You are on page 1of 7

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang mga sumusunod ay mga naihayag na literatura at mga pag-aaral na naglahad

ng mga katibayan na sumuporta at nagbigay linaw sa kalagayan ng layuning

isinakatuparan. sa pagsagawa ng pananaliksik.

A. ANTAS NG KOMPREHENSYON

Ang komprehensyon ay isang proseso nang magkasabay na paghalaw at pagbuo

ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon at pakikipag-ugnayan sa lenggwaheng

nakasulat. Ginamit ang mga salitang paghalaw at pagbuo upang bigyang-diin ang parehas

na kahalagahan at kakapusan ng teksto bilang resulta ng pag-unawa sa binasa. Hindi

lamang nakasalalay sa teksto, o sa mga aklat ang paglinang ng kasanayan sa pagbabasa

kundi sa karanasan ng mambabasa (Snow, 2003).

Mayroong apat na antas ng komprehensyon: (1) literal, (2) interpretasyon, (3)

kritikal o mapanuring pagbasa, at (4) malikhaing pagbasa (Smith, 1969).

Ang pag-unawang literal ay nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang

nakalahad sa teksto. Ang mga kasagutan sa mga tanong na literal ay simpleng pag-alaala

sa mga impormasyon at detayeng nakapaloob sa babasahin. Bagama’t nangangailangan

lamang ito ng mababang antas ng pag-iisip, mahalaga ito bilang isang pundasyon sa

paglinang ng mataas na pag-iisip.

Ang antas ng interpretasyon ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng pag-

iisip. Ang mga sagot sa mga tanong sa antas na ito ay hindi tuwirang nakalahad sa teksto
ngunit nakapahiwatig lamang. Upang masagutan ang mga tanong sa antas na ito,

kailangang taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin at marunong

siya sa paghalaw ng mga kaisipan.

Ang antas kritikal ay mas mataas kaysa sa dalawang nauna. Ilan sa mga

kasanayan sa antas na ito ay: (1) napapahalagahan ang kaangkupan at

pagkamakatotohanan ng impormasyong nakalahad sa teksto, (2) naibahagi ang sariling

paninindigan ayon sa kaangkupan, pagkamakatotohanan at pagigingkasiya-siya ng akda;

at (3) Naihahambing ang kasipang ipinahahayag sa teksto sa tulong ng pamantayang

pansarili, pamantayang galing sa guro, sa ibang tao, at sa ibang babasahin.

Sa antas na malikhain, gumagamit ang tagabasa ng kakaibang kasanayan sa pag-

iisip na lagpas sa antas ng pag-unawang literal, interpretasyon at kritikal o mapanuring

pagbasa. Sa antas na ito, sinikap ng tagabasa na makabuo ng bago o pamalit na solusyon

sa inihain ng may-akda (Badayos, 1999).

B. PAMAMARAANG PAGTUTURO

Isang magandang depinisyon ng pamamaraan na tinangggap ng maraming guro sa

loob ng mahabang panahon. Ang kanyang konsepto ng pamamaraan ay ikalawa sa

tatlong herarkiya ng mga elemento. Ang pamamaraang gagamitin ng guro ay may

malaking epekto sa pagkatuto ng mag-aaral. Ito rin ang magbibigay ng katugunan sa

uhaw na isipan ng mga mag-aaral sa kaalaman at kasanayan na nais ipabatid ng guro.

Inilalapat ang pamamaraan ayon sa pangangailangan ng magaaral na siya naman talagang

sentro ng pagtuturo nito. Ang pamamaraan ay mawawalan ng saysay kung hindi ito

lalapat sa layunin ng pagtuturo (Badayos, 2013).


Ayon kay Rabonza (2004), ang mga guro ay dapat maging pamilyar sa lahat ng

estratehiya ng pagtuturo at pagkatuto. Mahalagang may sapat na kabatiran at kakayahan

ang mga guro sa anumang paraan ng pagtuturo na kanilang magagamit para sa kaayusan

ng pagtuturo. Ang mga guro sa wika, lalo na sa Filipino, ay kailangang hindi lamang

kontento sa paggamit ng isang paraan ng pagtuturo. Ang mabuting guroay siyang

makapagsasama at makapagbabagay sa mga paraang nararapat sa kanyang klase at

maging sa mga layunin.

Ayon din kay Pagkalinawan (2010) ang gawaing pagtuturo ay hindi madaling

gawain. Hindi sapat na maituro ng isang guro kung ano ang mga paksang-araling

nakapaloob sa kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at matututuhan ng

kanyang estudyante. Kaya nga sinasabi na ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat.

C. TRADISYUNAL NA PAMAMARAAN

Sa pag-aaral ni Harris (2005), nakapokus ang kanyang paliwanag tungkol naman

sa tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng guro gamit ang aklat panturo sa pagbabahagi

ng kanyang aralin. Ang ganitong pamamaraan ay hindi makalilikha ng bagong kaalaman

at mahahalagang kasanayan sa mga mag-aaral na titimo sa kanilang mga isipan sa

mahabang panahon. Upang lalong pang mapag-ibayo ang kalidad ng pagtuturo at

pagkatuto sa loob ng klasrum, iminumungkahi ang paggamit ng mga iba’t ibang

pamamaraan, pamamaraang kooperatibo, kolaboratibo at interaktibo. Ang pamamaraang

lektyur na pinaniniwalaang nakapaloob sa tradisyunal ay pinakagamitin sa presentasyon

ng leksiyon. Sa ganitong pamamaraan napag-iibayo ang presentasyon ng aralin sa

pamamaraang lektyur upang makapagbigay ng introduksiyon ng mga bagong paksa,


paglalagom ng mga ideya, pagpapakita ng relasyon sa pagitan ng teorya at kaugalian, at

pagbibigay-diin sa mahahalagang detalye.

Maraming magagandang ibubunga ang pamamaraang lektyur. Maaaring ito ay

maging kapaki-pakinabang na paraan upang magbigay panuto sa malakihang tagapakinig.

Ang mga impormasyong matatamo sa pakikinig ay magagamit ng mag-aaral sa mga

pagkakataong wala na silang oras para magsaliksik sa isang pag-aaral at kung wala silang

mga materyales na magagamit. Ang mga lektyur na kapaki-pakinabang ay nagbibigay

tulong o suporta sa iba pang pamamaraang pampagtututro.

May kaugnayan ang pag-aaral ni Haghighi (2006) gamit ang pamamaraang

lektyur na nagresulta ng kawalan ng kasiglahan ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.

Walang interaksiyon sa pagitan ng guro at mag-aaral. Ang pag-aaral aynabatay lamang sa

pakikinig ng mga mag-aaral at nakasentro sa gawain ng guro. Nagresulta ito batay sa

kanyang pag-aaral ang kawalan ng interes sa paksa at ang atensiyon ng mag-aaral ay

napunta sa ibang gawain na walang kinalaman sa paksa. Sa ganitong pangyayari,

nasasayang ang mahalagang panahon na dapat ay magresulta sa mas makabuluhang pag-

aaral.

PAGGAMIT NG KOMIKS

Ang paggamit ng komiks sa edukasyon ay base sa konsepto ng paglikha at

motibasyon sa mag-aaral. Ang epektibong paggamit ng komiks bilang midyum para sa

epektibong pagtuturo at pagkatuto ay naging paksa sa mga debate mula pa noong

magsimula ang komiks. Makahihikayat ng komiks ang atensisyon at matutulungan ang

mga mag-aaral na matandaan ang kanilang natutunan.


Sa Amerika, gumagamit ng komiks sa edukasyon, gamit ang internet. Webkomiks

ang tawag sa komiks gamit ang internet. Karamihan ng gumagamit nito ay sa internet na

nila nilalathala ang kanilang komiks.

Ang edukasyonal na potensyal ng komiks ay di pa gaanong natatanto kaya

inilunsad ni Caparas (2007) ang ilang programa na naglalayong ibangong muli ang

namatay na industriya ng komiks. Kasama ang “Komiks Caravan”, isang patimpalak sa

mga gumawa ng komiks, na sinuportahan ng National Commission for Culture and the

Arts, at maging ang gobyerno. Kamakailan lamang ay inilunsad ng ABS-CBN at GMA-7

ang seryeng Komiks sa telebisyon na nagpapalabas ng mga klasikong kuwento ng komiks

na ginagawang maiiksing teleserye. Maging ang internet ay inilalabas na rin ang mga

komiks na gawang-Pinoy. Sa pamamagitan ng telebisyon at internet, mas malawak na

madla ang maabot ng muling pagbangon ng komiks.

Ayon kay Dr. Ali Merc (2013), na ang pamamaraang komiks ay nakapagpataas sa

antas ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa lahat ng antas. Ito ay

napatunayan na nagiging epektibo kapag ginamitan ng biswal na materyal tulad ng

komiks. Pati ang mga guro ay makalilikha ng komiks kasabay ng kanyang mga mag-aaral

at maeengganyo na pumasok sa klasrum upang mapaunlad pa ang mataas na lebel ng

kanilang pag-iisip. Karagdagan pa, ang mga mag-aaral na ginagamitan ng komik istrip ay

napagtanto na higit na narerehistro sa isipan ng mga mag-aaral, mababa man o mataas

ang antas ng katalinuhan, ang leksiyon sa panitikan.Ang mga imahe na may kaakibat na

teks ay higit na epektibong aspeto sa komprehensiyon sa pagbasa dahil habang binabasa

ang teks, pinagagalaw nito ang imahinasyon ng mambabasa sa mga imaheng kanyang
nakikita. Samakatuwid, mauunawan natin ang mga posibleng dahilan kung bakit ang mga

mag-aaral na gumagamit ng komiks ay higit na kaaya-aya ang performans.

Ayon naman kay Haines (2012), ang susi upang mahikayat ang mga mag-

aaral na gamitin ang kanilang imahinasyon at mapukaw ang interest ay sa

pamamagitan ng pagbabasa ng komiks. Dahil ang komiks ay nagsisilbing daan

upang madaling

maunawaan ang teksto mula sa mga imahe nito. Ang mga imaheng ito ay

nakatutulong sa pagpapalawak ng kanilang bokabularyo. Sa katunayan ang komiks

ay ginagamit na rin sa ibang bansa tulad ng Japan, China at Korea bilang bahagi

ng kanilang kultura. Ayon parin kay Haines, upang masabi na ikaw ay magaling

magbasa kinakailangang mamaster ng mambabasa ang 5,000 na mga salita na di-

pamilyar na nasa isang konbersasyon. Sa isang nobela, mayroong 52 beses sa 1,000

na mga salita sa teksto. Sa komiks, mayroong 53 beses sa 1,000 na mga salita na

makikita.

Kunggayon hindi nakapagpapababa ang komiks ng bokabularyo taliwas ito

sa sinasabi ng mga kritiko. Ipinapakita lamang na ang mga guro ay nag-

eeksperimento sa paggamit ng iba’t ibang kagamitang panturo sa pagtuturo ng

panitikan sa mga mag-aaral. Kadalasan na ang mga ito ay ipinapabasa lamang ang

akda sa mga mag-aaral at pagkatapos ay magsasagawa ng tanong-sagot na

talakayan. Dahil dito hindi nalilinang sa mga bata ang kawilihan upang magbasa

bagkus ay lalo pa silang tinatamad na mag-aralng panitikan.


Ang hindi magandang epektong ito dulot ng monotonos na atake ng guro sa

pagtalakay ng mga panitikan ay lalong hindi nauunawaan ng mga bata ang halaga

ng mga akdang binabasa nila dahil hindi kahali-halina ang mga tradisyunal na

metodo ng pagtalakay ng aralin na karaniwang ginagamit ng guro.

You might also like