evidence Base Strategy

na isinagawa sa pagtuturo. Mula sa reulta ng paunang at pangwakas na

pagsusulit, nagbigay ang mananaliksik ng mga rekomendasyon o mga


62

suhestiyong solusyon upang maging epektibo ang pagtutuor ng

pananaliksik sa mga mag- aaral ng Grade 11.

PAMAMARAAN NG PAGKUHA NG DATOS

Paghahanda. Nagkaroon ng kahandaan ang mananaliksik sa

gagawing pag- aaral sa pamamagitan ng pangangalap ng mga

sangguniang may malaking kaugnayan sa paksang pag- aaralan.

Pagsangguni. Isa sa mga etikal na aspeto ng pananaliksik ang

pagsangguni sa mga edukador at eksperto upang makapagbigay ng

mga payo at balidasyon sa pananaliksik na binuo. Isa na dito ang

paghingi ng pahintulot ng mananaliksik sa punungguro ng paaralang

nabanggit.

Balidasyon. Sa unang bahagi ng talatanungan ay may

sampung (10) aytem na kumikilala sa kahulugan at kahalagahan ng

pananaliksik ayon sa layunin, gamit at katangian. Pinili ng respondente

ang tinutukoy sa bawat bilang sa mga letrang nakalahad mula A

hanggang D na tumutukoy sa layunin, gamit at katangian, isinama din

ng mananaliksik ang gabay bilang isa sa mga pagpipilian. Sa ikalawang

bahagi ng talatanungan, sinuri ang ilang halimbawa ng pananaliksik sa

Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika, ito ay naglalaman ng

sampung (10) aytem. Sa bahaging ito isinulat ang A kung ito‟y

tumutukoy sa layunin, B kung sa gamit, C kung metodo at D kung etika


63

sa pananaliksik. Sa ikatlong bahagi ng pagsusulit, inilapat ang iba‟t

ibang paraan sa pagpili ng mainam na paksang dapat saliksikin, pinili

ang titik ng tamang sagot sa pagitan ng A, B, C at D, ito ay

kinapapalooban din ng sampung (10) aytem. Sa ikaapat na bahagi

naman, pinili sa Hanay B ang bahagi ng balangkas na tinutukoy sa

Hanay A na kaugnay ng paksang sasaliksikin, sampung (10) aytem din

ang para dito. Bumuo ng maiksing konseptong papel na napapanahon

ang paksa at pumili ng angkop na nilalaman ng pananaliksik sa mga

letra ang isinagawa ng mga respondente para sa ikalimang bahagi ng

talatanungan, ito ay naglalaman ng sampung (10) aytem. Ang kabuuan

ng talatanungan ayy limampung (50) aytem at nakabatay ang lahat ng

aytem sa layuning nakaangkla sa curriculum guide na gabay sa

pagtuturo para sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba‟t Ibang

Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Implementasyon. Ang Evidence- Based Teaching Strategies ay

naglalaman ng sampung (5) esratehiyang epektibo sa pagtuturo ng

anomang aralin, sa wikang Filipino man o wikang Ingles. Nakapaloob

dito ang sumusunod: Evidence Based Teaching Strategy #1-

Questioning to Check for Understanding (Pagtatanong upang matiyak

kung naintindihan ang aralin), Evidence Based Teaching Strategy #2-

Summarise New Learning in a Graphical Way (Pagbubuod ng bagong

kaalamang natutunan sa pamamagitan ng mga grapikong estratehiya),


64

Evidence Based Teaching Strategy #3- Provide Your Students with

Feedback (Pagbibigay puna sa mga mag- aaral bata sa isinagawang

gawain), Evidence Based Teaching Strategy #4- Get Students Working

Together (Pagsasagawa ng Pagsasanay nang magkakasama ang mga

Mag- aaral), Evidence Based Teaching Strategy #5- Teach Strategies

not just Content (Pagtuturo ng estratehiya hindi lamang ang nilalaman).

Kabilang sa delimitasyon ang hindi pagsasama ng iba pang estratehiya,

ito ay ang sumusunod: Evidence Based Teaching Strategy.

Interpretasyon. Batay sa kinalabasan sa resulta ng estadistika,

sinikap ng mananaliksik na bigyan ng interpretasyon ang bawat isa na

tutugon sa sagot sa mga suliraning inilahad.

PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS AT ESTADISTIKONG

PAMAMARAAN

Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng Statistical Package for

the Social Sciences (SPSS). Ginamitan ng t-test pati na rin ng computed

value ng mean, variance, standard deviation at learning gains ang mga

datos na nakalap para sa kompyutasyon.

Mean

Ginagamit upang matukoy ang antas ng pagkatuto ng 60 na mag-

aaral na respondente na nagmula sa Technical Vocational partikular sa


65

Beauty Care (30 mag- aaral) at Electrical (30 mag- aaral) sa

pamamagitan ng pre-test at post-test gamit ang dalawang magkaibang

pamamaraan ng pagtuturo, ang tradisyonal na pagtuturo para sa grupo

ng kontrolado at ang pamamaraang Evidence Based Teaching Strategies

naman ay para sa grupong eksperimental

X= ∑fx
n

na ang:

∑fx = kabuuan ng lahat ng iskor

n= bilang ng respondente

Variance

Ang variance ay ginagamit upang masukat ang hangganan ng

lawak o saklaw ng serye ng mga numero ng mga marka ng mga mag-

aaral sa Pre-test at Post-Test.

s²= ∑(X-X)²
n-1

na ang:

n= bilang ng respondente

x= gitnang marka

Standard Deviation

Upang malaman ang pagkakadikit-dikit o pagkakahiwa-hiwalay ng

mga iskor ng mga mag-aaral sa pre-test at post-test ng parehong

grupo, ginagamit naman ang standard deviation.


66

∑ ̅

na ang:

n= bilang ng respondente

x = bilang o dami ng iskor mula sa score range

x= gitnang marka

Talahanayan 1
Interpretasyon sa Pagsukat ng Marka sa Pre-test at Post-test sa
grupong Kontrolado at grupong Eksperimental

Pre-test at Post-test Scores Pasalitang Pagpapakahulugan

41 to 50 Sukdulang Mahusay

31 to 40 Napakahusay

21 to 30 Mahusay

11 to 20 „Di Gaanong Mahusay

0 to 10 „Di Mahusay

Isinasaad sa talahanayan 1 na ang mag-aaral na makakukuha ng

0-9 ay mapapabilang sa sa interpretasyon na „Di Mahusay; 10-19 na

iskor ay nasa ilalim ng iskala na „Di Gaanong Mahusay; 20-19 ay nasa

lebel na Mahusay; ang mga mag-aaral na makakukuha ng 30-39 ay

nasa ilalim ng Napakahusay at iskor na 40-50 ay sasailalim at

mapabibilang sa Sukdulang Mahusay.


67

t-test. Sa pamamagitan ng t-test masusuri at maaanalisa ang

makabuluhang pagkakaiba ng kakayahan para sa dalawang grupo.

t-test para sa independent. Ito ay ginawa upang makita ang

pagkakaiba ng antas ng kakanyahan ng grupong kontrolado at grupong

ekperimental sa pre-test at post test at malaman ang kabisaan ng

paggamit ng Evidence Based Teaching Strategies

√( )

na ang:

= mean of controlled group

= mean of experimental group

= standard deviation of controlled group

= standard deviation of experimental group

= number of subjects in controlled group

= number of subjects in experimental group

t-test para sa paired samples. Ito ay ginamit upang malaman

ang makabuluhang pagkakaiba sa kasanayan ng mga mag-aaral mula

sa pre-test at post test na ginamit sa pag-aaral, ito rin ay ginamit sa

paghahambing ng kabuuang puntos sa pre test at post test ng mga

mag- aaral. Sa pamamagitan nito, maihahambing ang kabuuang puntos


68

sa pre test at post test ng mga mag- aaral. Ginamitan ito ng SPSS

(Statistical Package for Social Sciences) upang matuos ang mga datos.

na ang:

d= difference per paired value


n= number of samples
69

Kabanata 4

PAGALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN

Sa kabanatang ito, gumamit ng talahanayan ang mananaliksik

upang malinaw na maipakita ang naging resulta ng isinagawang pag-

aaral. Inilahad, sinuri at binigyang pagpapakahulugan sa bahaging ito

ang resulta ng pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa mgaa

katanungan sa paglalahad ng mga suliranin, nagsagawa muna ng tests

of normality sa pamamagitan ng dalawang software, ang Kolmogorov-

Smirnov at ang Shapiro- Wilk upang matantya kung may makabuluhan

bang pagkakaiba sa mga sampling na ginamit sa pag- aaral, ang

kontrolado at eksperimental na grupo. Ang ginamit na instrument sa

pag- aaral na ito paired t- test sapagkat ang magkaparehong grupo,

ang kontrolado at eksperimental ay sumabak sa parehong pagsusulit,

ang pre test at post test.


70

1. Marka sa pretest ng grupong N-EBTS (kontrolado) at grupong

EBTS (eksperimental)

Talahanayan 2

Resulta ng Pretest ng grupong N-EBTS at grupong EBTS

N-EBTS EBTS
Marka Paglalarawan
Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan
Sukdulang
41-50
Mahusay
31-40 Napakahusay
21-30 Mahusay
Di-Gaanong
11-20 3 6.38 9 21.95
Mahusay
0-10 44 93.62 32 78.05 Di-Mahusay
Kabuuan 47 100.00 41 100.00
Mean 5.15 Di- 7.54 Di-
Mahusay Mahusay
Standard 2.85 4.35
deviation

Makikita sa talahanayan 2 ang resulta ng pretest, mas mataas ng

kaunting puntos ang nakuha ng grupong eksperimental (EBTS) kumpara

sa grupong kontrolado (N-EBTS). Ang mean ng grupong N-EBTS ay

5.15 Di- husay samantalang ang grupong EBTS ay may mean na 7.54

Di-Mahusay. Patunay lamang ito na ang parehong grupo ay parehong

may mga mag-aaral na mahuhusay, di gaanong mahusay sa larangang

intelektwal at mayroon din namang hindi (Hetero at Homo).

Ang talahanayan ay tumatalakay sa mga puntos o markang

nakuha ng mga mag- aaral sa magkaibang grupo. Wala sa parehong


71

grupo ang nakakuha ng 41-50 na marka sa pretest na may

paglalarawang Sukdulang Mahusay. Gayundin, wala din sa parehong

grupong kontrolado at eksperimental ang nakakuha ng markang 31-40

na may paglalarawang Napakahusay. Sa paglalarawang Mahusay

naman, wala ni isa man sa grupong N-EBTS at EBTS ang nakakuha ng

markang 21-30. Sa markang 11-20, 3 mag- aaral mula sa grupong

kontrolado (N-EBTS) ang nakakuha ng ganitong puntos na may

paglalarawang „Di Gaanong Mahusay at may bahagdang 6.38%.

samantalang ang grupong eksperimental (EBTS) naman ay nakakuha

ng 9 bilang na may bahagdang 21.95%. Ang pinakamababang markang

0-10 sa paglalarawang „Di Mahusay ay ang nakuhang marka ng 44 na

mga mag- aaral na nagmula sa grupong kontrolado (N-EBTS) at may

bahagdang 93.62%. Samantalang 32 mag- aaral naman ang nakakuha

nito mula sa grupong eksperimental (EBTS) na may bahagdang

78.05%. Ang mga ito ay may kabuuang mean na 5.15 mula sa grupong

kontrolado (N-EBTS) at 7.54 mula sa grupong ekperimental (EBTS).

Ang huling makikita sa talahanayang estadistika ay ang resulta ng

standard deviation ng bawat pangkat na 2.85 sa grupong kontrolado

(N-EBTS) at 4.35 sa grupong ekperimental (EBTS).

Ayon kay Thorndike (1935; sa Gray 2011) sa kaniyang Law of

Readiness and Effect, nararapat na bigyang pokus ng mga guro ang

mga mag-aaral at lubusang mabigyan ng motibasyon upang hindi


72

imaging kabagot-bagot ang oras ng talakayan sa klase. Sa resulta ng

pretest ng dalawang pangkat, pinatutunayan lamang na hindi pa

gaanong matatag ang pundasyon ng mga mag-aaral sa usaping

pananaliksik at nakikita ng mananaliksik na may malaking kaugnayan

dito ang nakaraang aralin sa asignaturang pananaliksik.

Ayon sa isang guro ng asignaturang Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, na kinapanayam ng

mananaliksik, malaking kahirapan sa kanila ang pagsagot sa pagsusulit

sa maraming kadahilanan. Ilan sa mga ito ay ang labis na kawalan ng

interes ng mga mag- aaral sa paksang tinatalakay sa mga tanong sa

pretest, alinsunod dito ang limitadong ideya ng mga mag- aaral na

nagbunsod sa kanila upang magkaroon ng limitadong sagot sa mga

tanong. Bukod pa dito,isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang

kanilang markang nakuha ay sapagkat kung ikukumpara sila sa mga

kamag- aral na nakakuha ng mas mataas na marka, sila ay hindi

nagkaroon ng pagkakataong aralin ang pananaliksik noong sila ay nasa

ika-10 baitang, ang iba nama‟y nakasama ang pananaliksik sa mga

paksain nila noong sila‟y nasa Junior High School ang ngunit hindi nila

ganap na natutunan ang pagbuo nito. (Myrna Asuncion, Master Teacher

II, 2018).
73

2. Makabuluhan bang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo


(kontrolado at eksperimental) sa pre- test.

Talahanayan 3

Makabuluhang pagkakaiba ng marka ng dalawang grupo (N-


EBTS at EBTS) sa pretest

Mean Computed Tabular P-


Grupo Mean df Interpretation Decision
Difference t t value

N- Reject Ho
5.15
EBTS and
2.37 86 3.76 1.98 0.001 Significant
Accept
EBTS 7.54
H1

Makikita sa talahanayan 3 ang mean difference sa resulta ng

pretest. Upang makuha ito, tinignan ang resulta ng mean sa pretest ng

dalawang grupo, ang grupong kontrolado (N-EBTS) ay may mean na

5.15 samantalang ang eksperimental (EBTS) ay may 7.54 na parehong

ginamitan ng t-test sa kompyutasyon. Masasalamin na may

makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang grupo sa resulta ng

pretest nila. Ayon sa obserbasyong isinagawa ng mananaliksik, isa sa

mga salik na nakaapekto kung bakit mayroong makabuluhang

pagkakaiba ang resulta ng pretest ng dalawang pangkat ay sapagkat

ibang guro ang kanilang pinanggalingan noong unang semestre.

Ang talahanayang ito ay tumutukoy sa pagkuha ng pagkakaiba ng

resulta ng mean ng dalawang grupo (mean difference), t (t-value), df

(degree of freedom), Sig. 2-tailed (p-value). Sa bahaging ito, makikita


74

ang desisyon at interpretasyon ng naging resulta ng kompyutasyon

upang masiguro na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng

dalawang grupo sa resulta ng pretest nila.

Batay sa obserbasyon ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pretest

sa dalawang grupo, ang mga mag-aaral ay kinulang sa mga pangunahin

ngunit mahahalagang kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik. Nakitaan

din ang mga mag-aaral ng kakulangan ng kaalaman sa antas ng

pagtatanong (Higher Order Thinking Skill) sa pagsagot sap retest. Sa

katunayan ay ilan sa mga tanong na nakapaloob dito ay tinalakay na sa

mga aralin sa kanilang asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa

Pilipino noong unang semestre ngunit tila baga nakalimutan na nila o

dili kaya‟y lubusang hindi talaga natutunan ang kurso.

Kaugnay nito ang winika ni Herbert (1996) sa pananaliksik na

binuo ni Gomez (2014) na ang mga mag-aaral ay natututo sa mga

nilalaman at aplikasyon ng asignatura kung pag-aangklahin ang teorya

at praktika.

Ayon kay Ginoong Alvin C. Gonzales (2018) na nagtuturo ng

Research 1 sa mga mag- aaral ng Grade 11 partikular sa Technical

Vocational and Livelihood, isa sa mga kakulangang nakikita niya kung

kaya‟t mababa ang nakukuhang marka ng mga mag- aaral sa pretest ay

ang kakulangan sa pundamental na mga kasanayan na magagamit


75

upang makasunod ang mga mag- aaral sa proseso ng pagbuo ng

pananaliksik.

3. Marka sa post-test ng grupong N-EBTS (kontrolado) at

grupong EBTS (eksperimental)

Talahanayan 4
Resulta ng Post-test ng grupong N-EBTS at grupong EBTS

N-EBTS EBTS
Marka Paglalarawan
Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan
Sukdulang
41-50 14 34.15
Husay
31-40 23 56.10 Napakahusay
21-30 5 10.64 4 9.75 Mahusay
41 87.23 Di-Gaanong
11-20
Mahusay
0-10 1 2.13 Di-Mahusay
Kabuuan 47 100.00 41 100.00
Mean Di-
17.26 Gaanong 38.93 Napakahusay
Mahusay
Standard
3.45 5.19
deviation

Makikita sa talahanayan 4 ang resulta ng post-test sa dalawang grupo.

Mas mataas ng malaking puntos ang nakuha ng grupong eksperimental

(EBTS) kumpara sa grupong kontrolado (N-EBTS). Ang mean ng

grupong EBTS ay 38.93 na may iskalang Napakahusay samantalang ang

mean naman ng grupong N-EBTS ay 17.26 na may iskalang Di-Gaanong

Mahusay.

Malaki ang itinaas sa puntos ang nakuha ng grupong

eksperimental (EBTS) kumpara sa grupong kontrolado (N-EBTS). Ang


76

mean ng grupong EBTS na mula sa pretest na 7.54, ay naging 38.93

samantalang ang mean naman ng grupong N-EBTS na nagmula sa 5.15

ay naging 17.26.

Ang talahanayan ay tumatalakay sa mga puntos o markang

nakuha ng mga mag- aaral sa magkaibang grupo. Sa grupong

kontrolado (N-EBTS) walang (0) nakakuha ng 41-50 na marka sa post-

test na may paglalarawang Sukdulang Mahusay (34.15%) samantalang

sa grupong eksperimental (EBTS) naman ay 14 na mag- aaral

(34.15%) ang nakakuha ng markang 41-50. Sa grupong kontrolado (N-

EBTS) ang nakakuha ng 31-40 na marka sa post-test na may

paglalarawang Napakahusay ay 0 na mag- aaral (0%) samantalang sa

grupong eksperimental (EBTS) naman ay 23 na mag- aaral (56.10%)

ang nakakuha ng markang 31-40. Sa markang 21-30, 5 (10.64%) mag-

aaral ang nakakuha nito sa grupong kontrolado (N-EBTS) ng marka sa

post-test na may paglalarawang Mahusay samantalang sa grupong

eksperimental (EBTS) naman ay 4 na mag- aaral (9.75%) ang

nakakuha ng markang 21-30. Ang markang pangalawa sa

pinakamababa batay sa talahanayan ay markang 11-20 na may

paglalarawang „Di Gaanong Mahusay na may 41 mag- aaral ang

nakakuha sa grupong kontrolado (N-EBTS) na may bahagdang 87.23%

at 0 naman ang bilang ng mag- aaral na nakakuha ng parehong marka

sa post-test (0%). Sa huling iskala, wala (0) sa grupong eksperimental


77

ang nakakuha ng markang 0-10 na may paglalarawang „Di Mahusay

(0%) samantalang may 1 (2.13%) namang mag-aaral sa grupong

kontrolado ang nakakuha ng 0-10 na puntos sa pagsusulit.

Ayon kay Sec.Lapuz (2006), malaki sa gampanin ng mga guro

ang paggamit ng wastong kagamitang pampagtuturo upang matamo

ang pagkatuto sa mataas na lebel nito. Dahil sa tradisyonal na paraan

ng pagtuturo ang ginamit sa kontroladong grupo, ang guro ay

nagtalakay ng mga aralin sa paraang lektyur nang hindi isasaalang-

alang ang interes ng mga mag-aaral. Katulad ng winika nina Jeremy at

Hugh Walpole (2000) na ang mga mag-aaral ang sentro ng prosesong

pang-edukasyon kung kaya‟t ang mga guro ay kinakailangang

maunawaan ang iba‟t ibang uri ng mga mag-aaral at ang kanilang iba‟t

iba ring kakayahan at paraan ng pagkatuto.

Mula sa isang guro ng Grade 11 (Komunikasyon at Pananaliksik sa

Wika at Kulturang Pilipino) na si Gng. Lourdes M. Chavez (2018),

napansin niyang karamihan sa mga pag- aaral at aklat na gingamit ng

mga mag- aaral bilang sanggunian sa pagbuo ng pananaliksik ay

nasusulat sa wikang Ingles na nagiging dahilan ng malaking suliranin ng

mga mag- aaral sa pagsulat. Winika niya pa na nararapat na mabakas

sa mga likhang pag- aaral ng mga mag- aaral ang pagka Pinoy sa

makapilipinong pananaliksik.
78

4. Makabuluhan bang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo

sa post test

Talahanayan 5

Makabuluhang pagkakaiba ng marka ng dalawang grupo (N-

EBTS at EBTS) sa post-test

Mean Computed Tabular P-


Grupo Mean df Interpretation Decision
Difference t t value

N- Reject Ho
17.26
EBTS and
21.54 86 27.23 1.98 0.001 Significant
Accept
EBTS 38.93
H1

Makikita sa talahanayan 5 ang resulta ng kompyutasyon ng p-

value (Sig. 2-tailed) na .001 na nangangahulugang mas mababa

kumpara sa .05 na inaasahang resulta upang mapatunayang may

makabuluhang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo (kontrolado-

N-EBTS) at eksperimental (EBTS) sa resulta ng markang nakuha sa

post-test.

Ang talahanayang ito ay tumutukoy sa pagkuha ng pagkakaiba ng

resulta ng mean ng dalawang grupo (mean difference), t (t-value), p-

value. Sa bahaging ito, makikita ang desisyon at interpretasyon ng

naging resulta ng kompyutasyon upang masiguro na walang


79

makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang grupo sa resulta ng

post-test nila.

Mula sa pananaliksik na isinulat ni Binag (2015; Bandura (1975),

ang malaking bahagi ng pagkatuto ng tao ay naglalaman ng “nakikitang

pagkatuto”, na ang pagkatuto ay sa pamamagitan ng panonood sa gawi

ng ibang tao o modelo. Dahil ito‟y nakaangkla sa pagmamatyag sa iba,

tinawag itong Interaktibo- Kognitibong pagdulog sa pagkatuto

(Feldman, 2013).

Maaaring malaki ang naging epekto ng gurong mananaliksik sa

mga mag-aaral kung kaya‟t malaki ang nakuha nilang marka sa

pamamagitan din ng mga estratehiyang nakapaloob sa Evidence-Based

Teaching Strategies.

Isang guro mula sa Regis Marie College na nagtuturo din sa

Parañaque National High School- Main na si Gng. Florinda Dasco (2017)

ang nagwika na nagbibigay daan ang malawak na kaalaman sa

pananaliksik sa mahusay na pagsagot ng mga mag- aaral sa post- test,

ito ang magiging matatag na pundasyon ng mga mag- aaral upang

makakuha ng mataas na marka sa pananaliksik.


80

5. Makabuluhang pagkakaiba sa pre test at post test ng grupong

N-EBTS

Talahanayan 6

Makabuluhang pagkakaiba ng marka ng grupong kontrolado (N-

EBTS) sa pretest at post-test

Mean Computed Tabular P-


Test Mean df Interpretation Decision
Difference t t value

Pretest 5.15 Reject Ho


and
21.54 92 18.55 1.98 0.000 Significant
Posttest 17.26 Accept
H1

Mula sa mga datos na nailahad sa resulta ng pretest (5.15) at

post-test (17.26) ng grupong kontrolado, makikita sa talahanayang ito

ng talahanayan 6 ang resulta ng kompyutasyon ng mean difference ng

grupong kontrolado sa pretest at post-test. Ito ay ginamitan ng paired

t-test sapagkat isang grupo lamang ang inihahambing ang resulta. Ang

mean difference ng pinagsamang pagsusulit (pretest at post-test) ay

21.54. Patunay lamang na mayroong makabuluhang pagkakaiba ang

resulta ng marka ng mga mag- aaral sa pretest at post-test.

Ang resulta ng talahanayang ito ay sumususog sa pag-aaral ni

Laureto (2004) kung saan isa sa kaniyang mga rekomendasyon ay

kinakailangang gawing interesante ng mga guro ang pagkatuto sa


81

pamamagitan ng mga angkop na kagamitang pampagtuturo. Sa

pamamagitan nila, tataas ang interes ng mga mag-aaral higit lalo sa

mga nasa mababang seksyon sapagkat sila ang mas may limitadong

paraan ng pagpapanatili ng kanilang interes sa mga bagay. Isa ito sa

nakitang dahilan ng mananaliksik kung bakit nagkaroon ng

makabuluhang pagkakaiba ang marka ng grupong kontrolado sa pretest

at post-test.

Ayon kay Ginoong Francis Carpio (2018) isang guro ng Olivarez

College na nagtuturo ng asignaturang Research 1 (kuwalitatibong

pananaliksik sa Ingles), isa sa mga estratehiya niya upang mas lalong

ganap ang pagkatuto ng mga mag- aaral sa asignatura, binibigyan niya

ang mga ito ng magkakasunod na remedial class na pagmumulan ng

mga remedial na gawain sa klase bago niya ibigay ang post test sa

kanila. Sa ganitong paraan, maaalalayan ang mga mag- aaral hindi

lamang sa pagkatuto bagkus ay sa markang makukuha nila sa

asginatura. Ayon pa sa kaniya, mabagal nga lamang ang pagtaas ng

marka ng mga mag- aaral ngunit nakikitaan naman niya ang mga ito ng

pag- unlad sa aralin.


82

6. Makabuluhang pagkakaiba sa pretest at post-test ng grupong

EBTS

Talahanayan 7
Makabuluhang pagkakaiba ng marka ng grupong ekperimental
(EBTS) sa pretest at post-test

Mean Computed Tabular P-


Test Mean df Interpretation Decision
Difference t t value

Pretest 7.54 Reject Ho


and
31.39 80 29.68 1.98 0.000 Significant
Posttest 38.93 Accept
H1

Makikita sa talahanayang ito ng talahanayan 6 ang resulta

ng kompyutasyon ng mean difference ng grupong eksperimental sa

pretest at post-test na nagmula sa mga datos na nailahad sa resulta ng

pretest (7.54) at post-test (38.93) ng grupong kontrolado. Ito ay

ginamitan ng paired t-test sapagkat isang grupo lamang ang

inihahambing ang resulta. Ang mean difference ng pinagsamang

pagsusulit (pretest at post-test) ay 31.39. Patunay lamang na

mayroong makabuluhang pagkakaiba ang resulta ng marka ng mga

mag- aaral sa pretest at post-test.

Kaugnay ng winika nina Borromeo at Dela Cruz (2007) na ang

mababang resulta ng performance ng mga mag-aaral ay may

kaugnayan sa abilidad nilang tumanggap at umunawa ng aralin ay

kinakailangang makita nila ang kahalagahan at kontribusyon ng


83

tinatalakay upang makita nila kung paano nila itong gagamitin at

bibigyang aplikasyon ang mga teorya sa praktikal na buhay.

Batay sa winika ng gurong si Gng. Cecilia Tañola (2018) na

nagtuturo ng Pagbasa at Pagsusuri Tungo sa Pananaliksik sa Baitang

11, malaki ang sangkap na nakukuha ng mga mag- aaral sa kanilang

oryentasyon sa paaralang pinanggalingan noong sila‟y nasa Grade 10 pa

lamang o nasa Junior High School. Kadalasan sa mga mag- aaral na ito

ay nakabatay sa kanilang markang nakuha noon sa mga asignatura ang

strand o track na kanilang kinukuha sa kasalukuyan, mayroong mga

paaralang hindi natutukan ang paglikha ng pananaliksik sa Sekondarya

at mayroon din namang natutukan. Ngunit naniniwala siyang ito ay isa

lamang sangkap sa ganap na pagkatuto ng bata sa pagbuo ng

pananaliksik, ang mga estratehiya ng guro ang mas lubos na

nakapagbibigay sa mga mag- aaral ng interes na gawin at tapusin

anoman ang kanilang nasimulan sa paggawa.


84

7. Learning gains ng grupong N-EBTS at grupong EBTS

Talahanayan 8
Learning gains ng grupong kontrolado at eksperimental

Learning N-EBTS EBTS


Gain (%) Bilang Bahagdan Bilang Bahagdan
91-100
81-90
71-80
61-70 3 7.32
51-60 10 24.39
41-50 18 43.90
31-40 10 24.39
21-30 1 2.13
11-20 37 78.72
0-10 9 19.15
Kabuuan 47 100.00 41 100.00
Mean 13.91 46.27
Sd 3.91 8.28
Mula sa talahanayan 8, makikita ang bilang ng mga mag- aaral

(N) sa grupong kontrolado (47) at eksperimental (41) na kumuha ng

parehong pagsusulit. Mula sa grupong kontrolado, 1 lamang sa mga

mag-aaral ang nakakuha ng 21-30 sa learning gain na may bahagdang

2.13%, sa iskalang 11-20 naman ay 37 na mag-aaral na may- 78.72%,

9 na mag-aaral naman ang nasa iskalang 0-10 na may bahagdang

19.15. samantalang sa grupong ekperimental naman ay 10 mag-aaral

ang nasa iskalang 31-40 na 24.39% ang resulta, 18 mag-aaral

(43.90%) ang nasa 41-50 na iskala, 10 mag-aaral (24.39%) ang nasa

51-60 at 3 mag-aaral (7.32%) ang nasa iskalang 61-70.


85

Ang learning gains naman ng grupong kontrolado (N-EBTS) batay

sa mean ay 13.91 samantalang ang grupong ekperimental ay nakakuha

ng mean na 46.27. Ito ang patunay na mas naging ganap ang

pagkatuto ng mga mag- aaral sa pananaliksik sa grupong ekperimental

gamit ang Evidence Based Teaching Strategies kumpara sa grupong

kontrolado na ginamitan ng tradisyonal na paraan ng pagtuturo.

Ayon kina Don at Sabine (2014) na ang panggagaya ay isang

metodo ng pagtuturo na ginagamit upang maisapraktika ng mga mag-

aaral ang teoryang kanilang natutunan sa aralin bilang integrasyon. Ang

mga mag-aaral ay nagagawang maipakita ang kanilang kakayahang

natutunan bilang resulta ng paggamit ng panggagaya.

Ito ay may kaugnayan sa pag-aaral ng mga mananaliksik na

kailangang ituro ang aralin na maipauunawa sa mga mag-aaral ang

kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ipinaliwanag din

nila na ang eksperensiyal na pagkatuto ay kinakailangang maibahagi sa

mga mag-aaral na kasangkot sa lahat ng proseso ng pagkatuto.

Halimbawa na lamang ang mga napapanahong mga laro at panggagaya

na isa sa pokus ng mga estratehiya sa pag-aaral na ito, Carl Rogers

(Delker, 1990).
86

8. Makabuluhang pagkakaiba sa learning gains ng dalawang

grupo.

Talahanayan 9
Makabuluhang pagkakaiba sa learning gains ng grupong
kontrolado (N-EBTS) at eksperimental (EBTS)

Mean Computed Tabular P-


Grupo Mean df Interpretation Decision
Difference t t value

N-EBTS 13.91 Reject Ho


and
32.36 86 23.42 1.98 0.000 Significant
EBTS 46.27 Accept
H1

Ang talahanayan 9 ay tumatalakay sa mean difference sa pagitan

ng learning gains ng dalawang grupo (kontrolado at eksperimental) na

may resultang 32.36. Mula sa inilahad na datos sa talahanayan 8,

makikitang ang grupong kontrolado (N-EBTS) ay nakakuha ng 13.91 sa

learning gains samantalang ang grupong eksperimental (EBTS) naman

ay nakakuha ng 46.27 na sumasalamin sa malaking pagitan sa marka

ng dalawang grupo.

Sa Curriculum Guide ng 2012 naman ipinaliwanag na ang

Interaktibong Teorya ng Pagkatuto o Social Learning Theory ni Bamdura

na isang Canadian Psychologist ay nagsasabing ang mabuting ugali at

bagong impormasyon ay maaaring makamit sa pagmamatyag sa ibang

tao. Pinaniniwalaang ang humuhubog sa pagkatuto at pag-uugali ng

bata ay ang kaniyang kapaligiran. Anomang di kaaya-ayang ugali


87

mayroon ang isang bata ay bunga ng kaniyang nakita at hindi natural

sa kaniya. Sa pagbibigay ng panuto at paulit- ulit na mga gawain,

lalong natututo rin ang mga mag-aaral (Kagawaran ng Edukasyon,

2012).

Sa mga mag- aaral na kaniyang tinuruan, ang naging resulta ng

pretest ay average lamang at malaki din ang itinaas sa resulta ng post-

test. Naniniwala din siya na bukod sa pagiging palabasa na dapat

taglayin ng mga mag- aaral, nakasalalay din sa mga estratehiyang

ginagamit ng guro ang pagkatuto ng mga mag- aaral na siyang

magbubunsod sa mga ito na magkaroon ng strong foundation sa aspeto

ng teorya at praktika sa pagbuo ng pananaliksik. Binanggit pa niyang

makabubuti na ang guro ay magbigay ng maraming halimbawa at iba‟t

ibang uri ng gawain upang mas lalong mahubog ang kakayahan ng mga

mag-aaral sa pagbuo ng pananaliksik. Ikinalulungkot niyang sinabi na

isa sa nakikita niyang kakulangan ay ang hindi gaanong naituro ng mga

guro ng Statistics and Probability ang mga kasanayan na dapat

namaster ng mga mag- aaral bago pa sila tumuntong sa pagkuha ng

asignaturang Research 2”, ayon sa gurong mula sa Parañaque National

High School- Main na nagtuturo ng Research 2 (Kuwantitatibong

Pananaliksik) (Gerfel O. Chan, 2018).


88

Kabanata 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang pag- aaral na ito ay naglalayong makapagbigay ng

estratehiya sa mga guro sa pagtuturo ng pananaliksik sa paraang mas

magiging epektibo ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-

aaral.

LAGOM

Batay sa layunin ng isinagawang pag- aaral hinggil sa Evidence

Base Teaching Strategies na binigyan ng aplikasyon sa pagtuturo o

ginamit sa pagtuturo sa mga mag- aaral ng eksperimental na grupo,

narito ang lagom, natuklasan o napatunayan ayon sa pagkakasunod-

sunod ng mga tanong.

1. Gaano ang marka sa pre- test ng grupong N-EBTS at grupong EBTS?

Lumalabas sa pag- aaral na ang markang nakuha ng kontroladong

grupo sa pre test ay may mean na 5.15, samantalang ang nakuhang

marka naman ng eksperimental na grupo sa pre test ay 7.54.

2. May makabuluhan bang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo

sa pre- test?

Malinaw na makikita sa talahanayan sa itaas sa kabanata 4 na

ang mean difference sa pre test ng dalawang grupo ay may pinagkaiba

sapagkat ang lumabas na resulta sa mean difference ay 2.37.


89

Samakatuwid, may makabuluhang pagkakaiba sa marka ng dalawang

grupo sa pretest.

3. Gaano ang marka sa post test ng dalawang grupo?

Ang marka sa post test ng kontroladong grupo ay may mean na

17.26 samantalang ang marka sa post test ng eksperimental na grupo

ay may mean na 38.93. Ipinakikita lamang nito na mas malaki di

hamak ang itinaas sa marka ng eskperimental na grupo kumpara sa

kontroladong grupo sa tulong ng paggamit ng Evidence Based Teaching

Strategies ng guro sa pagtuturo. Sa bahaging ito, kakikitaan ng mas

ganap na pagkatuto ang grupo ng eksperimental sa asignaturang

pananaliksik kumpara sa kontroladong grupo.

4. May makabuluhan bang pagkakaiba ang marka ng dalawang grupo

sa post test?

May makabuluhang pagkakaiba sa marka ng grupong

eksperimental at kontrolado sa post test. Makikita ito sa resulta ng

post-test na 17.26 sa grupo ng kontrolado (N-EBTS) samantalang 38.93

naman sa grupo ng eksperimental (EBTS) na may mean difference na

21.54.

5. May makabuluhang pagkakaiba ba sa pretest at post-test ng

grupong N-EBTS?
90

May makabuluhang pagkakaiba sa pretest at post-test ng

kontroladong grupo sapagkat ang resulta ng pretest ng grupong N-EBTS

ay 5.15 samantalang ang post-test naman ay 17.26. Malinaw na

makikita na sa pamamagitan ng tradisyonal na paraan ng pagtuturo na

natuto ang mga mag-aaral sa grupong kontrolado.

6. May makabuluhang pagkakaiba ba sa pretest at post-test ng grupong

EBTS?

Ang kompyutasyon sa bahaging ito ay ginamitan ng paired t-test

sapagkat isang grupo lamang ang inihahambing ang resulta. Ang mean

difference ng pinagsamang pagsusulit (pretest at post-test) ay 31.39.

Patunay lamang na malaki ang itinaas ng marka ng mga mag-aaral sa

grupong eksperimental mula sa resulta ng pretest patungong resulta ng

post-test kung kaya‟t mayroong makabuluhang pagkakaiba ang resulta

ng marka ng mga mag- aaral sa pretest at post-test.

7. Gaano ang learning gains ng grupong N-EBTS at grupong EBTS?

Ang mean o average learning gain ng kontroladong grupo ay

13.91 samantalang ang mean o average learning gain ng eksperimental

na grupo ay 46.27.

8. May makabuluhan bang pagkakaiba sa learning gains ng dalawang

grupo?
91

Batay sa inilahad na average learning gains sa ikapitong tanong,

lumalabas na may makabuluhang pagkakaiba sa learning gains ng

kontrolado at eksperimental na grupo. Makikita dito na di hamak na

mas malaki ang itinaas ng grupong eksperimental sa resulta ng post

test kumpara sa grupong kontrolado kung kaya‟t pinatutunayan lamang

nito na mas naging ganap ang pagkatuto ng grupong eksperimental

kumpara sa grupong kontrolado sa asignaturang pananaliksik.

KONGKLUSYON

Batay sa mga napatunayan, ang sumusunod na kongklusyon ay

inilahad.

1. Ang marka ng mga mag- aaral sa pretest sa kontrolado at

eksperimental na grupo ay halos nagkakapareho sa paunang pagsusulit

o pretest sapagkat ang mga mag- aaral na ito ay nasa ilalim ng Hetero

at Homo na pangkat bagamat may kaunting itinaas sa puntos ang

grupong ekperimental.

2. May makabuluhang pagkakaiba ang marka ng grupong kontrolado

(N-EBTS) at grupong eksperimental (EBTS) sa pretest sapagkat ang

parehong pangkat ay wala pang ganoong kalalim na kaalam hinggil sa

mga teorya at mga praktika ng pananaliksik.

3. Ang marka ng mga mag- aaral sa post-test sa grupong kontrolado ay

hamak na mas mababa kumpara sa eksperimental na grupo sapagkat


92

ang grupong N-EBTS ay ginamitan ng tradisyonal na paraan ng

pagtuturo samantalang ang grupong EBTS ay ginamitan ng Evidence

Based Teaching Strategies. Malaki ang naitutulong ng estratehiyang

ginagamit ng guro sa markang makukuha ng mga mag- aaral sa

pagsusulit.

4. May makabuluhang pagkakaiba ang marka ng grupong kontrolado

(N-EBTS) at grupong eksperimental (EBTS) sa post-test sapagkat

makikita sa mean ang laki ng itinaas ng marka ng mga mag- aaral sa

grupong eksperimental (EBTS) kumpara sa grupong kontrolado (N-

EBTS). Tuwirang masusukat sa resulta ng post test ang itinaas ng

pagkatuto ng mga mag- aaral mula sa resulta ng pre test.

5. May makabuluhang pagkakaiba ang marka ng grupong kontrolado

(N-EBTS) sa pretest at post-test sapagkat makikita sa mean ang

nadagdag na marka ng mga mag- aaral mula pretest hanggang post-

test. Mababa ang resulta ng pangwakas na pagsusulit ng mga mag-

aaral sa kontroladong grupo kumpara sa grupong eksperimental

sapagkat sila ay sumailalim sa tradisyonal na proseso ng pagtuturo at

pagkatuto.

6. May makabuluhang pagkakaiba ang marka ng grupong eksperimental

(EBTS) sa pretest at post-test sapagkat makikita sa mean ang laki ng

naidagdag na marka ng mga mag- aaral mula pretest hanggang post-


93

test. Malaki ang naitutulong ng estratehiyang ginagamit ng guro sa

markang makukuha ng mga mag- aaral sa pagsusulit.

7. Mas naging ganap ang pagkatuto ng mga mag- aaral ng

eksperimental na grupo kumpara sa kontroladong grupo sapagkat mas

malaki ang itinaas ng mean sa learning gains ng mga mag- aaral na ito.

8. May makabuluhang pagkakaiba sa learning gains ng grupong

kontrolado (N-EBTS) at grupong eksperimental (EBTS). Mas mataas ang

learning gains ng grupong EBTS sapagkat malaki ang naitutulong ng

Evidence Based Teaching Strategies na isinama sa banghay- aralin sa

pagtuturo ng mga guro sa Filipino partikular sa asignaturang

pananaliksik.

REKOMENDASYON

Batay sa kongklusyong inilahad, ang sumusunod na

rekomendasyon ay iminumungkahi:

1. Para sa mga mag- aaral, makabubuting maging simulain ang pag-

aaral na ito upang lubos na maunawaan kung bakit pa kailangang

pag- aralan at bumuo ng isang pananaliksik.


94

2. Para sa mga magulang, magamit ang pag- aaral na ito upang higit

na maging mabisa sa pamamahala sa loob ng tahanan sa mga

anak na mag- aaral.

3. Para sa mga guro, magamit ang Evidence Based Teaching

Strategies sa pagbuo ng banghay aralin na makatutulong sa

proseso ng pagtuturo at pagkatuto

4. Para sa mga punongguro, magkaroon ng karagdagang

pagsasanay ang mga guro sa pagtuturo ng pananaliksik upang

malinang ang kasanayan at kakayahan sa paggamit ng mga

makabagong estratehiya sa pagtuturo upang lalong maging

makabuluhan ang bawat pagkatuto ng mga mag- aaral.

5. Para sa mga manunulat, magamit ang pag- aaral na ito sa mga

nagnanais na pasukin ang masalimuot na daigdig ng pananaliksik

na punong- puno ng suliranin, solusyon at palaisipan.

6. Para sa mga dalubhasa, magkaroon pa ng mga kaugnay na pag-

aaral mula sa iba pang dulog, pamamaraan hindi lamang ang

ginamit ng mananaliksik, bagkus ibang pamamaraang

makapagsusulong sa mabisang pag- aaral.


95

TALASANGGUNIAN

Mga Aklat

Aguirre, Carl. Pananaliksik: Kahulugan, Layunin, Katangian at Uri.


Quezon City: Lorimar Publishing Company, Inc. 2014.

Almeida, Adelaida B. Ed. D. Gaerlan, Amelita A. Ph.D. Manly, Norita E.


Ph. D. Research Fundamentals (From Concept to Output) A
Guide for Reserachers and Thesis Writers. 2016. Adriana
Publishing Co. Inc.

Bernales, Rolando A. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik. Mutya


Publishing House Inc. 2009.

De Laza, Crizel Sicat. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik. Rex Bookstore Inc. 2016.

Navarro, Rosita, L. Ph.D. Santos, Rosita, G. Ph.D. Research- Based


Teaching and Learning. Lorimar Publishing, Inc. 2011.
Petty, Geoff. 2009. Evidence-based teaching: a pratical approach. Rex
Publishing House.

Salandanan, Gloria G., et. al. Principles of Teaching. Lorimar


Publishing Inc. 2014.

Taylan, Dolores R., et. al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika


at Kulturang Pilipino. Rex Bookstore, Inc. p. 136-138. 2016

Mga Di Limbag na Tesis at Disertasyon

Bellen, Julieta. 2010. Mga Mungkahing Karagdagang Kagamitan sa


Pagtuturo ng Filipino sa Antas Tersyarya Batay sa
Pangkalahatang Kurikulum Pang-Edukasyon. The National
Teachers College.
96

Calica, Leonora. 2015. Mungkahing Kagamitang Pampagtuturo sa


Pagtuturo ng Pagbasa sa Ikalimang Baitang: Isang Pag-
aaral. San Jose, Bulacan

Dedace, Rose. 2008. The Instructional Systems Design (ISD) and


Component Display Theory (CDT): Models for the
Development of a Proposed Worktext Principles in
Teaching I. The National Teachers College.

Dela Cruz, Julye. (2015). Kabisaan ng V-A-K Model sa


Pamamaraang Constructivist sa Pagkatuto sa Araling
Panlipunan 8.

Evangelista, Sheryl. 2008. Utilization of Brain- Based Instructional


Techniques in Developing English Competencies of College
Freshman Students. Philippine Normal University.

Galicia, Reynaldo. 2005. Proposed Development Strategy for


Teaching Filipino. The National Teachers College.

Javier, Fe. 2003. A Proposed Web-Based Instructional Material in


Filipino I. The National Teachers College.

Laureto, Marlyn M. 2004. Effectiveness of Practical Work Approach


on the Mathematical Achievement of Elementary Global and
Analytical Learners. The National Teachers College.

Opininon, Beonify. 2004. Mga Mungkahing Pagsasanay sa


Pagpapataas ng Antas ng Kasanayan sa Pagsulat ng
Komposisyon. The National Teachers College.

Penarubia, Gladys 2015. Kahalagahan ng Pananaliksik.Binag,


Neltissa. 2015. Paraan ng Interaktibong Pagkatuto at
Unawaan Batay sa Disenyo: Bisa sa Pagtuturo ng Filipino 7
sa Batasan Hills National High School. Manila: The National
Teachers College.

Santos, Lorlyn. 2008. Paggamit ng Makabagong Dulog sa Pagsulat


ng Sulating Pormal sa Ikaapat na Baitang ng Mababang
97

Paaralan ng Saint Andrew’s School. The National Teachers


College.

Tapang, Anthelma. 2016. Mungkahing Mga Kagamitang Pantulong


sa Pagtuturo ng Filipino I sa Mga Mag-aaral ng The
National Teachers College. The National Teachers College.

Pamanahong Papel

Devida, Pamela. 2018. Kahusayan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral

na Nagpapakadalubhasa sa Asignaturang Filipino. The

National Teachers College.

Dazo, Racelle. 2018. Kasanayan sa Pagsulat ng Pamanahong Papel

ng mga Mga Mag-aaral na nasa Baitang 12. The National

Teachers College.

Dizon, Reynalin. 2018. Kaalaman sa Pananaliksik ng mga Unang

Taong Mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon ng The National

Teachers College. The National Teachers College.

Mga Website
http://www.evidencebasedteaching.org.au/evidence-based-teaching-
strategies/

https://www.scribd.com/doc/102337296/Mga-Paraan-Ng-Pagkatuto-Ng-
Mga-Piling-Mag-Aaral-Ng-Unang-Taon-Sa-Kolehiyo

You might also like