You are on page 1of 19

Klaster

 Ang klaster o kambal katinig ay ang dalawang katinig na


magkasama sa loob ng isang pantig. Maaaring
matatagpuan ang klaster sa unahan, gitna o hulihan ng
salita.

Halimbawa:
dwende
nars
ekspresyon
Diptonggo

 Alin mang patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y


sa loob ng isang pantig ay tinatawag na diptonggo.

Halimbawa:
hataw baliw bahay kahoy baduy
sitaw sisiw alay apoy kasuy
Mga Ponemang Supresegmental

 Ang suprasegmental ay ang pag-aaral ng tamang bigkas ng


mga salita upang maibigay ang ibayong kahulugan at ang
paggamit nito ng tama sa pangungusap.

Haba(:) ang haba ay nagpapakita ng tagal ng bigkas ng


unahang pantig na nakapagbabago ng kahuhlugan ng salita.

Halimbawa: ba:hay, ba:ta


Tono
 ang tono at ang pagbaba ng tinig ay ipinakita sa tono. Sa
pamamagitan ng tono ay naipapakita ang iba’t ibang
kahulugan at ang wastong pagpapahayag.

Halimbawa:
3
1. Kahapon 1 pon
ka
2
ha
2
ha
2. Kahapon 1
ka 3
pon
Diin – ang diin ay ang bahagyang pagtaas ng tinig sa isang
pantig ng salitang binibigkas. May apat na uri ng diin.

Uri ng Diin
1. Malumay – binibigkas nang mabagal. Maaaring magtatapos
sa patinig o katinig ang mga salitang malumay.

Halimbawa:
bayabas
watawat
marami
2. Malumi – tulad ng salitang malumay, ang mga salitang
malumi ay binibigkas nang mabagal ngunit may diin sa
huling pantig ng salita. Ito ay ginagamitan ng tuldikna paiwa
( ) at nagtatapos sa patinig lamang.

Halimbawa:
pusa
puso
bawi
3. Mabilis – ang mga salitang mabilis ay binibigas ng tulo-tuloy.
Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis( ). Tulad ng malumay ang
mga salitang mabilis ay maaari ring magtatapos sa patinig o
katinig.

Halimbawa:
alis
paso
balat
4. Maragsa – ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang
mabilis na may diin sa huling pantig ng salita. Nagtatapos
lamang sa patinig ang mga salitang maragsa tulad ng malumi.
Ginagamitan ito ng tuldik na pakopya(^)

Halimbawa: sawi^

wala^

hinto ^
Antala
 ang antala ay ang saglit na pagsasalita.
 Ginagamit ito upang maunawaan at maging mabisa ang nais
ipahayag ng taong nagsasalita sa kausap.
 Magkaiba ang gamit ng antalang pasalita sa pasulat.
 Sa antalang pasalita ay ginagamitan ito ng isang pahilis (/)
na guhit kung ito ay nagpapakita ng saglit na pagtigil at
dalawang pahilis (//) na guhit kung ito ay lubusang huminto.
 Sa antalang pagsulat ginagamit ang (,) kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng sandaling pagtigil at
tuldok (.) naman kung sa lubusang pagtigil.
Antalang Pasalita

halimbawa:
// Hindi ako ang kumuha ng gamit niya //
// Hindi / ako ang kumuha ng gamit niya //

Antalang Pasulat

Halimbawa:
Hindi siya ang kapatid ko.
Hindi, siya ang kapatid ko.
Halimbawa:

Hindi siya si Jose.


Hindi, siya si Jose.
Hindi siya, si Jose.
Morpolohiya
Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng makabuluhang
kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pinagsamang mga
tunog.

Morpema ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na


nagtataglay ng kahulugan. Ang morpema ay galing sa salitang
Griyego na “morph” na nangangahulugang anyo o yunit at
“eme” na ang ibig sabihin ay kahulugan.
Mga Uri ng Morpema
Sa aklat nina Irma V. Ugot et.al, may iba’t ibang uri ang mga
morpema.

Malayang Morpema
 Tumutukoy sa mga salitang nakakatayong mag-isa at may
kahulugan. Tinatawag ding mga salitang-ugat ang mga
malayang morpema.

Halimbawa: awit, puso, mali, aklat, sulat


Di-Malayang Morpema
 Tinatawag ding morpemang gramatikal ang mga di-malayang
morpema sapagkat nagkakaroon ng pagbabagong-anyo ang
salitang-ugat sa kanyang istruktura at nagpapahiwatig din ng
bagong kahulugan. Kung gayon tinatawag na di-malayang
morpema ang mga panlapi dahil ang mga ito ay di nakatatayo
nang nag-iisa saubalit nagtataglay ito ng sariling kahulugan.

Halimbawa: Panlapi Salitang-Ugat Bagong Salita


um- + inom = uminom
ma- + inom = mainom
Ang Alomorp ng Morpema

 Ang alomorp ay tinatawag sa Ingles na allomorph na galling


sa dalawang salitang “allo” (kapara o katulad) at “morph”
(yunit o anyo).
 Sa panglinggwistang pag-aaral, ang alomorp ay tumutukoy sa
pagbabagong-anyo ng morpema maging sa kayariaan o
tunog ng kaligiran.
Ang morpemang [pang-] ay may tatlong anyo: [pang-], [pam],
[pan].
 Ang alomorp na [pang-] ay ginagamit kapag ang salitang
inuunlapian ay nagsisimula sa patinig na /a, e, i, o, u / o
alinman sa mga katinig na /k, g, h, m, n, ng, w, y/

Halimbawa:
pang-araw-araw
pangkabuhayan
panggalaw
 Ang alomorp na [pam-] kapag ang kasunod na salita ay
nagsisimula sa / p, b, /

Halimbawa:
pambata
pampasigla
pambahay
 Ang alomorp na [pan-] kapag ang inuunlapiang salita ay
nagsisimula sa / d, l, r, s, t /.

Halimbawa:

pandasal
panlaro
pansuklay

You might also like