You are on page 1of 2

Ang wikang Filipino ay ang wikang katutubo na umiiral at ginagamit sa ating

bansang Pilipinas upang magkaroon ng maganda at maayos na komunikasyon ang bawat


mamamayan. Ito ay ang daan upang mas maiparating ng bawat isa ang mga naiisip at
nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wika na nauunawaan ng lahat. Sa paglinang at
paghubog ng ating pagkatao at kaisipan, wika rin ang instrumentong gamit sa anumang
uri at antas ng paaralan. Magmula sa ating simpleng abakada hanggang sa pagtatapos ng
ating mga propesyon, wika ang tanging gabay at naging patnubay ng ating mga guro. Sa
gitna ng anumang sigalot, away at maging sa digmaan, wika ang pinakamalakas na
sandata. Sa mga lugar na kung saan may bangayan at gusot, wika ang ating gamit
pangpakalma ng sitwasyon at susi sa pagkikipagnegosasyon. Lahat ay nadadaan sa
mahinahon at mabuting pakiusapan kapag tamang salita o wika ang ginagamit.
Bakit nga ba napakahalaga ang pagpapalawak ng ating sariling bokabularyo? Ang
ating wika ay umiinog, nagbabago at patuloy na umuunlad. Kung hindi natin palalawakin
ang ating bokabularyo tayo’y mapag-iiwanan. Wika ang pundasyon ng bansa. Kung
walang wika, walang bansa. Hindi magkakaisa ang mga taong nasasakupan nito. Ngunit
paano ng aba natin mapapayaman ang ating bokabularyo?
Bilang isang mag-aaral narito ang aking suhestiyon, alinsunod na rin sa isang blog
post ng Body and Face paano nga ba natin mapapayaman ang ating mga bokabularyo.
Una, gumawa ka ng listahan ng mga salita na tiyak na gagamitin mo araw-araw. Hayaan
mo na ang mga listahang ito ang maging gabay mo kasama ang isang diksyunaryo. Isang
halimbawa ay ang salitang "kawili-wili" - kapansin-pansin, nakakaaliw, mausisa,
kapansin-pansin, kapansin-pansin. Subukang tandaan ang mga ito at gamitin ang bawat
isa sa mga opsyon na nakalista kahit isang beses sa isang araw. Hindi ba nga ay isang
mabisang paraan ng pagkatuto ay ang palagiang paggamit nito at sa ganitong mailalagay
ang mga ito sa ating alaala.
Sumunod ay dapat na magbasa hangga't maaari. Hayaan mo ang iyong sariling subukin
ang mga bagong salitang makikita mo. Magsimula ka sa mga aklat ng mga may-akda na
malapit sa iyong puso. At unti-unti lamang magiging posible na lumipat sa mas
seryosong panitikan.
Kung ang isang hindi pamilyar na salita ay matatagpuan sa mga aralin, inirerekumenda
na hanapin mo ang kahulugan nito sa diksyunaryo, at kung nais mong matandaan ito,
basahin ito nang malakas at ulitin sa isip nang maraming beses. Dagdag pa rito
pinatunayan ng mga modernong siyentipiko na sa memorya ng tao ay mas mahusay na
mag-imbak ng kung ano ang binigkas kahit isang beses.
Sunod naman dito ay ang pagsulat. Magsulat ka nang magsulat. Kung wala kang
masusulat na mahaba, mainit at puno ng mga positibong emosyon, gamitin ang
halimbawa ng Demosthenes: muling isulat ang mga artikulo ng ibang tao, mga
paboritong gawa ng sining, magsulat ng mga tula o magagandang kasabihan na pumukaw
sa isang bagay sa iyong kaluluwa sa isang espesyal na kuwaderno.
Lahat ng nabanggit na mga pamamaraan ay malaki ang maitutulong sa isang mag-
aaral upang mapayaman ang kanyang kasanayang pangbokabularyo lalo’t higit sa
asignaturang Pagbasa at Pagsulat. Dahil bukas naman ang ating isipan na ito ay isang ay
isang asignaturang nangangailangan ng malawak na kaalaman. Ang mga salitang ilalapat
natin sa bawat sulatin ay tunay ngang nararapat na pag-isipan. Isa pa ang asignaturang ito
ay naglalayong mapalawakang kaalaman at kasanayan ng mga mag-
aaral sa kritikal na pagbasa at lohikal pagsulat tungo sa pagsasagawa ng sariling
pananaliksik. At makakatulong ang malawak na bokabularyo ng bawat mag-aaral tungo
sa kasanayang intelektuwal.
Sa lahat ng ito masasabi ko na tama lamang na palawakin natin ang ating
bokabularyo. Hindi lamang para sa asignaturang nabanggit ngunit dahil isa itong
responsiblidad ng bawat mamamayan. Isang responsibilidad na mas makakatulong sa
pag-ulad ng wikang nagbubuklod at pundasyon ng bansa.

You might also like