You are on page 1of 5

Yunit 3 istruktura ng wika

1. Ponolohiya - makaagham na pag-aaral ng ponema Morpolohiya - ang pag-aaral kung paano binubuo
ang mga salita Sintaksis - pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap Semantika - ang pag-aaral ng mga
pagpapakahulugan ng isang wika YUNIT III: ISTRUKTURA AT KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO

2. PONEMAPONEMA - makabuluhang yunit ng tunog na “nakapagpapabago ng kahulugan” kapag ang


mga tunog ay pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita. Halimbawa: maestro- maestra abogado –
abogada tindero – tindera Angelito – Angelita

3. Ang wikang Filipino ay binubuo ng : 2 uri ng Ponema 1. Ponemang Segmental 2. Ponemang


Suprasegmental

4. 15 katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ, w, ˀ / / ˀ / -pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa


hangin / ŋ / - kumakatawan sa titik na /ng / Ang Filipino ay may… 21 Ponemang Segmental 5 patinig - /a,
e, i, o, u/

5. 2. Ponemang Suprasegmental 1. TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig
ng isang salita. Halimbawa: Ikaw. – (may katiyakan) Ikaw? –(hindi sigurado/nagtatanong) 3 Uri

6. 2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita. Halimbawa: BUkas - buKAS PIto -
piTO SAya - saYA Upo - uPO

7. 3. ANTALA - ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang
kaisipang ipinahahayag. Halimbawa: Bigkasin at huminto kapag nakita ang / . •Si Mark Anthony / at
ako // •Si Mark / Anthony / at ako //.

8. Halimbawa: Hindi siya si Jomar // Hindi / siya si Jomar // Hindi siya / si Jomar // Hindi ako ang
gumawa. // Hindi / Ako ang gumawa. //

9. - alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. - ang mga
diptonggo sa Filipino ay /y/ - ay, ey, oy, uy /w/ - aw, ew, iw, ow, uw DIPTONGGO

10. Halimbawa: /aw / agaw dalaw ibabaw lugaw ginaw kalabaw nakaw sabaw takaw dilaw halimaw
palayaw anahaw hikaw sabaw tanaw apaw galaw hilaw sitaw araw bughaw langaw ayaw ihaw sigaw
tunaw ikaw ligaw uhaw ginaw ilaw litawhataw kalabaw

11. Halimbawa: /iw / aliw sisiw baliw giliw paksiw

12. Halimbawa: /ay / bahay buhay tulay sabay palay tunay gulay kulay away bagay itay/inay panday alay
akbay patnubay paypay hukay lagay saklay pilay tangay tibay pantay lakbay husay sampay patay

13. Halimbawa: /oy / kahoy tuloy langoy daloy abuloy baboy kasoy palaboy taboy apoy simoy tukoy
amoy langoy unggoy biloy

14. Halimbawa: /ey / /uy / reyna aruy keyk baduy beyk beysbol
15.  Mga Tulang may Diptonggo Ibig kong marating ang abot ng tanaw, Ibig kong maabot ang langit na
bughaw Lupang malalawak sana ay malakbay, Dagat na malalim ay mapaglanguyan. Kaluluwa nati’t
buhay Sa Diyos natin iaalay Nang tayo ay makinabang Nang lubos na katuwaan Doon sa langit na bayan.

16. Paalam na sintang lupang tinubuan Bayang masagana sa init ng araw Edeng maligayang sa ami’y
pumanaw At perlas ng dagat sa dakong Silangan.

17. Kambal-Katinig /KLASTER - ay ang magkasunod na ponemang katinig sa isang pantig. - ito ay
maaaring makikita sa unahan, sa gitna o sa hulihang pantig ng salita.

18. Hal : (Kambal-Katinig / Klaster Unahan Gitna Hulihan drama iskwater rekord blusa eskwela tayp klerk
biskwit nars krema kongklusyon kart gripo sumbrero beys dyaryo klima kard plano pilantropo relaks

19. Pares - Minimal - pares ng salitang magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang
pinagkaiba ng kanilang kahulugan. - ginagamit ito upang maipakita ang pagkakaiba ng mga tunog na
magkakahawig ngunit magkaiba ang ponem at kahulugan.

20. Halimbawa: Pares-Minimal misa – mesa tila – tela oso – uso titik – titig Selya – silya Pepe – pipi ilog –
irog iwan- ewan

21. Ponemang Malayang Nagpapalitan - ito ang mga ponemang e, i, o, u na maaaring magkapalit ng
gamit ngunit walang nagbabago sa kahulugan.

22. Halimbawa: Ponemang Malayang Nagpapalitan e – i o - u babae – babai uso - usu lalake – lalaki guro
– guru bibe – bibi baso – basu bobo – bobu pito – pitu sampo – sampu

23. Halimbawa: Ponemang Malayang Nagpapalitan d – r madami – marami doon – roon madamut –
maramot dito – rito madungis - marungis

24. l r w y m b blusa d f g h k krus l p prutas r s t


n

25. MORPOLOHIYA - pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika. - pag-aaral ng
morpema /morfim

26. MORPEMA /Morfim - ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan Halimbawa:
makahoy–(2 morpema) ma(ang pagkakaroon) at kahoy

27. Mga Anyong Morpema / Morfim 1. Binubuo ng isang ponema. Ang ponemang a ay nauukol sa
babae. Gayundin, ang ponemang o ay nauukol sa lalaki. Ang morpema ay maaaring isang ponema.
Halimbawa nito ay ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaaring mangahulugan ng kasarian.

28. Halimbawa: doktor–doktora senador- senadora dekano- dekana senyorito – senyorita Taliwas: ang
mga ito ay para sa babae o lalaki: artista bata manggagawa manghuhula
29. 2. Binubuo ng salitang-ugat. -ito ay mga salitang payak gaya ng ganda, buhay, isa. Ito ay tinatawag
ding malayang morpema sapagkat may sariling kahulugan at makatatayong mag- isa. -mga payak itong
salita dahil walang panlapi.

30. 3. Binubuo ng panlapi. -maaaring unlapi, gitlapi o hulapi. -ang mga panlapi ay may sariling kahulugan
kayat bawat isa ay isang morfim /morpema.

31. Tukuyin ang mga uri ng panlaping ginagamit sa mga sumusunod na halimbawa: minata, matahin,
mapangmata nagpayong, nagpayungan, pinayungan pagurin, ikinapagod, napagod tumaas, taasan
batuhin, nagbatuhan, binato

32. Ang morpema ay maaari ring: 1. May Kahulugang Leksikal – kung ang salita ay pang nilalaman
Halimbawa: Pangngalan: aso, tao, sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon, vugi (itlog ng isda, Ibanag);
(mosque, Tausug) Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo, tayo, kami, sila

33. Pandiwa: mag-aral, kumakanta, naglinis, umawit, linisin, aakyatin, umalis Pang-uri: banal, maligaya,
palaaway, balat-sibuyas, marami, makapal, masipag, mapagmahal Pang- abay: kahapon, kanina, doon,
diyan, madalas, araw – araw, bukas, madaling araw, takipsilim

34. 2. Pangkayarian - walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang kayarian o
konteksto upang maging makahulugan. Halimbawa: Pang-angkop: na, ng Pangatnig: at, o saka, at iba pa
Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa Pananda: ang, sa, si/sina, ni/nina, kay / kina

35. Wastong Gamit ng mga Salita

36. may- ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nasa pangngalan Hal. May kompyuter sa kanilang
bahay. *ginagamit din sa pandiwa Hal. May naglilinis sa labas. *ginagamit din sa panghalip na paari
(akin, kanila) Hal. May lalaking naghihintay sa akin sa labas. 1. may / mayroon

37. mayroon - kapag ang sinusundang salita ay panghalip na palagyo Hal. Mayroon kaming palaisdaan sa
Bulacan. Mayroon siyang kotse. * kung sinusundan ng kataga o ingklitik Hal. Mayroon ba siyang
pasalubong?

38. 2. Ng / Nang ng (of) – gamit bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa Halimbawa: Ang dahon ng kahoy
ay malago. Nagsipilyo siya ng ngipin bago matulog.

39.  Ginagamit na pang-ukol na tagaganap ng pandiwa Halimbawa: Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa
kanilang bahay.  Ginagamit na pananda sa tuwirang layon na pandiwang panlipat Halimbawa: Nag-aral
siya ng leksyon para sa nalalapit na

40. nang- “when” Hal: Kumakain kami ng hapunan nang dumating ang mga panauhin.  Katumbas na so
that o in order to sa Ingles Hal: Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo ay makapasa Magsikap ka nang
ang buhay mo ay guminhawa.

41. 3. Na + ng / nang Hal: Kumain na ng lugaw ang batang maysakit. Kapag napapagitnaan ng dalawang
magkatulad na pandiwa Hal: takbo nang takbo ; sulat nang sulat, kain nang kain
42. 4. daw/din at raw/rin daw/din – kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa
malapatinig ma (y at w). Hal: May pangarap daw siyang makapagtrabaho sa Canada.

43. raw/rin -kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at (y at w). Hal: Sasakay raw sila sa
eroplano. Buhay raw ng asawa niya ang nakasalalay dito.

44. 5. Kung/ Kong Kung – ginagamit sa pangatnig na pasubali at karaniwang ginagamit sa hugnayan na
pangungusap. Hal: Kung aalis ka sasama ako. Matutulog ako kung papatayin mo ang ilaw.

45. kong – panghalip na panao Hal : Gusto kong manood ng sine. Pangarap kong makapagtapos ng pag-
aaral.

46. 6. Pahiran/Pahirin Pahiran – lagyan Hal: Pahiran mo ng langis ang kanyang paa. Pahirin - alisin o
tanggalin (wipe off) Hal: Pahirin mo ang mga luha sa iyong mata.

47. 7. Operahan / Operahin Operahan – tumutukoy sa tao hindi sa bahagi ng katawan Hal: Siya ay
ooperahan sa paggamutan. Operahin - tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawan Hal: Ang bukol sa
kanyang dibdib ay ooperahin.

48. 8. Subukan/ Subukin Subukan- malihim na pag- oobserba (to see secretly) Hal: Subukan nating
tikman ang kanilang pagkain. Subukin- pagsisiyasat sa lakas (to test or try) Hal: Subukin mong gamitin
ang kutsilyong iyan kung matalas.

49. 9. Walisan/Walisin Walisan- lugar Hal: Walisan natin ang ating silid-aralan. Walisin - tumutukoy sa
bagay na aalisin Hal: Walisin mo ang alikabok.

50. 10. Binasag/ Nabasag Binasag - sinadya Hal: Binasag niya ang baso sa sobrang galit. Nabasag - di
sinasadya Hal: Nabasag ang salamin dahil sa away nila.

51. 11. Pinto/ Pintuan Pinto – “door” Hal: May kumakatok sa pinto. Pintuan – “doorway” Hal: Huwag
kayong magsisiksikan sa pintuan.

52. Sintaksis / Sintaks / Palaugnayan -pagsasama- sama o pag-uugnay ng mga salita upang bumuo ng
pangungusap. -pag-aaral ng palatanungan, palabuuan at talasalitaan; -mga pagsasanay tungkol sa pagpili
ng maayos na pangungusap, na may isa lamang maliwanag na kahulugan.

53. Pangungusap Ayon saTungkulin 1. Paturol o Pasalaysay / Declarative - pangungusap na nagsasabi o


nagpapahayag ng isang bagay na paturol o pasalaysay. Ito ay maaaring nasa karaniwang ayos na gaya ng
mga pangungusap na sumusunod. Ang bantas na ginagamit sa pangungusap na pasalaysay ay tuldok

54. Hal: a. Siya ay tanghaling dumating. b. Maraming magagandang pook sa Pilipinas. Paturol o
Pasalaysay / Declarative

55. 2. Patanong/ Interrogative – pangungusap na nagtatanong ng isang bagay o mga bagay. Gumagamit
ng tandang pananong (?). Hal: Kailan ang kaarawan mo? Saan nagtungo si Kaye? Dadalaw ka ba sa
ospital?
56. 3. Pautos / Imperative - pangungusap na nag-uutos upang gawin ang isang bagay. Ito ay may
dalawang uri. Hal: Pedro, tawagin mo si Nene. Samahan mo si Lea, Pat.

57. Ang ikalawang uri ng pangungusap na pautos ay yaong nakikiusap na gawin ang isang bagay. Ang uri
ng pauos na ito’y karaniwang gumagamit ng panlaping ipaki at ng salitang maaari. Hal: Pakibigay mo nga
ang litratong ito kay Kathy. Maaari bang buksan mo ang pinto, Nelia?

58. 4. Padamdam / Exclamatory -pangungusap na nagpapahayag ng di- karaniwang damdamin. Ang


pangungusap na ito ay maaaring magpahayag ng malaking galak, takot, o galit, kaakit-akit. Ginagamitan
ng tandang padamdam (!). Hal: Mayaman na ako ngayon! Nakamit ko na ang tagumpay!

59. Mga Pangungusap na Walang Paksa

60. 1.Pangungusap na Eksistensyal - nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba
pa.Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Hal: May mga turista ngayon sa Baguio.

61. 2. Pangungusap na Pahanga -nagpapahayag ng damdamin ng paghanga. Hal: Kay gara ng bago mong
damit. Ang bait mo pala.

62. 3. Mga Maikling Sambitla - tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin. Hal: Aray! Aruy! Ay!

63. 4. Mga Pangungusap na Pamanahon - nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Hal: alas-tres malamig
ngayon umaaraw tanghali na

64. 5. Formulasyong Panlipunan -mga pagbati, pagbibigay-galang, at iba pa na nakagawian na sa


lipunang Pilipino. Hal: Magandang gabi po. Tao po. Mano po. Makikiraan po.

You might also like