You are on page 1of 18

SINTAKSIS (PALAUGNAYAN)

PANGUNGUSAP
Mga Pangunahing Paksa
a. Bahagi ng Pangungusap
b. Uri ng Pangungusap
c. Pangungusap ayon sa diwang ipinapahayag
d. Parirala/ Uri ng Parirala
e. Sugnay/Uri ng Sugnay

SINTAKSIS 2
Sintaksis

•Ang sintaks ay mula sa salitang Griyego na “syntattein” na ang ibig sabihin ay


pagsama-sama o pagsama-samahin.
•Ito’y pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap, o pag-uugnay-ugnay ng mga
salita para makabuo ng mga parirala, sugnay at mga pangungusap. Kapag
nagbago ang pagkakaayos ng mga salita sa pangungusap ay nagbabago
rin ang kahulugan nito.

Halimbawa:
1.) Naglilinis sa silid-aralan ang mga estudyante.
2.) Ang silid-aralan estudyante mga naglilinis.

3
Pangungusap
• Sa linggwistika, ang pangungusap ay lipon ng mga salita na
nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap,
ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

Halimbawa:
Naghahanda na naman ang bawat kolehiyo para sa kanilang susunod
na programa.

YUNIT 6 SINTAKSIS 4
Bahagi ng pangungusap
Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) - ang bahaging pinag-uusapan o
pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring
gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng
kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Natutulog sa kuwarto si Bea.
Ang bata ay umiiyak tuwing gabi.
Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) - ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa
simuno.
Halimbawa: Si Kevin ay mahusay maglaro ng basketball.
Mabilis tumakbo si Jules.

SINTAKSIS 5
ANYO NG PANGUNGUSAP

GANAP- mayroong simuno at panaguri.


Hal. Mahilig magbasa ng libro si Leah.
Si Hannah ay makulit na bata.

DI-GANAP- walang simuno o panaguri ngunit nagsasaad pa rin ito ng


buong diwa.
Hal. Magandang Umaga.
Bilhan ng bahay.

6
AYOS NG PANGUNGUSAP

KARANIWANG AYOS– nasa karaniwang ayos ang pangungusap kung ang panaguri ay
nauuna kaysa sa simuno.

Halimbawa: Mahusay na magturo si Gng. Dela Cruz.


Nag-aaral ng medisina si Abby.

DI-KARANIWANG AYOS– nasa di-karaniwan naman ang pangungusap kung ang simuno
ay nauuna kaysa sa panaguri.

Halimbawa: Si Gng. Dela Cruz ay mahusay na magturo.


Si Abby ay nag-aaral ng medisina.

Yunit 6 SINTAKSIS 7
URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN
1. PAYAK - payak ang kayarian ng pangungusap kung ito’y nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan.
1.) May isang simuno at isang panaguri
Hal. Si Lisa ay kumakain.

2.) May isang simuno at dalawang panaguri


Hal. Si Lisa ay kumakain at nanonood.

3.) May dalawang simuno at isang panaguri.


Hal. Sina Lisa at Karen ay nanonood.

4.) May dalawang simuno at dalawang panaguri.


Hal. Sina Lisa at Karen ay kumakain habang nanonood.

UNIT 6 SINTAKSIS 8
2. TAMBALAN- Ang pangungusap na may dalawang kaisipan na pinag-uugnay
o pinagdudugtong sa tulong ng pangatnig na (at, o, ngunit, habang, saka,
samantala, pati).
Hal. 1.) Ang binata ay kumakanta ng kundiman samantalang ang dalaga ay
tumutugtog ng byolin.

Unang kaisipan- Ang binata ay kumakanta ng kundiman.


Ikalawang kaisipan- Ang dalaga ay tumutugtog ng byolin.
Pangatnig: samantalang

2.) Hindi nakatiis ang mga Pilipino at sila’y nagtipon ng lakas.

9
3. HUGNAYAN- ito’y binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at sugnay
na di makakpag-iisa, ginagamitan ng (nang, kung, subalit, kapag, kaya,
sapagkat, dahil sa).
Hal. 1.) Di malayong umunlad ang pilipinas kung ang mga mamamayan ay
magtutulong-tulong.

Sugnay na makapag-iisa - Di malayong umunlad ang pilipinas.


Sugnay na di makapag-iisa - ang mga mamamayan ay magtutulong-tulong.
Pangatnig- kung

2.) Pinagalitan si Juan nang dumating ang nanay niya.

10
4. LANGKAPAN- Ang pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang
pangungusap. Ito’y binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na
di makapag-iisa.

Hal. 1.) Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na puso dahil sinunod nila ang
utos ng panginoon.

Ang dalawang sugnay na makapag-iisa - Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak
na puso.
Sugnay na di makapag-iisa – sinunod nila ang utos ng panginoon.

2.) Makakapasa talaga siya at makatatamo ng diploma kung magsisipag sa pag-aaral.

20XX presentation title 11


URI NG PANGUNGUSAP AYON SA TUNGKULIN

1. PATUROL- Uri ito ng pangungusap na nagpapahayag ng isang katotohanan o ng isang


kaisipan. Ang mga pasalaysay na pangungusap ay laging natatapos sa bantas na
tuldok.
Hal. Ang pambansang awit ng Pilipinas ay Lupang Hinirang.
Nagbago ang sistema ng edukasyon dahil sa pandemya.

2. PATANONG- Ito ang pangungusap na ginagamit kapag nais malaman ang isang bagay,
kilos, o gawain na may kalakip na katugunan. Ang mga patanong na pangungusap ay
laging ginagamitan ng tandang pananong (?)
Hal. Magkakaroon na nga ba ng face-to-face na klase sa enero?
Kailan ba magkakaroon ng bakuna?

12
3. PAUTOS O PAKIUSAP- Ito ang pangungusap na maaaring tuwirang nag-uutos
o humihingi ng pakiusap. Ang pautos/pakiusap ay nagtatapos din sa tuldok.
Hal. Kumuha ka nga ng baso.
Pakilagay nga ito sa lamesa.

4. PADAMDAM - Ito ang pangungusap na nagpapahayag ng matinding emosyon


at ang tandang padamdam ay maaaring ilagay sa una o sa hulihan ng
pangungusap.
Hal. Mag-ingat ka! Madulas ang kalsada.
Sunog!

13
PARIRALA (PHRASE)
-Ang parirala ay lipon o kumbinasyon ng magkakaugnay na
mga salita na walang simuno o panaguri. Ang mga parirala
na may iisang diwa na pinag-uugnay upang makabuo ng
isang pangungusap.

Halimbawa:
Nagtanim ng puno
Mabuting tao

20XX presentation title 14


Uri ng Parirala

PARIRALANG PANG-UKOL - Ito ay parirala na pinangungunahan ng pang-ukol at


panuring nito.
Halimbawa: Ang pagkain ay para sa mga bata.
Bumili ng bagong bahay sina Jose.

PARIRALANG PANDIWA - Ito ay binubuo Ng pandiwa at panuring nito.


Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng kanilang leksyon.
Si Mang Jose ay nag-aararo ng kanilang bukid.

PARIRALANG PAWATAS - Ito ay pariralang binubuo Ng pawatas at panuring nito.


Halimbawa: Ang malingkod sa kapwa ay kabutihan.
Mahilig manood ng telebisyon ang nanay.

20XX presentation title 15


SUGNAY
-Ang sugnay ay mga lipon o grupo ng mga salita na nagtataglay ng
buong kaisipan o ang mga lipon ng mga salita na ikinakabit sa mga lipon
ng salita upang mabuo ang Isang kaisipang nais ipahiwatig ng
pangungusap.

Hal.
Sumuko na Siya.
Nang malaman Niya.
Nalungkot Ako.

20XX presentation title 16


Uri ng sugnay
1. Sugnay na makapag-iisa
2. Sugnay na di makapag iisa

Sugnay na makapag-iisa
- ito ay isang payak na pangungusap na nagtataglay ng buong diwa at
mayroon itong simuno at panaguri.

Hal.
Sumuko na Siya
Nalungkot ako

20XX presentation title 17


Sugnay na di-makakapag-iisa
-ito ay sugnay na hindi matatawag na pangungusap dahil wala itong
diwa o kaisipan. Pinapangunahan ito ng pangatnig upang maidugtong
sa isa o higit pang kaisipan.

Hal.
Nang mawala siya
Kaya umiyak ako

20XX presentation title 18

You might also like