You are on page 1of 6

Lou Renzo V.

Cacho

BSED Filipino

Panimulang Linggwistika

Ponema at Morpema

 Instruktura at kalikasan ng Wikang Filipino:


 Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng Ponema.
 Morpolohiya – ang pag-aaral kung paano binubuo ang mga salita.
 Sintaksis – pag-aaral ng instruktura ng mga pangungusap.
 Sematika – ang pag-aaral ng mga pagpapakahulugan ng isang wika.

 Ponema:
 Makabuluhang yunit ng tunog na “nakakapagpabago ng kahulugan” kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang
makabuo ng mga salita.

 Halimbawa:
 Maestro – Maestra
 Abogado – Abogada
 Tindero – Tindera
 Angelito – Angelita

 Ang Wikang Filipino at binubuo ng:

2 uri ng Ponema:

 Ponemang Segmental
 Ponemang Suprasegmental
 Ang Filipino ay may:

21 Ponemang Segmental:

15 Katinig – /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y ,k, g, n, w/

 /!/ - pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin.


 /n/ - kumakatawan sa titik na /ng/.

5 Patinig - / a, e, i, o, u

 Ponemang Supramental:

3 uri ng Ponemang Supramental:

1. Tono – ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.

Halimbawa:

 Ikaw. (may katiyakan)


 Ikaw? (hindi sigurado/nagtatanong)

2. Diin – ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita.

Halimbawa:

 BUkas – buKAS
 PIto – Pito
 Saya – SaYA
 Upo – Upo
3. Antala – ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang
ipinahahayag.

Halimbawa:

- Bigkasin at huminto kapag nakita ang /.


 Si Mark Anthony / at ako//.
 Si /Mark /Anthony/ at ako//.
 Hindi siya si Jomar//.
 Hindi/ siya si Jomar//.
 Hindi siya/ si Jomar//.
 Hindi ako ang gumawa//.
 Hindi/ ako ang gumawa//.

 Diptonggo:
 Alinmang patinig na sinusunod ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.
 Ang mga diptonggo sa Filipino ay

/y/ - ay, ey, oy, uy

/w/ - aw, ew, iw, ow, uw

Halimbawa: /aw/

 Agaw
 Ginaw
 Takaw
 Anahaw
 Dalaw
 Kalabaw
 Dilaw
 Hikaw
 Ibabaw
 Nakaw
 Halimaw
 Sabaw

Halimbawa:/ay/

 Bahay
 Sabay
 Gulay
 Bagay
 Alay
 Buhay
 Palay
 Kulay
 Itay/inay
 Hukay

Halimbawa: /ey/

 Reyna
 Keyk
 Beyk
 Beysbol
Halimbawa: /ey/

 Aruy
 Baduy

Halimbawa: /iw/

 Aliw
 Giliw
 Sisiw
 Paksiw
 Baliw

Halimbawa: /oy/

 Kahoy
 Daloy
 Kasoy
 Apoy
 Amoy
 Simoy
 Langoy
 Tuloy
 Abuloy
 Unggoy

 Mga Tulang may Diptonggo

Ibig kong marating ang abot ng tanaw

Ibig kong maabot ang langit na bughaw

Lupang malalawak sana ay malakbay

Dagat na malalim ay mapaglanguyan

Kaluluwa nati’t buhay

Sa Diyos natin iaalay

Nang tayo ay makinabang

Nang lubos na katuwaan

Doon sa langit na bayan.

Paalam na sintang lupang tinubuan

Bayang masagana sa init ng araw

Edeng maligayang sa ami’y pumanaw

At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

 Kambal – Katinig / Klaster

 ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig.


 ito ang maaaring makikita sa unahan, sa gitna o sa hulihang pantig ng salita.

Halimbawa: (Kambal – Katinig/Klaster)

 Unahan
 Drama
 Blusa
 Klerk
 Krema
 Gripo
 Dyaryo
 Plano
 Gitna
 Iskwater
 Eskwela
 Biskwit
 Kongklusyon
 Sumbrero
 Klima
 Pilantropo

 Hulihan
 Rekord
 Tayp
 Nars
 Kart
 Beys
 Kard
 Relaks

 Pares- Manimal
 pares ng salita magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang pinagkaiba ng kanilang kahulugan.
 ginagamit ito upang maipakita ang pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig ngunit magkaiba ang ponem at
kahulugan.

Halimbawa: Pares-Manimal

 Misa-mesa
 Oso-uso
 Selya-silya
 Ilog-irog
 Tila-tela
 Titik-titig
 Iwan-ewan

 Ponemang Malayang Nagpapalitan


 ito ang mga ponemang e, i, o, u na maaaring magkapalit ng gamit ngunit walang nagbabago sa kahulugan.

 e–i
 babae – babai
 lalake – lalaki
 bibe – bibi
 o–u
 uso-usu
 guro-guru
 baso-basu
 bobo-bobu
 pitp-pitu
 d–r
 madami – marami
 doon – roon
 madamut – marmot
 dito – rito
 madungis – marungis
 Ang mga Morpema:

Ano ang morpolohiya (morphology)?


 ito ay pag-aaral ng mga may kahulugang yunit na bumuo ng mga salita. Ang pinakamaliit nay unit ng wika may kahulugan
ay tinatawag na Morpema. Sa Tagalog ang p, b, d, o. k, ay walang kahulugan. Iyan ay mga ponema. Ang mga sangkap na
buti, buhay, din, ma- at pang- ay naghahayag kaagad ng kahulugan kahit ang ilan sa kanila ay pang kayarian at di
kahulugan leksikal ang ibinibigay.
 Morpolohiya
-pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika.
-pag-aaral ng morpema/morphin.
 Morpema/Morfim
-ang pinakamaliit nay unit ng salita na nagtataglay ng kahulugan

Halimbawa:

 Makahoy - (2 morpema)
 Ma (ang pagkakaroon) at kahoy

 Mga Anyong Morpema/Morfin:


 Binubuo ng isang ponema. Ang ponemang a ay nauukol sa babae. Gayundin, ang ponemang o ay nauukol sa lalaki. Ang morpema
ay maaaring isang ponema. Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.

Halimbawa:

 Doctor – Doctora
 Dekano – Dekana
 Senyorito – Senyorita
 Senador – Senadora

Taliwas: ang mga ito ay para sa babae o lalaki.

 Artista
 Bata
 Manggagawa
 Manghuhula
 Binubuo ng salitang-ugat. – ito ay mga salitang payak gaya ng ganda, buhay, isa. Ito ay tinatawag ding malayang morpema sapagkat
may sariling kahulugan at makatatayong mag-isa. Mga payak itong salita dahil walang panlapi.
 Binubuo ng panlapi – maaring unlapi, gitlapi o hulapi. Ang mga panlapi ay may sariling kahulugan kayat bawat isa ay isang
morfin/morpema.
 Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginagamit sa mga sumusunod na halimbawa:

Halimbawa:

 Minata, matahin, mapangmata, nagpayong, nagpayungan, pinayungan, pagurin, ikinapagod, napagod, tumaas, taasan, batuhin,
nagbatuhan, binato

 Ang Morpema ay maaaring:


1. May Kahulugan Leksikal – kung ang salita ay pang nilalaman

Halimbawa:

 Pangngalang: aso, tao, sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag); (mosque,Tausug)
 Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo,tayo, kami, sila
 Pandiwa: mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin, umalis
 Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, palaaway, balat-sibuyas, marami, makapal, masipag, mapagmahal
 Pang-abay: kahapon, kanina, doon, diyan, madalas, araw-araw, bukas, madaling araw, takipsilim
2. Pangkayarian – walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging
makahulugan.

Halimbawa:

 Pang-angkop – na, ng
 Pangatnig – at, o saka, at iba pa
 Pang-ukol – tungkol sa/kay, ayon sa
 Pananda – ang, sa, si/sina, ni/nina, kay/kina
 Uri ng Morpema
1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman o leksikal. Ito ay binubuo ng mga pangngalan at panghalip bilang
nominal, pandiwa at mga panuring pang-abay at pang-uri
Hal: Aso- pangngalan
Maganda – pang-uri

2. Morpemang may kahulugang pangkayarian – walang kahulugan taglay hangga’t di naisasama sa iba pang morpema.
 Pananda – si , sina, ng, mga, ang, ang mga,
 Pang-angkop – na, ng
 Pang-ukol – ukol sa/kay, alinsunod sa/kay, sa, ayon sa/kay
 Pangatnig – at, subalit, datapwa’t, ngunit

3. Derivasyonal – ito ay morpemang pinaghahanguan o pinagmulan.


Hal: Awit (song) = mang-aawit (singer)
Sulat (letter) = manunulat (writer)

4. Infleksyunal – nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang panlapi sa pandiwa sa iba’t ibang
aspekto.
Hal: Kumain – Kumakain - Kakain

You might also like