You are on page 1of 5

Pakikipag Talastasan at Pagpapahayag ng Emosyon at Damdamin ng mga Binatilyo, sa

edad na 18 Pababa, sa Pamamagitan ng Paggamit ng Modernong Teknolohiya

Isang Pamanahong Papel na Ihaharap sa Kolehiyo

Ng Sining at Agham sa Cavite State University

Indang, Cavite

(Bilang Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang)


GNED 12- Dalumat ng/sa Filipino

Gabriel M. Aplan
Steven Lloyd Balinas
Benz Louijie E. De Paz
Jaime Raphael Miranda

Hunyo 21, 2021

Kabanata 1
Introduksyon
Sa bawat araw Ang mga tao ay nakikipagtalastasan sa ibat ibang pamamaraan. At Ito
ay Isang esensyal na pangyayari sa ating buhay upang maipahayag Ang nais iparating
na damdamin o impormasyon sa kinakausap. Ito ay Isang makinarya para mabuo Ang
inaasam na kagustuhan sa talakayan. Ang Isang tao na mahusay sa pakikipagtalasan
ay nailalahad Ang kanya saloobin at ideya sa Isang paksa at pagkakabuo ng mga
pagkakaibigan. Ang pakikipagtalastasan din ay makakatulong sa pagbuo Ng solusyon
sa mga suliranin na kinakaharap Ang pakikipagtalastasan ay nagbubunga ng isang
magandang aspeto sa buhay na hindi basta basta mawawala.

Sa paggamit at pag-kahasa ng mga tao sa makabagong teknolohiya ay mas lalo


pa nitong napapalawak ang pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng damdamin ng
mga tao partikular na ang mga kabataan. Masasabi ng mga tagapagsaliksik na sa
pamamagitan ng paggamit ng modernong teknolohiya ay nagbabago na din ang
pakikipag talastasan at pagpapahayag ng emosyon ng mga kabataan sa bansa.
Maraming epekto ang pakikipag komunikasyon o pakikipagtalastasan gamit ang
teknolohiya, mayroon ding masama. Isang halimbawa nito ay noong unang panahon
masaya ang mga tao kapag nagsusulat at nakakatanggap ng liham ngunit ng nagtagal
ay nawala iyon at napalitan ng celpon na kung saan ang esensyal na pagtanggap ng
mensahe ay nawawala na, sapagkat ito na ang karaniwan na ginagamit, buhat noon ay
hindi na nakapagpapahayag ng totoong damdamin ang kabataang gumagamit nito
(Lau, N.D).

Ngunit hindi lahat ng kaakibat sa pakikipagtalastasan gamit ang teknolohiya ay


masama, bagkus ay mayroon din itong magandang dulot at patunguhan, dahil kung ang
masamang epekto nito sa pagpapahayag ng emosyon ay nawawalan ng totoong
damdamin ang mga kabataan, ang mabuting epekto naman nito ay nakalilikha ng isang
lipunan na may atmospera na mabilis, ito ay sa kagustuhan na rin ng mga tao na mas
maging mabilis, mas epektibo at mabisa ang pakikipagtalastasan.

Sa paggamit ng modernong teknolohiya na ang mga taong may parehong interes


or mga hangarin na gusto matupad, pagbibigay ng opinyon, paghingi ng suportang
pang emosyonal at pagbuo ng relasyon sa ibang tao (Bing et al.,2020). Dito ay kanila
ding nabanggit na pag dating sa pagpapahayag ng masayang emosyon ay parehas
lang ang mga kababaihan at kalalakihan ngunit mas matimbang padin ang pag lalabas
ng mga kababaihan ng kanilang emosyon, samakatuwid, pagdating sa emosyonal na
aspeto ay mas nailalabas ng mga kababaihan ang kanilang emosyonal na estado kaysa
kalalakihan.

Naobserbahan sa isang pag-aaral na ang mga lalaki at babaeng participante ng


pag-aaral na kung saan lahat sila lahat ng bagay ay batay sa emosyonal na expression
sa pamamagitan ng emosyonal na mga marker ng dalawang kasarian gamit ang
modernong teknolohiya, at dito ay kanyang napagtanto na halos lahat ng paglalabas o
paghihiwatig ng emosyon ay mas mataas ang kababaihan sa lahat ng aspeto na siyang
nagpapakita na kahit pagdating sa online na teknolohiya ay mas expressive padin ang
mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan (Roisin Parkers, 2012).

Ang mga kalalakihang nag papahiwating ng kanilang emosyon ay madalas


tinitignan bilang mahina o di naman ay natatakot sa maaring maging dulot nito sa
kanilang pagiging lalaki, kung kaya’t ang mga kalalakihan ay madalas nilang tinatago
ang paglalabas ng kanilang emosyon kaysa kababaihan dahil natatakot sila sa mga
posibleng kahinatnan nito (Dekin, 2020).

Masasabi natin na pagdating sa mga masayang emosyon ang mga kalalakihan


at kababaihan ay pareho lamang na naglalabas ito sa pamamagitan ng pakikipag
talastasan, ngunit pagdating sa malungkot na emosyon ay mas pinipili ng mga
kalalakihan na maging tahimik nalang ay wag sabihin ang kanilang totoong
nararamdaman.

Sa isang pagaaral isinasaad na ang mga kalalakihan particular na ang mga


binatilyo ay gumagamit ng authoritative na mga salita pagdating sa pakikipagtalastasan
o pakikipag diskusyon sa ibang tao sa pamamagitan ng online na teknolohiya,
nabanggit pa nila na ang mga dalaga ay may positibong tono pagdating sa
pakikipagtalastasan na siyang malayo sa mga binatilyo (Susan & Sanja, N.D).

May mga katangian din naman na sa pamamagitan ng modernong teknolohiya


ay nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan na siyang nagiging sanhi ng pagaaway, na
kung saan ay siyang nakakaapekto sa pakikipag talastasan o pagpapahayag ng
damdamin ng isang tao.

Isang halimbawa ng posibleng maging dulot ng hindi pagkakaunawaan na


nakakaapekto sa paglalabas ng emosyon ay ang salitang “ok” or “k”, na kung saan
mayroong possibleng dalawang kahulugan ngunit minsan kahit hindi naman sinasadya
ay nagiging bastos na kung saan ito ay nagdudulot ng maling imahe sa isang tao
(Grese, 2020). Kadalasang mga kalalakihan ang naaapektuhan ng ganitong bagay
partikular na ang mga binatilyo na kung saan ang kanilang mga sasabihin ay maaaring
magdulot ng maling interpretasyon lalo na kung galing sa mga kababaihan,
samakatuwid hindi maipapahayag ang emosyon ng isang lalaki kung magdudulot
naman ito ng di pagkakaunawaan.

Sa mga obserbasyon at pag-aaral na siyang aming inilagay dito, ang mga


mananaliksik ay nakabuo ng pamagat sa pag aaral na tatawaging “Pakikipagtalastasan
at pagpapahayag ng emosyon at damdamin ng mga binatilyo, sa edad na 18 pababa,
sa pamamagitan ng paggamit ng modernong teknolohiya” na may layunin sa isipan na
maturuan ang mga estudyante, binatilyo, dalaga, mga magulang at mga guro tungkol sa
paano nga ba magpahayag ng emosyon at damdamin ang mga binatilyo na edad 18
pababa.

Layunin sa Pag-aaral
Ang layunin ng Pag-aaral na ito ay ma determina o malaman ang mga posibleng epekto ng
pagpapahayag ng kanilang emosyon sa pamamagitan ng modernong teknolohiya. At bakit
nahihirapan ang mga kalalakihan magpahayag ng kanyang emosyon sa pamamagitan ng
Pakikipagtalastasan sa modernong teknolohiya
1. Ano ano ang mga maaring dahilan kung bakit mas pinipili ng mga kalalakihan ang hindi
pagpapahayag ng kanilang literal na damdamin kapag ang usapan na ay modernong
komunikasyon
2. Ano ang mga pang karaniwang epekto ng hindi pag papahayag ng emosyon sa
nasabing komunikasyon
3. Mga balakid sa pagpapahayag ng saloobin at damdamin ng mga kabataan gamit ang
modernong teknolohiya.
4. Mayroon bang makabuluhang pagkakaugnay ang Pakikipagtalastasan at
Pagpapahayag ng Emosyon at Damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng modernong
teknolohiya?

Kahalagahan Sa Pag-aaral

Para sa mga binatilyo: Ang pananaliksik na ito ay sinisikap na matugunan kung ano nga ba
ang ekspresyon o emosyon na siyang pinapakita ng mga binatilyo upang sa gayon ay mabigyan
ng angkop na tugunan kung ano nga ba ang dapat nilang gawin, at para malaman nila tama
lang na ilabas nila ang kanilang emosyon, at mawari din nila kung ano pa ang pwede nilang
magamit sa kanilang sarili.

Para sa mga binatilyo: Ang pananaliksik na ito ay sinisikap na matugunan kung ano nga ba
ang ekspresyon o emosyon na siyang pinapakita ng mga binatilyo upang sa gayon ay mabigyan
ng angkop na tugunan kung ano nga ba ang dapat nilang gawin, at para malaman nila tama
lang na ilabas nila ang kanilang emosyon, at mawari din nila kung ano pa ang puwede nilang
mapabuti sa kanilang sarili.

Para sa mga magulang: Ang pananaliksik na ito ay nakapagbibigay din sa mga


magulang ng mga kasagutan at detalye kung paano nakikipagtalastasan angng mga kabataan
partikular na ang mga kalalakihan kanilang emosyon at pagpapahayag ng kanilang
nararamdaman sa pamamagitan ng modernong teknolohiya naaangkop na dito ang
panlipunang medya at upang malaman ang epekto ng pagkilos, pag-iisip, pakikipag-usap at
persepsyon.

Para sa kapwa mananaliksik: Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga


mananaliksik sa hinaharap na makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa ilang mga
problema at solusyon na maaaring kailangan nilang malaman para sa kanilang pagsasaliksik
hinggil sa Pakikipag talastasan at pagpapahayag ng emosyon at damdamin ng mga binatilyo,
sa edad na 18 pababa, sa pamamagitan na din ng makabagong teknolohiya.
Para sa nanaliksik: Bilang mga estudyanteng mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay
makakatulong sa mga binatilyong nahihirapan na i talastas ang kanilang mga emosyon at
damdamin sa pamamagitan ng modernong teknolohiya, Ito ay upang mas mapalawak pa nila
ang kanilang pag-aaral at masolusyunan ang mga problemang lalabas sa pag-aaral na ito.

Para sa kapwa – mag aaral: Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa kapwa mag-aaral
upang sa hinaharap ay maaari nilang magamit ang mga impormasyon na nandito upang
maging basehan nila sa kanilang mga iba pang estudyanteng papel. Ito ay maaari ring
pagkuhanan ng impormasyon na makatutulong sa mga mag-aaral upang maging kaugnay ng
literatura at agham ang kanilang mga gagawin at upang makatulong din sa kanilang pang araw-
araw na buhay bilang kabataan at bilang estudyante.

Para sa Cavite State University – Ang mga natuklasan sa pag-aaral na ito ay


matutulungan ang sintang-paaralan upang mas lalo pang mapalawak at mahasa ang kanilang
mga programa na makakatulong sa pakikipagtalastasan ng emosyon ng mga binatilyo.

Para sa Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon at Kagawaran ng Edukasyon: Ang


mga natuklasan sa pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mga pananaw para sa mga kagawaran
na muling isaalang-alang ang kasalukuyang kurikulum sa antas ng high school at kolehiyo.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Pakikipagtalastasan at Pagpapahayag ng Emosyon at


Damdamin ng mga binatilyo, sa edad na 18 pababa, sa pamamagitan ng paggamit ng
modernong teknolohiya. Nililimitahan nito ang pag-aaral sa isang kolehiyong Unibersidad ng
Cavite State University Indang Campus. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagkuha ng baryabol,
preperensya, saloobin, pananaw at iba pang may kaugnayan sa paksa. Ang mga respondente
sa pananaliksik na ito ay ang mga binatilyong edad 18 pababa sa Cavite State University
Indang Campus.

You might also like