You are on page 1of 28

Gitling-Game Para sa Mabisang Pagkatuto ng Mag-aaral ng Stem sa

Mabisang Pagkatuto ng Tamang Paggamit ng Gitling


S.Y. 2017-2018

Palambiano, Rodolfo A.
STEM 11-1B
Kabanata I

Panimula

Ang pagsulat ng salita ay nagbibigay daan upang magkaroon

ng pagkakaisa at pagkakaintindihan ang bawat mamayan sa pamamagitan ng

pagbabasa at hindi pagbuka ng bibig, nagbibigay tulong rin ito upang mapaunlad

ang ibat ibang aspeto ng isang bansa. Ang pagsulat ng salita ay mahalaga sa

larangan ng wika sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay kinakailangan nating

bigkasin ang nais nating sabihin, minsan kailangan rin nating gumamit ng sulatin

upang kahit wala tayo sa lugar ng paguusap ay nasasabi parin natin ang nais

nating iparating. Ito rin ang nagbibigay buhay kung bakit meroong mga tula,

sanaysay at mga panitikan na patuloy paring tinatangkilik sa makabagong

panahon na madalas nating nakikita sa mga pahayagan, komiks at maging sa

social media. Ang mga sulatin ay madalas nating makikita kung saan-saan. Ang

mga sulatin rin ang nagbibigay daan upang malaman natin ang mga bagay bagay

ng hindi nagtatanong. Sa pagsusulat may ibat ibang uri ng bantas na ginagamit

kagaya ng tuldok, kuwit, gitling at marami pang iba. Sa papamagitan ng mga

bantas na ito nalalaman natin kung kailan tayo hihinto sa pagbabasa at kung

paano natin babasahin ang isang salita o pangungusap.

Sa patuloy na paglipas ng panahon, sa patuloy na pagsabay natin sa rumaragasang

agos ng pagbabago unti unti na nating nakakaligtaan ang tamang pagsulat ng mga

salita lalo na ang mga kabataan. Karaniwang problema natin sa pagsulat ng salita
ay ang paggamit ng mga bantas. Maaring alam na natin ang ibat ibang uri ng

pananda ngunit alam nga ba talaga natin kung paano gamitin ang mga ito? Ang

pangunahing problema paggamit ng mga pananda ay ang paggamit ng Gitling.

Gitling ang ginagamit upang magbigay ng bagong kahulugan sa isang salita.

Madalas nagkakaproblema sa paggamit ng gitling sapagkat hindi natin

masyadong ang mga alituntunin sa paggamit nito. Isa pang dahilan kung bakit

hindi nagagamit ng maayos ang gitling ay sa kadahilanang hindi na madalas

nagsusulat ang mga kabataan sa panahon ngayon, kung nagsusulat man ay hindi

na nila napanpansin kung tama ba ang gamit nila ng gitling. Maaring may mga

salita tayong alam na ginagamitan ng gitling ngunit hindi natin lubos na alam

kung tama nga ba ang gamit nito o dapat ba talagang lagyan ng gitling ang

nasabing salita.

Kung susumahin halos kakaunti na lamang sa mga kabataan ang may

alam sa tamang paggamit nito. Ngunit kung ipagpapatuloy natin ang pag-aaral

tungkol sa mga alitutunin sa paggamit gitling, malalaman natin na ang pagsulat

ng salita pala na ginagamitan ng gitling ay makabuluhan at dapat pinagiisipan

parin. Maaring marami na tayong alam tungkol sa pagsusulat ngunit hindi

masisigurado kung sapat na ba ang nalalaman natin sa paggamit ng gitling.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Gitling-Game para sa

mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng gitling sa seksyon

ng STEM ng mataas na integradong paaralan ng Luis Palad taong panuruan

2018-2019” ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin.

1. Suliranin ba ng mga mag-aaral ng STEM 1A ang paggamit ng gitling sa mga

aktibidad nila na ginagamitan ng pagsulat?

2. Makatutulong ba ang Gitling-Game sa perspektibo ng mga mag-aaral ng

STEM 1A sa tamang paggamit ng gitling?

3. Nakatulong ba ang Gitling-Game upang malaman ng mga mag-aaral ang

tamang paggamit ng gitling?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito na may paksang “Gitling-game para sa mabisang

pagkatuto ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng gitling sa seksyon ng

STEM ng mataas na integradong paaralan ng luis palad taong panuruan 2018-

2019” ay makatutulong ng malaki sa mga sumusunod. .

Sa lahat ng mag-aaral, upang malaman nila ang mga alintuntunin sa

tamang paggamit ng gitling. Makapabibigay din ito ng kaalaman sa mga mag-

aaral na makakatulong sa kanila sa paggawa ng mga gawain na ginagamitan ng


pagsusulat.

Sa mga magulang, upang malaman nila ang kahalagahan ng tamang

paggamit ng gitling na maari nilang maggamit sa pang araw araw nilang

pamumuhay kagaya ng pagsusulat ng liham at paggawa ng mga sulatin para sa

mga magulang na ang trabaho ay konektado sa pagsusulat.

Sa mga guro, upang malaman nila ang mga alintutunin sa tamang

paggamit ng gitling ng sa ganoon ay magamit nila ito sa pagtuturo.

Sa mga manunulat, upang malaman nila na ang paggamit ng gitling ay

mahalaga lalo na sa kanilang propesyon na napili. Magagamit nila ito upang mas

mapaunlad pa nila ang kanilang pagsusulat lalo na kung ginagamitan ito ng

gitling.

Sa mga susunod na mananaliksik, upang magkaroon sila ng ideya at

kaalaman kung paano sisimulan at aanalisahin ang gagawin nilang pag-aaral lalo

na kung patungkol sa mga alituntunin sa tamang paggamit ng gitling.


At sa lahat ng makakabasa nito, Upang malaman nila kung gaano

kahalaga ang ginagampanan ng gitling sa mga sulatin. Upang maitama rin nila

ang ilang mga mali nilang paniniwala sa paggamit ng gitling.

Saklaw at Limitasyon

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ng mga mag-aaral ang

mga alituntunin sa tamang paggamit ng gitling. Sa pag-aaral na ito ay may mga

limitasyon na dapat isaalang alang. Ang dahilan nito ay upang mapanitili ang

kaayusan ng pag-aaral ukol dito. Ginawa ang pag-aaral na ito upang malaman

ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa ikalabing isang baitang sa seksyon ng

Stem-1A ng Mataas na Integradong Paaralan ng Luis Palad taong panuruan

2018-2019. Ang pagtitipon ng mga impormasyon at iba pang mga kinakailangang

datos ay ginawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng ilang mga katanungan ukol

sa nasabing suliranin. Ang ginamit na materyales upang maisagawa ang pagkuha

ng impormasyon at datos ay talatanungang papel. Ang pagpapasagot ay isinagawa

sa Grado 11 sa seksyon ng Stem-1A na may bilang na dalawampu’t lima na

respondanteng mag-aaral (25). Ang nasabing pag-aaral ay isasagawa mula

Pebrero (2018) hanggang Marso (2018).


Kahulugan ng Termino

Alituntunin - Katumbas ng patakaran o mga dapat sundin. Karaniwang


ginagamit sa mga batas at mga paalala.

Gitling – Uri ng bantas na madalas ginagamit sa pagbibigay ng bagong kahulugan

sa isang salita.

Gitling-Game - Uri ng laro na kung saan kinakalahokan ng lahat ng mga mag-

aaral ng STEM. Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng maliit na papel ng

mananaliksik. Ang papel ay may nakasulat na salita at sasabihin ng mag-aaral

kung dapat may gitling o wala ang salita.

Larangan – Linya ng isang tao kung saan siya magaling o may espesyal na

kakayahan. Maaring ito ay tungkol sa trabaho o talento.

Mabisa – Pagiging epektibo ng isang bagay. Pagkakaroon ng magandang epekto.

Pananda – Katumbas ng bantas na ginagamit upang magbigay ng kahulugan sa

isang pangungusap o salita. Ang halimbawa nito ay tuldok, kuwit at

gitling.
Pagkatuto - Pagkakaroon ng bagong kaalaman sa isang bagay o pangyayari.

Social media - Uri ng midya sa kasalukuyang panahon kung saan malaya ang

pagpapahayag ng mga tao sa mga napapanahong isyu. Sa

pamamagitan nito madaling nalalaman ng tao ang mga pangyayari

sa bansa o maging sa buong mundo.

Stem - (Science,Technology,Engineering,Mathematics) linyang kinukuha ng

mga estudyante mula sa junior hayskul na gustong kumuha ng kurso sa

kolehiyo na konektado sa matematika, sensya at teknolohiya.


Kabanata II

Ang bahaging ito ng pag-aaral ay naglalaman ng mga pag-aaral atmga

artikulong may kaugnayan sa aming napiling paksa na makakatulongupang mas

lalong maunawaan ang aming ginawang pananalik

Kaugnay na Literatura

1 Korinto 14:10-11, sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang

binigyan ng kapangyarihang makapagsalita, makarinig, makabasa at makasulat ng

may kritikal na pang unawa. Dahil dito kanyang nai-explore ang mga bagay-

bagay na may kinalaman sa kanyang kapaligiran at natutuklasan ang mga

pangyayaring nakatutulong sa paghubog ng kaniyang kamalayan. Ang

pagkakaroon ng isip, diwa at talino ang dahilan kung bakit kaya ng tao na

palawakin ang kaniyang kaalaman higit sa wika. Kayang malaman ng tao ang

mali dahil siya ay may isip at diwa ngunit hindi ibig sabihin ay hindi na

magkakaroon ng pagkalito ang isang tao lalo na sa paggamit ng gitling. Gitling

ang isa sa pinakamahirap unawain na bantas sapagkat napakadaming alituntunin

sa paggamit nito. Sa sobrang dami ng alintuntunin na dapat tandaan sa paggamit

ng gitling. Nagkakaroon na ng kalituhan ang mga tao.

Ayon kay G. Almario (2014), Ang gitling ay hindi lamang isang

punctuation kundi isa ring simbolo, simbolo ng paghihiwalay Ibig sabihin

pinatutunayan ni Almario na napakadaming gamit ng gitling hindi lang ito basta

simbolo na nagbibigay ng bagong kahulugan sa isang salita bagkus ginagamit rin


ang gitling sa iba’t ibang larangan. Kagaya ng matematika, ginagamit ang gitling

sa matematika bilang simbolo ng pagbabawas at sa pantikan naman ay ginagamit

ang gitling upang magkaroon ng tamang pagbigkas o pagkakaintindig

sasisangssalita.

Sa kabilang banda, Binanggit naman ng Komisyon ng wikang Filipino

(2009) ang kahalagahan ng mga bantas sa paghihiwalay ng mga pahayag, parirala

at salita sa tiyak na layunin ng mekanismo sa pagsulat. Ang layunin nito ay upang

mapanatili at maitama ang gramatika ng pagsulat. Ito ay sistematiko at mabisang

paraan ng pagpapahayag ng tumpak na mensahe sa pamamagitan ng wastong

baybay, bantas at iba pa ng mekanismo ng pagsulat “ Kailangan ang mga bantas

para sa malinaw na pagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamagitan ng mga

bantas na siyang naghihiwalay sa mga pahayag, parirala at salita sa isang tiyak na

layunin.” Kagaya ng gitling na isa sa pinakamadaming alituntunin sa paggamit sa

lahat ng mga bantas. Mahalaga ito upang mabigyan ng tamang kahulugan ang

isang salita. Kung wala ang mga bantas na ito hindi natin malalaman ang tama at

mali sa pagbigkas at pagunawa ng isang salita, magiging dahilan rin ito upang

magkaroon ng mali sa pagintindi sa isang salita. At kung mapapansin ang hindi

masyadong pamilyar sa mga tao sa paggamit ng mga bantas ay ang gitling dahil

sa hindi tiyak na mga alituntunin nito.

Sa pagpapalawak, Binigyang-diin naman ni Buensuceso (2009) ang

kahalagan ng maingat na paggamit ng mga bantas lalo na ang gitling at tamang

paggamit ng mekanismo ng pagsulat. Kinakailangan ang wastong gamit ng gitling

at pagkakabuo ng mga pangungusap at talata sa pagkakaroon ng mabisang


kakayahan sa pagsulat na komunikasyon “Higit na pagsusuri ng bumabasa ang

pahayag na pasulat sapagakat kaya niyang balik balikan ang kanyang mga sinulat

upang higit niya itong maunawaan sa tulong ng wastong gamit ng mga bantas at

pagbubuo ng mga pangungusap sa talata gamit ang wastong salita.”

Binigyang-tuon din ni Cassonova (2008) ang sinaunang uri ng sulatin ay

mahalagang matutunan ang wastong gamit ng bantas. Ang halimbawa nito ay ang

gitling. Ang bantas na ito ay mahalagang gamit sa mabisang pagsulat sa anumang

akdang susulatin maging ito ay paglalahad, pagsasalaysay, paglalarawan o

pangangatwiran ay mahalagang malaman ang tamang gamit nito. Sa tamang

paggamit ng gitling maaring mabago nito ang kahulugan ng isang salita. Sa

paggamit din nito mas magiging mabisa ang mga sulatin sa ibat ibang larangan.

Ang mabisang pagsulat ay nagtataglay ng mga wastong bantas kagaya ng

gitling. Ang pagkakatuto ng wastong gamit ng mga bantas ay higit na

makakapaghahatid ng malinaw na mensahe sa isang sulatin. Binigyang pansin ni

Tanawan (2008) na ang wastong gamit ng gitling sa pagsulat ay nakatutulong

nang malaki sa malinaw na paglalahad ng mga pahayag itinuturing din niyang

pinakamahalagang sangkap ang mekanismo at wastong paggamit ng mga bantas

kagaya ng gitling sa larangan ng pagsulat “Napakahalaga sa pagsulat ang

wastong paggamit ng pananda at pagsunod sa alituntunin ng pagsulat sapagkat

malaki ang maitutulong nito hango sa ikalilinaw ng pahayag. Nagbibigay-

kahulugan siya sa pagbabantas bilang isang mekanismo ng tamang

paggamitsngamgaapananda.”

Karagdagan, iminungkahi naman ni Hall (2008) ang dalawang simpleng


tuntunin tungkol sa pagsulat kabilang na ang kayarian ng salita sa pagbubuo ng

mga pangungusap upang maging mabisa ang bawat pahayag. Ayon pa sa kanya,

mula sa pagtuturo ng wastong mekanismo ng sa pagsulat may mga tuntuning na

alala ng mga mag-aaral at mayroong hindi. Hindi na itinuturo sa ngayon ang

pangunahing tuntunin na kinakailangan ituro ayon sa kurikulum. Kailangang

magbalik-aral ang mga mag-aaral hinggil sa mahalagang tuntunin mekanismo ng

pagsulat lalo na sa paggamit ng bantas . Ang pinakamahalagang hakbang na

magagawa sa pagpapahusay sa pagsulat ay ang iturong muli ang mekanismo ng

pagsulat kasama na ang paggamit ng bantas higit sa gitling dahil karaniwan ito

ang pagkakamali ng ilang manunulat sapagkat hindi nila alam ang mga

alintuntunun sa paggamit nito at ang pinakahuli ay magbalik aral. Sa pagbabalik

aral mabibigyan nila ng pansin ang mga pagkakamaling nagawa nila sa

pagbabantas. Malilinang ang kahusayan ng mga mag-aaral kung magbibigay ng

feedbackaangaguroamataposanilangamagsulat.

Ayon naman kay Cunninghan (2011), kailangang ang susulat ng isang

sulatin ay may sapat na kasanayan sa mekanismo sa tamang paggamit ng bantas

sapagkat ang anumang kamalian ay nakikita ng bumabasa. Kailangan maging

maingat sa tamang paggamit ng mga bantas lalong lalo na sa paggamit ng gitling

sapagkat ito ay ang bantas na kung saan mahirap alamin kung kailan at kung

saang mga salita lamang ito gagamitin.

Binigyang-diin naman ni Dayapan (2010) na mahalaga sa pagsulat ang

paggamit ng kinakailangang bantas gayundin ang tamang paggamit ng malaking

titik maging ang palabaybayan ng mga salita, sapagkat sa pamamagitan nito, higit
na lumilitaw ang dalang kaisipan at higit na naipapadama ang anumang nais

ipahayag. Mas binigyang diin niya ang tamang paggamit ng bantas sapagkat

napakalaki ang nagagawa nito upang magkaroon ng bagong kahulugan ang isang

salita o pangungusap. Kagaya ng gitling isa ito sa pinakanakakalitong bantas

sapagkat sa dami ng alintuntunin nito at halos lahat ng salita ay pwede mong

lagyan ng gitling.

Sa pagdadagdag, ayon naman kay Macaraig (2009), Tagapangulo ng

Lupon sa Ortograpiya. Nagpatupad ang samahan ng lupon ng isang tuntunin para

sa wastong gamit ng mga bantas sa pagsulat na inilahad sa Gabay upang

magsilbing basehan ng mga guro at mag-aaral. Inilahad sa tuntunin ang wastong

gamit ng bantas tulad ng gitling. Ang gitling ay ginagamit sa paguulit ng mga

salita, kapag ang panlapi ay nagtatapos sa katinig at mga salitang nilapian ay

pangglang pantangin, sa paghahati sa dulo ng linya, sa pagsulat ng pangalan ng

isang babaeng may-asawa upang ipakita ang kanyang apleyido noong dalaga pa

siya, at ang panghalili sa nawawalang kataga o salita sa isang tambalang salita.

Pagdadadag pa ni Macaraig (2009) na ang hindi paggamit ng bantas sa

anumang wikang nangangailangan nito ay maituturing na kamalian sa alinmang

wika. Ang gitling bagamat hindi lantad ang gamit sa wikang binibigkas ay

nagagawa namang palitawin ng bahagyang pag-untol ng hininga sa pagitan ng

pantig na dapat gitlingan. “Ang hindi paggamit ng bantas sa salitang

nangangailangan nito ay kamalian sa alinmang wika.

Binigyang halaga sa gabay ng Ortograpiya(2009) ang pagbibigay ng

pansin sa mekanismo ng wika tulad ng mga bantas na kumakatawan sa mga


patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng ga titik at pantig, Sa pagitan ng mga

salita at mga parirala, at sa pagitan ng mga pangungusap. Binubuo ito ng kuwit

(,), tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), tuldok-kuwit (;), kudlit (‘), gatlang

(--), panipi (“”), tutuldok (:), elepsis (....), panaklong () at gitling. Kinakailangan

ang paggabay sa mga kahinaan ng mga mag-aaral upang mabawasan ang mga

maraming pagkakataong makakasulat ng mali ang mga mag-aaral

sa nabanggit na larangan ng pagsulat lalong lalo na sa paggamit ng mga bantas.

Bilang pagresolba sa nasabing suliranin, ang Komisyon sa Wikang Filipino

(KWF) ay nagpatupad ng Ortograpiya mula sa DepEd Memorandum No.140 s.

2009 kung saan nagsagawa ng mga tuntunin sa lahat ng aspekto ng pagsulat at

mekanismo. Ang Ortograpiya ay naglaan ng isang tiyak na sukatan. Anumang

tuntuning nakapaloob sa taong 1987, 2001 at 2009 na hindi binago sa 2013 Gabay

ay mananatiling ipatutupad. Ibig sabihin kung titingnan ang mga alituntunin sa

tamang paggamit ng bantas lalo na ng gitling ay hindi mababago dahil sa

naipatupad na Ortograpiya mula sa DepEd Memorandum. Ito ay konektado sa

iminungkahi ni Macaraig (2005) na dapat ang paggamit ng Gitling ay mananatili

dahil kung hindi ito ay maituturing na kamalian sa alinmang wika.

Pang-huli, ayon naman sa Star MES Publications (2015), marami rin ang

natutunan ng mga mag-aaral na laging kasali sa mga gawaing kawili wili ngunit

kapupulutan ng aral. Sa pamamagitan ng pakiipagsalamuha, nakakakuha sila ng

mga magaganda at kapakipakinabang na asal, aral, gawain na makakatulong

upang mabago at mapaunlad ang pagkatao at matuto parin sa pangkademikong


gawain. Ibig sabihin kung ang bata ay patuloy na sasali sa mga pampasiglang

gawain ngunit kapupulutan ng aral, mahuhubog niya ang kaniyang diwa at isipan.

Maiiwasan ang pagkalito sa mga bagay-bagay at magiging masaya sa bagay na

kaniyang gusto.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa pag-aaral ni Sotto (2012) na may pamagat na “Proficiency Level

of Filipino Ortography of Grade 7 Students. A Proposed Supplementary Material”

na hindi madali ang pagsulat ng mga mag-aaral dahil ang kahusayan sa wika ay

mahirap ng ituro at matutunan kung kaya napapabayaan. Isa pa, ang hindi

pagkakaroon ng pampasiglang gawain ay nagiging dahilan upang mawalan ng

gana ang mga mag-aaral upang magkaroon ng partisipasyon sa mga gawain. Ang

pag-aaral ni Sotto ay may kaugnayan sa pag-aaral ng ibang mananaliksik na kung

saan binibigyang pansin niya ang kahalagahan ng paggabay sa pagsulat ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng mga pampasiglang gawain.

Karagdagan, Ayon sa pag-aaral ni Altovar I.C, (2012), na may pamagat na

“Performance in English Composition Writing of Highschool Students in

Binagbag National Highschool. Basis for the Development of Enhancement

Program In Composition Writing.” Lumabas sa kanyang pag-aaral na

kinakailangan talagang gabayan ang mga mag-aaral sa wastong tuntunin ng

pagsulat kasama ang paggamit ng bantas lalo’t higit sa paggamit ng giting sa

pamamagitan ng palagiang pagsusulat ng mga estudyante upang malinang ang

kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsulat at dapat din namang magbigay ng


fidback sa mga mag-aaral sa bawat pagsulat na ginawa nila nang sa gayon ay

malinang ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga tuntuning dapat sundin upang

mabawasan ang mga kamaliang nagagawa nila sa kanilang pagsulat. Sa ganitong

paraan nalilinang ang kahusayan ng mga mag-aaral sa mga alituntunin sa pagsulat

ng pangungusap lalo’t higit sa pagbabantas kagaya ng paggamit ng gitling.

Ayon naman sa pag-aaral ni Laurente (1985) na itinuro niya kina Bustos at

Espiritu (2008), nakakaimpluwensiya sa pag-unawa ng estudyante ang paraang

gamit ng guro kaya dapat lang na mabisa ito. Sa makatuwid nakasalalay sa

estratehiya ng guro ang matutuhan ng mga mag-aaral. Kung kasiya-siya ang

estratehiya ng guro sa pagtuturo ng aralin gaganahan ang mga mag-aaral na

magpursigi upang matuto ang halimbawa ng kasi-siyang paraan na maaaring

gamitin ng guro ay mga pampasiglang gawain gaya ng pagpapalaro sa mga mag-

aaral ngunit katumbas nito ay may mapupulot silang aral.

Sa kabilang banda, Ayon sa isang sarbey noong 2001 sa isyu ng

“Journal of School Health” na nilathala noong Marso 2008, humigit sa 50,000

mag – aaral ng hayskul sa Minnesota na madalas natututo ang mga mag-aaral

kapag nagkakaroon ng kawiwiling palaro sapagkat masaya nila itong nilalahukan.

Ayon rin sa psychologist na si Lev Vygotsky, (N.D) ang mga bata raw ay natututo

kapag isinasapuso nila ang mga aktibidad, ugali, bokabularya, atideya ng mga taong nasa paligid

nila. Ang pagsali sa mga palaro sa isang asignatura ay nakakapagpataas ng karangalan sa mga

bata. Kapag sila ay sumasali sa mga kawili-wiling palaro na kapupulutan ng aral ay mas

napapahusay nila ang kanilang mga gawain lalo na alam nila na ito ay maipapakita at

maihahambing sa ibang estudyante kung kaya’t malinaw na kapag ang isang bata ay
nakakaranas ng mga kawi-wiling gawain ngunit kapupulutan parin ng aral mas lalong nagiging

aktibo ang bata at mas naisasapuso niya ang kaniyang ginagawa

Batayang Konseptwal

Pigura. 1
Paradima ng Pag-aaral

INPUT PROSESO

Nais ng mananaliksik na Ang mananaliksik ay


malaman ang kaalaman ng mamamahagi ng mga
mga mag-aaral ng STEM-1A nasabing kwestyuner sa mga
sa tamang paggamit ng mag-aaral ng STEM-1A
gitling kung kung kaya’t upang makakalap ng mga
nagsagawa ang mananaliksik impormasyon tungkol sa
ng paglilimbag ng paunang nasabing paksa. Kapag
pagsusulit na naglalaman ng nakuha na ang mga
mga katanungan hinggil sa impormasyon at datos
paksang pinag-aaralan. magsisimula na ang aksyon
ng mananaliksik na Gitling-
Game.

AWTPUT

Inaasahan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito na magkaroon


ng tamang kaalaman ang mga mag-aaral ng STEM 1A sa
tamang paggamit ng gitling. Inaasahan rin ng mananaliksik
na magiging mabisa ang Gitling-Game sa pagkatuto ng mga
mag-aaral sa tamang paggamit ng gitling.

Pigura. 2
Ipotesis

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang alternatibong Ipotesis na


mayroong kaugnayan sa tamang paggamit ng gitling.

 Mababa ang antas ng kasanayan sa pagsasaling-wika ng mga mag-aaral sa

STEM 1A ng LPIHS bago gamitin ang Gitling-Game.

 Mataas ang antas ng kasanayan sa pagsasaling-wika ng mga mag-aaral sa

STEM ng LPIHS pagkataposgamitin ang Gitling-Game.

 Mayroong mahalagang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa

pagsasaling-wika bago at pagkatapos gamitin ang Gitling-Game.

Kabanata 3

Sa kabanatang ito makikita ang maiikling paliwanag ukol sa paraan o


“strategy” ng pag-aaral. Tinatalakay sa bahaging ito ang mga konsepto at mga
yunit ng matalinong pagpili ng angkop na metodong gagamitin, populasyon,
respondante at paraan ng pangangalap ng mga datos, kaakibat rin nito ang
pagsukat sa usapin ng balidad at reyalidibilidad at ng mga pamamaraang ginamit
upang makita ang kahusayan ng pananliksik.

Disensyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa disensyo ng pamamaraang

diskripto-analitik. Tatangkaing ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang kaalaman

ng mga mag-aaral ng STEM 1A sa tamang paggamit ng gitling. Ang pag-aaral na

ito ay kwantatibo para makamit ang mas malalim na pagkakaunawa kung gaano

kaepektibo ang Gitling-Game sa pagpapataas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa

tamang paggamit ng gitling. Gagamit ang mananaliksik ng mga pagsusulit para


masukat ang antas sa kasanayan ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng gitling

bago at pagkatapos gamitin ang Gitling-Game.

Pamamaraan

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

pagsasarbey. Ang mananaliksik ay maghahanda ng sarbey kwestyuner na

naglalayong makahanap ng mga datos at impormasyon upang malaman ang

kaalaman ng mga mag-aaral sa STEM 1A sa tamang paggamit ng gitling.

Magsasagawa din ng pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa mga

silid aklatan, dyaryo, magasin, at pamanahunang papel. Kukuha din ang

mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

Sa saliksik na ito, pinalahok ang mga mag-aaral ng STEM 1A sa Gilting-Game

sa loob ng isang linggo. Layunin nito ang pataasin ang kanilang kasanayan sa

tamang paggamit ng gitling. Masusukat ang pagbabago gamit ang pagpapasagot

sa kanila ng pre-test at post-test bago at pagkatapos ng Gitling-game.

Talatanungan
Para sa saliksik na ito, gumamit ang mananaliksik ng dalawang
pagsusulit bago at pagkatapos isagawa ang Gitling-Game. Ang Gitling-game ay
binubuo ng limang parte na ipapalaro sa mga mag-aaral bawat araw. Ang unang
dalawang Gitling-Game ay ang pamamahagi ng limang (3) salita sa limang (3)
piling mag-aaral at aalamin nila kung may gitling ba o wala talaga ang salita. Ang
kasunod na dalawa pa ay sampung (6) salita naman ang ipamamahagi sa
sampung (6) piling mag-aaral. Ang huling Gitling-Game ay ang pamamahagi ng
Labinlimang (8) salita sa labinlimang (8) piling mag-aaral ng STEM 1A.
Sampling

Ang saliksik na ito ay nagamit ng “purposive sampling technique” na ang

ibig sabihin ay mayroong dahilan kung bakit pinili ang mga STEM students. Ito

ay dahil sa ang nais sukatin ng mananaliksik ay ang antas sa kasanayan sa tamang

paggamit ng gitling ng mga mag-aaral sa STEM 1A .

Istatistika

Ang MPS o ang ibig sabihin ay Mean Percentage Score, ay ginagamit

naman para malaman ang antas ng kaalaman (Nicer, 2016).

Ang “T-test inpendent variable,” ayon kay Snedor at Cochran (2014) ay

ginagamit para malaman kung ang dalawang populasyon ay “equal.”


Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Tayabas
Integradong Mataas na Paaralan ng Luis Palad
Lungsod ng Tayabas

Pangalan(opsyonal):_________________________
Track & Strand:____________________________
Ang talatanungan na ito ay isinagawa ng mananaliksik ng Luis Palad Integrated
High School na nasa baitang labing-isa. Ang anumang partisipasyon at kooperasyon na
iyong ibibigay ay buong pusong tatanggapin at tatanawing utang na loob. Ang anumang
sagot sa instrumentong ito ay mananatiling pribado at gagamitin lamang sa pag-aaral na
ito.
I. Panuto: Lagyan ng TAMA ang patlang kung dapat may gitling ang salita at MALI
kapag wala dapat gitling ang salita.
________1. mag-alis ________6. Kapit-bahay
________2. Araw-araw ________7. Taga- bayan
________3.Dib-dib ________8. Mang-uto
________4. Taga- bulacan ________9. Magpa-Jollibee
________5. Hampas-lupa ________10. Ika-4 ng Oktubre

II. Panuto: Suriin ang pangungusap. Salunguhitan ang salitang sa tingin mo ay may
gitling. Kung meroon man isulat sa patlang ang salita ng may nakalagay ng wastong
paggigitling, kung wala naman dapat lagyan ng gitling ay isulat sa patlang ang salitang
WG (walang gitling).

________1. Arawaraw kami ay nagsisimba ng maganak.


________2. Ang bango naman ng kilikili ng aking anak parang bulaklak na
humahalimuyak.
________3. Ang sumbrero ay sinusuot talaga pangulo upang magkaroon ng proteksyon
sa araw ang ating ulot at mukha.
________4. “Oy James, MagpaMcdo ka naman sa kaarawan mo.
________5. Alam mo ba napakadaming gwapo at magaganda na tagaTayabas ngayon.

________6. Wala naman ako ginawang masama. Nagmahal lang ako.


________7. Balita ko sa ika 5 ng Marso gaganapin ang kaarawan ni Marc.

________8. Antagal naman ng mayari nitong gamit nito, Kanina pa ito nakabilin sa akin.
Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Tayabas
Integradong Mataas na Paaralan ng Luis Palad
Lungsod ng Tayabas

Pangalan(opsyonal):_________________________
Track & Strand:____________________________
Ang talatanungan na ito ay isinagawa ng mananaliksik ng Luis Palad Integrated
High School na nasa baitang labing-isa. Ang anumang partisipasyon at kooperasyon na
iyong ibibigay ay buong pusong tatanggapin at tatanawing utang na loob. Ang anumang
sagot sa instrumentong ito ay mananatiling pribado at gagamitin lamang sa pag-aaral na
ito.
I. Panuto: Lagyan ng TAMA ang patlang kung dapat may gitling ang salita at MALI
kapag wala dapat gitling ang salita.
________1. Isa-isa ________6. Kapit-bahay
________2. Taga-bayan ________7. Kili-kili
________3. Balu-baluktot ________8. Paru-paro
________4. Taga- bulacan ________9. Magpa-Jollibee
________5 .mag-isa ________10. Ika-4 ng Pebrero

II. Panuto: Suriin ang pangungusap. Salunguhitan ang salitang sa tingin mo ay may
gitling. Kung meroon man isulat sa patlang ang salita ng may nakalagay ng wastong
paggigitling, kung wala naman dapat lagyan ng gitling ay isulat sa patlang ang salitang
WG (walang gitling).

________1. Gabigabi akong kumakain ng mansanas kaya hindi sumasakit ang aking
tiyan.
________2. Ang bango naman ng kilikili ng aking anak parang bulaklak na
humahalimuyak.
________3 Ang paruparo ay lumilipad sa mga bulaklak

________4. “Oy James, MagpaMcdo ka naman sa kaarawan mo.


________5. Alam mo ba napakadaming batangkalye na palaboy laboy ngayon sa kalsada

________6. Wala naman ako ginawang masama. Nagmahal lang ako.


________7. Ang mga tagabundok daw sa San sinukob ay hindi naliligo.

________8. Antagal naman ng mayari nitong gamit na ito, Kanina pa ito nakahabilin sa
akin.
Kabanata 4

14
1 18 18

13 1 17 4

12 2 16 1

11 2 14 2

10 3

9 3

8 3

7 5

5 3

4 2

3 1

You might also like