You are on page 1of 3

Mga Tala ukol sa Istruktura ng Wikang Filipino

Wika - gamit sa pakikipagtalastasan o komunikasyon o kakayahang komunikatibo at


kakayahang panlingguwistika.

Lingguwistika - makaagham na pag-aaral ng istruktura, katangian at tuntuning pangwika


(balarila / grammar)

Tatlong Istruktura ng Wikang Filipino

I. Ponolohiya - agham na pag-aaral ng makahulugang tunog

 Ponema - makabuluhang tunog at nangangahulugang ito na ang bawat ponema na


makapagpapabago ng kahulugan ng bawat salita.
May 21 ponema ang wikang Filipino at nahahati sa:
- ponemang segmental - mga ponemang kinakatawan ng mga titik na maaaaring
patinig o katinig at magsisilbing gabay sa pagbigkas
- ponemang suprasegmental - nababago ang kahulugan ng salita batay sa tono
(pagtaas at pagbaba ng tinig); Haba / Diin (pagpapahaba ng isang pantig sa loob ng
salita); Hinto / Pagtigil (saglit na pagtigil sa pagsasalita

Diptonggo - kapag ang ponemang patinig ay ikinakabit sa unahan ng malapatinig na /w/ at


/y/ sa isang pantig.
Halimbawa: si.siw - anak ng manok
ba.liw - sira ulo
ba.boy - isang hayop na nililitson

Ponemang Malayang Nagpapalitan - mga salitang nagkakatulad ang bigkas, maliban sa


isang ponema subalit hindi nagbabago ang kahulugan.
Halimbawa: lalake - lalaki
madume - madumi
daw - raw
babae - babai

Klaster / Kambal-katinig - ang tawag sa magkasamang katinig sa isang pantig


Halimbawa: kwen.to
pla.to
kard
nars
Pares Minimal - halos pareho ng pagbigkas ang dalawang salita maliban sa isang ponema.
Halimbawa: kulay - gulay
paso - baso
lapat - lapad
kurot - kulot

II. Morpolohiya - tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema

Morpema - pinakamaliit nay unit ng salita na nagtataglay ng kahulugan

Anyo ng Morpema

1. Kataga - iisahing pantig lamang na morpema at walang kahulugan


Halimbawa: din / rin, pa, na, man, ba
2. Salitang-ugat - karaniwang dadalawahing pantig at nagtataglay ng kahulugan. Tinatawag
ding malayang morpema.
Halimbawa: buhay, lapis, batas, bayan
3. Panlapi - may taglay na kahulugan
Halimbawa: ka = kasama, pagkakaroon ng relasyon
ma = pagkamayroon
tag = panahon
mag = relasyon
4. Morpemang Ponema /a/ /o/
Halimbawa: doktora; senadora
tindero; barbero

Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon - pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ dahil sa ponemang kasunod nito sa
loob ng salita.
pang = pambato; pampaaralan
pang = pandesal; pantalon; panlaro; panregalo

2. Pagpapalit ng Ponema - may mga ponemang nagkakapalitan sa pagbuo ng mga salita.


/d/ /r/ = madumi - marumi
/o/ /u/ = noon - nuon
panlaping /han/ /an/ = tawahan - tawanan

3. Pagkakaltas ng Ponema - nakakaltas ang mga tunog na patinig sa gitna ng salita kapag
kinabitan ito ng hulapi.
Halimbawa: bukas + an = bukasan = buksan
tupad + in = tupadin = tupdin
4. Metatesis - nagkakapalit ng posisyon ang /l/ o /y/ sa simula ng salitang-ugat kapag ikinakabit
dito ang gitlaping -in-
Halimbawa: luto + in = linuto niluto
yakap + in = yinakap niyakap

5. Paglilipat-diin - nagbabago ang diin ng salitang-ugat kapag nilapian


Halimbawa: linis + in = linisin
hakbang + an = hakbangan

You might also like