Professional Documents
Culture Documents
Disyembre 30,1937
- Iprinoklamang ang wikang tagalog ang magiging batayan ng wikang
pambansa, magkakabisa ang proklamsyong ito dalawang taon matapos
itong mapag tibay.
1940
- Ipinagutos ang pagtuturo ng wikang pambansa sa ika- apat na taon sa
lahat ng pampubliko at pribadong paaralan at sa mga pribadong
institusyong pasanayang pang guro sa buong bansa.
Hunyo 4,1946
- Nagkabisa ang batas komonwelt Blg.570 na ipinagtibay ng pambansang
asembleya noong Hunyo 7,1940 na nagproklama na ang wikang
pambansa na tatawaging wikang pambansang Pilipino ay isa nang opisyal
na wika.
1959
- Ibinaba ng kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang kautusan
pangkagawaran Blg.7 na nagsasaad na ang wikang pambansa ay
tatawaging Pilipino upang mailagan na ang mahabang katawagang
“Wikang Pambansang Pilipino’’ o ”Wikang pambansa batay sa tagalog”.
March 12,1987
- Sa isang Order ng pangkagawaran Blg. 22,1987 sinasabing gagamitin
ang Filipino sa pagtukoy ng wikang pambansa na nagsasaad “Ang
Wikang Pambasa ng Pilipinas ay Filipino”. Ito ay hindi pinaghalu halong
sangkap mula sa ibat ibang katutubong wika; bagkus, ito’y may nucleus,
ang pilipino o tagalog.
Ayon sa pag-aaral ng SWP, may 7 dahilang kung bakit Tagalog ibinatay ang
Pambansang Wika:
Dayalek
- ang tawag sa wikang ginagamit sa isang partikular na pook o lugar, maliit man o
malaki. Ito ang unang wika na nakagisnan natin sa ating tahanan. Kadalasan itong
ginagamit ng ating mga magulang at iba pang mga miyembro ng ating pamilya.
Ito rin ang mga salitang namumutawi sa bibig ng mga karaniwang tao sa ating
sambayanan. Dahil din sa mga iba’t-ibang aspetong sosyal, heograpikal at temporal,
tayo ay nagkaroon ng baryasyon ng dayalekto. Halimbawa nito ay ang wikang Tagalog
may napakaraming baryasyon ayon sa heograpiya:
Tagalog ng Batangas – Ala e, ang bait naman niya!
Tagalog Nueva Ecija – Kainam-naman ng ugali niya.
Tagalog Pangasinan – Ang bait niya eh.
Sosyolek
-ang tawag sa isang uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na propesyon o ng
anumang pangkat na kinabibilangan ng mga iba’t-ibang indibidwal. Sa mga wikang ito
may mga salitang pormal at ang mga iba naman ay di-pormal.
Pormal ang tawag sa mga wika na gamit ng mga propesyonal o yung may mga mataas
na natatapos tulad ng mga guro, doktor, nars at enhinyero. Di-pormal naman sa mga
salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao sa lipunan. Kadalasan sa mga
wikang ito ay kusa ring nawawala sa sirkulasyon kapag ito ay luma na at napagsawaan
na ng mga gumagamit nito.
Mga Halimbawa ng Sosyolek
1.) Pro Bono Serbisyo
2.) Takdang Aralin
3.) Asignatura at kurikulum
4.) Astig
5.) Tapwe
6.) Mustah po
7.) Chx
8.) Boom Panes!
9.) Churva
Etnolek
-ang tawag sa wika na gamit ng mga katutubo ang mga tinatawag ng mga
etnolinggwistikong mamamayan. Ang Pilipinas ay nabibilang sa mga bansa na may
maraming pangkat etniko. Halimbawa nito ay ang mga T’boli, Mangyan, Tausog, Ibaloi,
Kankanaey, Gaddang at iba pa.
Etnolinggwistang grupo ang tawag sa mga tao o indibidwal na may halos pare-
parehong kultura at pananaw sa buhay. Dito man sa atin o sa iba pang karatig na
bansa sila ay may kanya-kanyang etnolek na wika na animo’y salitang ibon na sila
lamang ang pawang nakakaintindi.
Pidgin
-Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s
native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag
uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit.
Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika
lamang.
Mga Halimbawa ng Pigdin:
Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan
kita ng diskawnt.)
Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas
ang iyong grado.)
Creole
– mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng
indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng
partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang
Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at
Espanyol (ang Annobonese).
Mga Halimbawa ng Creole:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Di donde lugar to? – Taga saan ka?
Buenas dias – Magandang umaga
Buenas tardes – magandang hapon
Buenas noches – Magandang gabi
Register
– minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng
isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Mga Halimbawa ng Register:
Mga salitang jejemon
Mga salitang binabaliktad
Mga salitang ginagamit sa teks
Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor
Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at
nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.
Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang
bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa
maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.
ANTAS NG WIKA
Pambansa
- isang wika na kung saan ay opisyal na naisabatas para gamitin sa buong
bansa.
Pampanitikan
– nasasalamin sa paggamit nito ang husay ng gumagamit tulad ng pagsulat ng
obrang pampanitikan , talumpati at maging sa mga talakayan.
Lalawiganin
– ang ginagamit na wika sa ma tiyak at partikular na pook at lalawigan. Makikita
ito sa pagkakaiba ng mga punto o tono sa pagsasalita.
Kolokyal
– ito ay mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal , na karaniwan
sa pakikipag- usap sa tahanan , kaibigan at paaralan.
Balbal
– itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika. Katumbas ito ng slang sa
Ingles. Nalilikha ito ng mga grupo ng tao upang magsilbing koda sa kanilang
pag- uusap.
LINGGWISTIKA
ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang dalubwika (o lingguwista) ang mga
dalubhasa dito. Maaaring isadiwa ang pag-aaral ng linguistika sa tatlong malalaking
aksis, isinisalarawan ang kanyang mga dulo ng sumusunod:
Pagsusuri sa palawikaan
Sinkronika at diakronika (synchronic and diachronic) - Binabahala ng sinkronika na
pag-aaral ng wika ang kanyang anyo sa isang bigay na sandali samantala
sinasakop ng diakronika na pag-aaral ang kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at
ang pagbabago ng kayarian sa paglipas ng panahon.