Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon
Ang modyul na ito ay inihanda upang maipagpatuloy ang iyong karapatang magtamo ng
kaalaman bilang isang mag-aaral ay hindi ipagkakait bagkus ikaw ay gagabayan ng
modyul na ito upang linangin ang iyong kaalaman sa pag-aaral ng mga diptonggo, morpema,
morpoponemik
Halimbawa:
Giliw Aliw Ilaw Bangkay
Luray Tunay Nakaw Kasoy
Pares Minimal
Ito ay pares ng salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema at dahil dito nagbago
ang kahulugan.
Halimbawa:
Tela - Tila Mesa - Misa Pala - Bala
Belo - Bilo Ewan - Iwan Lapat - Lapad
Halimbawa:
Kwento Eskwela Nars
Drama Kontrata Beysment
Ponemang Malayang Nagpapalitan
Ito ay pares ng mga salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema subalit hindi
magbabago ng kahulugan.
Halimbawa:
Politika - Pulitika Marami - Madami
Biyolin - Biyulin Maramot - Madamot
Morpolohiya
Ang morpolohiya at ang mahalagang gampanin nito ay ang pagsusuri kung paano na bubuo ang
mga salita, Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na may katuturan ay morpema.
Samantalang morpolohiya naman ang tawag sa maagham na pag-aaral ng morpema.
ANG MORPEMA
Halimbawa:
[Nag-] + [baril]
[-in-] + [baril]
[-in] + [baril]
• Morpemang Salitang – Ugat – tinatawag din itong malayang morpema sapagkat ang
salitang – ugat ay nagtataglay na ng kahulugan.
Halimbawa:
• Morpemang Binubuo Ng Isang Ponema – halimbawa nito ay ang ponemang /a/ at /o/.
Nakakapagpaiba ito ng kahulugan ng salita.
Halimbawa:
/o/ /a/
dekano dekana
senador senadora
doctor doktora
manong manang
lolo lola
Halimbawa:
Sa pangungusap na ito, ang mga katagang ng, mga, sa, at si ay walang tiyak na kahulugan.
Ngunit iniuugnay ng mga ito ang mga salitang may tiyak na kahulugan. Naipakikilala din ng
mga ito ang gamit sa pangungusap ng isang salita. Ang tawag sa mga salitang ito (ng, mga, sa, at
si ) ay mga morpemang may kahulugang pangkayarian. Samantala ang mga salitang may
tiyak na kahulugan sa pangungusap ( namili, ulam, palengke, at Aling Nenita) ay mga
morpemang may kahulugang leksikal.
PAGBABAGONG MORPOPONEMIK
Ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang salita o morfim dahil sa impluwensya
ng kapaligiran nito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemik. Ang kapaligiran ay ang mga
katabing makabuluhang tunog o fonim na maaaring makaimpluwensya sa pagbabago sa anyo ng
salita o morfim.
1. Asimilisasyon- ang mga morfimang unlaping nang, pang, mapang, sing, kasing,
magsing, sang, labing ay nagtatapos sa fornimang katinig kayat siyang
naiimpluwensyahan nito. Upang maging magaan, madulas at matipid sa pagbigkas,
tingnan ang mga pagbabagong nagaganap.
Kung ang isang morfim (panlapi o salita) ay nagtatapos sa fonim /-ng/ at ito ay ikinakabit sa
isang salitang-ugat na nagsisismula sa fonim /d, l, r, s, t/ ang huling fonim /-ng/ ay nagiging /n/.
/-ng/ /n/
Halimbawa:
Halimbawa:
Halimbawa:
/d/ /r/
Ma + dami — marami
Ma + dinig — marinig
Ma + dungis — marungis
Ma + damot — maramot
Bagaman may mga pagkakataong ang fonim /d/ na nasa posisyong final ng nilalapiang salita
ay nagiging fonim /r/ kapag ito ay hinuhulapian ng /-an/ o /-in/.
Halimbawa:
Lipad + in — liparin
Tawid + an — tawiran
Ang fonim /o/ ay nagiging fonim /u/ kapag ito ay nasa huling pantig ng salitang – ugat na
hinuhulapian o sa salitang inuulit. Nagiging fonim /u/ lamang ang fonim /o/ sa unang hati lamang
ng mga salitang inuulit.
Halimbawa:
/o/ /a/
Bilog + an — bilogan
Biro + an — biroan
Suntok + an — suntukqn
Halo + halo — halu-halo
Pulong + pulong — pulung-pulong
3. Matatesis o maylipat- ito ay nagsisimula sa fonim /l/o/y/ ang salitang – ugat at
ginitlapian ng /-in/, ang fonim /l/o/y/ na salitang – ugat at ang fornim /n/ ng gitlapi ay
nagkakapalit ng posisyon.
Halimbawa:
Halimbawa:
4. Pagkakaltas ng Fonim- nangyayari ito kapag ang huling patinig ng salitang – ugat ay
nawawala sa paghuhulapi rito.
Halimbawa:
Halimbawa:
Laro + an — laruan
Tanda + an — tandaan
Tahi + an — tahian
ALOMORF/ALOMORP
Alomorf/Alomorp- ang pagbabagong ito ay natatagpuan sa mga panlaping pang, mang, sing, at
sang. Ang huling ponemang /ng/ ay nagbabago aton sa unang ponemang katinig ng salitang
nilalapian. Kung ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa mga ponemang /p, at b/ ang pang,
sing, mang, at sang ay nagiging pam, man, sim, at sam.
Halimbawa :
Ang /ng/ ng ang panlaping ito ay nagiging pan, man, sin, at san kapag ang unang ponemang
salita lalapian ay d, t, a, s, at r.
Halimbawa:
Pagtatasa:
Mga Sanggunian:
Tumangan, Alcomtiser P. et al.Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Grandbooks Publishing Inc., 2015
Dinglasan, Ressureccion. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Rex Book Store, Inc., 2007