You are on page 1of 15

Kayarian ng Salita

 Payak – binubuo ng salitang-ugat lamang.

Halimbawa: basura, aklat, yaman

 Maylapi - binubuo ng salitang-ugat at panlapi.

Uri ng Panlapi:
a. unlapi- kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan ng salitang-
ugat. Halimbawa: umaga, maganda, magdasal
b. gitlapi- kapag ang panlapi ay ikinabit sa gitna ng salita.
Halimbawa: kinain, sumayaw, tinalon

c. hulapi- kapag ang panlapi ay ikinabit sa hulihan ng salita.


Halimbawa: kainan, agahan, sipagan

d. unlapi at gitlapi – kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at


gitna ng salita.
Halimbawa: magsumikap, nagsumamo
e. gitlapi at hulapi - kapag ang panlapi ay ikinabit sa gitna at
hulihan ng salita.
Halimbawa: kwenintuhan, sinayawan, tinalunan

f. kabilaan- kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan


ng salita.
Halimbawa: inawitan, kabuhayan, kaalaman

g. laguhan– kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan, gitna at


hulihan ng salita.
Halimbawa: ipagsumigawan, pinagsumikapan
 Inuulit – ay ang pag-uulit ng salita. Maaring ang buong salita
ang inuulit o ang bahagi lamang nito.

Uri ng Pag-uulit:
a. Ganap na pag-uulit – inuulit ang buong salita.
Halimbawa: taon-taon, araw-araw, buwan-buwan

b. Parsyal na Pag-uulit- bahagi lamang ng salitang-ugat ang


inuulit.
Halimbawa: tatago, sisigaw, aaraw
c. Kombinasyon- pinagsama ang pag-uulit na naganap at parsyal.
Halimbawa: tatalon-talon, sisigaw-siagw, tatago-tago

 Tambalan – ang tawag sa dalawang magkaibang salitang


pinagtatambal.

Uri ng Tambalan:

a. Tambalang Ganap – kapag ang dalawang magkaibang salitang


pinagtatambal ay nananatili ang kahulugan.
Halimbawa: silid-aklatan, silid-tulugan, bahay-kubo
b. Tambalang Di-ganap – kapag ang dalawang salitang
pinagtatambal ay nagbibigay ng ikatlong kahulugan.

Halimbawa:
Bahaghari
bahag(g-string) + hari (king)= bahaghari (rainbow)

Dalagambukid
dalaga(young lady)+ bukid(mountain)=dalagambukid(fish)
Pangungusap
 Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang
nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.
 Binubuo ito ng dalawang bahagi ang simuno at panaguri.
 Ang simuno ay ang pinag-usapan sa pangungusap,
samantalang ang panaguri naman ay nagsasabi tungkol sa
paksang pinag-usapan.
Ayos ng Pangungusap

a. Karaniwang Ayos- sa karaniwang ayos ng pangungusap


ay nauuna ang panaguri kaysa simuno. Hindi ito
ginagamitan ng panandang “ay”.

Halimbawa:
Nagmamadaling umalis ng bahay si Claire.
Naglilinis ng bahay ang magkakapatid.
b.Di-karaniwang Ayos- kapag ang simuno ay nauuuna sa
panaguri nasa di-karaniwang ayos ito ng pangungusap. May
panandang “ay” ang mga pangungusap na di-karaniwan.

Halimbawa:
Sina Faith at Gel ay masayang nagkukwentuhan sa parke.
Ang mga mamamayan ay nagkakaisa para sa ikauunlad ng
bayan.
Uri ng Pangungusap ayon sa Istruktura/Kayarian

 Payak – ang pangungusap ay payak kung ito ay nagpapakita


ng isang diwa lamang. Maaring ito ay magkaroon ng:
a. Payak na simuno at payak na panaguri
b. Payak na simuno at tambalang panaguri
c. Tambalang simuno at payak na panaguri
d. Tambalang simuno at tambalang panaguri
Halimbawa:
a. Si Ana ay matalino.
b. Si Ana ay matalino at maganda.
c. Si Ana at Maria ay matalino
d. Sina Ana at Maria ay matalino at maganda.
 Tambalan – ang tambalang pangungusap ay binubuo ng
dalawang magkaibang pangungusap o higit pang sugnay na
makapag-iisa. Ginagamitan ito ng pangatnig na at, ngunit,
samantalang o habang.

Halimbawa:
 Si Aiza ay naglilinis ng bahay samantalang si Fe ay nagluluto
ng pagkain.

 Nagtatag ng isang pangako si Arnel at umisip siya ng magandang


proyekto para sa kanyang mga kabataan sa kaniyang pook
 Hugnayan – ang pangungusap ay hugnayan kung ito ay may
sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa. Ang
hugnayang pangungusap ay nagpapakita ng kalanasan,
kondisyon at kadahilanan.

Halimbawa:
 Aalis ako ng bansa kung hihiwalayan mo ako.
 Mahal ang mga bilihin ngayon kaya marami ang
naghihirap.
 Mapayapa ang kanilang pagsasamahan dahil sila’y
nagkakaunawaan.
 Langkapan – binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na
makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
 Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating
magtulungan upang tumatag ang ekonomiya.

 Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang


makamtan ang Kalayaan nang ang bayan ay matahimik at
lumigaya.
Gawain:
Sumulat ng talata tungkol sa iyong Ina. Pagkatapos ay ikahon ang
salitang maylapi, bilugan ang tambalan, guhitan ng puso ang inuulit at
salungguhitan ang mga payak na salita.

You might also like