You are on page 1of 7

Pangalan: Wilson Jhon S.

Pondang
Guro: Mrs. Cotoner

Ang Pangungusap
Ang pangungusap ay maaring isang salita o grupo ng mga salita na
nagpapahayag ng isang buong kaisipan. Ito ay may simuno at panaguri.
Nagsisimula ito sa malaking titik at may bantas na tuldok, padamdam o
patanong sa dulo nito.
Mga Bahagi ng Pangungusap
A. Paksa o Simuno - ang tinutukoy at
pinaguusapan sa pangungusap.
1. Payak na Paksa - ito ay nasa loob ng pangungusap na siyang
pinag-uusapan ns madalas ay mga pangngalan at panghalip.
2. Buong Paksa - kasama ang iba pang salita o panuring ng
payak na paksa.

B. Panaguri ito ang bahagi ng pangungusap na
nagbibigay kahulugan o nagsasabi
tungkol sa paksa.
1. Payak na panaguri- ito ay maaaring isang
pandiwa, pangngalan, o panghalip na
nagsasabi tungkol sa paksa.
2. Buong Panaguri ito ay binubuo ng payak
na panaguri at mga panuring na maaaring isang
pang-uri, pandiwa, o pang-abay.
Uri ng Pangungusap
1. Pasalaysay - ang pangungusap na ito ay nagkukwento o
nagsasalaysay tungkol sa paksa. Ginagamit ng bantas na tuldok (.).
Halimbawa:
1. Marami ang hindi makapaniwala sa
biglang pagbaha sa kanilang lugar.
2. Patanong ginagamit kung may nais malaman at ginagamit ng
bantas na tandang pananong (?)
Halimbawa:
1. Sinu-sinu ang mga naaapektuhan
ng pagbaha?
3. Pakiusap at Pautos ang pangungusap na ito ay himig nakikiusap
at ginagamitan ng salitang paki. Ito rin ay simpleng nag-uutos
lamang. Ginagamitan ng bantas na tuldok (.)
Halimbawa:
1.Tulungan po ninyo ako na hanapin
ang aking anak.
4. Padamdam ang pangungusap na ito ay nagpapahayagng di-
karaniwang damdami.Gumagamit ito ng pandiwang nagsasaad ng
tindi ng damdamin.Binabantasan ng panghanga (!) o padamdam.
Halimbawa:
1. Naku! Tumataas na ang tubig sa ilog.
Tulong! Tulungan nyo kami!

Kayarian ng Pangungusap
Ang pangungusap ay may ibat-ibang uri ayon sa kayarian o
pagkakabuo. Ito ay maaaring payak, tambalan o hugnayan.

1. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag lamang ng isang buong
diwa. Ang pangungusap na ito ay maaaring may:

a. Payak na simuno at payak na panaguri
HALIMBAWA:
Si Aling Pinay ay mabait na ina.

b. Tambalang simuno at payak na panaguri
HALIMBAWA:
Si Anton at si Ana ay magkapatid.

c. Payak na simuno at tambalang panaguri
HALIMBAWA:
Si Anton ay nagtitinda sa umaga
at nagaaral sa hapon.

d. Tambalang simuno at tambalang panaguri
HALIMBAWA:
Ang gulay at prutas ay nakabubusog
at nakapagpapalusog.



2. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang
buong kaisipan na pinag-uugnay ng wastong pangatnig. Bawat buong
kaisipan ay katumbas ng isang payak na pangungusap o sugnay na
nakapag-iisa.
HALIMBAWA:
Si anton ay isa nang inhenyero, at sia Ana
ay isa nang ganap na guro.

Unang pangungusap:
Si Anton ay isa nang inhenyero.
Ikalawang pangungusap:
Si Ana ay isa nang ganap na guro.

Ang ginagamit na pang-ugnay ay ang pangatnig na AT.

3. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang punong sugnay o
sugnay na makapag-iisa ng isa o mhigit pang sugnay na hindi makapag-
iisa.
HALIMBAWA:
Kung ikaw ay inaantok na, tumigil ka na
sa pagbabasa at matulog na.

Sugnay na makapag-iisa: Tumigil ka na sa pagbabasa at matulog na.
Sugnayna di makapag iisa: Kung ikaw ay inaantok na.
Ang sugnay na makapag-iisa ay katumbas ng isang payak na
pangungusap.


Uri ng Ayon sa Ayos
Ang mga pangungusap ay maaaring nasa karaniwan o
kabalikang ayos.
1. Nasa karaniwang ayos ang pangungusap kung nauuna ang
panaguri sa simuno.
MGA HALIMBAWA:
1. Nagbebenta ng bote ang bata.
2. Nag-iipon siya ng pera para sa kanyang
pagaaral.

2.Nauuna ang simuno sa panaguri sa pangungusap na nasa
kabalikang ayos.Lantad ang ay sa ganitong uri ng pangungusap.
MGA HALIMBAWA:
1. Si Ben ay isang masipag na bata.
2.Ang kanyang magulang ay mabait
at mapagmahal.









Layon ng Pangungusap
Tatlo ang layon na maaring gamitin sa pangungusap.

1. Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos na pandiwa at may
panandang ng . Sumasagot ito sa tanong na Ano.
HALIMBAWA:
Uminom siya ng gamot.

2. Ang di-tuwirang layon ng pandiwa ay pinaglalaanan o
pinagtutuhungan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na Kanino.
HALIMBAWA:
Nagbigay ako sa kaniya ng gamot.
Ibinigay ko kay Hannah ang gamut.

3. Ang layon ng pang-ukol na sa ay tumutukoy sa lugar kung saan
naganap ang kilos.
HALIMBAWA:
Bumaba na ang sipon ko sa lalamunan.





Ang maingat na paghuhusga ay
itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat
ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay
dumadaan sa maingat na paghuhusga

You might also like