You are on page 1of 2

PANG-UGNAY

Ang retorikal na pang-ugnay ay tumutukoy sa iba't ibang bahagi ng


pagpapahayag na nagpapakita ng ugnayan ng mga pangungusap o bahagi ng isang
teksto. Sa Filipino, ang mga pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-
angkop, pang-ukol, at pangatnig.

1. Pang-angkop – Ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Ito ay nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.
May dalawang uri ng pang-angkop.
 Pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos
sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang
salita. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring.
Halimbawa:
mapagmahal na hari matapat na alipin
Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o
kinakaltas ang n at ikinakabit ang -ng
Halimbawa:
masunuring mamamayan huwarang pinuno
 Pang-angkop na –ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos
sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita.
Halimbawa:
mabuting kapatid magandang nilalang
2. Pang-ukol – Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba
pang mga salita sa pangungusap. Narito ang mga kataga/ pariralang malimit
na gamiting pang-ukol.
- sa - ayon sa / kay
- ng - hinggil sa / kay
- kay / kina - ukol sa / kay
- alinsunod sa / kay - para sa / kay
- laban sa / kay - tungkol sa / kay
3. Pangatnig sa mga kataga/salita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala
o sugnay
o Pangatnig na pandagdag: Nagsasaad ng pagpuno o pagdaragdag
ng impormasyon.
Halimbawa: at, pati
o Pangatnig na pamukod: Nagsasaad ng pagbubukod o
paghihiwalay.
Halimbawa: o, ni, maging
o Pagbibigay sanhi/dahilan: Pag-uugnay ng mga lipon ng salitang
nagbibigay-katwiran o nagsasabi ng kadahilanan.
Halimbawa: dahil sa, sapagkat, palibhasa
o Paglalahad ng bunga o resulta: Nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan.
Halimbawa: bunga, kaya o kaya naman
o Pagbibigay ng kondisyon: Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
Halimbawa: kapag, pag, kung, basta
o Pagsasaad ng contrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pag-iba,
pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: ngunit, subalit, datapwat, bagama’t

You might also like