You are on page 1of 1

Magandang hapon sa ating tagapamagitan maging sa aking katapat sa pagtatalong ito.

Akonat
ang aking mga kasama ay lubusang hindi pumapabor sa pagtuturo ng Sex- education sa mga paaralan.
Iginagalang ko ang iyong nga ipinaglalaban ngunit hindi sapat ang mga iyon upang patuloy na ituro ang
sex education sa mga estudyante.

ANG sex ay hindi bagay na itinuturo. Likas ito sa lahat ng hayop na nabubuhay kasama na
tayong mga tao. Kung pagbabasehan ang pelikulang Blue Lagoon na nagpasikat kay Brook Shields.
Tungkol ito sa dalawang maliit na batang lalaki at babae. Napadpad sila sa ilang na isla dahil sa isang
shipwreck. Lumaki nang walang kasamang ibang tao. Nang magkaisip, naka-develop sila ng sariling
lengguwahe at pati pagtatalik ay kanilang natutuhan nang walang nagtuturo sa kanila.

Ang pagtuturo ng sex education ay mas higit na magpapalala pa sa mga kaso nga pre-marital
sex at paglobo ng teen age pregnacy. Ayon sa isang balita sa Philippine star, mas dumami ang ang mga
kabataang nakakaranas ng pre-marital sa kabila ng masusing pagpapatupad ng Sex education sa Pilipinas.

MAPAPATANONG TAYO NG " BAKIT" hindi ba? Dahil sa pagkakaalam natin nililha ang sex
education para sugpuin ajg mga kasong ito ngunit bakit bawat taon ay patuloy ang paglobo ng bilang ng
kasong ito. Ayon sa artikulo sa isang sa page na relief web lumalabas na 400,000 ang nabubuntis na may
edad na 15-19. Pumapatak sa 538 na babies ang isinisilang ng mga teenage mothers ang naitala noong
2017 at ngayong 2019, 5.99 percent ng mga kababaihan ang nabubuntisbat pumapangalawa sa sa
Indonesia dito sa southeast asia. Ito din ajy nagiging sanhi ng hindi paring bumababa na bilang ng
populasyon ng Pilipinas. Ang lahat ng ito ay target na baguhin sex Education nngunit naisakatuparan.

Ang lahat ng ito naitala bagamat naipasa na ang reproductive health law noong 2012 pa na
naglalayon ngang sugpuin ang mga problema nabanggit ko kanina. Ang mga numerong aking nabanggut
ay nagpapatunay na hindi parin umaakma ang mga naisin o objectibo ng pagpapatupad ng Sex
education. Ito ay nangangahulugang hindi dapat ituro sa paaralan ang sex Education dahil sa kawalan ng
epektibo nito.

Bakit nga kaya hindi naging epektibo?

You might also like