You are on page 1of 6

MODULAR NA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO AT KASANAYAN SA PAGSULAT

NG TULA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-10 BAITANG NG OCCIDENTAL MINDRO


STATE COLLEGE

ISANG PANUKALANG TESIS

Iniharap sa Faculty ng College of Teacher Education


OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE
San Jose Campus

Maira S. Herrera

Ivan T. Cinco

Cheryl S. Diano

Rezza Mae Q. De Mesa

Loger Kent C. Bernabe


KABANATA I

Paglalahad ng suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang makabuluhang pagkakaiba ng


kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang ng Occidental Mindoro State
College bago at pagkatapos maisagawa ang modular na pamamaraan ng pagtuturo.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula bago maisagawa ang
makabagong pamamaraan ng pagtuturo?
2. Ano ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula pagkatapos maisagawa
ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo?
3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng tula bago at pagkatapos maisagawa ang makabagong pamamaraan ng
pagtuturo?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ang makabuluhang pagkakaiba ng


kasanayan sa pagsulat ng tula ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang ng Occidental Mindoro State
College sa modular na pamamaraan ng pagtuturo.

Bilang partikular, ang pag-aaral na ito ay naglalayong:

1. Malaman ang ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula bago
maisagawa ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo.
2. Malaman ang ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula pagkatapos
maisagawa ang makabagong pamamaraan ng pagtuturo.
3. Malaman ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
pagsulat ng tula bago at pagkatapos maisagawa ang makabagong pamamaraan ng
pagtuturo.
Kahalagahan ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging malaking tulong sa mga sumusunod:

Ang mga Mag-aaral ay matutulungang masukat ang kanilang antas ng kakayahan sa


pagsulat ng tula bago at matapos isagawa ang modular na pamamaraan ng pagtuturo.

Ang mga Guro, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay magiging gabay at makakatulong


sa matukoy sa pagbabago sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula.

Ang mga Magulang ay maalerto sa pagbabagong nagaganap sa pagkatuto ng kanilang


mga anak at masusubaybayan nila ang pagkatuto ng kanilang mga anak sa makabagong
pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto.

Ang mga susunod na Mananaliksik ay magagabayan ang kontribusyon ng pag-aaral na


ito na maari nilang gamiting reperensiya sa kanilang pag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakapukos lamang sa pagtuklas sa makabuluhang pagkakaiba ng


kasanayan sa pagsulat ng tula sa modular na pamamaraan ng pagtuturo ng 30 mag-aaral sa ika-
10 baitang ng Occidental Mindoro State College, sa taong 2020-2021. Ang mga respondent ay
pipiliin (randomly). Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungan sa pagkalap ng mga
kakailanganing mga datos.

Maingat at mabisang susuriin ng mga mananaliksik ang kanilang makukuhang mga


datos , na nakalap. Ang anumang mga (parameter o kalagayan) na hindi nabanggit sa itaas ay
hindi kasama sa pag-aaral.

Haypotesis

Walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa pagsulat ng tula mga mag aaral sa
ika-10 baitang ng Occidental Mindoro State College bago at pagkatapos ng pagsasagawa ng
modular na pamamaraan ng pagtuturo.
Theoretical Framework

Sa pagbago ng panahon ay patuloy rin ang pag-unlad sa iba’t ibang antas ng pamumuhay,
pagkilala o pananaw sa buhay ng isang tao. Sa paglipas ng panahon kasabay rin nito ang
pagbabago sa iba’t ibang aspeto ng pagkatuto at pag-unawa sa ating buhay. Ang teoryang
gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang mga teorya nina Goodman (1985) at Smith (1994) na
Teoryang Itaas-Baba (Top-Down), Flesch, et.al (1985), na Teoryang Ibaba-Pataas (Bottom-Up)
at Rumelhart, et.al (1985) na Teoryang Interaktibo. Ayon kina Goodman at Smith (1985), ang
Teoryang Itaas-Baba (Top-Down) na ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa na
mayroon ng dating kaalaman at karanasan at ang daloy ng impormasyon ay nagsisimula sa itaas
patungo sa ibaba. Ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kahulugan ng teksto. Sa pamamagitan
ng dating kaalaman (prior knowledge) at panibagong kaalaman na nabuo sa kanyang isipan ay
maiuugnay niya ang mga ideyang nakapaloob sa akda. Ang mambabasa ang sentro sa halip na
ang teksto sapagkat ang mambabasa ay mayroon ng dating kaalaman sa paksa. Ang Teoryang
Ibaba-Pataas (Down-Up) nina Flesch, et.al (1985) na siyang kabaliktaran ng Teoryang Itaas-
Baba (Top-Down) na ang pag-unawa ay nakabatay sa mga nakikita nito tulad ng salita,
pangungusap, larawan, diyagram at iba pang simbolo. Ang sentro ng prosesong ito ay ang teksto
sapagkat sa tulong ng mga nakikita ng mambabasa sa teksto ay naitatak sa isip ang mga
kaalaman sa pamamagitan ng mata at utak. Ayon kina Rumelhart, et.al (1985) ang teoryang
Interaktibo naman ang siyang kombinasyon ng Teoryang Itaas-Baba (Top-Down) at Teoryang
Ibaba-Pataas (Bottom-Up). sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng
mambabasa at teksto. Mabubuo ito mula sa kaalaman at ideyang mayroon ang mambabasa.
Nagkakaroon ng epektibong interaksyon ang mambabasa at teksto sa pamamagitan ng paggamit
ng mambabasa sa dating kaalaman at pananaw. Gagamitin ng mga mananaliksik ang mga
teoryang ito upang malaman ang kasanayang mayroon ang mga mag-aaral na nasa ika-10 baitang
ng Occidental Mindoro State College.
Konseptuwal na Balangkas

Input Process
Output
Ang mananaliksik ay Ang grupo ay
magsasagawa ng Ang mananaliksik ay magkakaroon ng
pagsisiyasat upang gagawa ng sarbey kasagutan ukol sa pag-
malaman kong may kwestyoner para malaman aaral sa pagkakaiba sa
makabuluhang kung ano ang pagkakaiba kahusayan ng mag-
pagkakaiba ang kasanayan sa kasanayan sa pag-sulat aaralsa pag-sulat ng tula
sa pag-sulat ng tula ng ng tula ng mga mag-aaral bago at pagkatapos
mga mag-aaral bago at bago at pagkatapos maisagawa ang modular
pagkatapos maisagawa maisagawa ang modular na paraan ng pagtuturo.
ang modular na paraan ng na paraan ng pagtuturo. Magiging kompleto at
pagtuturo. matagumpay ang pag-
aaral ng datos ukol sa
Ang balangkas konseptuwal ng pag – aaral na ito ay ginamitan ng Input – Process – Output
Method. Una ay ang Input, dito nakalahad ang layunin at nais matuklasan ng pag-aaral na ito.
Pangalawa ay ang Process, dito nakalahad ang mga hakbang at ang proseso ng pagisisyasat ng
mananaliksik sa ika-sampung baitang ng Occidental Mindoro State College. Ang huli ay ang
Output, dito makikita ang kinalabasan o resulta ng pagsisiyasat ukol sa pag-aaral na isinagawa
ng mga mananaliksik. Nandito ang lahat ng resulta ng mga nakalap na datos ukol sa
makabuluhang pagkakaiba ng kasanayan sa pag-sulat ng tula ng mga mag-aaral bago at
pagkatapos maisagawa ang modular na paraan ng pagtuturo.

Operational Definition of Terms


Antas ng kasanayan - kahusayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsulat ng tula.
Distance learning - maaaring gawin sa pamamagitan ng paggamit ng computer, smartphones at
internet o kilala rin bilang online distance learning. Ito ang alternatibong pamamaraan ng
pagtuturo ng kinapapalooban ng modular learning.

Modular learning - o kilala rin sa tawag na Modular Distance Learning (MDL) ay isa sa mga
pamamaraang kaugnay ng distance learning. Gumagamit ng mga printed module o mga module
na nasa digital format gaya ng CD, DVD, laptop, computer, tablet, o smartphone ang mga guro
at mag-aaral.

Aralin - kinapapalooban ng mga araling bumubuo sa isang module.

You might also like