You are on page 1of 13

APOSTOL, JORIELYN E.

BEED 1-A
FILIPINO REVIEWER

Kasaysayan at depinisyon ng wikang filipino 😊


Ano ang wikang Filipino?
- Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo, katulad ng iba pang wikang buhay, ang filipino ay dumaraan sa proseso sa
paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram.

7 dahilang kung bakit Tagalog ibinatay ang Pambansang Wika:

1. Higit na maraming panitikan ang naisulat sa Tagalog. Mas maraming libro at dyaryo ang
gumagamit ng Tagalog kumpara sa Ilokano at Bisaya.
2. Ginagamit ito ng nakararami. Maging ang hindi Tagalog ay ginagamit ito bilang "intermediary
language".
3. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng 30,000
salitang-ugat at 700 panlapi.
4. Ginagamit ito sa sentrong kalakalan.
5. Madali itong pag-aralan, matutunan at bigkasin.
6. Kaya nito pag-isahin ang iba't ibang linggwahe ng ating bansa. Para kasing organismo ang
wika. Nadadagdagan ang mga salita. Nababago sa pagdaan ng panahon.
7. Gumagamit ng Tagalog ang karamihan sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating
kalayaan.

Panahon ng mga Sinaunang Pilipino                      


- Ang mgakatutubong Pilipino ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbabaybay na mas
kilala sa tawag na “alibata”

Panahon ng mga Kastila

- Ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang
alpabetong Espanyol.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan

- Maraming nasulat na panitikan sa wikaing Tagalog – tula,sanaysay,kwento, at mga akdang


hitik sa damdaming Makabayan.

Panahon ng Amerikano                                               

- Ginamit ang Wikang Ingles  bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya


ang hispanisasyon ng mga kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.

Pebrero 8, 1935                                                               
- Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1935, ang magiging bagong wika ay ibabase sa mga
kasalukuyang katutubong wikang meron sa ating bansa.

Nobyembre 1936                                                            

- Batas komonwelt Bilang 184 – Surian ng Wikang Pambansa na naatasang pumili ng isang
katutubong wika na magiging batayan ng wikang pambansa.

Nobyembre 13, 1937                                                     

- Ang unang Pambansang Asemblea ang siyang bumuo sa institusyon ng wikang Pambansa.

Disyembre 30, 1937                                                       

- Sa pamamagitan ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon , ang wikang


Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940                                                                      

- Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at


isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.

Hulyo 7, 1940                                                                    

- Batas Komonwelt Blg. 570 – simula sa hulyo 4, 1946 , Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga
opisyal na wika ng bansa.

Marso 26, 1954                                                                 

- Inutos ni Pangulong Magsaysay ang taunang pagdiriwang ng Linggong wikang Pambansa.

Agosto 12, 1959                                                               

- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran
ng Edukasyon  ang Kautusang Blg.7.

1963 PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS


- Nilagdaan ni dating Pangulong Macapagal ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 na
nagsasabi na dapat awitin ang pambansang awit ng Pilipinas sa titik nitong Filipino.

Oktubre 24, 1967                                                             

- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang  na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan
ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso 1968                                                                        
- Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas – ang lahat ng pamuhatan ng liham ng
mga kagawaran at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

1973 SALIGANG BATAS, ARTIKULO XV, SEKSYON 3, BLG. 2


- Ang Saligang Batas ng 1973 ay dapat ipahayag sa wikang Ingles at Filipino (Mga wikang
opisyal). Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na adapsyon ng panlahat na Wikang Pambansa.
- Resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ang
Pilipino.

Hunyo 19, 1974                                                                

- Nilagdaan ni  Kalihim Juan Manuel ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para
sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal. 

Hunyo 30, 1976                                                                

- Department Memo no.194- Ang naturang revised Filipino Alphabet ay binubuo ng 31 na letra.

1987 Constitution                                                           

- Ang Wikang Pambansa ay Filipino.                                                                                      


- Ang Alpabetong Filipino ng 1987 at binubuo ng 28 na titik.

Agosto 25, 1988                                                               

Kautusang  Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana 


ng paglikha ng Komisyong Pangwika.

1997 PROKLAMASYON BLG. 104 


- Ang buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwang ng Wikang Filipino.

MGA PARAAN UPANG MALINANG ANG WIKANG FILIPINO BILANG


WIKANG AKADEMIKO
Ano ang Lingua Franca?
- Ang "lingua franca" ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba't ibang grupong
etnolingguwistiko

Nakabatay ang kapasidad ng pagpapayaman ng wika sa kakayahan nitong kumatawan sa mga


karanasang luwal sa lipunan.
1. Lumikha ng bagong salita mula sa bagong kaalaman

2. Magbanyuhay at umangkin ng mga bagong salita at katawagan para sa pagbabanyuhay ng mga


karanasang luwal ng dati at pinagyaman ng bago

3. Manghiram ng bagong salita mula sa hiram na bagong kaalaman.


Almario, 2001
- Ang pagkakakuha ng mataas na marka, ayon sa maraming pag-aaral, ay naiuugnay sa higit na
kakayahang makaunawa at makapagpahayag ng mga bata sa isang wikang kilala nila.

Naval, 2001
- Napatunayang may mahigit na mataas na marka ang mga mag-aaral na gumagamit ng wikang
Filipino sa pakikipagtalakayan sa klase.
- Marami nang mga guro sa kolehiyo at kursong gradwado ang gumagamit ng wikang Filipino sa
pagtututo ng kanilang klase sa iba"t ibang larangan--sining, agham, agham-pantao, agham
panlipunan

Peralejo, 1997
- Pinasinayaan na ni Huwes Cesar Peralejo ang halaga ng gamit ng wikang Filipino sa batas-
politika.

Zafra, Ed., 2001


- Sa karanasan ng mga gurong suba Yanga (Matematika), Bermujo (Industriya at Negosyo),
Hafalla (Agham) at iba pang guro, nakita nila ang bilis ng pagktuto at pagsasalin sa praktikang
aktuwal na karanasang ng mga konseptong ibinabahagi sa wikang sarili.

Salazar
- "Mainam na tanggapin muna ang Filipino at saka pag-ukulan ng sikap ang pagpapayaman
nito."

Bakit ito mainam na gawing gabay?


- Mabibigyan ng tumpak o katumbas na pagsasalin, pagpapalwak o pagtatakda ng kahulugan ng
katutubong parirala at paglikha ng bagong salita.
- Makikilala ang lawak at lalim ng wikang Filipino tulad ng anumang wika at ang kakayahan
nitong maging impukan at hanguan ng mga karanasang hindi likas na Pilipino.
- Maihahayag at maaangkin sa pamamagitan ng panghiram ng mga kataga at parirala.

ALFABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO


Ortograpiya
- Tawag sa paraan ng pagbibigay-simbolo sa wikang pasalita sa pamamagitan ng paraan ng
pagsulat.

Alpabeto
- Mga titik o letrang pamantayan sa pagbuo ng masistemang wika ng isang bansa.

Alibata/Baybayin
- Sinaunang anyo ng pagbibigay ng simbolo bago ang mga Kastila

BALARILA NG WIKANG PAMBANSA


- A Ba Ka Da E Ga Ha I La Ma Na Nga O Pa Ra Sa Ta U Wa Ya
- "Kung ano ang bigkas siyang sulat, kung ano ang tunog siyang titik, at kung ano ang sulat ay
siyang basa."

Pinagyamang Alpabeto (31) SWP ng 1976


- C Ch F J Ll Ñ Q RR V X Z

Alpabetong Filipino (1987)


- 28 letra na ang pagbaybay ay patitik
- A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z

Tuntunin sa Pagbabaybay ay Patitik


Salita / Pantig
Akronim
Daglat
Pang-agham na simbolo
Inisyal ng Tao/Samahan

Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa (2008)


- Pangkalahatang tuntunin ng paggamit, pagbaybay at panghihiram.

1. Nananatili ang tuntuning kung ano ang bigkas ng mga salita, iyon din ang sulat.
2. Panatiliin ang orihinal na anyo ng mga salitang buhat sa ibang katutubong wika sa Pilipinas
kapag babaybayin. Kung ano ang bigkas sa mga salitang iyon ng pinagkunang wika, iyon din
ang sulat batay sa palabaybayan ng parehong wika.
Halimbawa: Hadji, Ifugao, Cañao

3. Hanapan ng katumbas sa wikang pamban ang konsepto. Huwag manghiram.


Halimbawa:
Rule: tuntunin at hindi rul
Narrative: Salaysay at hindi narative
Persuasive: Panghikayat at hindi persweysiv

4. Maari ring hanapan ng katumbas sa mga lokal na wika ang konsepto. Huwag manghiram.
Hal:
Tarsier - Maomag o malmag/ Buot
Whale shark – Butanding
5. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita ayon sa mga sumusunod na tuntunin:
a. Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA kung walang wikang Espanyol ang pinaghiraman:
Hal:
Cebollas - Sibuyas
Psicologia – Sikolohiya
b. Panatilihin ang orihinal na anyo kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinaghiraman.
Hal:
Mommy
Sir
Girlfriend
Psychology
c. Ang mga salitang pantangi, panretorikal at pang-agham ay panatiliin sa orihinal nitong baybay.
Hal:
Manuel Luis Quezon
La Union
chlorophyll
sodium chloride
d. Ang mga hiram na salita na naiba na ang bigkas at/o kahulugan sa orihinal ay nararapat na
baybayin alinsunod sa ABAKADA:
Hal:
stand by - istambay
up here - apir
hole in - holen
e. Ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit ay nararapat pa ring gamitin.
Hal:
telepono, hindi telefono
pamilya, hindi familia o familya
epektibo, hindi efektibo o efektiv
f. Ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay ng mga hiram na salita ay iwasan.
Hal:
ponolohiya o palatunugan, hindi fonoloji
morpolohiya o palabuuan, hindi morfoloji
uri o barayti, hindi varayti
pasalaysay o naratibo, hindi narativ
pagbabago o rebisyon, hindi maaring revision

g. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas.


Hal:
Republika ng Pilipinas
Agham-panlipunan
DepEd

Ang Panghihiram ng mga Salita Mga Tuntunin sa Panghihiram.


Hinango ito sa 2001 revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ng
Komisyon sa Wikang Filipino sa pamumuno ni Dr. Rosario E. Maminta.

1.Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita.

a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Hiram na Salita - Filipino
Attitude - Saloobin
Rule – Tuntunin
Wholesale- Pakyawan

b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa.


Hiram na Salita– FILIPINO
Hegemony gahum (Cebuano)
Imagery haraya (Tagalog)
Muslim priest imam (Tausug)
Husband Bana (Hiligaynon)

c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, Ingles at iba pang wikang
banyaga at saka baybayin sa Filipino.

Halimbawa:
Kastila --- Filipino
Cheque tseke
Liquido likido
Quilates Kilatis

English --- Filipino


Centripetal sentripetal
commercial komersyal

Iba pang Wika Filipino


coup d’etat (French) kudeta
kimono (Japanese) kimono
blitzkrieg (German) blitskrig

2. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V, Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon sa mga
sumusunod na kondisyon.
a. Pantanging ngalan (TAO, LUGAR,GUSALI, SASAKYAN, PANGYAYARI)
Hal. Quirino, Lindol, Honda

b. Salitang teknikal o siyentipiko


hal.
Enzyme
Quartz
x-ray
zoom

c. Salitang may natatanging kahulugang kultural


Cañao (Ifugao) – pagdiriwang
Senora (Espanyol) – ale

d. Salitang may irregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas o
ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.
Halimbawa:
Bouquet
Champagne

e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit


Halimbawa: tax, exit, fax

3.Gamitin ang mga letrang F. J, V. Z para katawanin ang mga tunog, /f/, /j/, /v/, /z/ kapag binabaybay
sa Filipino ang mga salitang hiram.
Halimbawa:
Fixer-fikser
Subject-sabjek

4.Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.


Halimbawa:
Cornice
Cell
Varayti at Varyasyon ng Wika: Heograpiya, Teorya, at Praktika

VARAYTI- Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay
heterogeneous o nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na
tinitirahan, interes,gawain, pinag- aaralan at iba pa.

VARYASON- Sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng tao at ito ay
nagreresulta ng pagkakaiba- iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.

DALAWANG URI NG VARAYTI


Permanente – likas na gamit at linang sa sinumang tapagsalita o tagabasa
➢ Dayalekt, Idyolek, Etnolek, Ekolek

Pansamantala – nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.


➢ Sosyolek, Register , Pidgin, Creole

PERMANENTENG VARAYTI
DAYALEK – Wikang subordineyt ng isang katulad ding wika. Ginagamit ito sa tiyak na lugar o rehiyon.
Halimbawa:
Cebuano – Gihigugma ko ikaw
Waray – Maupay nga adla
Hiligaynon – Nagakadlaw na siya

IDYOLEK – ang wikang tipikal/ pangkaraniwang ginagamit ng isang tao; ang personal na “wika” ng
isang tao.
Halimbawa:
Marc Logan
Arnold Clavio
Noli de Castro

ETNOLEK - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.
Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito
ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Halimbawa:
Pakbet
Malong
Law oy

EKOLEK – Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang
madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang
araw-araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa:
Palikuran – banyo o kubeta
Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
Pamingganan – lalagyan

PANSAMANTALANG VARAYTI
SOSYOLEK – Nakabatay ang pagkakaiba nito sa katayuan istatus ng isang gumagamit ng wika sa
lipunang kanyang ginagalawan
Halimbawa:
Wa facelak girlash mo
Sige ka, jujumbagin kita!
Repapips, ala na ako datung eh.

REGISTER - Anyo ng wika batay sa uri at paksa ng talakayan o larangang pinag-uusapan, sa mga
tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik o factor .
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Halimbawa:
Talakayan sa klase ng International Affairs
Talakayan sa klase sa Filipino
Klase sa Law School
PIDGIN – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native
language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa
ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-
shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Halimbawa:
Ako kita ganda babae.
Kayo bili alak akin.
Ako tinda damit maganda.
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado.

CREOLE – Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalohalong salita ng indibidwal, mula
sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Ito ay
pinaghalong iba’t ibang wika.
Halimbawa:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga

MODA - Paraan ng pagpapahayag (pasalita ba o pasulat?)


May mga pagkakaiba ang paraang pasalita at pasulat.
Mas mahigpit ang pagpapatupad ng mga tuntuning gramatikal sa paraang pasulat at mas maluwag
naman ang paraang pasalita (bagamat sa internet, lalo na sa mga social networking site, maluwag.
HALIMBAWA MODANG PASALITA
E1: Kain na tayo.
E2: Tara. San?
E1: Sa resto.
E2: San nga e?

ESTILO - Kung pormal ang pagtitipon/meeting, pormal din ang wika.


Kung simpleng talakayan o tsismisan lang, impormal o casual ang wika (lalo kung ang kausap ay
malapit na kaibigan).
Batay sa kausap at/o sa okasyon, nagbabago ang antas ng pormalidad ng wika.

Ang Dimensyong Heograpiko- ay ang wikang ginagamit saisang partikular na rehiyon, lalawigan o


pook, malaki man o maliit.
Halimbawa: Cebuano/Bisaya sa Cebu, Canadian/American English,

Ang Dimensyong Sosyal- ay tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga
pangkat panlipunan.
Halimbawa:Wika ng mga LGBT community, wika ng mga matatanda
PILOSOPO
Sapir (1949) - ang wika ay isang instrumento o kasangkapan.
Saussure (1915)- ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang tagapagsalita, umiiral ito sa loob ng isang
kolektibo.

DIALECTOLOGY (pag-aaral ng wika)


Sikolohiko
-Ang palagay na may sapat na kaalaman ang estudyante o guro ng wika sa konsepto ng varayti
- pagkakaroon ng isang wikang pambansa o lingua franca
-Tagalog ang batayan ng wikang pambansa

AYON KAY SAUSURE Ang wika ay binubuo ng;


Signifier (langue) - Isang kabuuang set ng mga pangwika.
Signified (parole) - Gamit ng wika sa pagsasalita.
(words are signifier of the signified) Ang salita ay ginagamit ng tagatukoy ng tinutukoy.

Dayalek- ang tawag sa pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika.


Idyolek- ang pagkakaibang ito ay nakabase sa partikular na gamit ng isang tao o individwal sa kanyang
wika.
Sosyolek- nakabatay ang pagkakaibang ito sa katayuan o istatus ng isang gumagamit ng wika sa
lipunang kanyang ginagalawan– mahirap o mayaman; may pinag-aralan o walang pinag- aralan; ang
kasarian.
Rejister- nagkakaroon ng iba’t ibang anyo ang wika batay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga
tagapakinig o kinakausap o kaya ay sa okasyon at sa iba pang mga salik.

Ano ang jargon?


- Ang jargon ay lupon ng mga salita na karaniwang naririnig lamang sa isang eksklusibong
grupo. Ito ay mga salitang teknikal na hindi madaling maunawaan ng mga nkararami, depende
na lamang kung siya ay pamilyar o bahagi sa larangan ng grupo.

Pedagohikal
- May papel ang mga estudyante sa paglinang sa wika.
- Pagkakaroon ng interaktibong pag-aaral ng wika.
- Pagkakaroon ng pambansang wika.

Scholarship
- Pagsasaliksik ng guro at estudyante ukol sa mga varayti ng Wikang Pambansa.

Ang heterogeneous at homogeneous na wika


- Ang pagiging homogenous o heterogenous ng isang wika ay tumutukoy sa pagkakaroon ng
iisang porma o estandard na anyo nito o kaya tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang porma  o
kaya ay pagkakaroon ng iba't ibang porma o barayti.

Heterogeneous Na Wika      
- Nag-uugat ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ng
kani-kanilang tirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Ito ay nagtataglay o binubuo ng
magkakaibang kontent o elemento.

Ang Homogeneos na Wika


- Ito ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit nito.  Sinasabi ang
pormal na wika na iba sa inimbentong wika.
Sa perspektibong sikolohiko, ang batayan ay ang palagay na may sapat na kaalaman ang estudyante
at guro sa konsepto ng varatyi ng wikang Filipino at ang pulitikal na kasaysayan ng pag-unlad nito.

Nababatay sa teorya ng akomodasyon ni Giles ang linguistic divergence at convergence sa SLA o


Second Language Acquisition.

BATAYANG KAALAMAN SA KOMUNIKASYON


KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON?
- Ito ay transmisyon ng signal na mula sa isang tao patungo sa iba.
- Ang komunikasyon ay paraan ng pagbibigay, paglilipat o pagsasalin ng impormasyon, ideya,
kaalaman, pilosopiya, prinsipyo, opinion, katalinuhan, balita at iba pang kaalamang
pangkaisipan, pandamdamin at niloloob ng tao sa anumang paraan na nais gamitin. Ang tao
ay mapamaraan sa paghahatid ng kanyang mensahe, maaaring gumamit ng wika o ng ibang
paraan (Rodrigo 2001).
- Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa
nakikinabang nang walang lamangan (Atienza et. al. 1990).
- Ang masining at mabisang pakikipagtalastasan/komunikasyon ang proseso ng pagbibigay
(giving) at pagtanggap (receiving), nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga
impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at damdamin. Nagbubunga ang ganitong
pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan (E. Cruz et. al. 1988).

KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON:
- Ang komunikasyon ay napakahalaga sa buhay ng isang tao gayon din sa bansang kanyang
kinalalagyan.
- Sa kasalukuyan, ang kapangyarihan ng komunikasyon ay damang-dama sa anumang
larangan sa buhay, maging ito man ay sa:
HAL: *karaniwang usapan *sa pamilya *sa propesyon *sa pamahalaan *sa lipunan

TRANSAKSYUNAL NA PROSESO: SANGKAP AT PROSESO NG KOMUNIKASYON


May mga elemento o komponent upang magkaroon ng komunikasyon:
1. Konteksto- Ito ay tumutukoy sa kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon.

Limang elemento sa dimension ng komunikasyon:


Kontekstong Pisikal
Kontekstong Sosyal
Kontekstong Pangkasaysayan
Kontekstong Kultural
Kontekstong Sikolohikal

2. Kalahok- Tumutukoy sa mga taong kasali sa komunikasyon.


3. Mensahe- Tumutukoy ito sa pinag-uusapan o paksa ng mensahe, ideyang gustong ilipat sa
pamamagitan ng wasto at tamang wika at kilos.
4. Midyum o Daluyan- Ito ay tumutukoy sa daluyan o daanan ng inihahatid na mensahe.
5. Fidbak o tugon- Ito ay tumutugon sa sagot o tinanggap na mensahe.
6. Ingay- ang ingay ay may epekto rin sa komunikasyon. May mga panlabas at mga panloob na ingay.

MGA MABISANG PANUNTUNAN NG KOMUNIKASYON:


1. Kailangan tiyak ang layunin at may malinaw na dahilan ang komunikasyon.
2. Ang mabisang komunikasyon ay maliwanag, malinaw, at wasto. Kailangan tiyak ang gamit ng
salita upang malinaw na maihatid ang mensahe.
3. Kailangan maging tapat, mapamaraan, at masining ang pakikipagkomunikasyon.
4. Kailangan tiyak ang paksa, tuwid at payak upang maunawaan ang mensaheng ipinaaabot.
5. Mahalagang malaman ang bilang ng tagapakinig o tagatanggap ng mensahe, kung sino at ano
ang mga tagatanggap.
6. Mahalaga ring malaman ang paniniwala, gawi at interes ng mga tagatanggap upang
maiangkop at maging kawili-wili sa tagapakinig.
7. Kailangan nakahandang humarap sa mga suliranin o sagabal na maaaring lumitaw sa
panahon ng kumyunikasyon. .

KOMPONENTS NG KOMUNIKASYON:
Batay sa pagaaral ni Dell Hymes, binuo niya ang akronim S.P.E.A.K.I.N.G upang lalong mabisa at
wasto ang komunikasyon.
S- Setting - Saan naguusap?
P- Participants - Sino ang kausap?
E- Ends - Ano ang layunin sa paguusap?
A-ACT OF SEQUENCE - paano ang takbo ng usapan?
K- Keys - Pormal ba o impormal ang usapan?
I-Instrumentalities – Ano ang midyum ng usapan?
N- Norms - Ano ang paksa o topic ng usapan?
G- Genre - Kailangan mabatid ng kausap kung siya ay nagpapaliwanag o nakikipagtalo o
nagsasalaysay.

Verbal na komunikasyon
- Ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin o saloobin,
paraang pasalita man o pasulat.

Di-verbal na komunikasyon
- Ito ang komunikasyon na hindi naipapahayag sa pamamagitan ng wika o salita ngunit
naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha,
simbolo at iba pa.

Mga uri ng Di-verbal na komunikasyon:


Ekspresyon ng mukha
Pandama (sense of touch)
Galaw o kilos (body language)

Batay sa pag-aaral nila Ruesch at Bateson at iba pang dalubwika ay may pitong antas ang
Komunikasyon. Ang proseso ng komunikasyon ay nagaganap sa loob ng iba’t ibang antas:
Intrapersonal na Komunikasyon (Pansarili)- Ito ang komunikasyong pansarili. Nagaganap sa
isang indibidwal lamang.
Interpersonal na komunikasyon (Pang-iba)- Ito ang komunikasyong nangyayari sa dalawa o
mahigit pang tao.
Komunikasyong pampubliko- Isinasagawa ang komunikasyong ito sa harap ng maraming
mamamayan o tagapakinig.
Komunikasyon na Pangmasa- Ito ay komunikasyong gumagamit ng mass-media, radio,
telebisyon at pahayagan.
Komunikasyon na Pang-organisasyon- Ito ang komunikasyon na nangyayari sa loob ng mga
organisasyon o samahan.
Komunikasyong Pangkultura- Ito ang komunikasyon para sa pagtatanghal o pagpapakilala ng
kultura ng isang bansa.
Komunikasyong Pangkaunlaran- Ito ang komunikasyon pangkaunlaran tungkol sa industriya,
ekonomiya o anumang pangkabuhayan, pangkaunlaran sa lahat ng larangan sa buhay.

MODELO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON


PINAGMULAN > ENCODE > MENSAHE > DECODE > TUMANGGAP > FEEDBACK

MODELO NI ARISTOTLE
- Linear
Tagapasalita > Argumento > Pananalita > Tagapakinig

MODELO NI CLAUDE SHANNON AT WEAVER


Ayon sakanila, lima ang sangkap ng komunikasyon.
PAGPASOK NG INGAY:
1. Pinanggagalingan
2. Tagapaghatid (transmitter)
3. Senyas o Kodigo
4. Tagatanggap ng paghatid (receiver)
5. Distinasyon

 Modelo ni Berlo- May apat na element ng komunikasyon.


1. Pinagmumulan
2. Mensahe
3. Tsanel
4. Tagatanggap 

Modelo ni Wilder Schrama- Ayon sakanya ay tatlo rin ang elemento ng komunikasyon.
1. Ang pinanggagalingan
2. Ang mensahe
3. Ang distinasyon

Modelo ni Swanson at Marquard (1974)


1. Pinanggagalingan (mensahe-sumulat/nagsasalita)
2. Ideya o mensahe
3. Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)
4. Paraang paghahatid (limbag, alon ng hangin, pahatid-kawad)
5. Tumanggap ng mensahe (bumasa o nakinig)

You might also like