You are on page 1of 10

Layunin

Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay:

 Naiisa-isa ang mga prinsipal na sangkap ng


pananalita.
 Nailalarawan ang mga salik sa upang
makapagsalita ang isang tao.
 Nagagamit ng wasto ang paraan at punto ng artikulasyon sa pagsasalita.

I .Panimula

A. Singkaw- kaisipan

Sa araling ito tatalakayin natin ang mga dahilan kung bakit at paano
nakapagsasalita tayong mga tao. Pag-aaralan natin ang mga sangkap upang makapagsalita ang
iisang tao, tutukuyin natin ang bawat isa at halaga nito. Ang salik na kakailanganin sa pananalita
ay matatalakay rin sa araling ito. Maging ang mga paraan at tamang punto san pagsasalita ay
bibigyan ding pansin para nadin sa mas maayos na pagbigkas ng mga salita.

B. Lusong Kaalaman

Tukuyin at surriin ang mga larawan


II. Paglalahad

C Bungkal-kabatiran

PONOLOHIYA

Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas. Ang wikang Filipino ay may
sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw
ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog
na bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pag-
aaral ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating
katawan na ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na
kilala sa taguring OSCAR.
Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita

Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging
nagmumula sa baga hanggang sa ito’y makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili
kaya’y sa ilong

Ang Pagsasalita

Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siya’y nangangailangan ng tatlong
salik. Ito ay ang mga sumusunod:

1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya

2. artikulador o ang pumapalag na bagay

3. resonador o ang patunugan

Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog.
Ang hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga
tainga.

Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na


siyang nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng
tunog na minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang
ilong, ang nagsisilbing mga resonador.

Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat
na bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:

1. dila at panga (sa ibaba)

2. ngipin at labi (sa unahan)

3. matigas na ngalangala (sa itaas)

4. malambot na ngalangala (sa likod)


Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagu-
baguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng
ating dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa
ngalangala, mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga
ponemang patinig sa pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap,
sentral, likod) at gayundin dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na
nilalabasan ng tinig. Ang pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga
pagbabagong nabanggit sa itaas. Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling
matutuhan ang palabigkasang Filipino kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng
Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad
ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng maraming ponema.

Katuturan ng Ponema

Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles
na phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at –eme (makabuluhan) May tiyak
na dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang
Filipino ng dalawampu’t limang (25) ponema – dalawampu (20) na ponemang katinig at limang
(5) ponemang patinig.

Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, ŋ, s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/

Mga Patinig - /a, e, i, o, u/

Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang
kinasasamahan nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ang salitang bansa, halimbawa, ay mag-
iiba ng kahulugan kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid,
ang /s/ ay isang makabuluhang tunog sa Filipino.

Sapagkat konsitent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang
pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong
ginagamit upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa
palabaybayan, matangi /?/ at /ŋ/. Sa ating palabaybayan, ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas
na letra. Sa halip, ito’y isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (\). Naging
makabuluhan pa rin ang tunog na ito kung ito’y papalitan ng ponema. Tulad ng salitang /pa:soh/
‘walk’ na magiging /pa:so?/ ‘ burn’.

Ang /ŋ/ naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrang “ng”.

Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, ñ, q, at x. Ang mga titik na ito ay walang tiyak
na ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay
tinaguriang redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba:

c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral

tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard

ñ = tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng baño = banyo

q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota

tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito

tulad ng quarter = kwarter

x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks

tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito

tulad ng taxonomy = taksonomi


Anumang uri ng tunog na mapag-aaralan kung ito’y isusulat upang makita kung papaano ito
binibigkas ay dapat naikulong sa dalawang pahilis na linya / /.

Uri ng Ponema

Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at
suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig
o klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto.

Mga Ponemang Segmental

Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas.

Mga Ponemang Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maisaayos ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.), gaya ng
makikita sa tsart sa ibaba:

PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON


Pansinin na ipinakikita ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nangyayari ang
pagbigkas ng isang katinig. Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay mailalarawan
natin ang ponemang katinig ng Filipino.

1. Panlabi – dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.

2. Pangngipin – dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.

3. Panlabi-Pangngipin – dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.

4. Panggilagid – ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/.

5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong


dila /y/.

6. Velar – dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila
/k,g,ŋ,w/.

7. Panlalamunan – ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.

8. Glottal – lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit
o pasutsot na tunog /?,h/.

Ang paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na
mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa
pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay
mapapangkat sa pito, gaya ng mga sumusunod:

1. Pasara o Istap – harang na harang ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/

2. Pailong o Nasal – sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at
hindi sa bibig /m,n,ŋ/
3. Pasutsot – ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala
okaya’y ng mga babagtingang pantinig /f,v,s,z,h/.

4. Pagilid o Lateral – ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kayat ang hangin ay
lumalabas sa gilid ng dila /l/.

5. Pakatal o Thrill – ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa


pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila /r/.

6. Afrikatibo – nang una ay pinipigilan ng babagtingang patinig ang hangin sa paglabas ngunit
pagkamaya-maya pa’y buong pinakawalan rin ito /j/.

7. Malapatinig o Glayd – katulad ngunit kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula
sa isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon /w,y/.

Ponemang Patinig. Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay
maaari ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog
(harap, sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas,
gitna o mababa) tulad ng makikita sa ibaba:

III. Paglalagom

D Linang- diwa
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong patungkol sa aralin.

1. Isa-isahin ang mga prinsipal na sangkap sa pananalita.


2. Ano ang mga kinakailangan o salik upang makapagsalita ang tao?
3. Sino ang may likha ng saggital diagram ng mga sangkap sa pananalita?
4. Ipaliwang kung paano nakakapagsalita ang tao.
5. Ano-ano ang mga paraan at punto ng artikulasyon?
6. Ano ang katuturan ng ponema?
7. Ano ang dalawang uri ng ponema?
8. Ano ang paraan at punto ng artikulasyon sa ponemang m?
9. Ano ang ponemang katinig?
10. Ano ang ponemang patining?

E. Punla-likha

Panuto: Sa isang buong papel gawin ang mga sumusunod na gawain:

1. Gumagawa ng sariling tsart ng paraan at punto ng artikulasyon.


2. Gawan ng tsart ang ponemang patinig.

IV. Pagpapayaman

F Gapas-dunong

Pangkatang Gawain

Panuto: Pangkatin ang klase sa dalawa at bumuo ng isang maikling aktwal presentasyon sa
paraan at punto ng artikulasyon.

Indibidwal na gawain

Panuto: Gumawa ng balangkas ng buong aralin sa isang buong papel


V. Pagtataya

G. Sipok- kaalaman

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang tawag sa makabuluhang tunog sa isang wika?


2. Ito ay ang pag- aaral sa mga makabuluhang tunong o ponema?

3-7.Magbigay ng limang prinsipal na sangkap sa pananalita.

8-10. Ibigay ang tatlong salik na kinakailangan sa pagsasalita.

Panuto: Iguhit ang Saggital Diagram ni Oscar At tukuyin ang mga Prinsipal na sangkap sa
pananalita.(5pts)

You might also like