You are on page 1of 11

Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo,

dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito
na verb sa wikang Ingles.
Mga halimbawa (naka-italiko):

 Pumunta ako sa tindahan.
 Binili ko ang tinapay.
 Kumain ako ng tinapay kaninang umaga.
 Sumakay ako sa jeep papunta sa paaralan.
 Ginagawa ko palagi ang aking mga takdang-aralin.

A spekto ng Pandiwa[baguhin | baguhin ang batayan]


Ipinapakita ng aspekto ng pandiwa kung kailan nangyari, nangyayari, mangyayari o kung
ipagpapatuloy pa ang nagaganap na kilos.

Salitang- Naganap o Nagaganap o Magaganap o


Pawatas Kakatapos
Ugat Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

basa magbasa nagbasa nagbabasa magbabasa kababasa

sira masira nasira nasisira masisira kasisira

Pawatas[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ang tawag sa kombinasyon ng salitang-ugat at ng panlaping makadiwa. Sa pawatas nabubuo
ang mga pandiwa.

Salitang- =
+ Panlapi = Pandiwa
Ugat Pawatas

tuka + um = tumuka = tumuka, tumutuka, tutuka

palit + mag = magpalit = nagpalit, nagpapalit, magpapalit

Aspektong Naganap o Perpektibo o Pangnagdaan[baguhin | baguhin ang


batayan]
Nagsasaad ito na tapos nang gawin ang kilos.
Ang pawatas na may panlaping um at ang aspektong naganap ay iisa o pareho.
Salitang-
+ Panlapi = Pawatas = Naganap
Ugat

alis + um = umalis = umalis

kain + um = kumain = kumain

Ang panlaping ma, mag at mang sa isang pawatas ay nagiging na, nag at nang sa aspektong


naganap.

Salitang-
+ Panlapi = Pawatas = Naganap
Ugat

tuwa + ma = matuwa = natuwa

sulat + mag = magsulat = nagsulat

= manghing
hingi + mang = nanghingi
i

Ang panlaping in sa isang pawatas ay nagiging unlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa
patinig at nagiging gitlapi kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig. Kapag hin ang panlapi,
ang hin ay nagiging in kapag binanghay.

Salitang-
+ Panlapi = Pawatas = Naganap
Ugat

alis + in = alisin = inalis

mahal + in = mahalin = minahal

basa + hin = basahin = binasa

Aspektong Nagaganap o Imperpektibo o


Pangkasalukuyan[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagsasaad ito na ang sinimulang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
Kung ang pawatas ay may panlaping um, uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.

Salitang- =
+ Panlapi = Nagaganap
Ugat Pawatas

ulan + um = umulan = umuulan

kanta + um = kumanta = kumakanta

Kapag ang panlapi ng pawatas ay ma, mag at mang, gawing na, nag at nang at uulitin ang unang


pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-
+ Panlapi = Pawatas = Nagaganap
Ugat

iyak + ma = maiyak = naiiyak

linis + mag = maglinis = naglilinis

bunggo + mang = mangbunggo = nangbubunggo

Kung ang pawatas ay may panlaping in o hin at ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig, ilagay
ang panlaping in sa unahan at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang- =
+ Panlapi = Nagaganap
Ugat Pawatas

alis + in = alisin = inaalis

unat + in = unatin = inuunat

Kung ang pawatas ay may panlaping in o hin at ang salitang-ugat ay nagsisimulla sa katinig, gawing
gitlapi ang in at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang- + Panlapi = = Nagaganap


Ugat Pawatas

mahal + in = mahalin = minamahal

gamot + in = gamutin = ginagamot

Aspektong Magaganap o Kontemplatibo o


Panghinaharap[baguhin | baguhin ang batayan]
Nagsasaad ito ng kilos na hindi pa nasisimulan at gagawin pa lamang.
Kapag ang pawatas ay may panlaping um, alisin ang um at uulitin ang unang pantig o unang
dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang- =
+ Panlapi = Magaganap
Ugat Pawatas

asa + um = umasa = aasa

lakad + um = lumakad = lalakad

Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili ang ma, mag o mang at uulitin


ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.

Salitang-
+ Panlapi = Pawatas = Magaganap
Ugat

tanaw + ma = matanaw = matatanaw

suot + mag = magsuot = magsusuot

= manghing
hingi + mang = manghihingi
i

Kapag ang pawatas ay may panlaping in o hin, mananatili ang panlaping in o hin at uulitin ang
unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.
Salitang- =
+ Panlapi = Magaganap
Ugat Pawatas

yakap + in = yakapin = yayakapin

suklay + in = suklayin = susuklayin

bili + hin = bilihin = bibilihin

Aspektong Katatapos[baguhin | baguhin ang batayan]


Nagsasaad ito na katatapos pa lamang ang kilos bago nagsimula ang salita. Nasa ilalim ito ng
aspektong perpektibo.
Kadalasan ay nilalagyan ang panlaping ka at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng
salitang-ugat.

Salitang-
+ Panlapi = Pawatas = Katatapos
Ugat

mano + mag = magmano = kamamano

= magparus
parusa + mag = kapaparusa
a

ligpit + mag = magligpit = kaliligpit

Tuon/Pokus ng Pandiwa[baguhin | baguhin ang batayan]


Ito ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

Tagaganap o Aksyon o Aktor[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "sino?". Ginagamit ang mga panlaping mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki-
at magpa-.
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan. Dumalaw kami sa mga batang may sakit.

Karanasan o Layon o Gol[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "ano?".
Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles. Ginagamit ang mga panlaping -in-, -i-, -ipa-, ma- at -an.
Halimbawa:
Binili ni Jomelia ang bulaklak. Kinuha ko sa silid ang mga bolang gagamitin sa paglalaro.

Ganapan o Lokatib[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap.Ito ay sumasagot sa tanong na
"saan?". Ginagamit ang mga panlaping pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, at mapag-/-an.
Halimbawa:
Dinaraan ng tao ang kalsada. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.

Tagatanggap o Benepektib[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
"para kanino?". Ginagamit ang mga panlaping i-, -in, ipang-, at ipag-.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam. Pinakilala sa madla ang kampeon.

Kagamitan o Gamit o Instrumental[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?". Ginagamit ang mga
panlaping ipang-, maipang-, at ipinang-.
Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat. Si Luciano Pavarotti
ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.

Pangyayari o Sanhi o Kosatibo o Kawsatib[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "bakit?". Ginagamit ang mga panlaping i-, ika- at ikina-.
Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak. Ang pagkain ng mayaman sa
kolesterol ang ipinagkasakit sa puso ni Tong.

Direksiyon[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "tungo saan/kanino?". Ginagamit ang mga panlaping -an, -han, -in at -hin)
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang. Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng
kagamitan.
Ang tinig ay isang pag-aari ng pandiwa na nagpapakilala kung simuno ang siyang
gumaganap o bagay na ginaganap.

Dalawang Uri ng Tinig ng Pandiwa

1. Tahasan
Kung ang simuno ay siyang tagaganap ng pandiwa.

Ang pandiwang nasa tinig na ito ay karaniwang may isang tagatanggap ng kilos o galaw
na tintatawag na tuwirang layon. Ang mga um, mag, mang, magpa, maki, at iba pa, ay
karaniwang ginagamit sa tinig na tukuyan.

Halimbawa: Uminom ng tubig ang babae.

2. Balintiyak

Kapag ang salitang tagaganap ng kilos o galaw ng pandiwa ay hindi ginagamit na


simuno at ang nasabing tgagaganap ay nasa hulihan ng pandiwa.

Ang karaniwang pinaggamitan ng pandiwang nasa tinig na balintiyak ay ang


pangungusap na ang dating tuwirang layon ay ang ginagamit na simuno.

Halimbawa: Ininom ng babae ang tubig.

1. Si ate ay nagsamang bata.Isinama ni ate angbata.

2. 1. Tukuyan –(active voice)kung ang simuno ay siyangtagaganap ng


pandiwa.Halimbawa:Ako ay kumuha ng bilao kinaAling Cora.

3. 2. Balintiyak –(passive) kapagang salitang tagaganap ng kiloso galaw ng pandiwa ay


hindiginagamit na simuno at angnasabing tagaganap ay nasahulihan ng
pandiwa.Halimbawa:Ang bilao ay kinuha ko kinaAling Cora

4. mga pandiwa ay nasa tinig TUKUYAN/TAHAS o BALINTIYAK1. Inihagis ni Lius ang


bola sa akin.2. Sumulat ako ng isang magandang tula.3. Hinintay ko ang aking tatay sa
parke.4. Gumawa si ate ng isang magandang kwento.5. Ang kwentong ito ay ginawa ni

5. a. Ang bata ay binigyan ni ate nglollipop.b. Kinuha ni kuya ang akinglaruan.C.


Binihisan ni Alice ang kanyangmanika.D. Ang baboy ay kinatay ngbutsero.E. Ibinigay ng
guro ang takdangaralin.

Sa maraming wika, ang pandiwa at simuno ay nagkakasundo sa bilang. Sa Ingles, ang


isahan sa pandiwa ay inihahayag ng panlaping -s, at ang kawalan nito ay tanda ng
maramihan; sa kabilang dako, ang isahan sa pangngalan ay tinatakdaan ng -s (kung
regular na banghy) at ang kawalan ay tanda ng isahan.
The boys play everyday.       (maramihang simuno boys, maramihang pandiwa play)
The boy plays everyday.       (isahang simuno boy, isahang pandiwa plays)

Mayroon bang takda ng kailanan ang pandiwang Filipino? Sa (1.b), ang


pandiwang naglanguyan ay tamang tinutumbasan ng maramihang simunong mga bata,
pero hindi ng isahang bata, tulad ng makikita sa 1.b. Anong bahagi ng pandiwa ang
nagsasabi na maramihan ito? Ipaghalimbawa natin na ito ang hulaping –an, na kapag
hindi ginamit, tulad ng sa 1.c, ang pandiwa ay isahan.

1.a    Naglanguyan ang mga bata sa ilog.


1.b    *Naglanguyan ang bata sa ilog.
1.c     Naglangoy ang bata sa ilog.

Kung pangmaramihan ang –an, aasahan natin ang paglitaw nito kapag maramihan ang
simuno, pero bakit wala nito sa naglangoy sa 2, na ang simuno ay maramihan? At kung
pang-isahan ang kawalan ng –an, bakit tumatanggap ito ng maramihang simuno, gaya
ng makikita rin sa 2.

2.     Naglangoy ang mga bata sa ilog.

Hindi naman kapagkaraka’y maaalis ang –an nang hindi nababago ang kahulugan ng
pangungusap. Pagparisin ang 1.a, na may hulaping –an ang pandiwa, at ang 2, na
walang hulaping an ang pandiwa. May pagkakaiba sa kahulugan ang mga
pangungusap. Kung ano man ang pagkakaiba sa kahulugan, hindi ito kabilangan.

Sa mga pangungusap sa ibaba, aakalain natin na ang takda ng maramihan sa pandiwa


ay ang pag-ulit ng pantig o CVr, at kung wala nito, tatanggapin ang pangungusap na
isahan ang simuno. Opps, maling akala ito, sapagka’t hindi tinatanggap ang ganitong
kayarian, tulad ng sa 3.c.

3.a  Pinagbabaril ni Ben ang mga kambing.


3.a  *Pinagbaril ni Ben ang mga kambing.
3.c  *Pinagbaril ni Ben ang kambing.

Gayon din, sa 4.a-b, tila ang panlaping –si– ang naghuhudyat ng maramihan. Pero
kapag tinanggal ito, tinatanggap ang isahang simuno (4.c) at tinatanggap pa rin ang
maramihang simuno (4.d). Kung gayon, walang kinalaman ito sa pagiging maramihan
ng simuno.

4.a  Nagsikuha ang mga bata.


4.b  *Nagsikuha ang bata.
4.c  Nagkuha ang bata.
4.d  Nagkuha ang mga bata.

Naipakikilala ang kailanan ng pandiwa sa pamamagitan ng mga panlapi. Ang


mga pangungusap na sumusunod ay gumagamit ng mga pandiwang nasa
kailanang isahan at maramihan.

l. Bumabasa ng. pahayagan si Teofilo.


2. Nagsisibasa (o nangagsisibasa) ng pahayagan sina Teofilo.
3. Ang bata ay natulog sa silid.
4. Ang mga bata ay nagsitulog (o nangatulog, nangagsitulog) sa silid.
5. Nagbili ng mga alahas ang aking kapitbahay.‘
6. Nagsipagbili o nangagbili, nangagsipagbili ng mga alahas ang aming mga
kapitbahay.
7. Si Dr. Santiago ay nanggagamot sa aming nayon.
8. Sina Dr. Santiago ay nagsisipanggamot (nanganggagamot,
nangagsisipanggamot) sa aming nayon.
9 .Ang bungangkahoy na ito ay ibigay mo kay Nena.
10, lpagbibigay (o ipagbigayan) mo nga ang mga bungangkahoy na ito kina Nena.

ll. Tawagin mo ang mga bata.

12. Pagtatawagin mo ang mga bata.

13. Bayaran ninyo ang inyong utang.

14. Pagbabayaran ninyo ang inyong utang.

15. Pinaalis niya ang kanyang utusan.

16. Pinagpapaalis (pinaalis na lahat) ang kanyang mga utusan.

17. Tinawagan ko ang aking kaibigan.

18. Pinagtatawagan ko ang aking kaibigan.

19. Inihulog mo ba ang aking sulat?

20. Ipinaghuhulog mo ba ang aking mga liham?

Ang kailanan ng mga pandiwa ay nakikilala sa mga panlaping ginagamit.


Ang sumusunod na mga panlapi ay ginagamit sa pagbuo ng isahan at maramihan
ng mga pandiwa.

Isahan (Singular)
um-lumakad (to walk)
ma-mabuhay (to live)
mag-mag-aral (to study)
mang-manghingi (to ask.)
i-ibili (to ask somebody to buy something)
in/hin-basahin
an/han-hanapan
pa-an-patawagan
PAGSASANAY (Exercise)

Ang mga pangungusap na sumusunod ay gumagamit ng mga pandiwang nasa


isahan. Ilagay ang mga pandiwang ito sa maramihan. (The followmg sentences
are using verbs in the singular number. Transform these verbs to the plural
number.)

1. Narinig ko ang iyong magandang awit.


2. Sinusulat ni Morales ang talambuhay ni Aguinaldo.
3. Nahuli rin sa wakas ang kilabot na bilanggo.
4. Patawagan mo sa telepono ang kanyang ama.
5. Nagtuturo na ang kanyang anak.
6. Bumili ng bagong kotse si Leonor.
7. Ang kasal nila ay nabasa ko sa pahangan.
8. Ang sulat na ito air ihulog mo sa koreo.
9. Nagsimula na ba ang inyong klase?
10. Lakasan mo ang iyong loob.
11. Itinuro ko sa pulis ang bahay ng salarin.
12. Pinaalis ko na ang aking utusan.
13. Si Narding ay pinatula sa palatuntunan.
14. Ibibili kita ng bagong sapatos.
15. Isasama ka ba ng iyong ama?
16. Umalis na pala ang iyong panauhin.
17. Nakita ni Nestor ang kanyang kapatid.
18. Pinawalan na ang bilanggo.
19. Natutuwa sa kanya ang kanyang guro.
20. Sumayaw ng Pandanggo sa Ilaw ang mga mag-aaral .

PAGSASANAY (Exercise)
Basahing maigi ang bawa’t pangungusap. Ilagay sa isahan ang bawa’t pandiwang
ginagamit. (Read every sentence carefully. Change to the singular number every
verb used.) .
1. Ang mga bata ay nagsisipaglaro sa daan.
2. Kami ay agad nagsialis sapagka‘t madilim na noon ang gabi.
3. Nangalanta na ang mga gulay na inani sa halamanan.
4. Ang mga magsasaka ay nagsisigawa na sa bukid bago pa sumikat. ang araw.
5. Kapag kayo ay magsisidalo, kami ay magsisisama.
6. Piniagbibigyan ng pagkain ang mga baboy at manok.
7. Nangagsalita ang lahat ng mga panauhing ibig na kumandidato.
8. Mangagsisilakad sila mula sa Malolos hanggang Hagonoy.
9. Pinagmumura ng ina ang kanyang mga anak.
10. Ang lahat ng sulok ng bahay ay pinaglilinis ng mag-ina.

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Mga Pinagkukunan[baguhin | baguhin ang batayan]
 Baybayin: Paglalayag sa Wika at Panitikan 8 by Remedios Infantado ISBN 978-971-23-
7030-4 pp. 133-134

 Bagong Likha: Wika at Pagbasa 4, by Ester V. Raflores ISBN 978-971-655-331-4, pp. 239,


252-253, 267-268, 283
 https://www.tagaloglang.com/tinig-ng-pandiwa/

You might also like