You are on page 1of 19

MULANG

BAYBAYIN
HANGGANG
ORTOGRAPIYANG
PAMBANSA
LINGGO 7-8
LAYUNIN

natatalunton ang kasaysayan ng alpabetong Filipino; at

nailalarawan ang tampok na katangian ng bawat alpabeto

sa iba-ibang panahon

PAGE 01
1. BAYBAYIN
Pinakaunang paraan ng pagsusulat sa kasaysayan ng
bansa bago pa man dumating ang mga Espanyol.

Binubuo ng (17) simbolo; tatlo (3) lamang ang patinig


at laying-apat (14) ang katinig.

Patinig - /a/, /i/, /u/


HINDI BA ALIBATA?
Baybayin ay nangangahulugang lupaing dinidilaan ng
tubigan.

ALIBATA - alif at bata (Arabe)


1.BAYBAYIN

-Nilalagyan ng tuldok sa itaas - /e/ o /i/


-Nilalayan ng tuldok sa ibaba - /o/ o /u/
-Nilalagyan ng ekis sa ibaba - para mawala
lahat ng patinig
-Bantas na virgules // - katumbas ng tuldok
2. ABECEDARIO
Dinala ng mga Espanyol ang kauna-unahang
alpabetong ginagamitan ng titik-Romano

Binubuo ito ng (30) titik, (5) lima ang patinig at (25) ang
katinig

Wala pang /r/ sa Baybayin ngunit may katumbas itong


/l/
PAGE 08
2. ABECEDARIO
Ito rin ang kauna-unahang alpabetong kumikilala sa sa
pagkakaiba ng /e/ at /i/ at ng /o/ at /u/.

Katangi-tangi rin dito ang tatlong katinig na diagrapo


gaya ng /ch/, /ll/, at /rr/

Kung sa Baybayin ay hilig ang pagbigkas nang may /a/


sa mga simbolo sito, dito ay ang tunog naman na /e/.
PAGE 08
2. ABECEDARIO
Hindi taglay ng alpabetong ito ang titik /ng/.

At ang pinakatampok na pamana ng Abecedario


hanggang sa kasalukuyang alpabetong Filipino ay ang
kaisa-isang titik na /n'/ (enye)

PAGE 08
3. ALPABETONG INGLES
Binubuo naman ng (26) na titik; (5) lima ang patinig at
(21) na katinig

Naging iba ang paraan ng pagbasa sa mga titik na


bumubuo rito.

Gumagamit din ng titik-Romano; wala na ang titik gaya


ng /ch/, /ll/, /rr/ at /n'/ (enye)
PAGE 08
4. ABAKADANG TAGALOG
Sa pamumuno ni Lope K. Santos bilang isang kagawad
ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ay nabuo ang
Abakadang Tagalog na binubuo ng (20) titik, (5) ang
patinig at (15) ang katinig.

Medyo hango ito sa Baybayin; ngunit tinanggal ang


(11) titik mula sa Abecedario (c, ch, f, j, ll, n', q, rr, v, x, at
z.)
PAGE 08
4. ABAKADANG TAGALOG
Isa sa pinakatampok sa Abakada ang pagbabalik ng
tunog na /nga/ na binigyan ng representasyon /ng/
mula sa Baybayin.

A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y

PAGE 08
5. PINAGYAMANG ALPABETO
NG 1976
Dahil naging puristiko o tradisyonal (LKSantos), pinalitan ng
SWP ang sistema ng pagsulat sa pamamagitan ng DEC
memorandumBlg. 194 serye ng 1976 na may pamagat na
"Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino"

Binubuo ito ng (31) titik, (5) ang patinig at (26) ang katinig.
Pinagsanib na Baybayin at Abecedario.
PAGE 08
6. PINASIMPLENG ALPABETO
NG 1987
Ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) naman ang
nagbago sa pinagyamang alpabeto ayon sa "Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino."

Napagtanto ng pamunuan na hindi na kailangan ang /ch/,


/ll/, at /rr/.

PAGE 08
6. PINASIMPLENG ALPABETO
NG 1987
Binubuo na lamang ng (28) titik; (5) patinig at (23) katinig.

Nanatiling bigkas-Ingles ang paraan ng pagbabasa maliban


sa /n'/.

PAGE 08
7. PINAKAKONTROBERSYAL
NA ALPABETO NG 2001
Nananatiling (28) titik ngunit nagbigay ng luwag sa paggamit
ng walong dagdag na titik (c,f,j,n',q,v,x,z)

Dapat gagamitin lamang sa mga pangngalang pantangi,


katutubong salita, teknikal at siyentipikong termino ngunit
hinayaan nitong ipagamit ang mga ito sa karaniwang salita sa
Filipino.
PAGE 08
8. ALPABETONG FILIPINO NG
2006
Ipinatigil noong 2006 ang 2001 Revisyon ng Alfabetong
Filipino sa kaguluhan at kalituhang idinulot nito sa hanay ng
mga tagagamit nito.

Nanatili pa ring (28) na titik; at ibinalik ang tuntunin sa


pinasimpleng alpabeto ng 1987.

PAGE 08
9. ALPABETONG FILIPINO NG
2009
Bago pa man nagawa ang bagong tuntunin sa taong ito, may
nauna nang Gabay sa Ispeling ang Sentro ng Wikang Filipino
(SWF) sa Unibersidad ng Pilipinas noon pang 2008.

Pinamunuan ito ni Jose Laderas Santos bilang komisyoner at


may pamagat itong "Gabay sa Ortograpiyang Filipino 2009"
batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 104 serie ng 2009.
PAGE 08
10. ORTOGRAPIYANG
PAMBANSA NG 2013 AT 2014
Sa pamumuno ni Virgilio S. Almario ay masasabing
nagkaroon ng pinakamatino at pinakamakatwirang tuntunin
sa alpabeto ng Wikang Filipino.

Nanatili pa rin ito sa (28) titik; (5) patinig at (23) katinig.


Ito ay pinagtibay ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 34 serye
ng 2013 na pirmado nina Br. Armin A Luistro, FSC (DepEd) at
Patricia B. Licuanan, PhD (CHEd).
PAGE 08
REFERENCE:
Victoria, V. (2020). Intro sa Pag-aaral ng Wika
- Mga Teorya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng
Wika.

PAGE 15

You might also like