You are on page 1of 6

1

MORPOLOHIYA O PALABUUAN
• Ang morpolohya ay tungkol sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng
pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng mga salita.
• Sa linggwistika, kilala din sa katagang palabuuan.
• Ito ay pag-aaral ng istraktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang mga
salita.

Morpema

• Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ibig


sabihin ng pinakamaliit na yunit ay hindi na maaari pang mahati nang hindi
nawawala ang kahulugan nito.
• Ito ay maaaring isang salitang-ugat o panlapi.

Halimbawa:

makahoy = ma + kahoy = [ma] = unlapi [kahoy] = salitang ugat


Ang unlaping [ma] ay nangangahulugang marami
makahoy = maraming kahoy
Kaya ang salitang makahoy ay may dalawang morpema – ang [ma] at [kahoy] dahil
bawat isa sa kanila ay may sariling kahulugan.

kahoy = hindi na mahahati sa ka at hoy (wala ng kahulugan)

mabahay = ma + bahay = [ma] unlapi [bahay] salitang-ugat


Ang unlaping [ma] ay nangangahulugang marami
mabahay = maraming bahay
Kaya ang salitang makahoy ay may dalawang morpema – ang [ma] at [kahoy] dahil
bawat isa sa kanila ay may sariling kahulugan.

bahay = hindi na mahahati sa ba at hay (wala nang kahulugan)

Anyo ng Morpema
Maaaring isang makabuluhang tunog o ponema, isang panlapi o isang salitang-ugat.

1. Morpemang binubuo ng isang ponema. ( /o/ , /a/ = naghuhudyat ng kasarian )


• Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila :
senador/ senadora; mayor/ mayora/director/direktora/propesor/propesora
• sa mga salitang nagtatapos sa o na nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang
nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae— barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at
iba pa.

Halimbawa:

direktor + [a] = direktora


Ang ponemang /a/ ay makahulugang yunit na tumutukoy ng `kasariang pambabae.’

propesor + [a] = propesora


doktor + [a] = doktora
2. Ang morpemang binubuo ng panlapi. (maaring unlapi, gitlapi o hulapi. Kombinasyon-
kabilaan/lagihan)

Ang mga panlapi ay may kahulugang taglay, kaya bawat isa ay isang morpema.
Sila ay dumadagdag ng kahulugan sa isang salitang ugat.

Halimbawa:
Ang pandiwang umawit ang um- ay nagsasaad na
`ginagawa ang kilos ng pag-awit.”

Ang mga panlapi ay tinatawag na di-malayang mga morpema dahil laging


inilalapi sa ibang morpema:
2
Halimbawa: mag- [maglaro], pag- [pagbili], i- [itapon], maka- [makakain],
atbp.
May mga panlaping di-magkarugtong: mag-….-an [magtawagan] na may
kahulugang “gantihang pagsasagawa ng diwang isinasaad ng pandiwang
sulat.”

3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat. Ito ay mga salitang payak at walang panlapi. Ang
salitang-ugat ay tinatawag na malayang morpema kung maaari itong makatayong
mag-isa.

Halimbawa:
sila, takbo, dagat, bili, siyam, kahon,
atpb. : takbo at bili sa tumakbo at binili.

Uri ng Morpema
1. Morpemang may kahulugang leksikal Leksikal- pangnilalaman (content morphemes)

Mga salitang panawag sa mga kongkreto at abstraktong bagay o pangngalan, salitang


panghalili sa mga pangnglan o panghalip, salitang –kilos o pandiwa, salitang
panlarawan o pang-uri, at mga pang-abay na nagsasabi ng panahon, paraan ng
pagsasagawa ng kilos, o nagtuturo ng lugar at iba pa.

• Pangngalan: tao,disket, bahay, pisara, papel atbp.


• Pandiwa: umawit, linisin, nagsisipag-alisan atbp. • Panghalip: tayo,
ako, siya, ikaw, kami, sila
• Pang-uri: mabait, banal, marami atbp.
• Pang-abay: doon, diyan, kahapon, atbp.

2) Morpemang may kahulugang pangkayarian


Pangkayarian – walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang
kayarian o konteksto upang maging makahulugan.
• Pang-angkop: na, -ng, -g
• Pangatnig: at, o, saka, at iba pa
• Pang-ukol: tungkol sa/ kay, ayon sa/ kay at iba pa
• Pananda: ang, ng, sa, si/sina, ni/nina, kay/kina, ay Halimbawa:
“Nagbasa ng tula sa programa ang mga estudyante.”
Analisis:
• Ang mga katagang ng, sa at ang mga ay walang tiyak na kahulugan kundi nagpapalinaw
ng kahulugan at gamit sa buong pangungusap.
• Ang ng ay nagpapakita ng kaugnayan ng nagbasa at tula; ang sa ay nagpapakita ng
kaugnayan ng tula at programa; at ang ang mga ay nagpapakitang ang sumusunod na
pangangalan ay nasa kauukulang palagyo.
Kailangan ang bawat isa sa kayarian ng pangungusap, kaya hindi puwedeng sabihing:
“*Nagbasa tula programa estudyante.”

Distribusyon ng mga Morpema


Ang mga morpema ng isang wika ay may mga tiyak na kaayusan o distribusyong sinusunod:
• Ang unlaping um- ay laging nasa unahan ng salitang-ugat na nagsisimula sa patinig: akyat
[umakyat].
• Ang gitlaping -um- ay laging nasa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig ng
nilalapiang salitang nagsisimula sa katinig: tulong [tumulong].

Kaya ang distribusyon ng isang morpema ay ang kabuuan ng kontekstong puwedeng


paggamitan nito sa wikang kinabibilangan. Ano ang gamit ng ng sa mga sumusunod na
pangungusap?

1. Nagtatanim ng gulay ang mga mamamayan. (pananda ng tuwirang layon)


2. Inani ng magsasaka ang mga bungang-kahoy na iyon. (pananda ng tagaganap ng
pandiwang balintiyak)

3
3. Yaring prinya ang barong Tagalog ng makata (panuring na paari)

Alomorp ng Morpema
Puwedeng magbago ng anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran at ito’y
tinatawag na alomorph.
• Ang morpemang [pang-] ay may tatlong alomorph: [pang-], [pam-] at [pan-]. May sariling
distribusyon ang bawat alomorph.
• Ginagamnit ang alomorph na [pang-] (walang pagbabago sa anyo) kung ang inuunlapiang
salita ay nagsisimula sa mga patinig o sa katinig, maliban sa /b/ o /p/ na para [pam-], at /d, l,
r, s. t/ para sa [pan-]:
pampito pangyarda pandikit
pambansa pangwalis pantaksi
• Tulad ng [pang-], ang panlaping [mang-] ay may mga alomorph ding [mang-], [mam-] at
[man-] gayundin ang [sing-]:
mambola manghabol manlalar
o
mamula mang-akit mandaya
simbilis singyaman sinlaki
simputi sing-alat sinsama
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya


ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing ponemang maaring makaimpluwensya upang
mabago ang anyo ng isang morpema. Ito yaong sinusundan ng morpema o ang sinusundan nito.

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon- ito ang mga pagbabagong nagaganap sa /ŋ/ sa pusisyong pinal dahil sa
impluwensya ng ponemang kasunod nito.

Dalawang uri ng asimilasyon

• Asimilasyong parsyal- karanniwang pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ at


nagiging /n/o/m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog.

Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/ ay ikinakabit sa isang


salitangugat na nagsisimula sa /p/o/b/, ang/ŋ/ ay nagiging /m/ ang /h/.

Mga halimbawa:

[pang] + paaralan = pampaaralan


[pang] + bayan = pambayan

Ang huling ponemang /ŋ/ naman ng isang morpema ay nagiging /n/ kung ang
kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d,l,r,s,t/.

Mga halimbawa:

[pang] + dikdik = pandikdik


[pang] + taksi = pantaksi

• Asimilasyong ganap- bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sap


unto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilalapiang sallita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.

Mga halimbawa:

[pang] + palo ----- pampalo -----pamalo


[pang] + tali ----- pantali ------ panali

4
May mga salitang maaring gamitan ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit may mga
salitang nakamihasnan ng gamitan lamang ng asimilasyong parsyal. Sa ibang salita, hindi na
nagaganap ang pagkawala ng unang ponema ng ikalawang morpemang isinasama sa pagbubuo ng
salita.
Mga halimbawa:

Yaong maaaring gamitan ng dalawang uri ng asimilasyon:

[pang] + kuha ------ pangkuha ----- panguha


[pang] + tabas ------ pantabs ------ panabas

Yaong hindi ginamitan ng asimilasyong ganap :

[pang] + bansa ----- pangbansa ----- pambansa (*pamansa)


[pang] + luto ----- pangluto ------ panluto(*panuto)

2. Pagpapalit ng ponema
May mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan, ang
ganitong pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin. . /d/ /r/

Ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng


ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.

Mga halimbawa:
ma + dapat ----- marapat
ma + dunong -----
marunong

May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung
ito ay hinuhulapian ng [an] o [in] ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/

Mga halimbawa:
lapad + an lapadan ---- laparan
tawid + in tawidin ---- tawirin

May pagkakataong ang pagkakapalit ng /d/ o /r/ sa pagitan ng dalawang patinig ay hindi
nakakaapekto sa kanyang kahulugan. Hal. Marunong at Madunong. Ngunit mas palasak ang
ikalawang anyo sapagkat ito ang lalong magaan at madulas bigkasin.

May pagkakataon rin namang ang pagkakapalit ng /d/ at /r/ ay nakakaapekto sa kanyang
kahulugan tulad ng madamdamin (full of feeling) at maramdamin (sensitive).

/h/ ----- /n/

Sa ilang halimbawa, ang /h/ ng panlaping /han/ ay nagiging /n/

Halimbawa:
tawa + han ----- tawahan ----- tawanan

/o/ ----- /u/


Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang ugat ay hinuhulapian o salitang inuulit ay
nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng mga
salita.
Mga halimbawa :
dugo + an ------ duguan
mabango ------ mabangung-mabango
3. Metatesis
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping [in], ang /i/ at
/n/ ay nagkakapalitan ng pusisyon.

Halimbawa:
-in- + lipad nilipad
5
-in- + yaya niyaya

May mga salitang nagkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng


pusisyon ng dalawang ponema.

Halimbawa:

atip + an ---- atipan ---- atpan tanim


+ -an ----- taniman ---- tamnan

4. Pagkakaltas ng Ponema

Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi nito.

Halimbawa:

takip + -an ----- takipan ----- takpan


kitil + -in ----- kitilin ------ kitlin

5. Paglilipat-diin

May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaring malipat ng isa o dalawang
pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahana
ng salita.

Halimbawa :

basa + -hin ----- basahin ka +


sama + han ----- kasamahan laro
+ an ------ laruan (lugar)
Pagsasanay

Tukuyin kung anung pagbabagong morpoponemiko ang nangyari sa salita. Asimilasyon,


Paglilipatdiin, Pagbabago ng Ponema, Pagkakaltas ng Ponema, o Metatesis.

1. pan- + talo = pantalo = panalo


2. lipad + -in- = linipad = nilipad
3. [la:pat] [-an] = lapa:tan
4. mang- + dukot = mangdukot = mandukot
5. [dakip] [-in] = dakpin
6. ma- + dumi = madumi = marumi
7. takip + -an = takipan = takpan
8. [kamit] [-an] = kamtan
9. [i:was] [an] = iwa:san
10. ma- + dapat = madapat = marapat

Mga Sagot

1. Asimilasyon
2. Metatesis
3. Paglilipat-diin
4. Asimilasyon
5. Pagkawala ng ponema
6. Pagbabago ng ponema
7. Pagkakaltas ng ponema
8. Pagkakaltas ng ponema
9. Paglilipat-diin
10. Pagbabago ng ponema

You might also like