You are on page 1of 44

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Antas ng Kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino ng Northeastern College sa Wastong


Paggamit ng Bantas

Isang Pananaliksik na
Iniharap
Sa mga Guro ng Kolehiyo ng Edukasyon ng
Northeastern College
Santiago City

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan


Sa Kursong Batsilyer ng Sekondarya
Sa Edukasyon sa Filipino

Nina:
Saddul, Stephanie
Tuazon, Hazel Mae
Berganio, Aileen
Valino, Jaydee

Ikalawang Semestre
KOLEHIYO NG EDUKASYON

S.Y. 2022-2023
KOLEHIYO NG EDUKASYON

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pangunahing pangangailangan sa, Batsilyer ng Edukasyon sa

Sekondarya sa Filipino, ang pananaliksik na may pamagat na Antas ng Kaalaman ng

mga mag-aaral sa Filipino ng Northeastern College sa Wastong Paggamit ng

Bantas na inihanda at iniharap nina Stephanie Saddul, Hazel Mae Tuazon, Jaydee

Valino, at Aileen V. Berganio bilang bahagi ng pagtupad sa pangunahing kahilingan sa

Batsilyer ng Edukasyon sa Sekondarya sa Filipino, dumaan sa pagsusuri at pagtanggap

at pagpapatibay.

DARIUS KING A. GALO


Tagapayo

Inaprubahan sa pamamagitan ng Lupon ng Pasalitang Pagsusuri na may


markang .

LIMER G. VIERNES, LPT, MAEd DIANNA JEAN A. GAYO, LPT, MST-MATH


Miyembro Miyembro

SARANAY I. DOYAOEN, MS-MATH CPA


Chairman

Tinaggap bilang nahagi ng kahilingan sa Kursong Batsilyer sa Sekondarya sa

Edukasyon sa Filipino.

SARANAY l. DOYAOEN, MS Math, CPA

Dekana
KOLEHIYO NG EDUKASYON

PAGPAPAHALAGA

Taus-pusong ipinaabot ng mga mananaliksik ang kanilang pasasalamat sa mga

taong naging bahagi at tumulong upang maisakatuparan ang hangarin nilang makamit

at mapagtagumpayan ang ginagawang pag-aaral na ito.

Kay G. Darius King Galo, ang aming minamahal na guro sa Introduksyon ng

Pananaliksik-Wika at Panitikan sa paggabay at paglalaan ng oras sa amin upang kami

ay tulungan sa paggawa ng pananaliksik na ito.

Kay G. Glen Cabote, kay G. Limer Viernes, Bb. Dianna Jean A. Gayo at kay

Gng. Saranay I. Doyaoen, Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon, para sa paggabay,

pagbigay ng komento, pagwawasto at pagbabahagi ng kaalaman at ideya na aming

nagamit upang mapabuti at makabuluhan ang aming ginagawang pananaliksik.

Sa aming mga magulang na patuloy na sumusuporta sa amin at nagbibigay

dedikasyon upang gawin ang pag-aaral na ito, lalong-lalo na sa tulong pinansyal nila na

ginagamit namin sa mga kakailanganin sa paggawa ng pananaliksik.

Higit sa lahat sa Poong Maykapal sa walang sawang paggabay sa amin. Sa

walang sawang pagmamahal niya sa amin, pagbibigay lakas at pag-asa na matatapos

namin ang gawaing ito.

Maraming salamat po!


KOLEHIYO NG EDUKASYON

DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihahandog unang una, sa

Poong maykapal sa pagbigay ng lakas at paggabay upang maitaguyod

namin ang pananaliksik na ito. Pangalawa, inihahandog din namin

ang pananaliksik na ito sa Northeastern College lalo na sa mga

guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino na aming tagatugon

sa aming pananaliksik. Sa lahat ng mga tumulong na hindi

nagsawang magbigay ng suporta, pag-unawa, gabay

at payo upang malawak at gawing mas maging

makahulugan ang ang aming pananaliksik.

Ikatlo, Sa aming mga magulang na naniniwala

sa aming kakayahan at walang sawa

ding nagbibigayang moral at pinansyal

na pangangailangan. Kayo ang

aming lakas sa pag-abot

ng tagumpay.

Mga Mananaliksik
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Talaan ng Nilalaman

Pahina ng Pamagat …………………………………….i


Dahon ng Pagpapatibay …………………………………….ii
Pagpapahalaga ……………………………………iii
Dedikasyon ……………………………………iv
Talaan ng Pigura ……………………………………v
Talaan ng Nilalaman …………………………………...vi

KABANATA

I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito …………………………………..1

Introduksiyon …………………………………..1

Paglalahad ng Suliranin …………………………….…….3


Batayang Konseptwal …………………………….…….4
Kahalagahan ng Pag-aaral …………………………….…….5
Saklaw at Limitasyon …………………………….…….6
Pagpapakahulugan ng Termino ……………………………….….7

II. Kaugnay na Literatura at Pag-aaral ……………………………….….8

III. Metodolohiya sa Pag-aaral ……………………..………….16

Disensyo ng Pananaliksik …….……………………….….16


Respondente ng Pag-aaral ……….
………………………..16
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Lokal ng Pag-aaral ..……………….……………….17


Instrumento ng Pananaliksik ………………….……………..17
Instrumento sa pangangalap ng Datos ………………………………..17
Paraan ng pangangalap ng Datos ………………………………..18
Etika ng Pananaliksik ………………………………..18

Kagamitang Pang-estadistika ……………………………….19

Sanggunian ……………………………….20

Apendiks ……………………………….21
1
KOLEHIYO NG EDUKASYON

KABANATA I

ANG SULIRANIN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang bantas ay simbolong nagdidikta sa pag-antala, diin, at intonasyon kung saan

ito ay makatutulong sa mga mambabasa na maintindihan ang anumang sulatin. Ito rin

ang nagiging tulay ng mga salita, parirala at sugnay upang lubos na maunawaan ang

ipinahihiwatig ng isang babasahin. Sang-ayon sina Salvador, et.al.(1991) mula sa

kanilang aklat na Reader’s Digest, How to Write and Speak Better, p. 212, na ang

bantas ay mahalaga sapagkat ito ay nakatutulong upang lubos nating maintindihan at

malinaw ang mga pahayag o pangungusap na ating binabasa.

Ayon kay Rumki (2005) ang maling pagbabantas o maling paggamit ng bantas

ay maaring makasagabal sa daloy ng kaisipan at maaaring makapagpabago ng

kahulugan ng isang salita o babasahin. Natuklasan din ni Jung (2013) sa kanyang pag-

aaral na "isa sa mga dahilan kung bakit mahina ang pag-unawa sa pagbabasa at

pagsusulat ay dahil nagkakamali sa paggamit ng bantas.

Ayon sa isang pag-aaral na inilabas noong Disyembre 2018, naitalang ang

Pilipinas ang pinakamahina sa pag-intindi sa binabasa sa 79 na bansang lumahok. Ang

kahinaan sa pag-unawa sa binasa ay hindi lamang nakasalalay sa lawak ng kaalaman

ng nagbabasa kundi pati na rin sa kung paano niya binasa ang isang sulatin. (Manila

Times, 2019) sang-ayon ang pag-aaral nina Rasanen at Lyytinen noong 1997,

napatunayan nila na ang maling paraan ng pagbasa, tulad ng sobrang bilis o


2
KOLEHIYO NG EDUKASYON

kakulangan sa pagtugma ng bilis ng pagbasa sa kahulugan ng mga salita, ay maaaring

magdulot ng pagkakamali sa pag-unawa ng teksto.

Samakatuwid, nakadepende sa wastong pagbabantas ang malinaw at

epektibong pagsusulat. Isinaad sa aklat ng Writing Skills for College na, kung walang

pagbabantas, ang wikang pasulat ay hindi makapagpapakita o makapagbibigay ng tiyak

na mga katangian ng pananalita. (Villanueva, et.al.,1993 sinipi sa aklat ni Nellie

Choueiri, 2018, p. 33) Kaya naman, pinili ng mga mananaliksik na pag-aralan ito, upang

matukoy iba’t ibang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng bantas .

Paglalahad ng suliranin

Ang pananaliksik na ito na may pamagat na “Antas ng Kaalaman ng mga mag-

aaral sa Filipino ng Northeastern College sa Wastong Paggamit ng Bantas” ay

naglalayong matugunan ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang propayl ng mga respondent?

1.1 Edad

1.2 Kasarian

1.3 Paaralan noong Senior High (Public o Private)

2. Ano ang Antas ng kaalaman ng mga respondente sa paggamit ng wastong

bantas ?

2.1 Tuldok (.)


3
KOLEHIYO NG EDUKASYON

2.2 Kuwit (,)

2.3 Tutuldok (:)

2.4 Tandang pananong (?)

2.5 Tandang padamdam (!)

3. Mayroon bang pagkakaiba ang Antas ng kaalaman sa paggamit ng wastong

bantas kung igrugrupo batay sa kanilang propayl?

Hinuha

Sa pag-aaral na ito, inaasahan ng tagapagsaliksik sa inilahad na suliranin ang

sumusunod na kasagutan:

Walang makabuluhang pagkakaiba ang kaalaman sa paggamit ng wastong

bantas kung igrugrupo ang mga respondente batay sa kanilang propayl

Konseptwal na Balangkas

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang Antas ng

kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong paggamit ng bantas.


4
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Malayang Baryabol Di Malayang Baryabol

 Antas ng
Propayl ng mga Kaalaman ng mga
respondente mag-aaral sa
Filipino ng
 Edad Northeastern
 Kasarian College sa
 Paaralan
Wastong
noong Senior
High (Public o Paggamit ng
Private) Bantas

 Pagbabantas

Pigura 1: Paradimo ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay binigyan ng konseptong balangkas upang higit na

maintindihan at malaman ang tutunguhin ng pag-aaral na ito. Makikita sa bahaging ito

ang paggamit ng Malayang baryabol na kinapalolooban ng propayl ng mga tagatugon

tulad ng edad, at kasarian, at ang paaralan noong Senior High. Ang Di malayang

baryabol naman ay sumasaklaw sa Antas ng Kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino

ng Northeastern College sa Wastong Paggamit ng Bantas.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at mapakikinabangan ng mga sumusunod na

indibidwal o grupo:
5
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Mag-aaral. Mailahad ang importansya sa paggamit ng wastong pagbabantas.

Mahalaga rin ito sa mga mag-aaral upang kanilang matukoy ang kahinaan at

kahalagahan ng paggamit nito sa kanilang kinuhang kurso.

Sa mga Guro. Upang maipakita ang kahinaan at kalakasan ng mga mag-aaral

sa pagbabasa gamit ang wastong pagbabantas. Gayundin ang makabuo ng mga

kagamita o estratehiya panturo na maaring magamit sa kanilang mga mag-aaral.

Sa susunod na mananaliksik. Makatulong sa mga mananaliksik at sa mga

susunod pang mga mananaliksik upang magkaroon ng batayan para sa kanilang

pananaliksik. Makapagbibigay din ito ng datos na maaaring maging basehan sa mga

darating pang suliranin sa pinagdadalubhasaan.

Saklaw at limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sasaklaw sa mga mag-aaral sa unang taon ng Kursong

Batsilyer ng Sekondarya sa Edukasyon sa Filipino sa paaralang Northeastern College

taong panuruan 2022-2023, at sa kaalaman sa wastong paggamit ng bantas sa tuldok,

kuwit, tutuldok, tuldok-kuwit, tandang pananong, at tandang padamdam.

Pagpapakahulugan ng mga Termino

Mga salita at terminolohiya na nagamit sa pananaliksik:

Bantas. Nagpapakita ng pagkakahati-hati ng mga salita sa pangungusap.


6
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Gramatika. Isang gabay sa tama at maayos na pagsama-sama ng mga salita sa

pagbuo ng isang pangungusap.

Kaalaman. Ang aksyon at epekto ng pag-alam sa pagkuha ng mahalagang

impormasyon.

Kuwit (,). Ginagamit upang matukoy ang pinakamaikling pagputol ng ideya o

pinakamaliit na paghinto sa daloy ng isang pangungusap. Tanda ito ng

pansamantalang pagpitigil sa daloy ng ideya (at pagbasa).

Pagsulat. Isang paraan ng pagpapahayag ng saloobin, damdamin, at kaalaman

sa pamamagitan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon.

Tandang Padamdam (!). Ginagamit sa mga pahayag na dulot ng bugso ng

damdamin, sigaw, o pahayag na mapang-uyam.

Tandang Pananong (?). Pangkalahatang gamit bilang pagpapahayag ng

tanong, usisa, o alinlangan (mula sa datos na nakalap).

Tuldok (.). Karaniwang ginagamit bilang pananda para sa pagwawakas ng

pangungusap na paturol o pautos.

Tutuldok (:). ipinakikilala ang listahang ng mga parirala o pangungusap.

Wastong Paggamit ng Bantas. Paggamit ng tama sa iba’t ibang bantas.


7
KOLEHIYO NG EDUKASYON

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, inilalahad ang buod ng mga napiling Literatura at kaugnay na

pag-aaral sa kasalukayang pananaliksik.

Ang bantas o punctuation sa wikang Ingles ay mga simbolo na nakatutulong upang

mas lalong maunawaan mambabasa ang nais ipahayag ng isang teksto. Sa

pamamagitan ng mga bantas malalaman ng mambabasa ang emosyon nararamdaman

na ipinahahayag ng may akda. Ayon naman kay Makadados (2015) ang bantas ay

pananda na ginagamit sa pagsusulat upang mabigyan ng kabuluhan at kahulugan ang

mga pangungusap nang sa ganun madaling maintindihan ang ibig ipahiwatig ng

manunulat.

Nabanggit naman ni Lovely Ong (2015) na ang bantas (punctuation) ay nagpapakita

ng kayarian at kaayusan, pati na ang intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na

sandali). Kung saan ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabago-bago ayon sa

wika, lokasyon, rehistro at panahon (oras) at patuloy na umuunlad at nagbabago. Kaya

napakahalaga na malaman ang tamang pagbabantas madalas ito ang ginagamit natin

halimbawa kung ang isang mag-aaral ay gagawa ng sulatin na walang tamang

pagbabantas, ito ay hindi magkakaroon ng emosyon dahil sa bantas mas nagiging

malinaw kahulugan ng isang pangungusap.


8
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Ayon kay Wren at Martin (2005), ang salitang bantas ay nagmula sa salitang

Latin na “punctum” o punto sa paghinto na nangangahulugang paglalagay ng bantas sa

isinusulat kung saan dapat ito may punto sa paghinto at upang mabigyan ito ng

kahulugan. Ayon naman kay Partridge (1953), ang paggamit ng bantas ay sangkap ng

paglikha ng sulatin at maging sa mga pampubliko at mga pribadong pahayag. Ito rin ay

kailangan upang maihayag ang impormasyon at emosyon na nais iparating. Mayroong

mataas na antas at koneksyon ang pagpapahayag sa isang paksa at paggamit ng

bantas. Ang mga bantas ay ang nagiging tulay upang maunawaan nang mas maayos at

mas madali ang isang ideya ng pahayag o sulatin. Bukod pa diyan ang bantas ay

kailangan sa pagpapahayag upang itoy higit na maunawaan".

Binanggit sa Komisyon ng Wikang Filipino (2009), kailangan ang mga bantas

para sa malinaw na pagpapahayag ng kaisipan na siyang naghihiwalay sa mga

pahayag, parirala at salita sa isang tiyak na layunin. Binigyang-diin naman ito ni

Dayapan (2010) na mahalaga sa pagsulat ang paggamit ng kinakailangang bantas,

gayundin ang tamang paggamit ng malaking titik maging ang palabaybayan ng mga

salita, sapagkat sa pamamagitan nito, higit na lumilitaw ang dalang kaisipan at higit na

naipapadama ang anumang nais ipahayag.

Ang pag-unawa sa babasahin ay hindi lamang nasusukat sa mga salitang

nakapaloob dito. Ang bantas ay hanay ng mga marka na ginamit upang makontrol ang
9
KOLEHIYO NG EDUKASYON

mga teksto at linawin ang kahulugan sa pamamagitan ng paghihiwalay o pag-uugnay

ng mga salita, parirala, at mga sugnay.

Ayon sa Manwal na Masinop Na Pagsulat (2015, p. 12), dahil sa matagal nang

kasaysayan ang nakasulat at nakalimbag na teksto, marami nang tinanggap na mga

tiyak na gamit ang bawat bantas. Gayunman, may mga editor at lathalaan pa rin na

may kani-kaniyang manwal sa estilo o “house rules” Magkakaiba man, ang

pangunahing layunin pa rin sa pagbabantas upang makatulong sa magaang pagbasa,

ang kailangang masunod. Ang mga sumusunod na tuntunin sa pagbabantas ay inipon

mula sa mga kasalukuyang praktika ng mga pangunahing lathalaan sa daigdig.

Sa isang pag-aaral nina Nuriyanti at Yuliawati (2017), noong ika-25 ng Abril

2017. Sa pagsasaliksik na ito, gustong malaman ng mananaliksik ang kakayahan ng

mga estudyante na gamitin ang mga bantas sa tekstong ibinigay ng mananaliksik sa

ikaapat na semestre ng English Department. Ang pagsasaliksik na ito ay trato lamang

sa ilang mga karaniwang marka ng pagbabantas, katulad ng panahon o buong

pagbabantas na mga marka tulad ng tagal o ganap na hinto (.), tandang panaong (?), at

tandang padamdam(!), mga panloob na bantas tulad ng mga colon (:), at kuwit (,), ang

mga marka sa pagbabantas tulad ng mga quotation Mark ("...") at mga panaklong (());

at ang specials pagbabantas ay minamarkahan tulad ng apostrophe (') at hyphen (-).


1
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Mga karaniwang kamalian sa paggamit ng bantas

Sa isang pag- aaral na isinagawa ni Awad (2012), lumalabas na kadalasang

pagkakamali sa pagbabantas ay ang sobrang paggamit ng kuwit kapalit ng tuldok, at

ang kamalian sa paggamit ng tuldok-kuwit. Sa kabilang banda, paano kaya

magkakaroon ng mabisa at magaan na pagsusulat kung ang manunulat ay hindi

bihasa sa pagbabantas. Ayon kay Bernales (2006) “mahalaga ang bantas, sandigan ito

ng wastong pagsulat. Sa pamamagitan ng tamang pagbabantas nauunawaan ng

mabilis ng mga mambabasa o ang nais ipabatid ng manunulat” nang dahil dito ang

pagsulat ng may tamang bantas ay madaling mauunawaan ng babasa kung nagagamit

ng wasto ang bantas. Mababasa ng maayos at madaling malalaman ang mensaheng

ipapahayag ng mambabasa.

Ang pag- unawa naman sa isang babasahin ay hindi lamang nasusukat sa mga

salitang nakapaloob dito. Maraming iba pang mga salik ang higit na nakapagbibigay ng

kabuuang diwa ng isang pangungusap o tekstong binabasa. Kasama na nga rito ang

bantas. Isinaad ni Rumki (2005), na ang maling pagbabantas ay maaaring

makasagabal sa daloy ng kaisipan at maaaring makapagpabago ng kahulugan nito,

ngunit sa tamang paggamit ng bantas hindi lamang ito makatutulong sa mga

mambabasa na maintindihan ang babasahin bagkus ay magagawa nitong madala ang

kanyang mambabasa sa kanyang panulat.


1
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Batay di sa paaralan ng System Technology Institute (STI, n.d) sa wikang Ingles

man o Filipino, talagang nakalilito ang paggamit ng bantas. Madalas na nagdudulot ng

hindi pagkakaunawaan ang maling paggamit nito, kaya naman, dapat itong bigyan ng

atensyon. Nangangahulugan ito na kailangan muli na magbalik tanaw ng mga mag-

aaral sapagkat napakaimportante ng paggamit ng bantas sa pagsulat. Hindi naman

lingid sa kaalaman ng karamihan na ang pagtuturo ng gamit ng bantas ay isinasagawa

noong elementarya pa lamang.

Sintesis

Sa bahaging ito ng kabanata ay nakalahad ang konklusyon ng pag-aaral. Ang

pamagat ng pag-aaral na ito ay “Antas ng Kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino ng

Northeastern College sa Wastong Paggamit ng Bantas” ang kabanatang ito ay nag

lalayong malaman ang importansya ng paggamit ng bantas sa pagsulat. Sa panahon

ngayon maraming mga bata o mag-aaral ang nakalilimot na sa mga tamang paggamit

sa bantas, at marami na din ang kulang sa kaalaman sa pagamitin ng mga bantas.

Bukod rito ay limitado lang ang kanilang mga kaalaman sa kahalagahan at

impormasyon ng pagkakaroon ng sapat at wastong kaalaman sa mga bantas.

Nakasaad din sa kabanatang ito ang kahulugan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon

ng sapat at wastong kaalaman sa bantas.

Nakasaad din sa kabanatang ito ang iba’t ibang komento ng mga kilalang

mananaliksik gaya nina Lovely Ong, Wen, Martin, Partridge, at iba ngunit iisa ang

kanilang nais ipahatid na ang bantas ay napakahalaga at maging kaming mananaliksik


1
KOLEHIYO NG EDUKASYON
mismo ay sumasang-ayon sa kanilang mga sinabi. Napakahalaga ng papel ng bantas

sa ating buhay dahil kung wala ito ay hindi magkakaroon ng maayos na

pagkakaintindihan at maaring magdudulot ito ang masamang epekto sa pakikipag

komunikasyon. Ang pag-aaral na ito ay tumutulong sa mga mambabasa na maunawaan

at malaman nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paggamit

ng wastong bantas.
1
KOLEHIYO NG EDUKASYON

KABANATA III

METODOLOHIYA AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ng pananaliksik ay naglalaman ng mga disenyo ng

pananaliksik, respondente ang pananaliksik, instrumentong gagamitin, at istatistikal na

tritment sa pananaliksik. Ito ay mga paraan o estratehiyang ginagamit ng mga

mananaliksik upang mapatunayan ang mga suliranin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang isasagawang pananaliksik gagamit ng disenyong diskriptibong kwantitatibo.

Ito ay naglalarawan lamang kung hanggang saan ang kakayahan ng mag-aaral sa

paggamit ng wastong bantas mula sa unang taon ng Kursong Batsilyer ng Sekondarya

sa Edukasyon sa Filipino ng Northeastern College. Naniniwala ang mga mananaliksik

na angkop ang disenyong para sa paksang ito sapagkat, mas mapapadali ang

pangangalap at pag-aanalisa ng datos.

Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang mga piniling respondente ay ang lahat ng mga nasa unang taon sa Kolehiyo

ng Edukasyon sa larang ng Filipino. Gagamit ng Total Enumeration Sampling. Sa

ganitong uri ng sampling, pinili ng mananaliksik ang lahat ng respondente, ayon sa

pangangailangan ng pag-aaral.
1
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa Northeastern College sa Villasis, Santiago

City. Ang Northeastern College ay itinatag noong 1941. Ang programa ng kanilang

paaralan ay ang mga sumusunod: Sa Kursong Batsilyer ng Sekondarya sa Edukasyon

sa Filipino

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan. Ang talatanungan ay

hinalaw sa Modyul ng Filipino 6 ng Departamento ng Edukasyon, ang Paggamit ng

Wastong bantas

Instrumento sa pangangalap ng Datos

Ang kagamitan na gagamitin ng mga mananaliksik sa pagtukoy ng kaalaman sa


paggamit ng bantas ng mga mag-aaral ay ang mga sumusunod na porsyento:

Klasipikasyon ng kaalaman sa paggamit ng bantas

Porsyento Kwalitatibong Interpretasyon

90- Pataas Napakataas kaalaman


85-89 Mataas
80-84 Katamtaman
75-79 Mababa
74 pababa Hindi nakamit ang kaalaman
1
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Talahanayan 1: Klasipikasyon ng kaalaman sa Wastong Gamit ng Bantas

Etika ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay itinaguyod ang pagpapatupad ng Data Privacy act

kung saan ang mga impormasyon ng mga respondente ay mananatiling kumpidensyal

ang kanilang pagkakakilanlan. Bago isinagawa ang pangangalap ng datos ipaliliwanag

muna sa mga respondente ang layunin ng pag-aaral. Kasunod nito ang pagbibigay ng

talatanungan.

Kagamitang Pang-esdatistika

Upang pag-aralan at bigyang-kahulugan ang mga datos na nakalap mula sa

talatanungan na pinasagutan sa mga respondente ng pananaliksik, gumamit ang

mananaliksik ng sumusunod na ranko:

1. Porsyento ay ginagamit para sa demograpikong propayl ng mga respondente ayon

sa kanilang edad, kasarian, at paaralan noong Senior High.

FORMULA: P = f/n x 100

P = Porsyento

f = prikwensiya

n = kabuuang bilang ng mga respondente


1
KOLEHIYO NG EDUKASYON
100 = constant value

2. T-test for independent sample at Analysis of Variance (ANOVA) ay makatutulong

upang magkaroon ng paghahambing sa iba’t ibang nakuhang weighted mean at

magkaroon ng Average weighted mean ay ginamit para sa pagtatasa ng mga

respondente paukol sa kanilang mga sagot sa survey questionnaires.


1
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Appendiks

TALATANUNGAN

Antas ng Kaalaman ng mga mag-aaral sa Filipino ng Northeastern College sa Wastong


Paggamit ng Bantas
Pangalan: (opsyonal) _____________________________________Edad: _________
Kasarian: __________ Paaralan noong SHS:______________
I. Panuto: Suriin ang liham at piliin sa kahon ang angkop na bantas sa mga salita.

Tuldok (.) Kuwit (,)


Tutuldok (:)
Tandang pananong (?)
Tandang padamdam (!)

25 Kalye Maligaya
Barangay San Lorenzo
Lungsod ng Cavite
Ika 18 ng Pebrero 2014

Mahal kong Maria

Maligayang ika sampung kaarawan Kumusta ka na apo Ipinagdarasal ko na nakapiling


mo ang iyong pamilya at mga kaibigan sa iyong espesyal na pagdiriwang noong ika 5
ng Pebrero Anu anong mga pagkain ang inihanda ninyo Nasiyahan ka ba sa mga
regalong natanggap mo Gustong gusto ko talagang dumalo sa iyong pagdiriwang
ngunit may ubot sipon ako noong araw na iyon Hindi ako pumunta dahil ayaw kong
mahawa ka o ang iyong mga panauhin Alam mo na ba ang magandang balitaMas
mabuti na ang aking pakiramdam Maaari na kaming magbiyahe at bumisita sa inyo
Sabik na sabik ka na naming makita ng Lolo Pedro mo
1
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Gustong gusto ko talagang dumalo sa iyong pagdiriwang ngunit may ubot sipon ako
noong araw na iyon Hindi ako pumunta dahil ayaw kong mahawa ka o ang iyong mga
panauhin

Alam mo na ba ang magandang balita Mas mabuti na ang aking pakiramdam Maaari na
kaming magbiyahe at bumisita sa inyo Sabik na sabik ka na naming makita ng Lolo Pe-
dro mo

Marami kaming pasalubong para sa inyo mula sa aming bukirin kamote patatas papaya
langka manga at mais Hindi bat mahilig kang kumain ng nilagang mais Paboritong pru-
tas mo pa ba ang mangga

Naaalala mo pa ba ang iyong pinsan na si Cory Isasama namin siya pagpunta namin sa
inyo Tuwang tuwa siya nang malaman niya na magkikita kayo muli Nang inanyayahan
ko siya sinabi niya sa akin Talaga Lola Yehey Patalun talon pa nga sa galak si Cory
Sigurado ako na magiging masaya kayo sa inyong paglalaro

Siyanga pala maraming salamat sa ipinadala mong liham Alam kong nag aalala ka
dahil nagkasakit ako Namana mo ang iyong pagka mahabagin mula sa iyong ina. Dahil
mabuting tao siya mabuting tao ka rin. Naalala ko tuloy itong kasabihan ng mga Pilipino
Kung ano ang puno, siya ang bunga

Pakisabi na lang sa mga magulang mo na darating kami riyan sa unang linggo ng Se-
tyembre Sige hanggang dito na lang ang aking liham Kung may nais kang pasalubong
tawagan mo na lang sa telepono si Tita Gina para masabi niya ang mensahe mo sa
amin

Nagmamahal

Lola Patricia

Pahabol Alagaan mo nang mabuti ang iyong sarili at pagbutihin mo ang iyong pag aaral
1
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Mga Sanggunian

Ayon, et,.al. (2019). Isang Pag-aaral sa Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral sa


Baitang 11 ng General Academic Strand sa Wastong Paggamit ng Wikang
Filipinong OurLady of Fatima University sa Kasanayan sa Pakikipagtalastasan.
Beldad, et.,al. (2020). Kaalaman sa Paggamit ng Bantas ng mga Piling Mag-aaral na
nasipagtapos ng Senior High School.
Bruma, R. D. (2019). Kabisaan ng Strategic Intervention Material (SIM) sa Pagsulat sa
Filipino 7. Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research
Burrell, A. at Roger, B. (2022). Playful punctual on in primary children’s writing.
Castro, et,al. (2021). BANTA NG BANTAS: Pagsusuri ng wastong kasanayan ng mga
Mag-aaral sa Pagbabantas.
Maligalig at Carada. (2021). Cloze Passage sa Pagtuturo ng Filipino at Kasanayan sa
Pagsulat ng Sanaysay.
Sülükçü, Y. at Kırboğa, A. (2020). A study on the punctual on knowledge levels of
freshmen students.
2
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Appendiks

STEPHANIE C. SADDUL
saddulstephanie@gmail.com
Calaocan, Santiago City
_---
09676224701

EDUKASYON

Northeastern College

Bachelor in Secondary Education

Major in Filipino

Senior High School

Patria Sable Corpuz College

Junior High School

Santiago City National High School

Primarya

Santiago South Central School

KAKAYAHAN

Kasanayan sa paggamit ng mga Microsoft Office, may kasanayan sa pagkuha ng

datos at impormasyon at kasanayan sa pagkatuto ng iba’t ibang bagay.


2
KOLEHIYO NG EDUKASYON
PARANGAL

WORKSHOP AT SEMINARS

HAZEL MAE O. TUAZON


hazelmaeotuazo@gmail.com
Sagana, Santiago City
09262122546

EDUKASYON

Northeastern College

Bachelor in Secondary Education

Major in Filipino

Senior High School

Northeastern College

Junior High School

Northeastern College

Primarya

Sagana Elementary School

KAKAYAHAN

Kasanayan sa paggamit ng mga teknolohiyang pang turo, kakayahang makipag

sabayan sa kahit anung ugali ng tao, bukas at malawak ang kaisipan sa pagkatututo sa
2
KOLEHIYO NG EDUKASYON
anumang bagay, kasanayan sa pakikisalamuha, malawak ang pag unawa.

Mga Parangal

WORKSHOP AT SEMINARS

Save A Sight, Save a Life: Eye Care in the Digital Era

-March,22 2022

Salin tomas 2022: Mga Hamon, Oportunidad, at Direksiyon ng Pagsasalin

at Araling Salin sa Unibersidad ng Sato Tomas -Setyembre,30 2022


2
KOLEHIYO NG EDUKASYON

AILEEN V. BERGANIO
aileenberganio3@gmail.com
Cabulay, Santiago City
09357781095
_--

EDUKASYON

Northeastern College

Bachelor in Secondary Education

Major in Filipino

Senior High School

Cabulay High School

Junior High School

Cabulay High School

Primarya

Cabulay Elementary School

KAKAYAHAN

Kasanayan sa paggamit ng mga teknolohiya, may malawak na pag-unawa at

kaisipan sa pagkatuto ng ibat ibang bagay.

Parangal
2
KOLEHIYO NG EDUKASYON
WORKSHOP AT SEMINARS

JAYDEE B. VALINO
Jaydeevalino@gmail.com
Buenavista, Santiago City
09059129854

EDUKASYON

Northeastern College

Bachelor in Secondary Education

Major in Filipino

Senior High School

Santiago City National High School

Junior High School

Santiago City National High School

Primarya

Buenavista Elementary School

KAKAYAHAN

May malalim na kaalaman sa paggamit ng tamang bantas, marunong makipag

talastasan at makasalimuha sa iba’t ibang indibidwal, may pagpapahalaga sa

responsibilidad at posisyong inaatang, may kahusayan sa pakikipag komunikasyon,


2
KOLEHIYO NG EDUKASYON
may kaalaman sa makabagong teknolohiya, dedikado at mabilis matuto, mayroong

positibong ugali at nagtataglay ng mataas at mapanuring utak.

MGA PARANGAL

Komunikasyon sa Wikang Filipino na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng

buwan ng Panitikan (2021-2023)

WORKSHOPS AT SEMINARS

SALINAYAN: Seminar-Training sa Pagsasalin, Hunyo 22, 2023 sa University of

Southern Mindanao (USM), Kabacan, North Cotabato.


2
KOLEHIYO NG EDUKASYON

KABANATA IV

PAGSUSURI, PAGLALAHAD AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng presentasyon, analisis at interpretasyon ng

mga nakalap at datos kaugnay sa nakalahad na suliranin tulad ng: (1) propayl ng mga

respondente kabilang ang edad, kasarian at paaralan noong senior high;(2) Antas ng

kaalaman sa paggamit ng wastong bantas tulad ng tuldok(.), kuwit(,),tutuldok (:) ,

tandang pananong(?), at tandang padamdam(!) ;(3) pagkakaiba ng antas ng kaalaman

sa paggamit ng bantas kung igugrupo sa kanilang propayl ang mga respondente.

1. Propayl ng mga respondente

Sa talahanayang ito ipinapakita ang distribusyon at bahagdan ng propayl ng mga

respondente batay sa edad, kasarian at paaralan noong senior high.

Talahanayan 1.1
Distribution ng mga respondente batay sa Edad

Edad f/bilang Porsyento %

18 3 10%

19 15 50%

20 7 23.33%

21 5 16.67%

Kabuuan 30 100%
2
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Ipinapakita sa Talahanayan 1.1 ang distribusyon ng bilang at porsyeto ng mga mag-

aaral kaugnay sa edad. Ang edad 19 ang nakakuha ng may pinakamataas na bilang na

15 at may 50 porsyento habang ang edad 18 ay may pinakamababang bilang na 3 na

mayroong 10 na porsyento. Ipinapakita sa resulta na karamihan sa mga mag-aaral sa

filipino ay nasa edad 19 at batay sa nakalap na datos.

Talahanayan 1.2
Distribution ng mga respondente batay sa Kasarian

Kasarian f/bilang Porsyento%

Lalake 9 30%

Babae 21 70%

Kabuuan 30 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 1.2 na mula sa 30 ay mayroong 21 na kalahok o 70

porsyento ay kabilang sa grupo ng mga kababaihan, at 9 na kalahok o 30 porsyento ay

kabilang sa grupo ng mga kalalakihan. Sa kabuuan ay mayroong 30 kalahok mula sa

mga mag-aaral sa filipino ng Northeastern College 1st year.

Talahanayan 1.3
2
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Distribution ng mga respondente batay sa paaralan noong Senior High

Paaralan f/bilang Porsyento

Public 20 66.67%

Private 10 33.33%

Kabuuan 30 100%

Ipinapakita sa Talahanayan 1.3 ang distribusyon ng bilang at bahagdan ng mga

mag-aaral kaugnay sa paaralan noong sila ay Senior High. Ang Public ay may bilang

na 20 at may 66.67 porsyento. Habang ang Private ay may bilang na 10 na may 33.33

na porsyento batay sa datos na nakalap. Ipinapakita sa datos na karamihan sa mga

mag-aaral ay mula sa pampublikong paaralan batay sa datos na nakalap.

2. Antas ng kaalaman ng mga respondente sa paggamit ng wastong bantas

Sa talahanayang ito ipinapakita ang antas ng kaalaman ng mga respondente

kaugnay sa paggamit ng wastong bantas sa tuldok, kuwit, tutuldok, tandang pananong,

at tandang padamdam.

Talahanayan 1.4
Antas ng kaalaman ng mga respondente sa paggamit ng Wastong Bantas
2
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Porsyento ng
Mga Bantas f/bilang tamang paggamit ng
bantas

Tuldok 20 52.33%

Kuwit 15 36.22%

Tutuldok 3 6.67%

Tandang Pananong 8 59.17%

Tandang Padamdam 3 31.11%

Ipinapakita sa Talahanayan 1.4 ang antas ng kaalaman sa bawat bantas batay

sa kanilang kasagutan. Ang tandang pananong ay nakuha ng pinakamaraming

nakapagsagot ng tama na may 59.17 porsyento. Habang ang tutuldok ay nakuha ng

may pinakamababang porsyento na 6.67.

Ang ganitong gawain ay sinang-ayunan ni Rumki (2005), na ang maling

pagbabantas ay maaaring makasagabal sa daloy ng kaisipan at maaaring

makapagpabago ng kahulugan nito, ngunit sa tamang paggamit ng bantas hindi

lamang ito makatutulong sa mga mambabasa na maintindihan ang babasahin

bagkus ay magagwa nitong madala ang kanyang mambabasa sa kanyang panulat.


3
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Talahanayan 1.5

Klasipikasyon ng kaalaman sa paggamit ng bantas

Porsyento Datos Kwalitatibong Interpretasyon

90-pataas 0 Napakataas na kaalaman

85-89 3 Mataas

80-84 6 Katamtaman

75-79 4 Mababa

74 pababa 14 Hindi nakamit ang kaalaman

Ipinapakita sa Talahanayan 1.5 ang klasipikasyon ng kaalaman sa paggamit ng

bantas batay sa datos na nakalap. Ang 74 pababa ang nagkamit ng pinakamataas na

na may datos na 14 at may interpretasyon na hindi nakamit ang kaalaman. Habang ang

90 pataas ang nagkamit ng pinakamababa o walang nakuha na may 0 na datos at may

interpretasyon na napakataas na kaalaman.

Ipinapakita na ang karamihan sa mga mag-aaral kaugnay sa paggamit ng

wastong bantas, ay lubos na mababa ang kaalaman sa paggamit ng mga bantas.


3
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Mula naman sa isang pag-aaral nakasaad doon na nakakalungkot lamang isipin na

hindi pa rin maiiwasan ang pagkakamali sa paggamit ng bantas bunga marahil ng

pagkalito kung kailan at saan gagamitin ang bawat bantas. Sa panahon

ngayon, mas madali na ang paggamit ng mga bantas kahit sa pagta-type sapagkat

maging sa kompyuter o telepono ay mayroong key sa paggamit ng mga bantas. Ngunit

tila ba hindi pa rin sapat ang pagkatuto o kamalayan upang maiwasan ang

pagkalito sa paggamit ng wastong bantas. Kaya naman maraming mga mag aaral ang

mababa ang kaalaman tungkol sa pagbabantas

3. Pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman sa paggamit ng wastong bantas

kapag naka-grupo batay sa kanilang propayl.

Talahanayan 1.6

Pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman sa paggamit ng wastong bantas kapag

naka-grupo ayon sa Edad


3
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Tandang Tandang
Edad f/bilang Tuldok Kuwit Tutuldok
pananong padamdam

18 3 31.67 2.22 11.11 29.17 22.22

19 15 47.33 39.55 8.89 63.33 35.55

20 7 55.71 41.9 4.76 57.14 28.57

21 5 51 38.66 0 67.5 26.66

Ipinapakita sa talahanayan 1.6 ang pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman

sa paggamit ng wastong bantas kapag nakagrupo ayon sa edad. Mapapansin na ang

edad 19 ang siyang pinakamataas na nakakuha ng tamang sagot. Habang ang edad 18

ang siyang pinakamababa sa nakakuha ng tamang sagot, ngunit sa kabuuan ay halos

magkakalapit lamang ang kanilang nakuhang puntos.

Talahanayan 1.7

Pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman sa paggamit ng wastong bantas kapag

naka-grupo ayon sa Kasarian


3
KOLEHIYO NG EDUKASYON

Tutuldo Tandang Tandang


Kasarian f/bilang Tuldok Kuwit
k pananong padamdam

lalake 9 41.11 22.22 7.41 43.05 29.63

babae 21 57.14 42.22 6.35 66.07 31.75

Ipinapakita sa talahanayan 1.7 ang pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman

sa paggamit ng wastong bantas kapag nakagrupo ayon sa kasarian. Mapapansin na

mas mataas ang puntos kung igugrupo ito sa mga kababaihan kumpara sa grupo ng

kalalakihan.

Talahanayan 1.8

Pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman sa paggamit ng wastong bantas kapag

naka-grupo ayon sa Paaralan noong Senior High

tandang tandang
Paaralan f/bilang tuldok kuwit tutuldok
pananong padamdam

Public 20 54.75 36.33 8.33 60 33.33

Private 10 46.5 36 3.33 55 26.67

Ipinapakita sa talahayan 1.8 ang pagkakaiba sa pagitan ng antas ng kaalaman

sa paggamit ng wastong bantas kapag nakagrupo ayon sa paaralan noong Senior High.
3
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Mapapansin na mas mataas ang puntos ng mga mag-aaral mula sa Public school kung

ito ay ikukumpara sa mga mag-aaral mula sa Private.


3
KOLEHIYO NG EDUKASYON
KABANATA V

Ang kabanatang ito ay inilhad ang paglalagom, mga natuklasan, konklusyon at

rekomendasyon batay sa mga naging resulta ng aming pananaliksik.

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay may kauuang bilang na 30 na mag aaral ng

Northeastern 1st year filipino major taon 2022-2023. Batay sa edad ang mga

responente ang may pinakamataasa na bilang ay ang edad na 19 na may bilang na 15

at may bahagdan na 50% habang pangalawa ang edad na 20 na may bilang na 4 at

may bahagdan na 23.33% habang pangatlo naman ang edad na 21 bilang na 5 at may

bahagdan na 16.67% habang ang nagkamit ng pinaka mababang bilang at bahagdan

ay ang edad na 18 na may bilang na 3 at bahagdan na 10% .Ipinapakita dito na

karamihan sa mga respondante ay nasa edad na 19.

Ayon naman sa kasarian ng mga respondante ang may pinakamataas na bilang

at bahagdaan ay ang Babae na may bilang na 21 at bahagdaan na 70% at ang

pinakamababa na bilang at bahagdaan ay ang lalake na may bilang na 9 at bahagdaan

na 30%.Samantala, batay naman sa pinag mulang paaralan ng mga Respondante

noong senior high pinakamatas na bilang at bahagdaan ay ang mga nag mula sa

Public School na may bilang na 20 at may bahagdan na 66.67% habang ang pinaka

mababang bilang at bahagdan ay ang mga nag mula sa Private School na may bilang

na 10 at may bahagdan na 33.33%.

Konklusyon
3
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Batay sa mga natuklasan, ang mga sumusunod ang naging konklusyon:

1.Karamihan sa mga respondente ay nasa edad 19 at nasa 3 lamang ang nakakuha ng

mataas na antas ng kaalaman sa paggamit ng bantas.

2. Ang nakakuha ng pinakamataas na kabuuan ay ang paggamit ng tandang pananong.

Nangangahulugan na ang antas ng kaalaman ay mababa at hindi gaanong nalilinang o

nabibigyang-tuon mula sa kanilang antas ng kaalaman sa paggamit ng bantas

3. Walang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng mga mag-aaral sa Filipino kung

igugrupo batay sa Edad, kasarian, at paaralan noong senior high at nangangahulugang

tanggao ito bilang hinuha sa pag-aaral.

Rekomendasyon

Batay sa naging resulta ng pag-aaral at nagawang konklusyon ang mga sumusunod ay

iminumungkahi:

1. Para sa kagawaran ng edukasyon, iminumungkahi ng mga mananaliksikna

magsagawa ng isang hakbang o aksyon na makagawa ng isang programang pang-

edukasyon batay sa antas ng kaalaman sa wastong paggamit ng bantas upang

mapataas ang kakayahan ng mag-aaral sa pagbuo ng pangungusap gamit ang bantas .

2. Para sa mga guro bigyang pansin ang kahinaan at kalakasan ng mag-aaral nang

makaiisip ng isang estratehiya sa pagtuturo ng wastong bantas sa pasulat man at

pasalita
3
KOLEHIYO NG EDUKASYON
3. Para sa magulang ,gabayan at bigyang pansin ,mental at emosyonal na supurta sa

pagtuturo ng anak upang lumagom ang motibasyon na mag-uudyok sa kanila na

matutong gumamit ng wastong bantas sa gramatika.

4.Para sa mag-aaral sanaying gumawa ng isang talataan ng paglalarawan o

pagsasanay sa pagsalaysay upang maiwasan ang maling interpretasyon at mahasa

ang kakayahan nilang gumamit ng wastong pagbabantas

5. Para sa susunod na mananaliksik na may kaparehong pag-aaral sa hinaharap ,maari

kayong bumasahe at magkaroon ng iba pang talatanungan upang matukoy ang

kaibahan batay sa nasagutang pagsusulit.

You might also like